Share

KABANATA 18

Tama nga ang mga sabi-sabi na simple lang ang buhay pero maraming balakid at hindi inaasahang pangyayari. ’Yong tipong, akala mo ayos na pero hindi pa pala. Akala mo maaari ka nang umusad pero marami pa pa lang malalaking bato dahilan para huminto ka at maghintay sa mabagal na proseso.

Ang sabi nila ay sumabay lang tayo sa agos ng buhay ngunit paano kung hindi na maganda ang pag-agos? Paano kung tumataliwas na ito sa gusto mong mangyari? Paano kung hindi kapani-paniwala ang agos ng buhay? Sasabayan ko pa rin ba ito?

Hindi ko pa ulit nakakausap si Tita. Ayoko siyang kausapin o kahit sino sa kanila. Hindi pa ako handa dahil baka kung anong magawa ko dala ng galit.

"Hoy, astig! Magkaklase pa rin tayo!" Inakbayan ako ni Aaron habang tinitingnan namin ang listahan ng mga sections.

Ngumiwi ako. "Si Marga?"

"Sa pagkakaalam ko ay sa ilang subjects lang ulit. Si Luis, sa isang subject

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status