Nagising si Ysabel sa bango ng sariwang hangin. Sa bintana ng villa, bumati sa kanya ang malawak na kalikasan. Malamig ang simoy ng hangin, may mga ibong dumadaan, at may liwanag ng araw na dahan-dahang pumapasok sa loob ng kwarto nila. Sa kanyang tabi, tahimik pa ring natutulog si Leonardo. Hindi ito kagaya ng Leonardo Verano na kilala ng mundo. Iyong matikas, laging alerto, walang panahon para sa kahit ano maliban sa negosyo. Ngunit ngayon, sa kanyang paningin, ito ang lalaking marunong din palang ngumiti habang natutulog. Ang lalaking marahang humihinga, walang suot kundi manipis na kumot, at ang kilay ay hindi nakakunot gaya ng nakasanayan ng ibang tao. Isang lalaking, sa kabila ng lahat ng komplikasyon, ay unti-unti niyang naiintindihan na. At marahil… unti-unti na rin niyang minamahal. Pagkababa nila sa dining area ng villa, sinalubong sila ng aroma ng tinapay, prutas at hot chocolate. Walang staff, walang bodyguard, walang phone calls. Sila lang, focused sa isa’t isa. “A
Last Updated : 2025-08-10 Read more