Share

1

Liah

Nagising ako kina umagahan at naabutan kong wala na si Elijah sa aking tabi, malamig na din ang unan na kaniyang ginamit kagabi ibig sabihin ay kanina pa siya umalis

Napasinghap ako ng naramdaman ang hapdi at sakit sa gitna ng aking mga hita, nanghihina din ang aking katawan lalo na ang hita ko. Para akong binugbog ng paulit ulit dahil sa sakit

Pag-apak ko sa sahig ay agad kong naramadaman ang panginginginig ng aking mga hita, bumuntong hininga ako bago huminga ng malalim

Kinuha ko ang cellphone sa nightstand at naisipan sanang tawagan si Elijah pero agad din akong tumigil, alam kong hindi niya sasagutin ang tawag ko. Sa ilang taon naming mag-asawa ay ni isang beses hindi niya sinagot ang mga tawag ko

Naisipan kong magpunta sa banyo para ibabad ang katawan ko sa maligamgam na tubig sa bathtub para mabawasan ang sakit sa katawan ko

Habang nasa bathtub ay naalala ko ang nangyari saamin ni Elijah, siya ang unang lalaking gumalaw saakin at eto rin ang unang pagkakataon na ginawa namin iyon simula nuong ikasal kami

Naalala ko pa noon kung gaano ako kinasuklam ni Elijah nang malaman niyang ini arrange marriage kami ng mga magulang namin sa isat isa

_________

"Nag-usap na kami ng tita Helen at tito Santi mo at napag usapan namin na ipapakasal namin kayo ni Elijah sa isat isa"

Napatigil ako sa pagsubo ng pagkain ng marinig ang sinabi ni mama. Bumaling ako sa kaniya at nakitang nakangiti siya

"K-kay Elijah po?" Tanong ko at tumango si mama

Bumukas ang aking bibig at hindi nakapagsalita. Matagal ko nang gusto si Elijah simula pa noong bumibisita kami ni mama sa bahay nila dahil magkaibigan ang mga magulang namin, pero ni minsan ay hindi niya ako tinapunan ng pansin

"Naka arrange na ang contract marriage ninyo ni Elijah anak, basta tatandaan mo na kahit anong mangyari ay hinding hindi mo iiwan si Elijah, siya ang nag-iisang anak nila tita Helen mo kaya sana alagaan mo siya at maging mabuting asawa ka sa kaniya kapag nagpakasal na kayo" turo saakin ni mama

Agad akong napakagat ng labi

"P-pero ma, hindi ako gusto ni Elijah. B-baka mas lalo s-siyang magalit saakin" pahina ng pahina ang aking boses

Naramadaman ko ang pag haplos ni mama sa aking kamay

"Sila tita Helen mo na ang bahala doon"

_________

Simula nuong magsama kami ni Elijah sa iisang bahay pagkatapos naming ikasal mas naging mailap na siya saakin at palagi nalang niya akong kina-iinisan

Siguro nga ay kasalanan ko dahil pumayag akong ikasal sa kaniya 

Nagising lamang ako sa aking pag-iisip ng marinig ang pagbusina ng kotse ni Elijah, agad akong nagmulat ng mata at nagbihis

Nakabalik na siya agad? Saan naman kaya siya nagpunta at ang bilis niyang umuwi?

Pagkatapos kong magbihis ay agad akong bumaba

"Manang nakita niyo po ba si Elijah?" Tanong ko kay Manang Ana ng makitang abala siya sa pagluluto sa kusina

Humarap ito saakin at kitang kita ko ang pagsulyap niya sa sala na para bang may pinagtataguan

"Nasa office si sir ma'am, may dala na namang babae andiyan nasa sala" mahina niyang bulong at tinuro ang sala

Agad na nawala ang emosyon sa aking mukha, parang bumalik ang pang hihina sa katawan ko sa narinig

May dalang babae si Elijah dito sa bahay

"Alam mo ma'am naiinis ako sa babaeng yan, may naka handa na nga ang pagkain inutusan pa akong magluto ng tocino at hindi daw siya kumakain ng itlog. Hmm naku kung wala lang roon kanina si sir baka tiniris ko na siya" nangingigil na ani ni Manang Ana

Pinilit ko ang sarili na ngumiti bago hinaplos ang braso ni Manang

"Ako na po ang bahala" aniko bago naglakad papunta sa sala

Nakita ko doon ang babaeng tinutukoy niya pero natigilan ako ng mapagtanto kung sino iyon

"M-miss Kali?" Mahina kong bulong ng magtama ang mga mata namin

Ngumisi siya ng makita ako at kitang kita ang pang-iinsulto sa mga mata niya ng balingan niya ako

Siya yung babaeng sinampal ko kahapon sa harap ng madaming tao, sa totoo lang ay naiinis pa din ako sa babaeng ito dahil halatang malandi siya pero wala akong magawa

Para nadin sa kagustuhan ni Elijah ay kailangan kong maging mabait sa babaeng ito

"Well look who's here" nanuyo ang kaniyang boses bago siya tumayo

"S-sorry sa nangyari kahapon, h-hindi ko sinasadya n--" hindi ko natapos ang sasabihin ng unahan niya ako

"Can you please get me a cup of water nauuhaw ako" maarte niyang ani at pinagmasdan ang kaniyang mga mahahabang kuko

Kumuyom ang kamao ko pero pinilit kong kumalma dahil ayaw kong magalit na naman saakin si Elijah kapag inaway ko itong babaeng ito

Natatandaan ko pa ang sinabi niya saakin kagabi na mas importante pa daw ang babaeng ito kaysa sa akin para sa kaniya

Bumalik ako sa kusina at kinuha ang tubig na pinapakuha niya, pagbalik ko sa sala ay naabutan ko siyang prenta ng naka upo sa sofa habang nag ce-cellphone

Sumisikip ang dibdib ko tuwing naiisip ko na mas importante pa siya kaysa saakin, ako ang asawa ni Elijah pero wala akong kwenta para sa kaniya

Tahimik akong naglakad palapit sa kaniya at ng makalapit na ako ng tuluyan ay bigla akong natisod dahilan para maitapon ko ang tubig na nasa baso kay Kali

"Aghhhhhh" agad na umalingawngaw ang matinis niyang boses sa buong bahay kaya mabilis akong tumayo

"S-sorry s-sorry natisod ako h-hindi ko napansin---" hindi ko natapos ang sasabihin

"You fvcking did it on purpose" galit na galit niyang ani saakin kaya na guilty ako

"Hindi ko talaga sinasadya" aniko at akmang tulungan siya sa pagpunas sa kaniyang damit pero natigilan ako ng may tumulak saakin palayo kay Kali

Napa atras ako ng napahawak sa aking balikat kung saan ako tinulak bago pinagmasdan si Elijah na siyang tumulak saakin

"Are you okay?" Malambot ang tono nito ng tanungin si Kali na ngayon ay pabebeng umiiyak

Kumuyom ang kamao ko at naramadaman si manang sa aking likuran, namuo ang luha sa aking mga mata habang pinagmamasdan siyang tulungan si Kali na ni isang pagkakataon ay hindi niya ginawa saakin bilang asawa niya

"Elijah hindi ko talaga sinasadya" sinubukan kong hawakan ang balikat niya pero iwinaksi niya ang kamay ko bago nanggagalit akong binalingan

"I told you to fvcking stay away from my bussines at ngayon may kalokohan ka na namang ginawa" sigaw niya saakin bago dinuro

"Bakit ba mas concern ka pa sa kaniya, ako ang asawa mo Elijah" pag papaalala ko sa kaniya habang pinipilit na maging matapang

Gusto ng tumulo ng aking mga luha pero pinigilan ko iyon

"Asawa sa papel Liah, ni minsan hindi ako pumayag na pakasalan ka. Dapat pala nuong alam kong ganito ang magiging buhay ko kasama ka ay tumakas na ako sa bahay para hindi ako kinasal sa iyo" Malamig niyang ani

Tuluyang tumulo ang luha sa aking mga mata, parang hinati ang aking dibdib sa kaniyang sinabi

Pinagmamasdan ko kung paano niya alalayan si Kali na lumabas mula sa bahay

Napa-iwas ako ng tingin dahil sobrang sakit na sa dibdib

"Ano paba ang dapat kong gawin para mahalin niya ako ng lubusan manangm?" Tanong ko kay Manang Ana na nasa likuran ko at hinahaplos ang aking likuran

"Hayaan mo, balang araw ay mag sisisi din siya sa mga ginagawa niya sa iyo" sagot niya

Sana nga, sana pag sisihan ni Elijah ang mga ginagawa niya saakin ngayon

_______________

Aykafaye❤️❤️

*******

Vote

Follow

Comment

  

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status