Tahimik ang buong Verano mansion nang umagang iyon. Matapos ang matagumpay at masayang baby shower ilang araw na ang nakalipas, abala na sina Leonardo at Zenaida sa unti-unting pag-aayos ng mga regalo at mga gamit na natanggap para sa kanilang munting anghel.Si Ysabel naman ay nakahiga sa kama, hawak ang maliit na stuffed toy bear na regalo ng kanyang ina, habang pinapakinggan ang mabagal na tugtog ay nakakatulog siya.“Leo,” mahinang tawag niya nang maramdaman ang pagpasok ng asawa sa kwarto. “Hindi mo kailangang ayusin lahat. Magpahinga ka rin.”Ngumiti si Leonardo at umupo sa tabi ng kama. “Sige na, magpahinga ka raw sabi ng doktor. Ikaw naman kasi, nag-aalala ka pa sa akin, e. Ako nga ang dapat magbantay sa iyo, ‘di ba?”Napangiti si Ysabel at hinaplos ang kanyang tiyan. “Alam mo, sa pitong buwan, puro pahinga na nga ako sa sobrang pagbabantay mo sa akin. Huwag ka na mag-alala, okay? Okay naman na ako.”“Ysabel,” malumanay niyang sabi, “Sa paraan mo pa lang paghawak sa tiyan mo,
Mainit ang sikat ng araw nang araw na iyon, ngunit sa loob ng Verano mansion, malamig at masigla ang hangin. Puno ng blue at puting palamuti ang buong sala, may mga lobo, ribbons at mga banner na nagsasabing “Welcome Baby Verano!” Tahimik pa rin si Ysabel sa kwarto, nag-aayos ng buhok sa harap ng salamin. Akala niya’y ordinaryong araw lang iyon, isang simpleng dinner kasama si Leonardo. Pero hindi niya alam, busy na sa ibaba sina Zenaida at Leonardo kasama sina Joanna, Samuel at ilang matatalik na kaibigan ng pamilya, para sa isang sorpresa. “Leo, sure ka bang dinner lang ito?” tanong ni Ysabel habang inaayos ang suot na light blue dress na pinaresan ng simpleng flat sandals. “Parang pinipilit mo akong mag-ayos nang sobra. May birthday party ba? Sino ang may birthday” Nakangiting sagot ni Leonardo habang inaabot ang handbag niya. “Hindi naman sobra. Gusto ko lang makita ang pinakamagandang buntis sa buong Maynila. Saka, walang may birthday, ‘no.” Napatawa si Ysabel. “Hay naku, p
Tahimik ang umaga sa Verano mansion. Sa veranda, habang may hawak na tasa ng kape, nakatingin si Leonardo sa malawak na hardin. Banayad ang simoy ng hangin, pero hindi iyon nakatulong para mapawi ang kakaibang kaba at saya sa dibdib niya. Habang tinitingnan niya ang mga bulaklak na unti-unting sumisibol, naisip niya si Ysabel, pitong buwan nang nagdadalang-tao at bawat araw ay tila mas nagiging marupok pero mas maganda pa rin sa paningin niya.Narinig niyang papalapit si Zenaida. Nakapantulog pa ito at halatang bagong gising, pero dala na ang ngiti ng umaga.“Ang aga mo namang nagkakape, iho,” sabi nito, sabay upo sa tapat niya. “May iniisip ka ba? Tungkol ba iyan kay Ysabel?”Ngumiti si Leonardo, tumikhim, at bahagyang yumuko. “Actually, opo, Ma. May gusto sana akong sabihin. May naiisip kasi ako para sa kanya.”Napataas ang kilay ni Zenaida. “Hmm, mukhang seryoso ‘yan ah. Ano ba iyan? Sabihin mo sa akin, baka makatulong ako.”Tumango si Leonardo. “Opo. Alam niyo naman na third trim
Mabilis ang pagtakbo ng mga araw. Hindi namalayan ni Ysabel na nasa ikapitong buwan na siya ng pagbubuntis. Ang dati’y maliit na umbok ng tiyan ay ngayon ay bilog na bilog na at bawat sipa ng sanggol ay tila nagpapaalala sa kanya kung gaano na kalapit ang sandaling magaganap ang kanilang pagkikita.Isang umaga, habang nasa veranda ng Verano mansion, nag-aalmusal si Ysabel ng prutas at gatas. Nakasandal siya sa upuan, pinagmamasdan ang mga ibong lumilipad sa hardin. Tahimik, ngunit puno ng kapanatagan ang kanyang puso.“Good morning, Mommy,” malambing na bati ni Leonardo mula sa likuran, dala ang tray ng tinapay. Nilagay niya ito sa mesa at saka lumapit upang halikan sa noo ang asawa. “Kumusta ang baby natin?”Ngumiti si Ysabel at hinawakan ang tiyan. “Lagi siyang sumisipa, lalo na kapag naririnig ang boses mo. Parang gustong-gusto ka niyang marinig, Leo.”“Syempre naman,” sagot ni Leonardo habang nakaluhod sa harap ng asawa at nakikinig sa tiyan. “Kilala na ako ng anak natin. Di ba, a
Bahagyang namula si Ysabel, napatingin sa asawa niyang nakangiti lang. “Nay, huwag ka munang magsalita ng kung anu-ano. Kailangan mong magpahinga.”Ngunit umiling si Zenaida. “Gusto ko lang kayong makita ng ganito. Magkasama, nag-aalaga sa isa’t isa. Ang tagal kong inasam na magkaroon ka ng pamilya na magmamahal sa ‘yo nang ganito.”Hindi napigilan ni Ysabel ang mapaluha. “Salamat, Nay. Pangako, aalagaan namin kayo.”Nang makatulog muli si Zenaida, lumapit si Leonardo sa bintana at bahagyang binuksan ito. Pumasok ang malamig na simoy ng hangin ng gabi. Tumayo si Ysabel sa tabi niya.“Leo…” mahinang sabi niya. “Alam mo bang habang nakikita ko si Nanay sa ganitong kalagayan, parang mas lalo kong naiintindihan kung gaano kahalaga ang buhay ng isang tao?”Tumango si Leonardo, pinagmamasdan ang mga ilaw sa labas ng ospital. “Kaya nga gusto kong maging maayos ang lahat bago lumabas ang anak natin. Gusto kong walang iniintinding sakit o problema si Mama. Gusto kong maramdaman mong ligtas kay
Hawak-hawak ni Ysabel ang kamay ng ina habang binababa nila ito sa sasakyan. “Nay, gising ka. Please… Nanay, huwag mong gagawin ‘to sa akin,” paulit-ulit niyang bulong, nanginginig ang boses.Sa loob ng sasakyan, halos mabingi si Leonardo sa tahimik ngunit mabigat na paghingal ni Ysabel. Niyakap niya ito, habang pinipilit niyang manatiling matatag kahit siya man ay kinakabahan. “Ysabel, kalma lang. Aabot tayo sa ospital. Huwag mong bibitawan si Mama.”Pagdating sa ospital, sinalubong sila ng mga nurse at doktor. Dinala agad si Zenaida sa emergency room. Si Ysabel ay halos habulin na ng nurse dahil pilit siyang sumunod sa loob. “Ma’am, bawal po muna pumasok,” pigil ng nurse.“Pero nanay ko siya! Gusto kong nasa tabi niya ako, lalo na ngayon!” halos sumigaw siya at kung hindi pa siya niyakap ni Leonardo, baka pinasok na niya ang ER.“Ysabel, hayaan mo silang gawin ang trabaho nila,” marahan ngunit matatag na sabi ni Leonardo. “Kailangan nating magtiwala sa mga doktor na narito ngayon.”