Share

KABANATA 18

KABANATA 18 

Czar’s POV 

“Manok lang pala” saad ko bago kinamot ang ulo. 

Nasaan na ba ’yong si Señorita Brazinn, lagot talaga ako kay Señora Teresa pag tumakas ‘yong apo niya na yun.  Bawal pa naman siyang lumabas ng mag-isa. Hay nako. 

Tumalikod nalang ako at nagsimulang humakbang pabalik sa bahay nang bigla kong napansin ang isang bagay na nasa lupa. Yumuko ako bago ito pinulot. 

Teka ano to? Nagtataka kong tinitigan ang keychain na may nakasulat na Brazinn. 

“Teka kay Señorita ‘to?” bulong ko. 

Bigla ako akong naghinala. Bakit ito nandito eh hindi naman pumupunta dito si Señorita at tsaka masyado nang masukal dito at imposibleng pupunta siya dito nang mag-isa. 

Habang nag-iisip bigla kong naalala na nasa taas nito ang silid niya. Paunti-unti kong inangat ang tingin ko at bumungad sa akin ang puting lubid na nakalugay mula sa silid niya. Lumapit ako dito at tinignan mabuti kung ano ‘yun at doon ko lang napagtanto na tela itong  pinag dugtong-dugtong.  

Bigla akong kinabahan dahil sa naiisip ko. Ako ang malalagot nito kay Señora. Bumalik ako sa realidad nang may tumunog pula sa gilid ng damuhan, agad ko itong nilingon at tinignan. 

Nagulat ako nang makita ko ang isang selpon nasa gilid. Pinulot ko ito at tinignan.

Bumungad sa akin ang isang message na nakaflash sa screen. 

__________________________

[ 13 message from Zach.   ]

————————————

Diba Zach ang pangalan ng kaibigan ni Señorita na uuwi din dito ngayon? Mabilis kong pinindot iyon at binasa. 

ZACH D’PINILI 

[—Zinn, don’t you dare go to that forest alone! I’m on my way. That suicidal forest is dangerous!]

[—Zinn I’m coming, nasa airport na ako]

[—OTW na kami ni Tita]

[—Zinn hold on. Nasiraan kami.]

[—Wait for me okay? Wag ak pumunta ‘don nang mag-isa.]

... 8 more

Biglang nanlaki ang mata ko nang m****a ko iyon. Pupunta siya sa gubat? Maglakad na Sana ako pabalik sa loob ng Bahay para ipaalam yung Kay Señora nang bigla akong may nakita sa dulo ng damuhan.

“Señorita?” bulong ko nang mapagtanto na si Señorita Brazinn iyo. Naglalakad siya patungo sa bahay suicidal forest. 

“SEÑORITA!” 

“SEÑORITA BRAZINN!!” ilang besis Kong sigaw sa kanya pero hindi manlang niya ako nililingon. 

Hindi pwedeng pumunta siya doon. Maaari siyang mapahamak sapagkat delikado ang gubat na iyon. Kahit ako na lumaki dito ay hindi sinubukang pumunta doon. 

“SEÑORITA!” 

Mabilis akong humakbang punta sa deriksyon niya para sundan siya at pigilan nang may marinig ako’ng sigaw mula sa loob ng masyon kaya lumingon ako. 

“Czacario Hijo!” narinig kong sigaw ni Señora Teresa mula sa loob. 

“Sandali lang po!” sagot ko naman agad. 

Sandali ko pang hinintay na sumagot ulit si Señora pero hindi na siya sumagot kaya nilingon ko ulit ang deriksyon ni Señorita Brazinn pero nagulat ako nang wala na siya doon. 

Hindi na ako nag-aksaya ng oras at agad na bumalik sa loob ng masyon. Kailangan nilang malaman ito nang sa ganun ay masundan namin si Señorita sa loob ng suicidal forest. Sigurado ako'ng mapapahamak siya kung hindi agad siya makakaalis doon. 

“SEÑORA! SEÑOR!” hingal kong sigaw habang tumatakbo pabalik sa loon ng masyon. 

Nang marating ko ang salas ay bumungad sa akin sina Señora Teresa at Señor Alessandro. Hingal na hingal ko silang nilapitan. 

“Oh Hijo ano bang sinisigaw at parang takot na takot ka, ako ay nininerbiyos sayo” saad ni Señora habang nakaupo sa Sofa. 

“S-si Señorita po—” putol-putol kong sabi dahil parang nauubusan ako ng hangin at hindi ako makahinga ng maayos. 

“Bakit?” 

“Tumakas po siya” mariin kong sabi. 

“Diyosmaryosip nasaan ang Apo ko?” saan naman ni Señor Alessandro bago tumayo at lumapit sa akin. 

“Pumunta po siya sa suicidal Forest” pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko para hindi sila magulat at baka atakehin pa sa puso si Señora Teresa. 

Mabilis na lumapit sa akin si Señor Alessandro at hinawakan ako sa magkabilang balikat bago niyogyog. “Nasaan ang Apo namin? Bakit hindi mo siya pinigilan?” 

Yumuyo nalang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko. Hindi ko siya napigilan dahil hindi ko alam na pupunta siya doon. 

“Pasensya na po, hindi ko po kasi alam na pupunta doon si Señorita Brazinn at—”

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang biglang mag magsalita mula sa likod ko. 

“Where is she?” 

Maharan akong binitawan ni Señor Alessandro kaya agad akong lumingon sa nagsalita mula sa likod namin. Bumungad sa amin ang Ina ni Brazinn at ang isang lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay ang best friend nito. 

“I said where is Brazinn? Nasaan siya?” hindi ko nalang namalayan na nakalapit na siya sa akin at agad na hinawakan ako sa kwelyo at inangat pataas. 

Yumuko lang ulit ako, I’m so sorry hindi ko sinasadyang hayaan siya na pumunta doon. Nang nakitang kong kumalma na siya ay naglakad ng loob akong magsalita. 

“Ito, nakita ko ang mga ‘yan sa likod ng bahay at nakita ko siyang papasok sa loob ng Gubat. Susundan ko na sana siya ngunit tinawag ako ni Señorita Teresa at nawala nalang siya sa paningin ko” 

“My gracious… what did Brazinn do?” saad ni Ma’am Alexandra habang umiiyak bago umupo sa sofa. She looks frustrated. 

Bumaling ako kay Zach nang bigla niyang kinuha sa akin ang selpon na gawa ko. 

“This is Zinn’s phone. Ito yung luma niyang phone na ginamit pang text sa akin kanina. I should’ve come early to stop her” saad siya bago sinuklay ang buhok gamit ang kamay nito. 

“Zach , what do you mean?” 

“Tita, Zinn asked me to go with her that’s why I was in a hurry kanina but damn I got trouble with my car’s engine, I swear I tried to stop her but knowing Brazinn she’s  doing whatever she think’s excites her” 

Nagpabalik-balik ang tingin ko sa kanila habang isa-isa silang nagsasalita. Umiling nalang nalang at huminga ng malalim.

Bakit kasi pumunta siya doon? Napakamot nalang sa batok. 

“We need to call a police” saad ni Zach. 

Bumaling ako kay Zach at tumango. Tama siya, kailangan namin ng tulong ng autoridad dahil alam kong masyadong delikado sa loob na pumasok sa gubat ng kami-kami lang.

“No, no!” 

Bumaling kaming lahat kay Ma'am Alexandra nang bigla siyang komontra sa sinabi Zach na parang ayaw niyang malaman ng mga autoridad ang tungkol sa pagkawala ni Señorita Brazinn. 

“Hmmm I mean ‘wag muna. Sasabihin lang nila na maghintay ng 24 hours before we start looking for my daughter, it’s a wasting of time kailangan na nating simulan ang paghahanap” dagdag pa niya. 

“Right Tita, we need to find Brazinn as soon as possible” 

Nagsimula na kaming maghanda na maghanap kay Brazinn. Gustong sumama ni Ma’m Alexandra pero sinabihan ko sila na masyadong delikado sa loob ng forest. 

“Tita sisimulan na po namin ang paghahanap” pagpapa-alam ni Zach. 

“Please do your best Zach, I’m begging you” umiiyak na nagmaka-awa si Ma’am Alexandra. 

Niyakap lang siya ni Zach bago bumaling sa akin at inayana na akong umalis. Bago pa man kami nakaalis ay pinigilan kami ni Señora Teresa. 

“Jusko ang Apo ko, sana hibdi siya mapahamak sa gubat na iyon. Masyadong delikado doon—UHH” saad niya bago humawak sa d****b niya at pumukit na tila may iniindang sakit.

“MA! MAMA?” sigaw ni Ma’am Alexandra nang biglang nahimatay si Señora Teresa. 

Mabilis kaming tumakbo pareho ni Zach palapit sa kaniya. 

“T-Teresa gumising ka” 

“SEÑORA”

“LOLA TERESA!” 

Inalalayan namin siya upang hindi ito tuluyang matumba sa sahig. Bigla akong natumba at na out of balance nang itulak ako ni Ma’m Alexandra. 

“Call the Doctor, bilis” natataranta niyang sigaw sa akin.

Mabilis kong kinuha ang telepono at tinipa ang numero ng private Doctor ng pamilya nila. 

Malakipas ang ilang minuto ay nagtulong-tulong kaming alalayan si Señora at dinala sa Silid nito. Ilang sandali pa ay dumating na din ang Doctor at sinabihan kami ni Ma’am Alexandra na simulan na ang paghahanap kay Señorita Brazinn at Siya na ang bahala sa Ina nito. 

Nagsimula kaming maglakbay, sa likod din kami dumaan kung saan ko nakita kanina si Señorita Brazinn. Makita sa mga mata ni Zach at ang pagiging aligaga nito. 

Hapon na din at nagsisimula Nang dumilim ang paligid kaya may dala kaming flashlights at extra batteries. 

Alam kong delikado dito dahil kahit dito ako pinanganak at lumaki, hindi ko pa sinusubukang pumunta dito. Usap-usapan ang hindi magandang kasaysayan ng gubat na ‘to at kung ilang tao na ang pumasok dito at hindi na nakalabas pa ulit.

Habang naglalakad ay may nakita kaming karatulang may nakasulat kaya binasa namin ito. 

“WARNING SUICIDAL FOREST AHEAD!” 

Yan ang nakasulat doon at halatang pinaglumaan na ng panahon ayon sa itsura nito. May bahagi itong natatakpan ng mga tuyong dahon at alikabok. Nagtaka ako nang makita kong may bahagi na tila hugis kamay. 

“Sir, may marka ng kamay at halatang bago palang baka dito dumaan si Señorita Brazinn” walang pag-aalinlangan kong saad at pinutol ang katahimikan sa paligid. 

“May be that’s her besides Wala namang pumapasok na ibang tao dito diba?” tanong niya sa akin habang inuusisa ang karatula. 

“Opo sir, masyadong takot ng mga tao para subukang pumasok dito” saad ko naman. 

“Stop calling me Sir, Zach nalang” 

Tumango nalang ako at nagpatuloy na kami sa paglalakad. Habang tumatagal ay mas lalong dumidilim ang paligid kaya mas lalong nagiging masikot ang gubat. Hindi ako makapaniwala na ang isang kagaya ni Señorit ay maglalakas ng loob na pumunta dito. Napaka tapang niya bilang isang babae na lumaki sa siyudad.

Habang naglalakad ay may napansin kaming umuusok sa dulo ng gubat. 

“BRAZINN!” 

“SEÑIRITA BRAZINN!” 

“BRAZINN NANDITO KA BA?” 

Hindi kami tumigil sa pagsigaw nang sa ganun kung nandito man siya ay marinig niya kami. Ilang minuto pa ay may nakita kaming tent na nasa gilid ng puno. 

“Baka nandito lang siya at nakatulog lang” saad ni Zach bago nagsimulang maglakad palapit sa tent. 

Hinayaan ko lang siya at hinintay na pumasok sa loob. Binuksan niya ito at bumungad sa amin ang mga kumot at unan sa loob ngunit walang tao dito. 

Napailing nalang si Zach bago tumayo ulit. 

“Fuck, where the hell is she?” nanginginig ang bosis niya habang sinasabi iyon.

Tinignan ko lang siya bahang sinisipa ang patpat ng kahoy na nakakalat sa lupa. Pagbagsak siyang lumuhod bago sinabunutan ang sarili. Napansin ko ang luhang tumutulo mula sa mga mata niya ata lumuhod ako at hinimas siya sa likod. 

“Ayos lang yan Zach, mahahanap pa natin siya... Matapang yun diba?” saad ko habang pinapakalma siya. 

“Matapang yun pero tanga tanga, hindi manlang iniisip na pwede siyang mapahamak dito” saad niya bago pinahid ang luha. “Kasalanan ko kung bakit siya pumunta dito ng mag-isa, if only I came on time” 

Umiling ako at tinulungan siyang tumayo. 

“Tumayo ka nga diyan told, wag mong sisihin ang sarili mo. Imbis na umiyak ka diyan maghanap nalang ulit tayo... tiwala lang” saad ko at nginitian lang siya. 

“Tara na nga” ngumisi ito at nagsimulang maglakad palayo.

“Sundan natin yung usok, baka nadun lang siya” saad ko at sumunod kay Zach. 

Ilang sandali pa ay nakarinig kami ng kahol ng aso kaya inilawan namin iton ng flashlight. Masyado nang madilim dito at nilalamig na din ako. Tinignan ko ang suot kong wrist watch, it’s already 8:30 in the evening.

“arf arf arf” nagpatuloy ang ingay na iyon habang palapit kami ng palapit. 

Naglakad kami ulit palapit sa usok at sa asong kumakahol. Wala namang dalang aso si Señorita Brazinn pero kailangan naming siguraduhin kung siya nga yun o hindi. 

Nakita kong lumalayo na si Zach sa akin. Lumapit ako sa kanya at bumungad sa amin ang aso na patuloy na kumakahol habang nakatali sa puno. 

“Tol gabi na, umuwi na muna tayo!” saad ko.

“Hindi tol walang aalis hanggang hindi natin siya nahahanap” 

Alam kong gusto niyang mahanap si Señorita pero gabi na eh. Hindi siya nakinig at patuloy sa paglalakad.

Hinayaan ko langs siya nang bigla siyang sumigaw. “What the fuck?” 

Mabilis akong tumakbo sa deriksyon ni Spruce at nagulat ako sa bumungad sa amin. 

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status