Share

Kabanata 6

last update publish date: 2025-12-12 12:59:24

MAKALIPAS lang ang mahigit treinta minuto ay naisalang na si Purisima sa investigation rights sa ilalim ng kamay ng awtoridad. Mukhang seryosong kaso nga ang inaakusa sa kanya ng lalaking iyon. Ngayon nagsisisi na siya kung bakit nagawa pa niyang pagpantasyahan ang damuhong iyon kanina.

Ito lang pala ang sisira sa araw niya.

“Ano nga kasi sa ‘HINDI AKIN ANG LITRATONG IYON’ ang hindi ninyo maintindihan? Jusko! Nakapag-aral ba talaga kayo o talagang ang cu-cute lang ng utak ninyo?” Namimilipit na sa galit at himutok si Purisima.

Kung hindi lang siya nakaposas sa likuran ay malamang kanina pa niya tinampal ang mga mukha ng dalawang parak na hindi sumusuko hanggang sa may mapigang impormasyon mula sa kanya.

“Miss, umamin ka na lang kung saan mo nakuha ang litratong iyon o kung sino man ang nag-utos sa’yo na subaybayan ang bawat kilos ni Sir Dirus. Huwag na nating pahabain ‘to dahil nakakainip na rin.” Sinadyang ilapit ng pulis ang mukha kay Purisima.

Again, he was obviously attracted to her beauty.

“Pambihira naman, oo. E kung iyong paborito kong teleserye hindi ko nga masubaybayan gabi-gabi, paano pa kaya iyong taong hindi ko kilala? Shunga ka ba?”

“Ikanta mo na nga lang kung sino ang nag-utos sa’yo. Sabihin mo, may kinalaman ka ba sa pagwasak ng limang kotse ni Sir Dirus pati iyong panloloob sa bahay niya last week?”

Tila nakalimutan na ni Purisima ang salitang pasyensya at timpi dahil sa ginagawa sa kanya ng mga ito.

“Wala akong dapat na ikanta dahil bukod sa sintunado ako ay Lupang Hinirang lang din ang alam ko. Tsaka, wow ha? Heavy! Ang bigat naman ng paratang na iyan. Bakit ko naman wawasakin ang kotse ng ibang tao? FYI, nasa tamang ayos pa po ang utak ko. Hindi ako baliw para gawin iyong mga bagay na inaakusa ninyo sa akin.”

“E bakit nasa iyo nga iyong mga litratong iyan? Sino ang nagbigay sa’yo ng mga ito?” Nagpapanting na ang tenga ni Purisima sa paulit-ulit na katanungang iyon.

Ramdam na niya na malapit na siyang mamaos dahil ilang minuto na ba siyang walang humpay na nakikipagsagutan sa mga awtoridad.

“Abutin man tayo ng siyam-siyam dito o otso–otso pero wala talaga kayong makukuhang impormasyon sa akin dahil wala naman talaga akong alam sa mga ipinaparatang ninyo sa akin. I’m innocent.”

Napangisi naman sa kanya ang dalawang pulis. Iyong klase ng ngisi na may masamang binabalak. Kaya naman niyang manlaban kaso lang ay ang palda niya ang magiging kawawa. Nag-iisa lang kasi iyon na corporate attire niya.

Napalunok siya nang muling lumapit sa likuran niya ang isa sa mga ito at marahang hinawi ang buhok niya papunta sa kanyang likuran.

“H—hoy, mamang pulis, hindi na kasama sa investigation rights iyang ginagawa mo. Harassment na iyan.” Fear suddenly invaded her confidence.

“Miss, ang daldal mo.” The agent, who she thought is in his early thirties, murmured under her earlobe. Quickly, she bowed her head over para ilayo ang mukha niya sa agent.

“At ang bastos mo.” Her instinct provoked her to beat the agent up using her head. What they don't know is that she had quite some knowledge in judo.

Martial artist kasi ang tatay ng bestfriend niya noon kaya naturuan siya nito noong kabataan niya. At nagagamit niya ang kaalamang iyon kapag nasa ganitong alanganing sitwasyon siya. Kung ano man ang kahihinatnan ng skirt niya, pagbabayaran talaga iyon ng lalaking iyon.

Kaagad na nakabawi ang agent sa ginawa niya at mabilis siya nitong inipit sa mga braso nito. Kahit nakaposas ay nagawa niyang patumbahin ang dalawang agent gamit lang ang kanyang mga paa. Hindi niya ugali na magsuot ng cycling shorts kaya limitado lang ang atake niya. Mahirap na baka maglakad siyang naka–panty na lang mamaya pauwi.

Gulat naman ang anyo ni Dirus nang madatnan nitong bagsak na sa sahig ang mga nakabantay sa loob.

Ito iyong guwapong lalaking nagpadala sa kanya rito sa kulungan. Pipitpitin niya talaga ang bungo nito oras na makawala siya sa posas na iyon. Kababae niyang tao, ipapaposas talaga siya nito? Walanghiya! Halang ang bituka ng guwapong lalaking ito. Sana mausog niya para mas pagkakataon siyang malawayan ito.

Anak ng putakti! Bakit naiisip pa niya ang bagay na iyon sa kabila ng kanyang sitwasyon?

“What the hell happened in here?” Gawa sa magkahalong gulat at pagkadismaya ang timbre nito sa nadatnan.

Purisima swallowed hard when the man's dark night eyes looked at her intensely darker. They were accusing.

Prente na ngayon siyang nakaupo sa silyang gawa sa metal at hindi pinansin ang lalaking pumasok.

Wala itong maririnig ni ho at ha mula sa kanya. Ha!

Manigas ka!

HIRAP na tumayo ang dalawang agent dahil matindi ang tinamo nitong sakit sa mga sipa’t tadyak na ginawa sa kanila ni Purisima Cruzado.

She's so impossible, anang isip ni Dirus.

“Sir, ikukulong na po ba namin ang babaeng ito?” Unang naka-recover iyong isa at nilapitan si Dirus na ngayo’y mataman lang na nakatingin sa likuran ni Purisima. Partikular sa makinis na mga hita ng dalaga na lantad na dahil sa pagkapunit ng slit ng palda nito. Kunting galaw na lang at makikitaan na ito ng undies.

Fuck! mura ni Dirus dahil nag-iinit na naman siya sa tanawing iyon. Gumalaw na lang kaya ito nang kaunti nang sa ganoon ay maibsan ang paghihirap niya.

“Not yet. Iwan niyo muna kami. I will talk to her by myself.” Dirus ordered at naiwan na silang dalawa ni Purisima sa silid.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 57

    Sinadya niyang bumangon ng maaga ngayon at ipinagluto niya si Purisima ng paborito nitong ulam. Dahil mamayang gabi pa naman iyong pageant kaya naisipan niyang dalhan ng lunch si Dirus Van Arkel sa opisina nito ngayon.Para-paraan na lang si Purisima makita lang niya si Dirus.Maaliwalas na ngiti ang ibinungad ng dalawang guwardiya pagdating niya sa de Souza Distillery Company."Hello mga bossing. Nasa opisina po ba si Dirus? Ihahatid ko lang po sana itong lunch niya." She said smiling."Ay naku, Ma’am Purisima. Kaaalis lang po ni Sir. Mga five minutes pa lang." Saad ng isang guwardiya.Pumakla naman ang panlasa ni Purisima dahil sakto namang nakatanggap siya ng reply mula kay Dirus. Tinanong niya kasi ito kung busy ito ngayon at kung nasaan ito pero ‘di naman niya pinaalam sa binata na balak niyang bisitahin ito ngayon.My workloads today are heavy. I'm just inside my office, fully engaged with a lot of paper works needed to be revise.Pinabasa niya ang text message na iyon ni Dirus

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 56

    DIRUS’S head was full of distracting details. Days had passed yet his brain is still puzzled.Hanggang ngayon ay hindi pa rin matukoy-tukoy ang totoong may kagagawan ng mga insidenteng nagaganap sa buhay nila ni Purisima. Mas mahirap pa ito kesa sa inaasahan niya. Ngunit ganoon pa man ay wala siyang balak itigil ang imbestigasyon hanggat hindi niya natutuklasan ang may sala.He had some sleepless nights and worries since that fire tragedy occurred. Hindi mapanatag ang kalooban niya sa tuwing naiisip niyang baka bukas o sa makalawa ay buhay na mismo ni Purisima ang nasa peligro.Oh Jesus, please! How could he protect her kung wala siyang kaidi-ideya kung kanino niya ito dapat ilayo?Nasa lounge ng hotel ni Matys Valcourt ngayon si Dirus. Hindi para magliwaliw kundi para alamin kung may nakalap na rin ba itong kahit katiting na impormasyon na magtuturo sa naturang suspect."Goose egg, as in nothing at all. Hindi ko lang tiyak kung madulas ba talaga ang kalaban mo o may tao na namang hum

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 55

    “G—gano’n ba?” She stuttered then gulped. “Ano nang balak mo sa building na ’to?”“You’ll find out sooner, baby.”Dahan-dahang inikot ni Dirus ang katawan ni Purisima paharap sa kanya. “Take a rest for now, ’kay?”“Huh?” Nasa mukha ni Purisima ang pagtataka.“Aalis muna ’ko saglit. I’ll be here before ten, I promise.”But he isn’t fond of throwing promises. Ayaw niya lang na mag-alala si Purisima. Ayaw niyang ipaalam dito kung saan siya pupunta.DIRUS’S chin jutted out upon arriving at the nearby woodland before the Moonlit castle or let’s say the Moonlit Fortress itself.Liblib na lugar ang kinaroroonan nito at nasa kalagitnaan pa lamang sila ngayon ng gubat. The castle is massively built in the center of the woodland. Takaw-atensyon ang naturang ganda ng kastilyo na animo’y parang nasa fairyland. Sinong mag-aakala na mababangis na tao ang nakatira roon?“What’s your plan, Kauld? How’ll we get inside?” Impatiently, he asked Kauld. Dalawa lang sila ang pumaroon. Mabuti’t nasa bansa ng

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 54

    Dirus kept stealing brief glances at Purisima, who had eventually drifted into a deep sleep in the passenger seat.Her earlier energy—sharp, fiery, impossible to ignore—was completely gone now, replaced by the quiet rise and fall of her steady breathing. Exhaustion must’ve caught up with her without warning.Tupok na tupok na ng apoy ang buong bahay ni Purisima nang madatnan nila ito. May sampung kabahayan pa ang nadamay at ayon sa paunang ulat ay sa mismong bahay ni Purisima nag-umpisa ang sunog.Wala nang nagawa si Purisima kanina kundi ang humagulhol. She was helpless earlier and seeing her in that state triggered something inside Dirus.No need to do some investigations. Hinala niya na ang Moonlit ang may kinalaman sa insidente. And he doesn't want this day to close down without confronting the supreme of Moonlit. He fucking wanted to face Luna!Nothing he couldn’t do just to make sure that this won’t gonna happen again. He’ll protect Purisima and Lakan in every way he could. No m

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 53

    OH, HE'S JUST nothing.He's nothing.Binalibag ni Dirus ang cellphone niya sa pader ng kanyang opisina matapos marinig ang linyang iyon mula kay Purisima. Adrenaline spiked through his nerves. Pakiramdam niya ay puputok na ang litid niya sa ulo.Yes, he let Purisima to go with that asslick but he hired his bodyguard to look after her secretly. His bodyguard called him at ipinarinig nito sa kanya ang usapan ni Purisima at ng lalaking kasama nito."Goddammit! I'm nothing pala, ha! Tangina!" Nakakalat na sa sahig ang mga documents na ire-revise niya at wala na siyang pakialam kung mapunit man iyon o magusot.Galit siya.He's mad as fuck with what he had heard from Purisima. It was clear as crystal water that it was Purisima's voice. "I am fucking nothing. I am nothing to her after everything that I did. What a shame? Fuck that! Wala pa rin pala akong halaga sa kanya. Akala ko ba... Tangina!" Halos madurog na ang ngipin niya sa sobrang pagtitimpi. He felt cheated. Ngayo'y hindi na niya a

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 52

    “WHEN is that pageant, anyway?” Itinawalag ni Purisima ang atensyon niya mula sa DNA paternity test result na ibinigay sa kanya ni Dirus na kanyang binabasa ngayon.Actually kagabi pa niya hawak ang papeles na iyon pero nawiwili siyang basahin iyon ng paulit-ulit.“Next Saturday na.” Tugon niya sa binata na nasa driver seat.Patungo sila ngayon sa kompanya nila Dirus dahil wala naman siyang gagawin sa araw na iyon kaya sasama na lang siya sa opisina ni Dirus.“That so? I’ll have F. Serano handle your preparations, and M. Cinco will see to it that you’re given only the finest evening gowns for the pageant.”His tone was calm—almost indifferent—as if arranging something like this was nothing more than routine, just another item on a long list of usual matters.“What? Hindi na kailangan ‘no. Ang exaggerated mong supporter. Magsasayang ka pa ng milyun-milyon para lang sa isang simpleng event.” Swabeng pagtanggi ni Purisima.Ang totoo niyan ay wala na siyang dapat ipag-alala pa regarding s

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 28

    DAHIL naroon na rin naman ang mag-inang Purisima at Lakan sa mansion ng mga Van Arkel kaya inimbitahan na lang sila ng parents ni Dirus na doon na lang maghapunan."Ah hija, maaari bang dalas-dalasan ninyo ang pagpasyal dito. Maaari ba? Nagiging buhay kasi ang tahimik naming bahay kapag narito kayo

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 27

    Gustuhin mang aliwin ni Purisima ang kanyang paningin sa ganda at gara ng buong bahay pero wala na siyang sapat na lakas para gawin iyon. Si Lakan ang tanging pakay niya sa lugar na iyon.Dinala siya ni Dirus sa malawak na sala de bisita ng mansion, hawak pa rin nito ang kamay niya. Doon nadatnan n

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 26

    HALOS paliparin na ni Dirus ang kanyang sasakyan makarating lamang siya kaagad sa presintong sinabi sa kanya ni Purisima. Habang nasa biyahe ay pinagalaw na niya ang ilang tauhan ni Kauld Kravchenko na hiningan niya ng tulong upang ipahanap si Lakan.Paulit-ulit niyang minumura ang kanyang sarili d

  • The Billionaire’s Sexy Karma   Kabanata 25

    "MAMA, hindi pa po ba tumatawag ang Papa ko? Akala ko ba sabi niyo papasyal tayo sa bahay nila Papa noong Sabado, bukas Sabado na naman pero wala pa rin si Papa."Nauubusan na ng idadahilan si Purisima upang pagtakpan si Dirus sa kanyang anak.Siya rin nama’y wala ring kaide-ideya kung bakit bigla

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status