Share

KABANATA 20

KABANATA 20

“Salamat sa tulong mo” saad ko bago nahihiyang pinilipit ang dalawang daliri.

All this days inaayaw at kinaiinisan ko siya dahil sa pagiging bastos at sa pagiging magaspang ng ugali niya. Simula nung una ko palang siyang nakilala hanggang sa nangyaring labanan noong mga nakaraang araw. Pero kahit na ganun, tinulungan parin niya kami. Niligtas niya ang buhay ko laban sa mga pirata at tinulungan pa niya kaming manghuli ng ligaw na hayop.

Kung hindi dahil sa kanya, siguro isa na akong karnenorte na kinakain ng Sigbin. Bukod pa dun, baka pati si Tatay Alberto nadamay pa. I can manage to let him die after I saved his life before. Fetisha is real monster, wala siyang awa pati matanda sasaktan. Wala ba siyang magulang na nagturo sa kanya ng magandang asal at huwag mang-apak ng tao?

“Walang ano man” saad nito at nginitian ako bago nilapit ang mukha niya sa mukha ko. Bahagya akong napa-atras dahil dun. Gawain niya talaga siguro yang paglapit mukha sa kausap niya, as far as I can remember ilang besis na niyang ginawa sa akin ‘yan. “simula palang ‘yan paghingi ko ng tawad sayo sa mga kasalanan ko kaya kung may maitutulong ako ‘wag kang mahiyang lumapit sa akin”

Dahil sa sinabi niya napangiti ako. Mabait naman pala talaga siya at hindi kagaya ng inaakala ko. Tinaas ko ang kamay ko at hinawakan siya sa balikat. “Tama na Yung isang besis… salamat”

Ngumiti lang ulit siya sa akin habang tinititigan ako. “Pwede na ba tayong maging magkaibigan?”

Nagdalawang-isip pa ako na sumagot dahil hindi ko alam kung totoo ba yun. Ilang sigundo pa ang lumapas bago ako tumango. “Oo”

Ewan ko pero parang ang niya dahil sa sagot ko na ‘yun. Ganun ba ka big deal sa kanya na maging kaibigan ako?

Kasalukuyan ako ngayong nandito sa harapan ng Servant's Quarters. Sa lugar mismo kung saan kami naglaban dati. Pumunta sila dito ni Fetisha para kunin ang sampong ligaw na hayop na hinuli namin. Mabuti nalang talaga tinulungan kami ni Stygian, I know I’m paulit-ulit na ako pero totoo naman kasi. Kung hindi pa siya dumating para tulungan kami anim lang sana nakuha namin. Yung tatlong una naming nakuha, ang isang nahuli ni Spruce at ang dawala na nahuli din ni Cazsey. Samantalang ako wala talagang nakuha dahil dun sa mga pirata, ayaw ko naman na bumalik doon dahil na-aalala ko lang ang pananakit nila sa akin. 

Ilang sigundo pa kaming nag-usap ni Stygian bago ko naramdaman na may nakatingin sa amin. I saw Fetisha on my peripheral vision and she’s looking at us intently. Bigla akong kinabahan dahil sa masakit niyang tingin, parang galit na galit ang mga mata niya. 

“Zinn” 

Napalingon ako sa likod ko nang may tinawag sa pangalan ko, there I saw Spruce looking at me with his hands inside his pockets. “oh?”

My eyebrows furrowed upon seeing his reaction, parang nag-aalala or something?

“Stygian, aking mahal” napalingon ulit ako nang marinig ang bosis na iyon ng babae. Bumungad sa akin si Fetisha na naglalakad palapit sa deriksyon namin. Bakit parang ang bilis naman yata niyang maglakad, kanina nasataas pa siya ng malapad na bata ngayon nandito na siya. 

“Umalis na tayo” bulong ni Spruce sa tainga ko at mahigpit akong hinawakan sa balikat. Hindi ko inalis ang tingin ko kay Fetisha, everytime I am seeing her gusto ko siyang sabunutan at kaladkarin. 

Bahagya siyang lumapit kay Stygian at kumapit sa braso nito na parang batang takot agawan ng lollipop. Akala mo naman may aagaw sa lalaki niya. Biglang sumagi sa isip ko ang sinabi ni Donya Allura na pinatay ni Fetisha ang dalawa niyang anak dahil sa selos nito. She’s possessive.

Inangat niya ang tingin kay Stygian at hinawakan ito sa mukha. “Gusto ko nang bumalik sa kaharian” bulong nito. 

Bahagyang tumingin sa akin si Stygian bago ngumiti. Lalapit pa sana siya sa akin para magpaalam pero bigla siyang hinigit ni Fetisha at nagsimulang maglakad palayo. Lumingon pa si Stygian sa amin bago kunaway pero bigla siyang hinampas ni Fetisha sa braso. 

Ngumiti nalang ako bago bumaling kay Spruce na nakatingin sa akin, may pag-aalala sa mukha niya. Ngumiti nalang ako sa kaniya bago yumuko. 

“Tara na?” tanong ko bago kumapit sa braso niya kagaya nig ginawa ni Fetisha Kay Stygian. 

Nagsimula na kaming maglakad papunta sa loob ng Servant's Quarters. Dahil may sobra kaming nakuhang ligaw na hayop, nagdesisyon si Donya Allura na magpakain at ipagdiwang ang kaarawan ng anak isa sa mga anak nito. 

Nagpatuloy lang kami sa paglalakad hanggang sa marating namin ang kusina. Doon namin naabutan ang mga kusinilya na abala sa paghahanda. Sinalubong kami ni Donya Allura na may mga ngiti sa labi. 

“Salamat dito sa handog ninyo. Ilang buwan na din kaming hindi nakakapagdiwang at nakaka-kain ng karne” saad nito bago kami niyakap ni Spruce. I just hug her back, nakikita ko talaga sa Mom sa kanya. She‘s as caring as my Mom. Aww I miss my Mom. 

“Walang ano man po. Sana maging masaya ang anak ninyo dahil diyan, siguro ay pinapanuod niya tayo ngayon” saad ni Spruce. 

Kumawala si Donya Allura sa pagkakayakap sa amin at tumango. “Ito Ang unang pagkakataon na pinagdiwang namin ang kaarawan niya matapos niyang mamatay. Salamat sa inyo.”

Kumunot ang kilay ko dahil sa sinabi niya. Bakit naman hindi sila nag ce-celebrate? “Ano po ang ibig niyong sabihin?

Yumuko siya bago pinilipit ang daliri. “Simula noong sinakop ni Fetisha ang kaharian ay hindi na kami nagduwang ng kahit na ano dahil sa takot namin na guluhin ni Fetisha. Sobrang lungkot ng paligid at ng kaharian hanggang sa dumating kayo. Pinakita niyo sa amin na hindi dapat magpadala sa takot, liwanag ang dala niyo sa kaharian namin.” 

Dahil sa sinabi niya, naramdaman ko ang paunti-unting pamumuo ng luha sa mga mata ko. That was so flattering, alam Kong isang malaking pagkakamali na mapunta dito pero pinaramdan niya sa amin na para sa kanila isa kami g magandang regalo na natanggap nila. Ilang sigundo pa kaming natahimik dahil dun. 

“Tara na” pagbasag ni Spruce sa katahimikan. 

“Hali kayo at tikman ang mga niluto namin” saad ni Donya Allura bago kami sinamahan sa mesang puno ng pagkain na mukhang masasarap. It was all unfamiliar to me pero alam kong masarap yun dahil sa amoy nito. 

“Mukhang masasarap ah” saad ko bago yumuko at inamoy ang isa sa mga putahi. 

Hindi nagtagal ay natapos na din ang paghahanda ng pagkain sa tulong ng lahat. Ang saya lang nilang tignan na masayang nagtutulungan. Makikita mo sa mga mata nila ang pagkasabik sa ganitong bagay kagaya ng sabi ni Donya Allura kanina. I’m so happy that I meet them all once in my life. Pero kahit na ganun, I still need to get back to the real world where I truly belong. Sigurado akong nag-aalala na silang lahat sa akin ngayon. 

“Dalhin niyo na ‘yan sa labas!” utos ni Donya Allura sa mga batang kakarating lang dito sa loob. Siguro ay mga anak sila ng mga kusinilya dahil magkakamukha lang sila. Ang saya siguro nila ng kabataan nila, no phone, no social media and no internet access sadyang habulan lang at puro laro. 

How I wish to experience that. Ako KASi noong bata pa ako, nasa loob lang ako palagi ng bahay dahil ayaw akong palabasin ni Mom. Kung makakalabas man kami ay dapat may kasama ako, either her or my Yaya. Saka lang ako makakapag-laro sa ibang bata. 

“Tulungan na namin kayo” nakangiti Kong saad bago kinaladkad si Spruce. Kinuha ko ang isang lalagyan ng lutong ulam at inabot sa kanya. “Ayan dahil mo”

Nakita kong napakamot siya sa ulo kaya pinalo ko siya sa balikat. Labag sa loob niyang tinanggap yun bago ako tinignan ng masama. “Tamad mo tsk!”

“Nandamay ka pa kasi” pagririklamo nito bago nagsimulang maglakad palabas. Kumuha din ako ng dalawang lagayan ng lutong pakain at sumunod sa kanya. Binilisan kong maglakad para maabutan siya, ang bilis niyang maglakad ayt

“Ayt magririklamo ka pa, parang ‘di kakain ah!” Singhal ko sa kanya at binunggo Ang katawan ko sa kanya. 

“Tinatamad ako eh, bakit ba!” habang sinasabi niya iyon ay hindi niya ako tinignan at deritso ang tingin sa daan. Ngumisi nalang ako bago siya tinitigan kaya nilingon niya ako nang may pagtataka sa mukha nito. 

“What?” 

Hindi na ako sumagot at nagpatuloy sa paglalakad. Ang cute niya, para din siyang si Zach pag tinatamad. “Wala” 

Ilang sandali pa ay nasa labas na kami at bumungad sa amin ang mga taong abala sa pag-aayos ng paligid. May mahabang mesa sa gitna ng damuhan at doon nakalagay ang mga pagkain. Sa kabila naman ang may maliit na mesa na nilalagyan ng mantel ng mga nanay. 

“Dito banda” tumungala ako nang marinig ang bosis ng iyon ng isang lalaki mula sa itaas. Bumungad sa akin ang matandang lalaki na tinatali ang banderitas. Bahagya siyang huminto at tumingin sa amin. “Magandang hapon Brazinn, Spruce”

Tumango ako bago siya nginitian. “Magandang hapon din po” Kilala na talaga kami ng mga tao dito. Nagpatuloy nalang kami at pinatong ang dala sa lamesa. 

Napangiti ako nang makita ang mga batang masayang naghahabulan at naglalaro sa damuhan. Naglakad ako papunta sa kanila at sinalubong ako ng isa batang babae na nasa limang taong gulang, ang cute niya. 

“Hi ate” saad nito at lumapit sa akin. Lumuhod ako para mapantayan siya. Lumapit na din sa akin ang iba pa niya'ng mga kalaro.

“Hi, anong nilalaro niyo?” tanong ko at hinawakan siya sa kamay bago nginitian. “pwede ba akong sumali?”

Tumango naman siya agad at Masaya akong hinawakan sa kamay. “Oo naman ate, naghahabulan po kami, ang mahuli taya” 

“Anong pangalan niyo?”

“Ako po si Rica”

“Ako po si Raya”

“Ako po si Nika”

“Ako po si Lea”

“At ako naman po si Edrian” 

Bigla akong na excite dahil sa sinabi niya kaya tumayo agad ako. “Sige sali ako, ako ang taya”

“Sige, hulihin mo kami ate” sigaw nito bago mabilis na tumakbo. Tumakbo na din ang iba pa niyang kasama. Ang liliit lang nila pero ang bilis nilang tumakbo. Mabilis akong tumakbo para habulin sila habang tumatawa. Hindi ko alam pero ang saya lang na nakakapaglaro ako sa kanila. 

Ilang sandali pa ay nahuli ko ang isang batang lalaki, kung hindi ako nagkakamali Edrian ang pangalan niya.. “Taya” sigaw ko.

“Hala ang daya” pagreklamo nito habang naka-nguso. Ang cute niya lang tignan. Yumuko ako at pinisil ko siya sa pisnge.

“Ikaw na Taya, habulin mo na kami” saad ko at hinawakan sa kamay si Raya. Tatakbo na sana kami nang biglang lumapit si Spruce.

“Sali ako” sigaw nito.

Lumapit siya sa amin bago nagsalita. “Sining Taya?”

“ako po kuya” bigla namang sumabat si Edrian.

“Sige bato-bato pick tayo” saad niya at tinaas ang kamay. Nagbato-bato pick sila at natalo si Spruce, tinawanan ko lang siya. Haha dinaig pa siya ng bata sa bato-bato pick. 

“Habulin mo na kami” sigaw ko at mabilis na tumakbo kasama si Raya at Nika. “Bilis” 

Tawang-tawa ako habang tumatakbo dahil ang bagal nilang tumakbo minsan hinihintay ko pa sila at baka mahuli sila ni Spruce, kawawa naman sila.

Nakita kong tumatakbo si Spruce papunta sa deriksyon ko kaya iniwan ko sila at mabilis na tumakbo. Ayokong maging taya. 

“Bilisan mo naman, ang bagal” panunukso ko pa sa kanya habang patalikod na tumatakbo. Bahagyang bumilis ang pagtakbo niya kaya mas lalo kong binilisan. 

Ilang sandali pa ay napagod na ako sa pagtakbo. Bigla akong nagulat nang may humawak sa bewang ko kaya bigla akong napa-igtad at nawala sa balanse. Hindi ko nalang namalayan ang pagbagsak namin sa damuhan. Umangat ako ng tingin at nakita ko si Spruce na nakahilata at nakapikit. Ngayon ko lang na-realize na naka patong ako sa kaniya. Bigla niya akong sunundot sa bewang kaya napabalikwas ako at pinalo ko siya sa balikat. 

“Ayieee ang sweet nyo naman po” 

Umangat kami ng tingin at bumungad sa amin ang mga bata na nakangiti. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status