•
"Mga gago! Pagbabayaran niyo 'tong ginagawa niyo sakin! " bulyaw ng lalaking may piring ang mata at mahigpit na nakatali sa isang bakal na upuan Nagpupumiglas ito ngunit wala rin namang nangyayari. Pinagpapawisan ito nang may malalaking butil at kitang-kita ni Ayra ang mga ugat sa leeg nito sa kada sigaw na nililikha ng lalaki. Kilala niya ang lalaking 'to dahil estudyante rin ito sa Blue and Gold at kabilang sa mga malalakas ang loob na gumawa ng kalokohan dahil may kapit Sa isang abandonadong gusali sa gitna ng kagubatan siya dinala nina Vinxer at ngayon nga ay kaharap na niya ang taong gumawa ng kadahasan sa kaibigan niyang si Heart Greeneth. Kilala ni Ayra ang lalaki dahil madalas nila itong makasalubong sa loob ng unibersidad ngunit hindi niya parin alam kung ano ang motibo nito sa ginawa "Bakit mo ginawa yun kay Green?" malamig na ani ni Ayra at humakbang upang maging malapit ang distansya nila ng lalaki. Sina Vinxer, Danner, at Xenon naman ay tahimik lamang na nagmamasid habang nakatayo hindi kalayuan sa likuran ni Ayra "Nakakainis kasi siya" tumawa pa ang lalaki bago muling magsalita "niyayaya ko siya nung isang araw sabi ko mag date kami kaso ayaw pumayag haha akala naman niya kung sino siyang maganda. May itsura naman pero ngayon sinira ko na nga tuluyan yung nakakabanas niyang mukh- Argh!!" hindi na naituloy ng lalaki ang mga salitang sinasambit Sinipa ni Ayra ang upuang bakal kung saan ito nakagapos dahilan para bumagsak ang katawan nito sa malamig na sahig. Patuloy ang daing nito dahil sa nabagok na ulo noong bumagsak ito Nagdidilim na ang paningin ni Ayra noong mga oras na iyon at pakiramdam niya ay wala siyang ibang gustong gawin kung hindi ay ibalik nang triple ang ginawa ng lalaking ito kay Heart Greeneth "Tangina niyo! Hindi niyo ba alam kung sino ako!? Pagbabayaran niyo to!" daing ng lalaki habang hindi parin ito makabangon Madilim ang mukha ni Ayra habang pinagmamasdan ito. Hindi siya makapaniwala na may mga ganitong klase ng tao na pakalat kalat lamang sa lipunan at nakakasama ng mga tao sa pang araw-araw na buhay Ang dapat sa masasamang tao, naglalaho, pinapatay Kuyom ang kamao ni Ayra nang bigla siyang makaramdam nang bigla siyang makaramdam ng malamig na bagay sa kanyang braso. Inilalahad na pala ni Vinxer ang isang baseball bat sa kanyang harapan. Saglit niya itong tinitigan. Nag iisip siya kung tatanggapin iyon. Nag iisip siya kung kaya niya 'bang manakit ng tao...ulit Tama naman siguro ito. Ibibigay namin ang hustisyang hindi maibibigay kahit kailan ng unibersidad kay Heart Greeneth Saglit siyang nakipagtitigan kay Vinxer at hindi kalaunan ay tinanguan niya ito bago kuhanin ang baseball bat "Showtime" ani ni Danner na nasa kanang bahagi "Mali ka ng kinanti, boy" ani ni Xenon na patawa tawa pa at mukhang excited pa nga sa mangyayari "Fuck it, we ball" ani ni Vinxer Nauna na ang tatlong lalaki at sinimulang bugbugin ang taong bumugbog kay Heart Greeneth. Kalaunan ay pati si Ayra ay sumali na rin sa kadahasan. Wala silang pinalampas na parte ng katawan. Lahat ay sinipa, sinuntok, at hinataw nila ng mga baseball bat Hinang-hina ang lalaki at ang kaninang mayabang na aura ay nawala na. Napalitan iyon ng pagmamakaawa. Hiyaw at mga daing lamang ng lalaki ang maririnig sa buong kagubatan noong mga oras na iyon Kalaunan ay tinanggal ni Danner at Xenon ang pagkakagapos ng lalaki sa upuan. Akmang tatakbo ito ngunit agad din na nadapa sa harapan ni Ayra dahil sa panghihina. Duguan na ang lalaki ngunit hindi pa rin iyon sapat kay Ayra kaya naman sinambunutan niya ang buhok ng lalaki "Arghhh! Tama na...tama na please maawa kayo sakin" nahihirapang sambit nito. May piring parin ang mga mata ng lalaki kaya naman hindi nito nakikita ngayon ang mga titig ni Ayra Madilim at puno ng galit. Wala na sa sarili si Ayra at hindi na siya nakakapag isip nang tama. Nilamon na siya ng pagkasuklam "Ahhhh! Hayop ka! Hayop ka! Mamatay ka na! Die and go to hell!" ani ni Ayra at paulit ulit na inuntog untog sa sahig ang mukha ng lalaki. Ilang beses niya pa iyong ginawa habang nilalabas ang lahat ng galit na naipon sa kanyang dibdib Lahat ng sakit ay ibinuhos niya sa pananakit. Lahat ng galit ay inilabas niya sa lalaki Natigil lamang si Ayra nang wala na siyang marinig na mga daing mula dito. Doon niya napagtanto na nawala na ito ng malay. Binitawan niya ang buhok ng lalaki na ngayon ay padapa nang nakahandusay sa malamig na semento "Shit...tangina..." tumalikod si Ayra habang napapamura. Binitawan niya na rin ang hawak na baseball bat at kumalansing ang tunog ng pagsalubong niyon sa sahig. Napahawi rin siya sa kanyang buhok habang nag iisip at pinapakalma ang sarili Bumuntong hininga si Vinxer at tumabi ng tayo sakanya. Tiningnan niya ito nang may lungkot sa mga mata VINXER Nakatitig din lamang si Vinxer kay Ayra habang malungkot ang mga mata nito. Ganitong-ganito rin ang nangyari noon. Ang akala niya ay hindi niya na muling makikita ang lahat ng nasaksihan niyang emosyon mula sa dalaga ngunit ngayon ay nakita niya itong muli Ayra Maverie Catacutan's dark side...darkest side Bahagya siyang lumingon sa likod at nakita niya doon si Xenon at Danner na kapwa nakamasid sa kanila ni Ayra. Naghihintay ng hudyat kung ano na ang susunod na gagawin "Humihinga pa" sambit ni Xenon pagkatapos tingnan ang kalagayan ng lalaking nakahandusay sa sahig "Dating gawi" tipid niyang sagot sa dalawa na tinugon lamang ng mga ito ng tango. Nagsimula silang akayin ang lalaki papunta sa kung saan. Napatingin si Vinxer sa madugong sahig bago muling tumingin kay Ayra na nagmamasid din pala "Am I a monster? Masama ba akong tao, Vinxer?" tanong ng dalaga sakanya. Hindi ito mapakali at naupo sa isang sulok. Nagsimula itong lumuha habang pilit kinukuskos ang mga bahid ng dugo na nasa mga palad nito "Fuck..I did that? I almost killed a person again. Ang sama sama kong tao. Mas masahol pa ako sa kanilang lahat" hagulhol ni Ayra habang hindi magkanda ugaga sa pagtanggal ng mga bahid ng dugo "Hey...hey... Avie shhhh" naupo si Vinxer sa harapan ni Ayra at hinawakan niya ang mga palad ng dalaga. Malamig ang mga iyon at nangangatog na tila ba hindi iyon ang parehong mga palad na muntik nang makapatay ng tao kanina Niyakap ni Vinxer si Ayra at hinayaan lamang itong umiyak sa kanyang mga bisig "You're not a bad person, Avie. You just do bad things out of love..." paliwanag niya dito habang hinahaplos ang buhok ni Ayra "But I almost killed him" tumingala ito upang magtama ang kanilang mga mata. Lumuluha parin ang dalawa "Because he almost killed a part of you, too. Hera- I mean, Heart Greeneth is dear to you. I would have done the same thing...for you" pagkausap niya kay Ayra at pinunasan ang luha sa mga pisngi nito "You will kill for me?" tanong ni Ayra sakanya "Yes" "But what if you end up getting killed in the process?" "Then I will make a deal with the devil to let me go back in this world to kill that bastard" "Vinoe...hindi yan magandang biro" may pagbabantang ani ni Ayra na ngayon ay unti-unti nang tumatahan mula sa pag iyak Bumuntong hininga si Vinxer. Hindi niya na lamang sinagot si Ayra. Inilahad niya ang kanyang kamay at tinulungan itong tumayo "Tara?" sambit niya Tumango naman si Ayra bago lumingon sa kanilang likuran kung saan nakakalat parin ang dugo at mga baseball bat. Pati ang upuan na siyang pinag gapusan at taling ginamit pang gapos ay nakakalat parin sa sahig "Don't worry. They know what to do with those" ani ni Vinxer nang may paninigurado Dahan dahan silang naglakad palayo ni Ayra. Patingin tingin parin ang dalaga sa likuran nila hanggang sa tumigil sila sa labas ng gate ng abandonadong bahay AYRA Napatigil sila sa paglakad ni Vinxer nang may dumating na isang itim na SUV. Hindi nagtagal ay isa-isang nagsilabasan ang mga lalaking naka itim mula roon at lumapit sa kanila ni Vinxer ang isa sa mga lalaki. Pamilyar ang mukha nito kay Ayra "I'll handle this" ani ng lalaki kay Vinxer bago nito tinapunan ng tingin si Ayra. Bahagya siya nitong tinanguan na sinagot niya rin naman ng parehong aksyon. Walang pinagbago si Niccolo. Seryosong seryoso parin talaga ito. Wala nga yatang ibang alam na emosyon ang lalaki kung hindi ay maging seryoso at malamig "Thanks as always, Nic" sambit ni Vinxer at tinapik ang braso ni Nic Sinenyasan naman nito ang ilan pang mga lalaki at sabay-sabay na ang mga iyon na pumasok sa kabahayan. Sinundang lamang ito ng tingin ni Ayra Ganito rin noon...ganitong ganito rin "Here's the keys" ani nito at ibinigay kay Vinxer ang isang keychain na naglalaman ng samu't-saring mga susi. Doon lamang napansin ni Ayra ang isa pang sasakyan na nakaparada. Kung hindi siya nagkakamali ay Maserati iyon Pagkatapos niyon ay sumunod na rin si Niccolo sa mga lalaki papasok sa kabahayan "This way...ito na ang gagamitin natin pabalik dun sa city kasi nasira yung motor" ani ni Vinxer at pinagbuksan siya ng pinto. Agad namang sumakay sa shotgun seat si Ayra habang pinagmamasdan parin ang malaking gate ng abandonadong bahay "You can sleep for a while" ani ni Vinxer at nagsimula nang magmaneho "Kanino nga pala 'tong sasakyan?" tanong ni Ayra habang naghihikab "Mine." "Bago?" "Yup" "Kailan mo binili?" "Kanina" "Ha?" "Kanina nung nasira yung motor ko" "Haaa?" "Tanong ka nang tanong. Magpahinga ka na nga" "Hatdog" Napapikit na lamang si Vinxer at hindi na pinansin si Ayra. Maya-maya ay narinig niya na itong humihilik at mahimbing na natutulog You're driving me crazy, woman. LunaToMySolKunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng
• Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si
• Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi
• "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis
•"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an
Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As