Share

Chapter 5

"Hindi kita mapaniwalaan, Kelsey! Paano mo naging kasintahan ang lalaking iyon?!"

"Did he forced you? Don't tell me he's threatening you?!"

"I would die younger because of you, Sefira Kelsey!"

"Jusmiyo! Magboyfriend ka na't lahat, huwag lang ang lalaking iyon!"

Ang mga tanong agad mula sa aking pamilya ang siyang sumalubong sa akin. They all bombarded me with questions I wasn't ready to answer. Malakas ang tibok ng puso ko, napapalunok, ngayo'y nagsisisi kung bakit hinayaan ko pang sabay kaming kumain ni Thaddeus sa labas.

Part of me was expecting this. Surely, they had known what's happened given the fact news spreaded like a wild fire. It's already eight in the morning. Kumakain na dapat ako ngayon pero hinayaan kong bombahin nila ako ng mga tanong.

"Kumalma po muna kayo..." Mahinahon kong sambit sa kabila ng kanilang galit na galit na desposisyon.

My family, the Lafuentes, hate the Trimarcos more than anything. Even though we act civil, it doesn't change the fact they are taking over our land just for some building they want to build. Lolo Samuel owned the land, as we believed for decades. But turns out it's rightfully theirs. Matagal nang hinayaan sa amin pero ngayon ay kukunin na.

"Hindi mo pwedeng maging boyfriend ang isang iyon! He's a Trimarco! He's our family's rival! Delikado ang mainvolve sa pamilyang iyon.." si Lola Andela.

At some point, I'm stuck in the thought that maybe having a deal with Thaddeus Trimarco will make things better. That we will be saved from our ruination. Pero gaano naman ako kasigurado na tutupad nga siya sa usapan? Kung ibabase iyon sa pagkakakilala ko sa kanya, masyadong malabo.

He's not trustworthy enough. Kutusan ko siya d'yan, e.

"Lola, sigurado naman pong may sapat na dahilan si Kelsey. Hindi ba?" Baling ni Janine sa akin kaya napatango na lang ako.

"Don't try to defend her, Janine! Kapag mali, mali!" Ani Tito Joseph na masama na ang tingin sa akin.

"Gan'yan ka pa pinalaki ni Mackenzie? Masyado ka nang nagagaya sa nanay mong makati!" My forehead creased at what Tita had just said. Umiwas ako ng tingin saka lumunok.

Why do they hate the Trimarcos so much, anyway? Parang... pakiramdam ko hindi sapat na dahilan ang lupang pinag-aagawan. I feel like there's something more.

"Is he your boyfriend now? Tell me, we saw the news. Kalat na kalat ang balitang iyan malayo man tayo sa Manila!"

Bumuntong-hininga ako.

"Ni... Nililigawan pa lang po ako ni Thaddeus. Hindi ko pa po sinasagot." I lied. Damang-dama ko ang pagiging maganda sa part na ito.

Tumaas ang kilay ni Lola. "Aba'y may balak kang sagutin kung ganoon?"

Nanlaki ang mga mata ko. "Hala, wala po!"

"O, e, bakit namumula ka?" She smirked.

Pinakiramdaman ko ang sarili ko. I held my cheeks as if I would see if I'm blushing or not. Ngumuso ako at tumingin na lang sa marmol na tiles.

I'm affected, alright. It's just a lie, a simple one, but I'm kind of bothered what Thaddeus might think of me. Talaga lang, Kelsey? Manliligaw mo? E, sa gwapo at estado pa lang sa buhay ng lalaking iyon, paano mo nagawang sabihing manliligaw mo nga siya?!

He might think of me as an assuming bitch! Baka kapag nalaman niyang ginawa ko siyang manliligaw ko, sabihin niyang napaka-feelingera ko naman!

"Ah, basta! Hindi ka dapat mapasama sa lalaking iyon. They're dangerous! Kung hindi mo iniisip ang iyong sarili, isipin mo kaming pamilya mo."

Tumango na lang ako para matapos ang lahat ng tanong. I told Ana, the younger maid, to bring my food upstairs before I went to my room. Malakas na buntong-hininga ang pinakawalan ko pagkatapos pabagsak na nahiga sa kama.

Akala ko pa naman 'pag pumunta ako rito sa probinsiya, gagaan ang pakiramdam ko. Turns out I'll just be more stressful than before.

"Bakit ba kasi pumayag akong maging girlfriend no'n?" Irita kong tanong sa sarili.

If I would really think about it, the question always falls in why. Bakit nga ba? Why did I agree? Talaga bang dahil lang sa kagustuhan kong maisalba ang pamilya? O dahil may iba pa?

Maybe because of his greek god-like looks? I wonder. Inaamin ko, malakas ang sex appeal ng isang iyon. Thaddeus Trimarco, what a name. He really knew how to control everything in his power. Tuwing makikita mo siya, parang obligado ka na lumuhod sa kanya. Sambahin siya. Ibigay sa kanya ang lahat ng mero'n ka.

Nakakainis lang kasi kahit ako naaapektuhan doon.

Biglang tumunog ang phone ko. I lazily grabbed it and speaking of, it's him. Irita kong sinagot ang tawag.

"Ano? What do you want?" I can't hide my annoyance. Not that I want to.

Rinig ko ang malalim niyang hininga sa kabilang linya.

"How... How are you?" His voice was raspy. Kagigising niya lang siguro.

I gulped, tapping my fingers on the bed. "Why are you asking? Wala naman sa usapan natin ang pangangamustahan, a."

"Because I'm your boyfriend, that's why. And a good boyfriend cares for his girl." Para akong sandaling nawala sa wisyo dahil sa kanyang sinabi.

Even though I had said it before, he's annoying. Mataas ang tingin sa sarili. Mayabang. Nakakairita kahit pa sobrang gwapo. But at the same time if he keeps using this boyfriend card, there's a chance my opinion of him would somehow change.

"You already eat?" Tanong niya matapos ang katahimikan.

I laughed to lessen the tension in me. "Hindi pa. Bakit? Would you eat me?" I tried to joke just to see what will it be to me. Saka ko lang napagtanto kung gaano kapangit pakinggan niyon.

Umigting ang kanyang panga.

"You don't need to ask. I'm willing to do it if it'll please you." Madilim niyang sambit na dahilan para impit akong mapatili.

What did he just say?!

"H-Hoi, joke lang. It's a joke, d-don't take it seriously." Now this is awkward.

Kung ganoon, tama nga ako. May ibang epekto sa akin iyon. Kung sa bagay, hindi ko maimagine ang itsura namin kapag... ganoon. It's just the utter hope I'm not fit in his standards that made me care less about it.

Malabong magustuhan niya ako.

At kahit magustuhan niya man, wala akong pakialam. He's just a man that's why he has an effect on me. Ganoon lang.

"Anong oras nga pala 'yung.. party?" Sabi ko sa magaang boses. Mahigpit ang hawak ko sa bedsheet habang hinihintay ang kanyang sagot.

"It starts at seven. Though, we should be at the hotel early. Gusto kitang ipakilala kina Mama." Mataan niyang ani.

Siguro kung totoo itong ginagawa namin, kanina pa ako naglupasay sa kilig. I scoffed.

"Six at the evening, then. Maaga pa lang nand'yan na ako-"

"I will pick you up." He cut me off. Nanlaki bigla ang mga mata ko't sandaling naibaba ang telepono.

Wait, what? If he'll fetch me, there's a chance he'll meet my family. Bobombahin siya ng tanong ng mga iyon! Malalaman niyang ginawa ko siyang manliligaw ko!

"H-Hindi na! Hindi na ako bata! can go there on my own." Pinalaki ko ang boses ko.

Now I could vivid his furrowed eyebrows.

Humugot siya ng malalim na hininga. "What do you mean? Ako na ang susundo sa iyo."

I awkwardly laughed. Gosh, I can't find any reason why! "Uh, kaya ko na naman na. Isa pa, ayokong... makita tayo ng.. pamilya ko. Baka kung anong isipin nila.."

"But the whole city knows about us. Everyone knows you're my girlfriend."

Inis akong nagbuga ng hininga. It's because of him! Dalhin ba naman ako sa isang restaurant at pagkaguluhan kami nang lumabas?! Not to mention he's a frigging bussiness tycoon and a bachelor!

Natural na malalaman talaga nilang kami na nga. Ang tanga rin nito minsan.

"Kahit na. Basta, don't sundo me. Just send me the address, ako na ang pupunta d'yan." I ended the call before he could even speak.

Padabog kong ibinaba ang telepono sa kama bago ngumuso.

Why's he being sweet, anyway? Ganito ba talaga siya lagi sa nagiging girlfriend niya? Masyadong mabait at caring, malayo sa delikado niyang awra nu'ng una kaming magkita.

I can't still forget he tried to rape me. Kahit pa gaano man siya kabait ngayon...

Ipinilig ko ang aking noo at binuksan na lang ang pinto nang kumatok si Ana dala ang pagkain ko. Pinapasok ko siya at nagsimula nang kumain na medyo walang gana.

Nang sumapit ang isang oras na wala akong ginagawa, pinili kong pumunta sa farm namin para magmuni-muni. The farmers warmly greeted me one by one. Inaasikaso pa ako ni Manong Bernard, ang head ng poultry station.

"Mabuti at napasyal ka dito, Maam. Tuwang-tuwa ang mga empleyado ninyo, o." Sabay turo niya sa mga manggagawa na nadaraan.

"It's a pleasure to me, po, Tatay Bernard. Ngayon lang rin po ako nakapasyal dito kaya sinulit ko na."

"Balita ko'y dito ka na raw maninirahan? Sa bagay maganda nga iyon. Di hamak na mas maganda ang atmosphere dito kumpara sa Maynila."

Inililibot niya ako sa buong lupain. Sa ngayon ay nandito kami sa poultry. Masyadong maiingay ang libo-libong mga manok habang pinapakain ng mga tauhan. Nagulat pa ako ng abutan niya ako ng patuka at saka sinabing ipakain iyon sa mga manok.

"Kanino niyo naman po nalaman iyon?" Kuryoso kong tanong.

I'm not staying here for good. There's still a life I have purposely left behind in Manila and I can't just bury all of that.

Nagkibit balikat si Tatay Bernard. "Doon sa iyong mga kaibigan. Ano ngang pangalan ulit niyon, Ruby at Gemma? Rinig ko silang kausap sina Aling Susette nang minsang nadalaw rito."

Kumunot ang noo ko roon. As far as I remember, I haven't told them I'm planning to stay here. Kailan ko naman sinabi iyon? At bakit nila sasabihing plano ko na lang manirahan dito?

"Ah... is that so.." I tried to remain casual about it. It's no big deal.

Nang matapos roon, sinabi ko kay Tatay Bernard na uuwi muna akong mansion. Nag-alok siyang samahan ako pero magalang ko iyong pinuntahan. I found Mommy sitting in the sala when I was about to go upstairs, raising a brow.

"Kelsey, finally! Nahanap rin kita!"

Niyakap niya ako bigla. Naguguluhan ko siyang tinitigan.

"What's wrong, Mom?"

"Wala! I just want to tell you I already fixed everything you need! Nakasettle na ang photoshoot mo sa isang luxury brand! They are very pleased to work with you!"

"Wait, you did what?!" Hindi ko inaasahan ang biglaang pagtaas ng aking boses. Natigilan siya. "Mom, I told you before, ayoko munang bumalik sa pagmomodelo! Can't you just respect my decision?! For once? H'wag ka masyadong desisyon sa buhay ko."

Padabog akong pumanhik sa taas. Wala pang isang minuto ay kasunod ko na siya.

"I know that, Kelsey. Though w-why don't you give it a chance? Maraming naghihintay na opportunity sa iyo, pagpayag mo na lang ang kulang."

I hissed.

"Mommy, kapag ayoko, ayoko! You know that better than anyone else."

"B-But I already proposed you to them! Hindi ko na pwedeng bawiin ang sinabi ko." Hindi talaga siya tumitigil!

"And I haven't signed a contract yet! Isa pa, when did you become my manager? Si Ruel dapat ang naghahandle ng ganitong mga bagay."

Nauutal niyang sinubukang magtaray. "Well, I-I declared myself as your manager. Nagresign na si Ruel dahil may bago nang hinahandle na modelo."

Si Ruel ang aking dating manager. He handled every offers I had and he's good at his job. Kaya nang sabihin ko sa kanya ang plano kong iwan muna ang trabaho, nagkaroon kami ng pagtatalo na nag-uwi sa pagreresign niya.

Bumuntong-hininga na lang ako. I massaged my temples. God! She's driving me insane! Imbis na paghahanda sa kaarawan ni Cliona Trimarco ang ginagawa ko, kailangan ko pang asikasuhin ang problemang naidulot ng aking ina!

Umiling-iling ako habang papunta sa kwarto. Ayoko munang problemahin ang mga pinagsasasabi ni Mommy. Magsasalita pa sana siya ngunit mabilis ko nang naisara ang pinto at nilock agad iyon.

"I'm doing this for your future! Balang araw pasasalamatan mo rin ako sa mga ginagawa ko para sayo..." Sigaw niya pa.

Dumiretso ako sa veranda ng aking kwarto. Staring blankly at the infinite sky, I felt calm. For the meantime, atleast. Masyadong magulo ang buhay ko. Parang hindi matapos-tapos ang problema.

Alam ko namang gusto lang makatulong ng aking ina. But her ways don't blend well with mine. She's self-centered, abusive and audacious. She loves the spotlight that even when her time had passed as an actress, she still thinks the world revolves around her.

Nang sumapit ang alas singko ng hapon, nagsimula na akong mag-ayos. I was stuck between choosing my two favorite designer dresses. Paano ba naman, hindi ko alam ang susuotin ko. The peach off shoulder dress complemented well with my fair skin. But the black mini dress looks better.

It's a long-sleeved silk crepe dress, which had a deep v-neckline, a thigh-grazing hemline and glittering silver lines and star embellishments.

Sa huli, iyon ang sinuot ko saka itim na pumps.

"Maam Kelsey, may naghihintay po sa inyo sa labas..." Saad ng kasambahay sa tapat ng kwarto.

I inhaled then looked at my reflection in the mirror. Natural na kulay itim ang buhok ko. My eyes are shaded in blue. I put my lipstick on at last and went outside when I'm done.

"Sino daw po?" Tanong ko habang naglalakad palabas.

"Tauhan daw po ni Mr. Trimarco. Ipinapasundo kayo para sa kaarawan ng ginang.."

Although we had an understanding I'll go there on my own, I can't believe he still insisted. Kaya nang makita ko ang magarang sasakyan sa tapat ng aming mansion, humugot ako ng malalim na hininga.

"Where's Lolo and Lola, anyway? Nauna na po sila doon?"

Tumango ito. "Opo, Maam. Sila Maam Urzula na lang po ang nandito't naghahanda."

I nodded before I gazed the car beside me. Walang emosyon na nakatingin sa akin ang driver na kanina pa ako hinihintay. I composed my posture and smiled a little only to be greeted by his stoic face.

Hanggang sa makapasok ako sa loob, wala pa ring nagbabago sa mukha nito. Bumuntong-hininga ako.

"Saan po ang venue ng event, Kuya?" I asked the middle age man.

Hindi niya ako sinagot. Hanggang sa matapos ang byahe, wala pa rin itong imik.

There are media everywhere. Maingay na crowd ang sumalubong sa akin pagkalabas ko pa lang sa sasakyan. The party's held at their biggest mansion. Agad akong pinagkaguluhan ng mga reporters.

"Kelsey Lafuente, boyfriend mo na nga ba talaga si Thaddeus Trimarco?"

"Are the rumors true, Miss Lafuente?"

"How will you explain the photos?"

"Tyra Zafra, Mr. Trimarco's ex girlfriend believed it's not true. Ano ang masasabi mo noon?"

Tumiim ang bagang ko. Maraming napapatingin sa akin. Maging ang ilang sikat na artista na nakita ko. I bit my lip harshly as I excused myself not to answer those questions.

I'm aware getting involved with him is also taking away my privacy from me. Kung bakit ako pumayag na maging girlfriend niya ay hindi ko na matandaan. Some part of me were disgusted at the idea, the other half was... you know, the opposite.

Kahit pa ganito ang dinadanas ko.

He's a famous bachelor, I give him that. Maraming babae ang nagkakandarapa sa kanya. With his looks and status, he can bed and date any woman he wants anytime and anywhere. Walang kaso sa akin iyon. Ayoko lang na pinagkakaguluhan ako dahil sa kanya.

Malawak na mansion ang sumalubong sa akin. My lips were in awe as I analyzed every detail of the place. Mula sa naglalakihang mga chandelier, mamahaling klase ng marmol na tiles at ang mga paintings ng mga kilalang pintor hanggang sa mga mayayamang tao na dumalo sa pagtitipon-tipon.

Lumunok ako.

"Whew. This place is so overwhelming. Talagang nakakaout of place." May nagsabi ng naiisip ko.

I gazed beside me. Isang pamilyar na lalaki ang naroon. He's grinning from ear to ear. Singkit ang mga mata at meztizo. Naglakad siya ng kamay.

"I'm Jino. I believed we've met. You're Gemma's friend at the bar, right?" Mabilis akong napatango mula sa pagkakatulala at agad tinanggap ang nilahad niyang palad. He chuckled.

"Uh, yeah. I remember..." Well, that explains why he looked familiar. Siya pala iyong kinita ni Gemma sa club. "Nasaan na pala si Gemma? She's with you?"

Luminga ako sa paligid. Hindi ko makita ang mga kaibigan ko.

Umiling siya. "Unfortunately, she can't come. Pati na rin si Ruby. Gemma's at Singapore for her father's business meeting while Ruby is in Manila."

Tumango na lang ako para intindihin iyon. I looked in front of me as my eyes recognize familiar faces. Napakapormal ng birthday na ito. Hindi ako sanay.

"Ikaw pala? Wala kang kasama?" He asked when the silence stretched.

"I'm waiting for my..." Tumikhim ako. "I'm waiting for Thaddeus."

His eyebrow raised. Nakita ko ang pang-aasar sa kanyang titig.

"Boyfriend mo, diba?" Namumula akong tumango. I looked away. "Nakita ko kanina may kasamang babae. Tyra's the name, I think. Dumiretso sila sa taas."

My forehead creased. Tinignan niya ako na parang nag-aabang sa aking reaksyon. I cleared my throat to ease the tension in me.

"As I've heard. Nagpasama lang siguro sa library." I lied.

"Maybe, maybe not. Ano kaya siguro ang ginagawa nila sa library kung ganoon?"

Napaisip rin ako. Bakit nga pala sa library ang nasabi ko? Ano namang gagawin nila doon? Magbabasa ng libro? Tuturuan ni Thaddeus kung paano bumasa ang babae?

I pouted then looked away. I chose to divert my attention in front and just listened to the hostess. Nagsimula na ang party. Tumayo ang lahat nang bumaba si Cliona Trimarco sa elegante at kumikislap sa gintong hagdan suot ang glamourous na dress nitong pinalilibutan ng magagarang dyamante.

She's wearing her designer jewelries. Nakagloves rin at talagang mukha itong si Venus, ang dyosa ng kagandahan sa mga griyego. Beside her is her husband, Sage Trimarco, in his black tux and stoic face. Para silang mga taong mahihirap abutin. It feels like we are obligated to respect them as they deserve it.

They thanked all the guests. Maraming bumati rito at sa halakhak ng ginang, alam kong tuwang-tuwa ito ngayon. I was with Jino when Janine approached me.

"Huy! Nakita pa kita hinahanap,

nandito ka lang pala." Napatingin siya sa katabi ko. She raised a brow at me. "Doon ka na sa table namin. Tabi-tabi tayo nila Mama."

I smiled. "Si Mommy, nandito na ba?"

"Ah, oo. Kausap iyong ibang bisita."

Natigil kami sa pag-uusap nang matanaw kong pababa ng hagdan si Thaddeus kasama iyong babaeng tinutukoy ni Jino. May matagumpay itong ngiti sa labi bago inayos ang ilang hibla ng nagulong buhok.

Sa tabi niya ay si Thaddeus na salubong ang kilay at matikas na naglalakad pababa. His eyes roamed around until it landed on me. Lalakad na siya papunta sa akin nang kapitan siya ng babae sa braso at may ibinulong.

"Thanks for tonight..." Jino playfully mimicked what the woman probably whispered.

My eyes remained on them. Wala man lang nagbago sa reaksyon ng lalaki. His expressions remained cold and hard. Binawi niya ang braso sa babae saka naglakad patungo sa table ko.

Kumakabog ang dibdib sa kaba, hindi ko alam kung saan ibabaling ang paningin. Sinubukan kong ngumiti ngunit nagmukha lang akong tanga roon. His gaze then drifted beside me, to Jino, before I saw his jaw clenched. He was unexpressive, but I saw a glimpse of menace from his eyes.

Nang makalapit siya, di ko pa rin alam ang gagawin. Jino stood up thinking it will be his clue to leave. Napapikit ako ng mariin saka siya binalingan.

"I think it's time to leave. Nandito na boyfriend mo, e." He chuckled before gazing Thaddeus with a glare. Lumunok ako. "Doon lang ako sa kabilang table-"

"Y-You're welcome here. Dito ka na lang." Kinakabahan ako. Mas marami, mas masaya kaya dito ka na lang Jino!

I'm aware of the attentions we're getting. Sa gilid ng aking mga mata'y nakita ko ang nanghahamak na tingin ni Cliona Trimarco sa akin at ng kanyang asawa.

Nanlaki ang mga mata niya. "Really? D-"

"He can find another table. There's a plenty of 'em. This is ours, Sefira. Right, boy?"

My lips parted at the name he called Jino. Kumunot ang noo ng lalaki at hindi na sumagot pa. Thaddeus ruthlessly glared at him. The former sighed and just smiled at me. Apologetically, I gave him a smile and I saw Thaddeus throwing dagger looks at me.

"Alis na ako, Kelsey." Paalam niya bago lumapit ang bumulong ng hindi ko inaasahan. "Enjoy your time with your boyfriend. Kakatapos lang n'yan magbasa sa library..."

Nanatiling nakaawang ang labi ko kahit na nakaalis na siya. Thaddeus pulled his chair beside me so we'll be more close.

"Who was that? Manliligaw mo?" Suplado niyang tanong, salubong ang kilay at iritado.

I looked at him. Still in utter shock, I remembered Jino's words. Grabe ang emosyong naramdaman ko habang paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang sinabi niya na parang sirang plaka.

Sarcasm consumed me.

Right. Sana natuto silang magbasa.

Shandreev

Shandreev

Please let me know your feedbacks in this story. It will help a lot. Thank you

| Like

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status