TW is applied in this story. Mentions of death, abuse, substance abuse, trauma, and crime are visible in this story. Readers discretion is advised. Strictly for mature audiences only
• Madilim ang mukha ni Ayra habang nakasakay sa motor ni Vinxer. Simula kasi kaninang alas dose ay tinatahak na nila ang kalsada sa ilalim ng mainit at tirik na sinag ng araw Tiningnan niya ang screen ng kanyang phone. Ngayon ay alas-kwatro na ng hapon ngunit hindi pa rin sila nakakarating sa kung saan man sila pupunta. Hindi na rin sila nakapasok sa klase dahil dito Patingin tingin siya sa paligid at nagmasid. Wala na ang matataas na building at mausok na kalsada. Sa halip ay napalitan ang paligid ng matataas na mga puno. Kahit saan siya lumingon ay puro luntian lamang ang kanyang nakikita at sila lang din ni Vinxer ang tumatahak sa makipot na sementadong daan na nag iisang kalsada sa tila walang katapusan na kagubatan "Malayo pa ba tayo?" may bahid ng inis at pagkabagot na sambit niya "Malapit lapit na. Just hang in there" tugon naman ng binata habang patuloy parin sa pagmamaneho. Sa hindi na mabilang na pagkakataon ay narinig nanaman ni Ayra ang pag change gear ng motor. Naririndi na ang mga tenga niya sa tunog niyon "Alam mo ba talaga kung nasaan ang mga bumugbog kay Green? Baka mamaya niloloko mo lang ako. Pinagttripan tulad ng palagi" napairap siya sa hangin habang bahadyang nagmamaktol "Damn it..." sambit ni Vinxer at bahagyang gumewang ang motorsiklo nito bago tuluyan na huminto sa gitna ng kagubatan. Saglit silang natahimik at hindi makapaniwala na nasiraan sila sa gitna ng importanteng lakad "Ayan na tumirik na 'tong Ducati mo. Malas ka talagang lalaki ka" singhal ni Ayra at bumaba mula sa motorsiklo. Hinubad niya rin ang helmet na suot at padabog itong binigay sa lalaki Ano ba kasing nakain ko at sumama pa ko dito? "Hey, it's not my fault" ani ng lalaki at bumaba mula sa pagkakasakay upang tingnan kung ano ang nangyari sa motorsiklo "It's your fault" muli nitong ani at itinuro ang na-flat na gulong sa likuran ng sasakyan. Pagak na tumawa si Ayra at sinampal sa braso si Vinxer "Ang kapal mo naman! 50 lang ang timbang ko. Nagiging 47 pa nga kapag hindi ako kumakain!" "Ano naman? Na-flat parin ang motor ko dahil sayo" "Ang kapal mo! Jan ka na nga!" nakabusangot ang mukha na lumakad papalayo si Ayra. Hindi niya alam kung saan pupunta pero diretso lang naman ang kalsada doon kaya siguro naman ay hindi siya maliligaw "Hey!! Stalker!" rinig niyang tawag ni Vinxer mula sa kanyang likuran ngunit hindi niya ito nililingon habang nagmamartsa parin ang paglakad "Ahhh!" napaupo si Ayra sa kinatatayuan niya kanina dahil bigla na lamang kumulog ng malakas na may kasamang kidlat. Kasunod nito ay ang pagbuhos ng malakas na ulan na nagpangatog sa katawan ni Ayra Napapikit siya sa ingay ng paligid. Tumatama sa balat niya ang malalaking butil ng malakas na ulan. Nanlamig siya sa nararanasan at nagsimulang lumuha Please, stop. Please make this stop. Hindi makuha ni Ayra ang lakas upang dumilat. Nanatili lamang siyang nakasalampak sa semento ng makipot na kalsada at unti-unti ay bumabalik sa kanyang isipan ang nangyari sa nakaraan Malamig. Maingay. Masakit. • 3 years ago Masayang naghahabulan si Ayra at ang kanyang mga kaibigan sa kagubatan. Camping kasi nila ngayon na inorganisa ng kanilang school. Ngayon na ang huling gabi nila sa camp kaya naman ay hinayaan na silang mag enjoy at mag liwaliw ng kanilang mga guro na kasama "Si Ayra na Taya!" "Oo nga! Kanina mo pa sinasalo yung turn niya Vinxer eh!" "Oo na guys sige ako na. Magtago na kayo!" natatawang sambit ni Ayra at humarap sa puno upang magbilang habang binibigyan ng pagkakataon ang mga kaibigan na magtago. Nang matapos siyang magbilang ay nagsimula siyang hanapin ang mga kasama Bente silang naglalaro kaya naman for sure ay medyo matatagalan siya kahit pa na may salamin na siya. Bukod kasi sa hindi siya sporty ay malabo pa itong mga mata niya "Huli!" "Huli ka!" "Found ya!" Sunod-sunod niyang nahanap ang mga kaibigan na napapakamot na lamang ng ulo sa tuwing nahahanap niya ang mga ito sa pinagtataguan "Huli ka, Vinxer!" ani niya sa kaibigan na nagtatago, na mukhang hindi naman nag effort magtago, sa isang puno malapit sa kung saan naaaninag pa ang liwanag ng camp site Natutuwa siya dahil isang tao nalang ang kailangan niyang hanapin para manalo sa laro nila "Hera Grace nasaan ka na kaya? Mahahanap na kita..." ani niya habang katabi niya parin si Vinxer Saktong paghakbang niya ng mga paa ay bigla na lamang bumuhos ang napaka lakas na ulan. Nanlabo ang paningin ni Ayra dahil sa dami ng butil na napupunta sa kanyang salamin at mukha. Nagsimula rin na maging maputik ang kalupaan na kinatatayuan nila sa kagubatan Kahit mahirap ay sinikap niyang tumingin sa paligid at nakita niyang sila na lamang dalawa ni Vinxer ang naroon. Ang mga kaibigan nilang nauna niyang mahanap ay bumalik yata sa camp site dahil sa biglang pagbuhos ng ulan "Halika na, Ayra. Sasamahan kitang hanapin si Hera. Alam ko naman na hindi mo yun iiwan dito sa kagubatan lalo na't hindi mo pa siya nahahanap" ani ni Vinxer at inilahad nito ang kaliwang palad sa harapan niya Tinanggap ni Ayra ang palad ng binata at hawak kamay silang naglibot sa kagubatan upang mahanap si Hera Grace. Malakas parin ang ulan at lalong dumudulas ang kalupaan ngunit hinding-hindi naman siya titigil hangga't hindi nahahanap ang kaibigan "Hindi kaya bumalik na siya sa camp site?" ani ni Vinxer sa tabi niya habang inaalalayan parin siya sa paglakad "Hindi 'yun babalik doon nang hindi lumalapit o nagsasabi muna sakin kasi alam niyang hahanapin ko siya" paliwanag ni Ayra kay Vinxer. Nagsisimula na siyang mag alala dahil hindi parin nila nahahanap ang matalik niyang kaibigan "Hera!" "Hera Grace!" Dalawa na silang sumisigaw ni Vinxer sa gitna ng kagubatan kahit pa man tila napakaliit lamang ng mga boses nila kumpara sa ingay ng paligid dahil sa walang tigil na pag-ulan Naglibot-libot pa sila habang hindi parin naghihiwalay dahil natatakot din sila pareho na baka sila naman ang maligaw "Ay!" natisod bigla si Ayra at nadapa sa putikan. Wala siyang nagawa kung hindi ay hubarin ang kanyang salamin na nagkaputik na rin Tiningnan niya ang paligid kahit na nahihirapan ngunit agad niya rin itong pinagsisihan "Ahhhh!!!!" umalingawngaw ang sigaw ni Ayra sa paligid at napaupo rin si Vinxer sa tabi niya habang pareho silang nakatingin sa kung anong nasa harapan nila ngayon Tumambad sa kanila ang walang buhay na katawan ni Hera Grace. Nakahiga ito sa putikan at walang saplot. May busal din na tela ang bibig nito habang nakadilat ang walang buhay na mga mata "G-grace!! Hera Grace!!" nagmamadaling ginapang ni Ayra ang putikan upang puntahan ang kaibigan. Hindi siya makapaniwala na ang matalik niyang kaibigan ang nakahimlay doon ngayon at karumal-dumal ang sinapit Agad siyang pinigilan ni Vinxer at buong lakas na pinigilan ang kanyang katawan upang hindi makalapit kay Hera Grace "Bitawan mo ko! Ang best friend ko!! Ang best friend ko, Vinxer!!" hagulhol ni Ayra habang pilit na kumakawala sa mga bisig ng binata "'Wag na, Ayra! Kakailanganin nila ang katawan niya sa imbestigasyon. Mas maigi kung walang bakas mo ang katawan niya" paliwanag ni Vinxer sakanya ngunit hagulhol lamang ang sagot niya dito Napaupo silang pareho sa putikan habang tumatama ang mga butil ng malakas na ulan sa kanilang mga balat. Napapikit si Ayra sa hapdi ng kanyang mga mata kakaiyak. Tila mawawalan siya ng ulirat dahil sa sinapit ng kanyang kaibigan "Hera Grace! Ipinapangako 'kong magbabayad ang gumawa nito sayo! Ang sakit sakit!" hagulhol niyang muli bago tuluyang mawalan ng malay sa mga bisig ni Vinxer • Mainit na mga bisig ang bumalot sa katawan ni Ayra na siyang nakapagpabalik sakanya sa realidad "Ayra..Ayra Maverie. Tahan na. I'm here..I'm not gonna go anywhere" Kinapa niya ang kanyang mukha na ngayon ay basa ng pinaghalong luha at tubig-ulan. Tahimik nang muli ang paligid at natapos na ang ulan. Tumingala siya sa pinanggalingan ng boses at namataan si Vinxer na taimtim na nakatitig sakanya habang hinahaplos nito ang kanyang braso Tila nito sinasabi na hindi ito mawawala at lagi itong nariyan para sakanya "Are you okay now? I'm sorry.." bakas sa mukha ng binata ang labis na pag aalala para kay Ayra. Kahit na kalmado ang mga haplos nito upang tumahan siya ay makikita parin sa mga mata nito ang pinaghalong pag-aalala at paghingi ng tawad Tango lamang ang naging tugon ni Ayra at dahan-dahang tumayo. Inalalayan naman siya ni Vinxer habang pabalik sila sa kinaroroonan ng motorsiklo nito. Pareho silang basang basa ngayon dahil sa dumaan na napakalakas na ulan "Upo ka muna dito sa motor. We'd wait for Xenon and Danner to fetch us and drive us to the location" ani ni Vinxer habang hinuhubad ang jacket nito. Ngayon niya lamang napansin na naka uniporme na rin pala ang lalaki kumpara sa kahapon na naka civilian pa ito ng suot Isinuot ni Vinxer kay Ayra ang itim nitong leather jacket "Salamat, Vinxer" tipid na ani ni Ayra nang tuluyan na niyang maikalma ang sarili "Wala yun" nginitian siya nito at bahagyang ginulo ang kanyang buhok bago nagsalitang muli "pasensya na ulit na nasiraan tayo. I wasn't able to change tires yet...gala ka kasi masyado" ani ng lalaki na nagpakunot sa noo ni Ayra "Ha? Ano naman ang konek nun?" "I follow you" sagot nito at nag iwas ng tingin "What?" ani ni Ayra at di nagtagal ay tsaka niya lamang naintindihan ang sinasabi ni Vinxer. Napangiti siya rito at tsaka ito bahagyang sinundot sundot sa tagiliran "Eh, ikaw pala ang stalker eh. You follow me everywhere kaya wala ka nang time mag change tires?" natatawang saad niya sa lalaki. Umiiwas parin ito ng tingin ngunit kitang kita ni Ayra na namumula ang buong mukha at leeg nito Nang magsawa siyang asarin ito ay tsaka niya lamang naalala ang nangyari kanina kaya naman natahimik siya Naalala ko nanaman...dapat na yata akong magpatingin "You should get checked. Instead of going out every day and night with your other friends, you should spend your money getting checked by a psychiatrist, Avie.." ani ng lalaki na nagpatingin kay Ayra dito Avie...that nickname...that only him gets to call me by Nginitian niya nang mapait si Vinxer at hinawakan ang kamay nito. Nagtitigan sila ng binata. Bakas sa mga mata nito ang lungkot at ganoon rin ang kay Ayra "I'll be okay, Vinoe. I'll be fine" tumango tango pa si Ayra upang siguruhin ang binata na magiging okay lamang siya...kahit na siya rin ay hindi sigurado doon Napabuntong hininga naman si Vinxer at akmang hahalikan ang likod ng kanyang kamay nang maputol iyon dahil sa tunog ng sasakyan mula sa kanilang likuran "Ayra, Vinxer! Sakay na!" sabay silang napatingin sa gawi ng boses at hindi nga sila nagkakamali "Xenon! Danner!" masayang umismid si Ayra at lakad-takbo ang ginawa upang marating ang sasakyan na kinaroroonan ng dalawang kaibigan Pinagbuksan naman siya ng pinto sa backseat ni Xenon at agad siyang pumasok. Sumunod din si Vinxer sakanya at umupo sa tabi niya bago nakipag kamay sa dalawa. Si Danner ang driver at nasa shotgun seat naman si Xenon "Ano, g na ba?" tanong ni Xenon at tumango naman sila ni Vinxer "It's show time" seryosong ani ni Danner at nagsimulang umusad ang kotse "Let's make this motherfuckers pay" ang kaninang masayang awra ni Xenon ay nawala. Bigla itong sumeryoso at tumingin na rin sa daan We'd fight for you again and again, Hera Grace - LunaToMySolKunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng
• Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si
• Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi
• "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis
•"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an
Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As