Share

Chapter 7

KENT

Walang tigil ang pagpatak ng aking pawis. Kasabay nito ang wala ring tigil na pagbuhos ng ulan. Animo'y bumabagyo at kung meron man, kasing lakas ng numero 9 ng electric fan ang hangin na ngayo'y tumatama sa mukha ko.

Nasa tuktok ako ng isang bundok ngayon kaharap ang isang higanteng leon. Ang mga pangil niya ay kasing laki ng mga braso ko. Kalahati lang ang katawan ko sa mga paa niya. 

Gayunpaman, handa akong labanan siya gamit ang maliit na patpat na hawak ko ngayon. Tumatakbo na siya papalapit sa akin at ganon din ako. Nakakabingi ang kanyang sigaw at iyak. Tila gusto na niya akong kainin. Akmang lalamunin na niya ako ngunit napagtigil ang aming labanan ng marinig kong may umaawat sa amin.

"Huy!" tawag ng isang babae. "Huy, Christine, you are spacing out!" Sabi niya ng pabulong kaya nagtaka ako.

Ano raw? Christine? Ay, oo nga pala, nasa katawan ako ni Christine ngayon. Nang lumingon ako sa babaeng tumatawag sa akin, biglang nag-iba ang paligid at nakita kong nakaupo na ako ngayon sa classroom.

"Hay nako. Lumilipad ba ang utak mo o hindi mo lang talaga narinig?" Sabi sakin ni Bea, yung kaibigan ni Christine pero hindi ko masyadong maintindihan yung sinasabi niya.

"H-ha?"

"Get one and pass daw sabi ni ma'am," sabi niya at iniabot sa akin ang ang mga papel. Oo nga pala, may worksheet kami ngayon sa Economics. Kumuha na ako ng isa at ipinasa na ang sobra sa iba.

Mabilis ko naman itong nasagutan at kahit papaano, hindi naman ako nahirapan. Madali lang naman 'to at common sense lang ang ginagamit sa pagbubudyet at paggastos. Meron na akong 31 sure answers out of 40 items kaya pasado na.

Pagkatapos ng economics ay naghiwalay na kami ni Bea. Free time kasi yung nasa schedule pagkatapos ng Economics. Pero sabi ni Christine sakin na pagkatapos daw ng Economics ay dumiretso raw ako sa press room kasi may meeting daw ang mga staff ng school paper. Hindi naman ako naligaw kasi alam ko na kung saan ito kasi araw araw ko inaabangan si Christine dito lagi.

"Alright. Andito na si Ms. Del Rosario, shall we start?" sabi nung isang teacher na medyo matanda na. Siya ata si Mrs. Villarin, yung school paper adviser. Umupo na ako sa gitna at nagumpisa na ring magsalita si ma'am.

"I won't beat around the bush okay? Ang St. Luiz High and pinili ng National Campus Journalism Club para magsubmit ng sandamakmak na straight news entries tungkol sa mga recent issues sa bansa," sabi niya. Sadyang nakinig naman ako pero wala talaga akong maintindihan sa mga pinagsasabi niya. Napagkasunduan naman namin ni Christine na irereport ko nalang sa kaniya yung mga napagusapan sa meeting kaya di naman siguro necessary na maintindihan ko pa ang mga ito.

"For today, kayong 7 ay bibigyan ko ng issue. I want you all to cooperate. I will give you only 20 minutes para tapusin ang ipapagawa ko sa inyo, understood?" sabi niya.

Hala lagot!

Agad naman niyang idinistribute yung mga maliliit na papel na naglalaman ng daw ng topics. Kumuha naman ng mga yellow pads yung mga kasama ko kaya kumuha na rin ako pero laking gulat ko ng maalala kong naiwan ko pala sa arm chair kanina yung yellow pad.

"Pwede manghingi ng isa?" sabi ko dun sa katabi ko. Bumunot naman siya ng papel pero parang iniirpan niya ako. May ginawa ba akong mali?

"Ayan, dalawa yan. Para sa first draft mo yung isa," sabi niya tsaka iniabot sa akin.

Nagumpisa na silang lahat na magsulat pero heto ako, walang alam sa gagawin. Ni hindi ako marunog gumawa ng news article. Yung project kasi naman sa grade 8, nagpagawa lang ako nun.

Habang tumatakbo ang oras, nararamdaman ko na parang naiihi ako. Kung idahilan ko na lang kayo 'to tapos sabihin ko na iihi muna ako tapos 'di na ako babalik?

Lumipas na ang 20 minuto at isa isa na silang tumayo para pumasa. Heto naman ako, pangalan lang ni Christine yung naisulat. May erasure pa kasi Kent sana yung mailalagay ko. Lintek naman oh.

"Oh, Ms. Del Rosario? Aren't you done yet?" Tanong sakin ni Ma'am. Mukhang ako nalang ata yung di nakapasa.

"N-not yet ma'am," sabi ko naman.

"It's alright. Just let me know your headline first?" sabi niya.

Huh? Ano daw? Ano yung headline?

Hindi naman na ako nakasagot kaya lumapit siya sa akin.

"Jusmiyo, Christine! Pangalan pa lang ang naisusulat mo?" Tanong niya na parang nabigla. Nabigla din yung mga kasama ko habang natawa naman yung iba.

Hindi na ako nakasagot saka napayuko nalang.

"Kanina ko pa ito nahahalata ha, there's something wrong with you," sabi naman ni ma'am na nagpakaba sa akin.

"Are you sick?" Tanong niya.

Agad naman akong tumayo at nagdahilan. "May I go to the restroom po?"

"Sure."

"Thank you po," sabi ko naman tsaka tumayo na.

"W-wait!" Pagpigil sa akin ni ma'am.

Agad siyang lumapit sa akin at parang may tinignan sa likod ko.

"Now, I understand Christine. I'll consider it for now. You may have that news article as a homework. Pwede ka ng hindi bumalik," sabi niya.

Hindi ko alam kung bakit niya sinabi iyon pero natuwa naman ako. At least, hindi ko na kailangang gumawa ng isa pang dahilan kung bakit hindi ko magawa yung article. Nagpasalamat naman ako sa kaniya ng isa pang beses tsaka kinuha na yung bag ko tsaka umalis.

Papunta ako ngayon sa CR kasi kanina pa talaga ako naiihi pero parang ang bigat sa pakiramdam. Ganito ba talaga ang pakiramdam pag naiihi yung babae? Parang ang bigat tapos medyo malagkit.

Habang naglalakad ako, napansin ko ang mga tao na nakatingin sa likod ko. Yung iba ay parang concerned yung mukha habang yung iba naman ay natatawa. Ano bang problema nila? Hays. Imposible namang nagwagwapuhan sila sakin ngayon kasi wala naman ako sa katawan ko.

Hindi ko na lamang sila pinansin at dumiretso na sa paglalakad. Nang makarating na ako sa CR, agad na akong pumasok sa female's restroom. Nakita ko ang 3 babae na nagpopowder. Awkward man at medyo natatamaan ang dignidad ko bilang lalaki, masasanay din siguro ako nito.

Hind pa ako tuluyang nakapasok sa cubicle nang marinig kong biglang sumigaw ang 3 babae.

"Hoy! Manyakis ka!"

"Bastos, bakit ka nandito sa CR ng mga babae".

"Bawal ka dito! Lumabas ka!" sigaw ng mga babae. Dahan dahan akong lumingon sa kanila at nagulat ako ng makita ko ang sarili ko na siyang sinisigawan nila.

Si Christine! Baka nakalimutan niya na nasa loob ng katawan ko siya ngayon.

"Sorry girls. Malabo na kasi ang paningin ko," saad niya at mabilis na tumakbo papalabas. Lagot na naman yung imahe ni Kent Cruz hays.

Pinigilan ko na muna yung ihi ko tsaka mabilis na sinundan siya sa labas. Nakapasok na pala siya kaya hihintayin ko nalang siyang matapos. Hindi naman ako pwedeng pumasok sa CR ng lalaki kasi baka ako naman ngayon ang masigawan.

Nakita kong lumabas na siya kaya agad akong kumaway sa kaniya. Nang makalapit na siya sa akin ay agad akong nakaramdam ng pagbabago. Yes! Sa wakas, nakabalik din ako sa katawan ko.

"May kasalanan ka sakin babe," sabi ko sa kaniya at nagsmirk.

"Excuse me? Ano naman iyon aber? May nagawa pa nga ako ngayon para sayo sa math class mo eh. At diba sabi ko, huwag mo akong tatawagin niyan," sabi niya.

"A-anong ginawa mo para sakin?"

"Ano muna yung kasalanan ko!"

"Eh pumasok ka sa ladies' Restroom eh!" sabi ko sa kaniya kaya napayuko nalang siya. Nahihiya siguro siya ngayon.

"Hindi ko naman yun sinasadya eh," sabi pa niya at nagpout.

"Nako, nagpapacute ka lang eh para mapatawad kita," sabi ko naman.

"Yuck! Bakit naman ako magpapa---," hindi niya na natapos yung sinabi niya. Lumaki yung mga mata niya at parang nagulat siya bigla.

"Bakit?" Tanong ko.

"Bakit malagkit yung feeling ko ngayon?" Tanong niya na parang nagugulat pa rin.

"Ewan ko. Ang akala ko nga, ganyan kayong mga babae pag naii---," hindi ako natapos magsalita kasi agad siyang sumingit.

"May something?" Tanong niya sakin sabay talikod at ikinagulat ko naman ito. "Meron ba?" Paguulit pa niya na medyo pasigaw.

"Huwag kang mabibigla ha," panimula ko.

"T-tinagusan ka yata," sabi ko kaya mabilis siyang napasigaw. Tinakpan ko naman yung bibig niya para wala ng ibang taong maka notice. Sh*t. Bakit hindi ko 'to narealize.

"Oo nga pala. Hindi kasi kita nawarningan na baka first day ko ngayon this month," sabi niya. "May nakakita ba?"

"K-konti lang," sabi ko.

"S-so meron nga?" tanong niya na ngayon ay parang naiiyak na. "Sino-sino?"

"Si Mrs. Villarin at...," huminga muna ako ng malalim bago nagpatuloy. Lagot ako nito.

"At yung mga students na nadaanan ko sa hallway".

Hindi ko na siya mapigilan sa pag-iyak at ngayon ay nagsisisigaw na siya na animo'y parang higanteng leon na sumisigaw sa bundok at handa akong kainin.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status