LOGINSilas Cahir is a man who has an intimidating aura. Ngunit kahit ganoon ay gustong gusto pa rin siya ng mga babae, nilalapitan pa rin siya ng mga ito. Sa ibang bansa siya nanirahan ng maraming taon, at sa kanyang pagbabalik sa Pilipinas para sa isang misyon ay nakilala niya ang isang babaeng ubod ng sungit at talim ang mga salitang lumalabas sa bibig na umangkin ng pamamahay niya. At ang babaeng magpapabago ng takbo ng kanyang buhay, ang babaeng magtuturo sa kanya kung paano umibig at maging masaya, ang babaeng ito ay walang iba kundi si Xandra Williams na sa kasamaang palad ay step-sister niya.
View More"Third Person's POV"
"ARE you kidding me?" puno ng sarkastikong tanong nito sa kausap.
Nanatiling seryoso ang lalaking kaharap, ang boss niya. "I'm not," tipid ngunit nandoon ang awtoridad sa boses ng lalaki.
Malalim na napabuntong hininga si Silas. Ibig ngang sabihin ay talagang uuwi na siya ng Pilipinas, babalik na siya sa bansang sinilangan.
Bukas na bukas rin ay kailangan na niyang tumungong Pilipinas, nakahanda na ang ticket niya pabalik roon dahil inayos na lahat ng kaniyang boss ang tungkol sa pag-alis niya.
Wala siyang magagawa dahil ito ang utos. Lumabas siya sa private office ng kaniyang boss at tumungo sa nakaparadang sasakyan na pagmamay-ari niya bago tuluyang umalis.
...
Kakalapag pa lang ng eroplanong sinakyan niya sa Pilipinas. He's already in the Philippines. May munting ngisi ang sumupil sa kaniyang labi.
Nang makababa at ng makuha na niya ang isang kulay itim na maleta na pagmamay-ari niya ay bumaba na siya ng eroplano.
Isinuot niya ang sunglasses bago naglakad, sa waiting area may nakita siyang lalaki na kilalang kilala niya na may hawak na malaki at puting banner at nakasulat ang pangalan niya.
Napailing na lang siya at naglakad palapit doon. "Zupp bro!" walang buhay na boses na bati ng lalaki sa kaniya.
"Yeah," tipid niyang bati rito, sabay silang naglakad patungo sa sasakyan na pagmamay-ari ng lalaking kasama niya.
Isa ito sa kaibigan niya rito sa Pilipinas. "Hector," tawag niya, nilingon naman siya ng kaibigan at binigyan nang nagtatanong na tingin. "Let me drive your car,"
Umiling ang kaibigan. "Hindi ko ipagkakatiwala sa'yo ang pinakamamahal kong sasakyan," tugon ng kaniyang
"Darn man! Huwag mong itratong tao 'yong kotse," palatak niya sa kaibigan, nginisihan lang siya nito at hindi pinansin bago pumasok sa mustang.
Dahil hindi naman pumayag ang kaibigan, pumuwesto siya sa passenger seat at hinayaan itong magmaneho.
"Anong dahilan?" rinig niyang tanong ng kaibigan sa seryosong boses.
Bumuntong hininga siya. "It's confidential,"
"About being an agent?" nakangising tanong ng kaibigan.
Tumango siya. "Kung hindi dahil sa trabaho ay hindi ako babalik dito sa Pilipinas. How's the organization?" pagtatanong niya, ibinabaling ang usapan sa kaibigan.
"Still the same. Kailan ka babalik ng organisasyon? Mas dumarami na kami. You know, we are always open," napapatangong ani ng kaniyang kaibigan.
"Babalik lang ako kapag may napangasawa na ako," nakangisi niyang sagot, mahinang natawa ang kaibigan alam ng kaibigan na wala siyang sineseryosong babae kung kaya ay imposible rin itong makabalik.
"Where should I drop you?" tanong ng kaibigan.
"My house," tipid niyang sagot bago sumandal sa kinauupuan at ipinikit ang mga mata.
Ilang minuto lang ay huminto na ang sasakyan, pagmulat niya ng mga mata ay bumungad sa kaniya ang bahay niya. Bahay na ibinigay ng ina niya noon.
Malalim siyang bumuntong hininga bago binuksan ang pinto ng sasakyan. "Thanks man,"
"Don't mention it. Anyway if you have some free time, you can visit us on island," anang kaibigan, tipid lang siyang tumango bago kinuha ang maleta.
Nang maka-alis ang kaibigan ay humarap na siya sa gate ng kaniyang bahay, napakunot ang noo niya ng bukas ito at hindi naka-lock.
Pumasok siya sa loob at pinihit ang hawakan ng pinto bago binuksan. Mas kumunot ang kaniyang noo dahil hindi ito naka-lock.
Pumasok siya sa loob ng bahay, inilibot ang paningin at nahagip ng kaniyang mga mata ang picture frame na may lamang litrato, hindi niya litrato iyon dahil litrato iyon ng isang babae. Isang napakagandang babae, napa-iling siya.
Iniisip niyang mali ang bahay na napasukan ngunit hindi, dahil alam niyang bahay niya ito. Bahay niya ito!
Tumungo siya ng kusina ng marinig na para bang may nagpriprito at may naamoy siyang mabahong kanin, nasubrahan o napabayaan.
Mabilis niyang iniwan ang maleta bago tumakbo papunta doon. Sa bukana pa lamang ng pinto nang kusina ay napahinto na siya sa nakita.
May babaeng nakatayo habang natataranta sa kung ano ang dapat gawin, napunta ang tingin niya sa mapuputing hita ng dalaga, napalunok siya at mabilis na umiwas ng tingin at nahagip ng paningin niya ang ipiniprito nitong nasusunog na at ang kanin na lutong-luto.
"WHAT THE HECK IS HAPPENING?!" malakas at galit niyang sigaw bago nagmamadaling lumapit dito, mabilis niyang pinatay ang kalan.
Napansin niya ang bahagyang pagkatulos ng babae sa sariling kinatatayuan ngunit itinuon niya ang pansin sa pagpatay ng kalan kanina.
Hinarap niya ang dalaga. "What do you think you're doing, woman? Balak mo bang sunugin ang bahay ko?" hindi pa rin bumababa ang galit niya dahil sa nakita.
Napakurap-kurap ang dalaga. "Bahay mo? Anong bahay mo? This is my house, you moron! At pwedi bang huwag mo akong sigawan," Naghihistrikal at galit na tanong rin nito sa kaniya, mukhang hindi na ito nagulat at maayos na.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "This is my house," angil niya at matiim itong tinitigan.
"No, this is mine," untag ng dalaga sa kaniya.
Silas curse under his breath, this woman must be crazy. Sinasabi nito na sa kaniya raw ang bahay kahit hindi naman.
Pagod siya at ayaw niyang makipagtalo rito ngunit hindi siya magpapatalo sa sinasabi nitong kanya raw ang pamamahay niya.
"Before you talk to much, will you please clean this mess first?" puno ng sarkastiko niyang utos rito at walang pasabing tinalikuran ang magandang dalaga.
Lumabas siya ng bahay dala-dala ang maleta. Masyadong mahalaga ang mga laman no'n para iwan niya, mabuti na lang at may taxi na dumadaan sa village, sumakay siya roon at nagpahatid kung saan nakatira ang magaling niyang ina.
...
"Why did you gave my house to her?" galit at naghihistrikal niyang tanong sa ina. Kaharap niya ito ngayon at pinag-uusapan nila ang tungkol sa bahay niya.
"Step-sister mo naman siya, remember hindi ba gustong-gusto mong magkaroon ng kapatid na babae noon? Now mayroon na, magkasama pa kayo sa iisang bahay. Hindi ba maganda 'yon?" mahinahong pagkausap ng kaniyang ina sa kaniya.
Marahas siyang bumuntong hininga. "Hindi ko siya kapatid, hindi ko siya kadugo. Sa akin mo 'yon ibinigay pero bakit hinayaan mong makitira ang babaeng 'yon?"
"Anak, pag-bigyan mo na lang si Xandra. Makisama ka na lang," anang ina, pagak siyang natawa. At ngayon ay kinakampihan pa ng magaling niyang ina ang dalaga, ang pangalan ng dalaga ay Xandra.
Pag-bigyan? Simula't sapul iyon naman palagi ang ginagawa niya, pinagbibigyan ang mga taong nakapalibot sa kaniya.
———
UMUWI at bumalik siya sa kaniyang bahay o mas dapat sabihin na sa kanilang bahay.
Naabutan niya ang dalaga na ginagamot ang napasong balat sa kamay. Tumayo siya sa mismong harapan nito.
Nag-angat ng tingin ang dalaga sa kaniya at tinaasan siya ng isang kilay. "Bumalik ka, at ano naman ngayon? Makikipag-talo ka na bahay mo ito?"
Napakagat labi siya sa pagpipigil ng galit. "Yeah, this is my house. Binigay ito ng Ina ko sa akin and now kailangan kong makisama sa'yo,"
"Sinabi na ngang-," pinutol niya ang anumang sasabihin ng dalaga.
"Yeah, yeah right. Bahay mo ito at bahay ko rin ito. Ibinigay ng mommy ko sa akin at ibinigay rin niya sa'yo, now is it okay?" walang buhay na boses niyang wika rito bago tumalikod, naglakad siya papunta at paakyat ng hagdan nang maramdaman niyang may bumato sa kaniyang likuran.
Napapikit siya ng mariin bago humarap sa dalaga, matalim ang mga matang ipinukol nito sa kaniya at galit na nakatingin sa kaniya. Mabilis siyang naglakad at tinawid ang pagitan nilang dalawa at nilamukos ng halik ang dalaga.
Wala siyang paki-alam kung sino pa ito. He wants to punish this girl by hurting him that way, he ravish his lips to her and he bit the lower lip of hers. Alam niyang nagulat ang dalaga sa ginawa niya kung kaya ay hindi ito agad nakagalaw sa kinatatayuan.
Tumigil siya sa ginagawa bago lumayo ng ilang dipa sa dalaga. "That's your punishment by hurting me. Subukan mo ulit akong batuhin hindi lang 'yan ang gagawin ko sa'yo," may pagbabantang aniya sa dalaga na hanggang ngayon ay bahagyang nakabuka ang labi.
"B-bastos!" tili nito ng makatalikod na siya, napangisi siya bago nilingon ang dalaga.
"Pupunta na ako ng kwarto ko para makapag-pahinga. Huwag mong subukang gisingin ako kung ayaw mong ihiga kita sa mismong kama at ibabawan," aniya bago ito tinalikuran.
Pagpasok niya sa sariling kwarto ay napangisi siya bago napakagat sa sariling labi. He wants to taste that sweet lips of Xandra again.
Hindi niya maipagkakailang nagustuhan nga niya ang paghalik sa dalaga kanina. Inilibot niya ang paningin sa kabuoan ng kwarto, nakahinga siya ng maluwag ng makitang hindi ito nagalaw.
Itinabi niya ang maleta bago dumeritso ng banyo para maligo at magpalit. Gusto na niyang matulog at magpahinga dahil nakakapagod ang buong biyahe.
...
GALIT NA galit si Xandra dahil sa antipatikong lalaki. Ang lakas ng loob nitong halikan siya at sabihin ang mga iyon sa kaniya.
"Isa siyang bastos!" mahina at nanggigigil niyang sigaw. Ayaw niyang mag-ingay dahil katapat lang ng kuwarto niya ang kuwarto ng binatilyo at baka magising ito at tutuhanin ang banta nito sa kaniya kanina.
'So your scared of him?!' Tanong ng isa sa bahagi ng kaniyang utak na mas ikinainis niya.
"I'm not scared of him." Mahinang palatak niya sa sarili. Napatingin siya sa kamay at napangiwi, ito ang naging ipekto ng pagpri-prito niya kanina bago pa dumating ang antipatikong lalaki.
Sumimangot siya, medyo mahapdi pa rin ang mga ito kahit pa na pinahidan na niya ng ointment kanina. Bumuntong hininga siya bago humiga sa kama.
Ito siguro ang sinasabi ng Auntie Alicia niya. Ito ang anak nitong lalaki pero hindi lang niya inaasahang ito pala ang lalaking iyon. Naiinis siya sa lalaki, wala pang tao ang nagawan siyang sigawan, tanging ito lang.
Nagsalubong ang mga kilay niya at halos magdikit na ang mga ito. "He's a jerk, a lunatic! How dare he to kiss me?" naiinis niyang pagkausap sa sarili.
Sana pala ay iyong mesa na lang ang ipinangbato niya sa lalaki kanina para naman kahit halikan siya nito ay sulit. Napa-irap siya sa hangin dahil sa sariling naisip.
But infairness, nagustuhan rin naman niya ang halik. Ngunit hindi niya iyon aaminin at isa pa, ito ang kauna-unahang lalaki na nakakuha ng unang halik niya. At ang mas nakakainis ay napunta lang ito sa isang antipatiko at walang modo.
Maraming mga lalaki ang naghahabol sa kaniya, ngunit ni isa sa mga ito ay hindi niya binigyang atensyon o pansin.
Hindi niya namalayang nakatulog na pala siya, kinaumagahan ay nagising siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa sliding door ng veranda niya.
Nakangiti siyang bumangon ngunit nawala rin ang mga iyon ng maalala niyang hindi na pala siya nag-iisa sa bahay dahil may kasama na siya.
Bumangon siya at pumuntang banyo para ayusin ang sarili, nagpalit rin siya ng sports bra at cycling short. Gusto niyang mag-exercise at pumuntang mini-gym ng bahay.
Pagkalabas nina Silas at Xiandra sa bahay ni Gabriel, hindi na nila napag-usapan agad ang sinabi ng matanda.Pareho silang may iniisip.May bagong pangalan.May bagong dokumentong kailangan hanapin.At higit sa lahat, may taong sumusunod sa kanila.Habang nagmamaneho si Silas, tahimik na nakatingin si Xiandra sa hawak niyang notebook.“Leonard Williams,” sabi niya.“Hmm.”“Hindi ko maalala ang pangalan niya.”“Same.”“Pero sabi ni Gabriel, dating business partner siya ng father mo.”“Then why have I never heard of him?”“That's what we're going to find out.”Tahimik na naman sila.Maya-maya, tumunog ang cellphone ni Silas.Isang mensahe.“You need to talk to me.”Hindi kilala ang numero.“Who is it?” tanong ni Xiandra.Hindi agad sumagot si Silas.Nakatitig lang siya sa screen.“Silas?”“Valerie.”Nanigas ang mukha ni Xiandra.“Valerie?”Tumango siya.“Anong gusto niya?”“Hindi ko alam.”Muling dumating ang isang mensahe.“I know something about your past. Something you were never tol
Hindi agad sila pumasok sa bahay ni Gabriel Navarro.Nakatayo lamang sina Silas at Xiandra sa harap ng lumang gate, parehong tahimik habang naghihintay kung may lalabas.Matapos ang sinabi ni Xiandra sa loob ng sasakyan, parang may nagbago sa pagitan nila.Hindi naman naging awkward.Mas naging tahimik lang.Mas maingat.Hanggang sa si Silas na mismo ang nagsalita.“Xiandra.”“Hm?”“May gusto rin akong sabihin.”Napatingin siya rito.“About what?”“About us.”Bahagyang napakunot ang noo niya.“Akala ko tapos na tayo doon.”“Hindi pa.”Huminga nang malalim si Silas.“May dahilan kung bakit hindi ko agad sinabi sa'yo kung ano talaga ang nararamdaman ko.”“Bakit?”“Natakot ako.”Hindi inaasahan ni Xiandra ang sagot.“Sa akin?”Umiling siya.“Sa magiging epekto nito sa'yo.”Tahimik siyang nakinig.“Simula nang malaman natin ang tungkol sa mga documents, mas lalo kong nakita kung gaano kagulo ang pamilya natin. May pera. May kumpanya. May mga taong nagsisinungaling.”“Alam ko.”“Pero hindi
Tahimik ang biyahe nina Silas at Xiandra papunta sa Batangas.Mula nang malaman nilang hindi sila tunay na magkapatid, parang nagbago ang lahat. Wala namang biglang nangyari sa pagitan nila, pero iba na ang pakiramdam.Hindi na kailangang pilitin ni Xiandra ang sarili niyang umiwas dahil sa takot na baka mali ang nararamdaman niya.Pero hindi rin ibig sabihin na madali na ang lahat.Marami pa rin silang tanong.Maraming lihim ang kailangan nilang alamin.At higit sa lahat, may damdaming matagal nilang pilit na itinatago.Habang nagmamaneho si Silas, tahimik lamang na nakatingin si Xiandra sa labas ng bintana.“Okay ka lang?” tanong ni Silas.“Oo.”“Sure?”Tumango siya.“Medyo nag-iisip lang.”“About the documents?”“Hindi lang iyon.”Napatingin sandali si Silas sa kanya bago muling ibinalik ang tingin sa daan.“Then what?”“Wala.”Hindi na siya pinilit ni Silas.Pero lalo lamang siyang kinabahan.Ilang minuto silang parehong tahimik.Hanggang sa tuluyan niyang naisip na baka wala na s
Hindi nakatulog nang maayos si Xiandra nang gabing iyon.Paulit-ulit sa isip niya ang recording ni Elias.“May isang lihim na nangyari bago pa ipinanganak ang karamihan sa inyo.”At higit sa lahat, hindi niya makalimutan ang sinabi nitong hanapin nila si Gabriel Navarro, ang tinatawag na unang witness.Kinabukasan, maaga silang nagkita ni Silas sa opisina.May dala itong folder at ilang lumang dokumento.“May nahanap ka?” tanong ni Xiandra.Tumango si Silas.“Hindi pa natin nahanap si Gabriel.”“Then?”“May nakita akong mas importante.”Inilapag niya ang isang lumang folder sa mesa.“Family records.”Napakunot ang noo ni Xiandra.“Again?”“Hindi ordinaryong records.”Binuksan ni Silas ang folder.May birth certificate.May marriage certificate.May adoption papers.At may isang dokumentong halos kupas na.Kinuha iyon ni Xiandra.“Ano 'to?”“Original family registry.”Binasa niya ang mga pangalan.Una niyang nakita ang pangalan ng kanilang mga magulang.Pagkatapos ay ang pangalan ni Si
"You can't remember anything?" tanong niya, nag-iwas ako ng tingin bago tumango. Sinapo niya ang baba ko at hinarap ako sa kaniya. "Gusto mo bang ipa-alala ko sa'yo ang lahat ng nangyari sa kagabi?" tanong niya at ng may ngisi sa labi.Naramdaman ko ang pag-iinit ng pisngi ko, hindi pa man ako naka
Nang makarating sila sa bahay ay ipinarada niya ang sasakyan sa garahe at lumabas ng sasakyan. Umikot siya at papuntang passenger seat at pinagbuksan ng pinto si Xiandra.Tinapik niya ang pisngi ng dalaga. "Hey, wake up," paggisining niya dito. Umungot ang babae bago dahan-dahang iminulat ang mga m
Itinaas niya ang isang kamay ng makita ang kaibigan, ngumiti ng pagkatamis-tamis si Luna bago naglakad palapit sa kaniya."I already order yours," aniya ng akmang tatawag ng waiter si Luna, mukhang hindi nito napansin ang dalawang caramel macchiato na inorder niya kanina, umorder rin siya ng two sl
Glass door ang pinto ng mini-gym kung kaya ay kitang kita kung ano ang nasa loob at kaya kitang kita niya kung paano mag-ehersisyo ang binata. Nang lumingon ang binata sa deriksyon niya ay mabilis siyang nagtago ngunit huli na dahil nakita na siya nito.Wala siyang nagawa at lumabas na sa pinagtat
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.