Share

2

Liah

"Kahit na takpan mo pa ng make-up yang mga pasa mo ay kitang kita ko padin yang lungkot sa mga mata mo" nag-angat ako ng tingin kay Krizia ng magsalita siya

Kitang kita ko ang pag-aalala at kalungkutan sa mata niya habang nakatingin siya saakin

"Why don't you just leave your asshole husband Liah, matagal nang pumanaw ang parehas ninyong magulang kaya malaya kanang layasan ang asawa mo" pag dagdag niya pa habang pinagmamasdan akong kumain sa waffle

Nasa Starbucks kami ngayon dahil tinulungan niya akong mamili ng mga grocery para sa bahay, matagal ko na siyang kaibigan mula pa noong senior high school at alam niya din na ang both parents namin ni Elijah ang nag arrange marriage saamin. Pero ngayong wala na ang parehas naming magulang ni Elijah ay puwede ko na siyang hiwalayan kung tutuosin lang

Pero hindi ko kaya

Bumuntong hinga ako at malungkot na ngumiti sa kaniya

"You know i want to fulfill my mothers wish before she died" Malungkot kong ani at agad namang umikot ang mga mata ng kaibigan ko

Iyon ang nag-iisang hiling ni mama bago siya pumanaw, gusto niyang alagaan at mahalin ko ng habang buhay si Elijah at huwag ko daw siya iiwan

Alam ko din na napaka-babaw ng dahilan kong iyon pero sa totoo lang ay may isa pa akong dahilan kung bakit hindi ko magawang iwanan ang aking asawa

"And i love him Krizia" Mahina kong ani habang nakatingin sa kawalan

Martyr na kung Martyr pero hindi ko kayang hindi mahalin si Elijah, nuong una palang ay may gusto na ako sa kaniya at hindi ko kinakaila iyon, kahit anong pasakit ang ginagawa niya saakin ay hindi padin tumitigil ang puso ko na mahalin siya

Pagkatapos ng pag-uusap namin ni Krizia ay umuwi na ako saamin ng sa ganoon ay matulungan ko sa paghahanda ng dinner si Manang Ana

Pagbaba ko sa kotse ay agad akong sinalubong ni Manang Ana at nag-aalala ang mga mukha niya kaya nagtaka ako

"Ano pong nangyari?" Tanong ko

"Umuwi na si sir at nasa loob na, ako nalang ang bahala sa mga pinamili mo pumasok ka nalang" Aniya

Kumunot ang nuo ko at napatingin sa relong pam-bisig, nakita kong 6:00 pm palang, pero bakit nandito na siya ngayon. Halos 11:00 pm na ang uwi niya at minsan ay madaling araw na ang uwi niya kapag galing siya ng trabaho

Nag-tataka man ay pumasok nadin ako sa bahay pero napa-tigil din agad ako ng maabutan ang eksena sa salas

Naghahalikan si Elijah at ang isang babae sa sofa habang nasa hita pa nito naka-upo ang babae, hindi sila tumgil ng makita ako at pinakatitigan lang naman ako ng madilim na mata ni Elijah habang hinahayaan niya ang babae sa ibabaw niya na halikan siya

Hindi na ako nagulat sa nakita dahil halos araw-araw naman nang nag-dadala ng ibat ibang babae dito si Elijah para ipa-mukha saakin na wala siyang pakialam saakin

Pero kahit na ganon ay hindi ko padin mapigilang manlumo at masaktan habang pinagmamasdan siyang makipaghalikan sa ibang babae, parang pinipiga ang aking dibdib

Mabilis ko nang iniiwas ang aking mga mata sa kanila dahil ramdam kong malapit na naman akong maluha

Akmang maglalakad sana ako papunta sa kusina ng bigla siyang magsalita, narinig ko pa ang mahinang hiyaw ng babae na mukhang nasaktan

"Saan ka nanggaling?" Malamig at ma-awtoridad na boses niya ang nag-patigil saakin

Kumabog ng malakas ang aking dibdib, ng luminngon ako sa kinaroroonan nila ay naabutan ko siyang naka-tayo na habang ang babae kanina ay nasa sahig at mukhang iti-nulak niya iyon kanina para makatayo siya

Mabuti nga, napaka-landi kasi!

"Don't bother her Elijah let's just kiss each other" anas ng babae at tumayo para sana halikan muli ang asawa ko pero tinulak siya nito palayo

"Get inside my room now!" Sigaw ni Elijah sa babae at mukha naman itong natakot kaya sinunod din ang gusto ni Elijah

Ng bumalik ang tingin ni Elijah saakin ay mabilis akong nag-iwas ng tingin, natatakot ako sa matulis niyang mga mata

"Bumili ako ng mga g-groceries k-kasama si Krizia" sagot ko sa kaniya na mukhang hindi niya naman pinaniwalaan

Lumapit siya saakin at napasinghap ako ng mahigpit niyang hinawakan ang likuran ng aking leeg na para bang sinasakal niya ako

"E-elijah n-nasasaktan ako" pagmamakaawa ko at sinubukang alisin ang kaniyang hawak sa likuran ng leeg ko

"Do you think i will believe you? Wala ka na bang maisip na pangalan kundi Krizia" mariin niyang ani at nilapit ang mukha saakin

Namuo ang luha sa aking mga mata dahil sa higpit ng hawak niya sa likuran ng leeg ko, bumabaon ang kuko niya sa aking balat

"N-nagsasabi ako ng t-totoo" aniko

"Shut the fvck up! Kapag nakita kitang nakikipagkita sa lalaki mo, makaka tikim ka saakin" seryoso niyang ani at saka ako itinulak

Napa-atras ako dahil sa tulak niya at sakto namang tumama ang aking braso sa pader. Tuluyang tumulo ang luha ko habang pinag mamasdan si Elijah na umakyat sa hagdan papunta sa babae niya na ngayon ay nasa gitna ng hagdan at naka-ngisi saakin

Ng tuluyang maka-lapit ang asawa ko sa babae ay agad silang naghalikan na parang sila lang ang tao sa bahay

Pinunasan ko ang luha sa aking mga mata habang ini-inda ang sakit sa aking dibdib at sa aking braso

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status