Share

Chapter 8

CHRISTINE

Hindi ko lubos maisip na nangyayari sa akin 'to ngayon. Hindi ko lubos maisip na ganito kalaki ang mga magiging consequence ng soul swtiching naming ito.

"Okay ka na?" tanong niya sakin.

Kanina pa niya ako tinatanong niyan pero iniirapan ko lang siya. Naiinis ako sa kaniya. Para akong nagpapahiram ng bagay sa kaniya na hindi naman niya kayang alaagan. Ikalawang araw pa lang ng miserableng sitwasyon naming ito pero andami ng mga nangyayari. Hanggang saan pa ba aabot 'to?

Gayunpaman, nagpapasalamat pa rin ako sa kaniya ngayon. Kahit papaano ay bumabawi siya sa akin. Pumayag pa nga siya eh na bumili ako ng napkin kahit nasa katawan niya ako. Sa totoo lang, hindi niya naman ito kasalanan eh. Walang may kasalanan samin nito. Ang tadhana ang siyang may gawa nito.

"Huy, ayos ka lang?" paguulit niya.

"Ah, oo. Maraming salamat nga pala ha," sabi ko naman sa kaniya.

"Wala yun. Kasalanan ko naman eh. Hindi ko kaagad na realize yung ano...yung alam mo na," sabi niya at ngumiti sabay kamot sa ulo.

Gwapo naman pala siya pag nagiging humble. Manyakis lang talaga minsan.

"Ako nga dapat ang magpasalamat sayo dahil sa ginawa mo sa math class ko eh," pagpapatuloy niya. "Siguradong malilipat na ako sa first section nun."

Napatawa naman kaming dalawa sa sinabi niya. Pagkatapos kong mag-ayos ay di na kami bumalik sa school at nagpasya nalang kaming pumunta sa mall. 30 minutes nalang naman at mag a alas 5 na. Natatawa ako kay kent kasi panay ang panonood niya ng 'Things to Remember if you're a Girl' sa youtube habang nasa taxi kami. Pagdating namin sa mall, sinamahan ko siya sa mga nagbebenta ng make up at tinuruan ko siya ng mga basics. I want him to at least learn kung pano mag-ayos.

"Bakit kailangan ko pang malaman 'to babe?" Tanong niya habang inaaplyan ako ng make up.

Hindi na ako nakasagot kasi biglang sumingit yung sales lady.

"Nako sir, huwag na kayong magtanong. Sundin niyo nalang po yung girlfriend niyo," sabi nang sales lady na ikinainis ko.

"Excuse me, hindi niya ako girlfriend no!" sabi ko sa sales lady sabay kurot kay Kent. "Ikaw kasi eh! Huwag mo nga akong tinatawag na babe!" sabi ko sa kaniya at itinulak siya papalayo. Hindi ko namalayang natulak ko pala siya ng malakas kaya tuluyan siyang napalayo sa akin dahilan para magkapalit kami ng katawan.

Ouch! Ako tuloy yung nasaktan. Nakita ko naman ngayon si Kent sa katawan ko na tumatawa.

"Joke lang yun miss! Girlfriend niya talaga ako haha," sabi niya sa sales lady nung nasa katawan ko na siya. Hays Kainis.

Hindi ko na namalayan na lumipas na pala ang isang oras. Nasa food court kami ngayon ni Kent nagmemeryenda.

"Christine?" Tawag niya.

"Hmmm?" Sagot ko naman habang nginunguya 'tong burger ngayon sa bibig ko. Hays, mas masarap pa rin talaga kumain ng marami sa sarili mong katawan.

"Marunong kang gumitara?" Tanong niya.

"Nope, bakit?"

"Piano?"

"Hindi rin."

"Kahit anong musical instruments?"

"Nah. Walang akong alam tugtugin na kahit anong instrument but I know a little bit about Music Theory like how the terms and how Do Re Mi Fa So La Ti Do works," sagot ko naman. "Bakit ba kasi?"

"Wala lang," sagot naman niya at nagpatuloy ng kumain.

_

Papasok na ako ngayon sa bahay nila Kent. Sumukay lang ako ng taxi mula sa mall. Pagdating ko ay agad na akong pumasok sa kwarto niya. Nakakapagod din pala mag ikot-ikot sa mall. Magbibihis na sana ako ngunit narinig kong may kumatok sa pintuan.

"Pasok," sabi ko naman.

Dahan dahan na bumukas ang pinto. Lumingon naman ako para tignan kung sino iyon ngunit nagulat ako kung sino ang aking nakita.

Katulad ng dati ay suot niya parin yung uniform na may mahabang manggas at vest na kulay gray.

S-siya yung nagligtas sakin dati! B-bakit siya nandito?

"Woah, kakaiba ka ngayon Kent ha. You don't usually respond pag may kumakatok sa pintuan mo. You just wait for us to give up and finally open up the door without your consent," sabi niya pero tulala lang ako. Hindi ko pa rin maintindihan kung bakit siya nandito.

"Oh, bakit wala kang imik jan?" Tanong niya kaya natauhan ako. "Nawala lang ng 2 araw yung kuya mo, di mo na ako pinapansin."

Kuya siya ni Kent? Pero imposible!

"Sorry kuya, may iniisip lang ako," pagpapalusot ko naman. Kung magrerespond siya sa sinabi ko, ibig sabihin kuya nga siya ni Kent.

"Hay nako. Stress ka na naman little bro. Alam mo, mabuti pa kumain tayo sa labas. My treat," sabi naman niya. So tama nga! Kapatid siya ni Kent! What a small world!

Pero napagusapan na namin ni Kent na as much as possible, iaavoid namin ang ganitong mga sitwasyon. Iiwasan niya ang mga kaclose ko, at iiwasan ko naman ang mga kaclose niya kasi mahirap na lalo't wala kaming alam kung sakaling may ibrought up silang topic.

"Ah, b-busog pa ako kuya eh," sabi ko nalang.

"Weh? Busog ka jan! Kakauwi mo pa nga lang eh. Tara na kasi, bawi na nga lang ako oh kasi di kita nakasama for 2 days," sabi naman niya kaya napatulala nalang ako kasi hindi ko na alam yung gagawin ko.

Hindi ko na namalayan na nasa isang buffet restaurant na pala kami at ngayon ay kumakain na.

Tama! Hindi na lang ako iimik para iwas disgrasya.

Habang kumakain siya, palihim akong tumingin sa kaniya. Ang gwapo niya talaga. At tama, medyo magkahawig nga sila ni Kent. Medyo mas singkit lang siya ng kakaunti at mas mature yung pangangatawan niya.

"Oo nga pala bro, remember that girl from your school na niligtas ko before?" Tanong niya bigla.

OMG! Is he talking about me? So, ibig sabihin, nabanggit niya na pala yun kay Kent? But did Kent already know that it was me?

"Uhm, yeah. The girl with the 4 guys?" sabi ko naman.

"Yeah, yun nga," sabi naman niya.

So ako nga talaga yung ibig niyang sabihin!

"Bakit?" curious kong tanong.

"By any chance, do you have any idea kung sino siya?" tanong niya kaya napayuko ako.

Hindi ko pwedeng sabihin sa kaniya. Mas ikakagulo lang ito ng mga pangyayari. Kent and I still has a lot of things to solve and settle. Ayos na siguro yung napatumba niya yung mga yun.

"W-wala eh," sabi ko nalang.

_

Nasa kwarto na ako ngayon ni Kent at hinihintay nalang na makatulog ako. Hindi pa kasi ako inaantok kaya nagbabad muna ako sandali sa facebook. Tapos ko na rin gawin yung news article na ipinagawa ni Mrs. Villarin. Mabuti na rin siguro yung nakita ni ma'am yung shameful bloody incident kanina para kahit papaano, nakahanap naman ng rason si Kent para magawa ko yung article.

Patuloy lang ako sa pagscroll sa facebook. Sinusubukan kong istalk ngayon si Kent. Para naman at least makakuha ako ng ideas sa kung paano maging siya. Wala naman siyang masyadong family pictures. Kadalasan puro selflies niya lang at puro pacute. Pero napatigil ako sa pagscroll ng makita ko ang isang album na naglalaman ng mga pictures niya na nagpeperform with a guitar.

Is he a band guitarist? Nakatingin ako sa litrato niya at bigla kong naalala yung sabi sakin ni Bea na kahit na sa last sectioin daw si Kent, nageexcel naman daw siya sa exrta curricular activities. Baka nga, guitarista talaga siya.

Nakita ko naman ang isa pang picture kung saan nakasuot siya ng suit habang nasa isang entablado at tumtugtog ng isang grand piano.

Baka recital niya 'to sa piano school. Nagpatuloy pa ako sa pagscroll ngunit nanindig ang aking mga balahibo sa aking sunod na nakita. Isang picture kung saan makikita mo si Kent na nagpapainting ng isang portrait ng isang babaeng napakaganda. Sino kaya siya?

Habang nakatingin ako sa mga litarto niya, hindi ko lubos maisip na napakatalented pala ni Kent. Tama nga sila. Hindi lahat ng tao nageexcel academically. Others have numerous talents at isa si Kent dun. No wonder na andaming nagkakagusto sa kaniya. Hindi lang pala sa looks niya but also because of his skills.

Habang nagbrobrowse ako, bigla na lang may nagtext.

Kita mo yung guitar malapit sa mesa jan? Kindly bring it tomorrow:) - Message received from Most_Annoying_Person, 11:06 PM.

Hindi ko alam kung bakit niya ipapadala sakin yun pero nagreply nalang ako ng okay.

Hindi ko rin alam pero nararamdaman kong mas magiging hectic yung situation namin bukas.

"Mukhang kailangan ko ng magpahinga," sabi ko sa sarili ko kaya ibinaba ko na ang phone ko sa mini table malapit sa kama. Akmang pipikit na sana ako ngunit nakarinig ako ng tunog ng isang aklat na parang nagpapage turn. Tumingin ako doon sa malaking mesa kung saan parang doon nanggagaling ang tunog at laking gulat ko ng makita ang mahiwagang aklat na muling nagliliwanag.

Natakot ako kung kaya't dahan dahan ko itong nilapitan. Mas nagulat ako ng may nabubuo muling isang sketch na tila pamilyar sa akin sa bago na namang page.

"K-kanina yan ah," saad ko sa sarili ko ng mapagtanto ko kung ano yung nabubuong sketch.

Yun yung scene kanina nung nasa make up store kami ni Kent at nilalagyan niya ako ng make up. Bakas sa larawan ang pagtawa naming dalawa.

Agad ko itong kinuha at sinuri ngunit nabitawan ko ito ng nakita ko pang may namumuong mga salita sa ibabaw nito. Nang matapos na ito sa pagsusulat, dahan dahan ko itong nilapitan at binasa ko ang dalawang salitang nabuo sa ibabaw ng sketch.

Nung una ay malabo pa ito ngunit dahan dahan ko ring nabasa ang mga salitang 'Ikalawang araw.'

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status