[ ORIGINAL WORK BY LunaToMySol. DO NOT REPRODUCE IN ANY SHAPE OR FORM ] FOR MATURE AUDIENCES. READER DISCRETION IS ADVISED This falls under dark romance and a lot of the scenes are for readers 18+. Hope you enjoy! • Grieving is such a hellish feeling but experiencing it for something you can't remember is just simply devastating and exhausting. Pamilyar na kay Ayra ang mga pakiramdam na iyon. Araw-araw, iminumulat niya ang kanyang mga mata na hindi mawari kung gusto niya 'bang maka-alala o kalimutan na lamang ang alaala na iyon nang tuluyan. Takbuhan na lamang palayo ang lahat. Vinxer Jose Dela Fuentes. Rich. Smart. Drop-dead gorgeous. He was living a comfortable life in a province where his family rules the whole of it. The Dela Fuentes clan was unstoppable until one night, everything changed for all of them but most importantly for Vinxer. Ngayon, hinaharap niya ang araw-araw na puno ng hiya Years later, Vinxer and Ayra met. Two heavy yet young hearts collided Will they finally find the peace they have been longing for? Or will they keep running away from all the demons that haunt them? SPOTIFY PLAYLIST: (The songs in this captures the overall vibe of this story. Not all songs are featured in the chapters but are still surely Vinxer and Ayra approved! haha <3) https://open.spotify.com/playlist/3XCwXaLXcq6pWgOpW6DTNH?si=OI6vaHS4QBm7IWhSw9lVpA
View MoreThis chapter is dedicated to Greeneth. Luv u mhiemasaur
• Naglalakad si Ayra papunta sa kabilang building para sa susunod niyang klase. Napakainit ng panahon kaya naman tagaktak na rin ang pawis niya. Isang linggo na rin na ganon ang panahon at isang linggo na rin silang may klase "Mhie, nakikinig ka pa ba sakin?" ani ni Heart Greeneth, Green for short, na naglalakad din kasabay niya. Ito ang pinakauna niyang naging kaibigan sa klase at lagi niya na rin itong kasabay Purple ang buhok ni Green...kahit na Green ang pangalan nito "Ano yun, tii?" tugon niya sa babae "Ang sabi ko nagccrave ako nung hotdog waffles sa canteen. Papasama ako sayo dumaan dun after class if okay lang" sabi ni Green habang tinutupi ang payong nito. Nakapasok na kasi sila sa kabilang building at ngayon ay naglalakad na sa naka tiles na sahig "Ah sure sure no probs naman!" tugon ni Ayra kay Green habang umaakyat sila ng hagdan. Dahan dahan lang ang pag akyat nila dahil sa third floor pa ang klase nila. Sinadya nilang mas maaga na pumunta para hindi sila hingalin sa paglakad at pag akyat kapag nagmadali "Thank you, mhie! Hotdog waffles at spaghetti nalang siguro ang bibilhin ko-Ay! Hotdog!" biglang naputol ang sinasabi ng kasama ni Ayra nang bigla nalang itong mabangga mula sa likuran ng isang tao na nagmamadaling umakyat ng hagdan "Sorry. I'm in a hurry" sambit ng lalaking boses "Ay okay lang no problem no problem hehe" sagot naman ni Green dito Nakatingin lang si Ayra sa dalawa. Nang makalampas sa kanila ang lalaki ay bahagya niyang kinurot sa tagiliran ang kasama "Ikaw ha! Kapag pogi, okay agad" tukso niya rito na ikinatawa lang ng huli. Nariyan na naman ang nakakahawang tawa ng babae na parang katulad ng kay DJ Greta sa radyo na siyang idolo naman ni Green BA Communication student tingz Itinulak papasok ni Ayra ang glass door ng classroom. Wala pa ang kanilang mga kaklase maliban sa professor nilang naglalaro ng candy crush sa phone nito at... "Anak ng tokwa..!" impit niyang pigil sa sarili nang makita ang malas na lalaki sa gilid ng silid. Prente itong nakaupo sa bakal na upuan. Nasa sulok habang may kung anong kinakalikot sa laptop na nakapatong sa lamesa sa harapan nito Akala niya naman ay huling pagkikita na nila noong muntik siya nitong mabangga noong first day of school. Iyon pala ay dito rin ito nag aaral sa Blue and Gold University. Sa dinami-dami ba naman ng options ng universities at colleges na pwedeng pasukan nito ni Vinxer dahil may pera at...well matalino rin ito, dito pa talaga napili ng lalaki Baka minalas na rin sa pera. Noong una ako lang ang nahahawaan niya ng kamalasan pero ngayon ay pati na rin yata sa sarili niya. Lol. Hinila niya si Green paupo sa lagi nilang pwesto habang hindi inaalis ni Ayra ang masamang tingin sa lalaki. Tumingin ito sa gawi niya at nasira rin ang mukha. Pinaningkitan niya ang lalaki. Walang gustong pumutol sa titigan nilang tila pinapatay na ang isa't isa sa kanya-kanyang isipan. Tila nakikita ni Ayra na mayroong kuryente ang namamagitan sa kanilang mga mata at nagpapasiklaban sila ni Vinxer na mas lakasan pa ang pwersa ng kanilang mga "powers" Tukmol talaga 'to.. ani ni Ayra sa sarili "Where are your other classmates?" Naputol ang tensyon na namamagitan sa kanila ni Vinxer at sabay silang napatingin sa professor nilang nasa harapan. Hindi pa sila nakakasagot ay nagsipasukan na ang kanilang mga classmate at napuno na ang silid • "Mhie pwede 'bang ikaw nalang ang bumili ng hotdog waffles ko tsaka spaghetti? Najejebs na kasi ako" bulong ni Green kay Ayra nang makabalik na sila sa main building. Natawa na lamang siya at tumango "Sure. Ilan bibilhin?" tanong niya kay Green habang ito ay aligaga nang dumukot sa wallet. Nagmamadali na rin siguro dahil sa iniinda sa tiyan. Inabot nito ang 500 na buo sakanyang palad "Ito mhie. Sampung hotdog waffles tapos isang order ng spaghetti. Bye!" nagmamadali na itong umalis at tinanaw na lamang ni Ayra ang kaibigan habang lakad-takbo ito papunta sa banyo Sinunod niya naman ang pinapasuyo ni Green. Bumili siya ng hotdog waffles at isang order ng spaghetti mula sa magkaibang stalls. Bumili narin siya ng sa kanya "Ate, cucumber lemonade po tapos-" natigilan ang bibili sana na customer at napatingin sa mga bitbit ni Ayra "Ikaw nanaman? Stalker" ani ng baritonong boses na halatang iritable. Katabi na ni Ayra ngayon si Vinxer dahil bibili ito at siya naman ay naghihintay ng sukli "Excuse me? Ako ang nauna dito kaya wag mo 'kong matawag tawag na stalker ha!" pagtutol niya. Siya naman kasi ang nauna doon kaya hindi siya nito matatawag na stalker "Sml" tipid na sagot nito at kinuha ang cucumber lemonade na binili "Umalis ka na nga" matalim ang mga tingin na ani niya sa lalaki. Nakatingala siya habang sinisinghalan ito dahil masyado itong matangkad "Naghihintay pa ko ng sukli" sukol naman nito habang sinasalubong rin ng iritableng ekspresyon ang mga singhal ni Ayra "Sml" sagot niya sa lalaki na bahagyang nakapagpangiti kay Ayra Ha! Akala niya ha. Tukmol na 'to aasarin pa ako "Takaw mo. Maempatso ka sana para matahimik ka na at di ka na makasunod sakin kung saan. Stalker" saad ng lalaki at naglakad na papalayo. Napatanga si Ayra sandali. Napatingin siya sa dami ng dala niyang pagkain at inumin dahil ang binili niya ay para sa kanya at kay Green Arghhhh! Bwisit talaga 'tong Vinxer na 'to kahit kailan! Malas! Inis siyang napabuntong hininga at walang nagawa kung hindi ay magdabog papalayo para pumunta sa building ng BA Comm unit. Doon din naman nag banyo si Green kaya doon na rin sila tatambay pagkatapos Hindi siya magkanda ugaga sa pagdala ng mga biniling pagkain kaya naman laking pasalamat niya nang makitang walang tao sa loob ng nag iisang classroom sa building. Inilapag niya ang mga pinamili sa table ng dalawang arm chair at saka nag desisyon na sundan si Green sa banyo Papasok pa lamang sa girl's restroom at tahimik na ang paligid kaya naman tinawag na lamang niya ang pangalan ni Green upang malaman niya agad kung nasaan itong cubicle "Mhie? Green?" pagtawag niya sa pangalan nito ngunit walang tugon "Mhiema?" tawag niya ulit dito habang tinatahak ang labas ng mga cubicle. Yumuyuko yuko pa si Ayra upang tingnan ang baba ng cubicles kung may paa ba at kung si Green ba ang may ari ng mga 'yon "Gree-Oh my god!!!" labis na pagkagulat ang naramdaman ni Ayra at hindi siya agad nakakilos mula sa kinatatayuan. Narating niya ang pinaka dulo ng banyo kung saan nakita niya si Green na nasa sahig. Nakasandal ang walang malay nitong katawan sa pader habang nasa sulok. Putok at dumudugo ang ibabang labi nito at nagkalat ang pasa sa mukha. May mangilan ngilan din itong mga galos sa katawan "G-green! Greeeen!" sigaw niyang muli nang makalapit na sa walang malay na kaibigan. Kinapa niya ang pulsuhan nito at nakaramdam si Ayra ng kaunting ginhawa nang maramdaman ang tibok doon. "Tulong!! Tulungan niyo kami!" karipas niyang takbo sa pintuan upang humingi ng tulong Kalaunan ay dumating ang isa sa kanilang mga professor na siyang nag arrange upang madala kaagad si Greeneth sa pinakamalapit na ospital Sinong may gawa sayo nito, Green? Bakit?Kunot ang noo ni Ayra habang nakatingin sa screen ng laptop. Mag isa siya sa library ngayon at naghahanap sa Google ng mga magazine articles kung saan makikita ang mga mayayamang businessmen sa bansa.Ilang oras na niyang binabasa ang mga one-on-one interview sa mga iyon kung saan tinatanong ang mga kalalakihan patungkol sa kanilang pribadong buhay, paboritong pagkain, paboritong sports, at kung ano-ano pa.Isa lamang ang pakay niya at yun ay ang malaman kung sino sa kanila ang gumagamit ng pabango na kaamoy ng cherry blossoms.Suhestiyon iyon ni Lyzza noong galing sila sa Sta.Fe kaya naman ngayon na nakalugar na si Ayra ay sinunod niya na ang payo ng kaibigan sa paraan ng paghahanap.Napasabunot siya sa kanyang buhok. Mga dalawampu na kasi na businessman interviews na kasi ang nababasa niya ngunit wala pa rin. Masakit sa ulo ang suyurin ang internet para sa napaka specific na impormasyon.Tumipa siya sa keyboard. May naisip kasi siyang mas tumpak na mga salita na baka makapagbigay ng
• Madaling araw na ngunit hindi pa rin dinadapuan ng antok si Vinxer. Pinagmamasdan niya lamang ang mukha ng kasintahang si Ayra na payapang natutulog sa kanyang tabi. Nasisinagan ng liwanag ng buwan ang mukha ng dalaga at hindi mapigilan ni Vinxer ang mapahanga sa taglay nitong ganda. Him and Ayra spent the whole afternoon til evening making love on the bed and every round, he made sure that it was filled with passion and adoration. They are both first timers but that did not hinder Vinxer from giving the best that he could to pleasure Ayra. Ayra on the other hand was adorable in her own ways. Napabuntong hininga siya at masuyong hinaplos ang buhok ng dalaga pababa sa pisngi nito. Habang ginagawa niya iyon ay tumatakbo sa sistema ni Vinxer ang lahat ng emosyon.Masaya siya kung nasaan sila ni Ayra ngayon. Masaya siya dahil pagkatapos ng ilang taon na paghihintay ay kasintahan niya na ang babaeng iniibig at wala siyang ibang gustong gawin sa buhay kung hindi ay ang pagsilbihan si
• Abala sina Vinxer sa pag aayos ng mga gamit. Nakalapag sa sahig ang mga kahon na puno ng mga kagamitan ni Ayra Ngayon na kasi ang takdang araw ng paglipat ng kasintahan sa kanyang condo unit upang magsama na silang dalawa sa iisang bubong "Yes po, Ma'am Thelma. Sila Lyzza at Lester na po ang titira dyan sa room ko noon" ani ni Ayra na kausap ang landlady ng boarding house niya noon, "Opo, Ma'am. Wag po kayong mag alala. Mabait po si Lyzza at behave lang po si Lester. Siguradong wala po kayong magiging problema sa kanila" nakangiting ani ni Ayra sa landlady Nang ibaba ni Ayra ang tawag ay siyang pagyakap naman sa kanya ni Vinxer mula sa likuran. Tila gusto namang kumawala ng kanyang puso mula sa kanyang dibdib dahil lakas ng tibok noon"Thank you, love. For trusting me and moving in with me" ani ni Vinxer at nagplanta ng halik sa pisngi ni Ayra "No, love. Thank you. For making my life better. Simula nung naging tayo, puro na magaganda ang nangyayari sa buhay ko. Salamat at hindi
• "Thank you, Sir!" halos sabay-sabay na ani ng buong klase nang magpaalam ang kanilang professor Nasa kalagitnaan si Ayra ng pag aayos ng kanyang gamit nang magliliwan naman siyang batiin ni Lyzza. Nasa tabi niya na ito ngayon "Hi, beshy! Tara kain tayo sa labas. My treeeeat!" buong saya na ani ng dalaga "Wow! Mukhang galante ka today, ah but sure! hindi ko yan tatanggihan" Sabay na naglakad ang dalawa palabas ng university. Kapwa silang may hawak na mini fan upang mapawi ang init ng panahon Nang makarating sila sa mall ay sa isang samgyupsal-an siya dinala ni Lyzza "Galante ka talaga ngayon, besh ha. May pa samgyupsal talaga" panunukso ni Ayra sa kaibigan "Oo naman besh tsaka syempre pa-thank you ko na rin 'to sayo" ani ni Lyzza habang nangluluto ng karne sa griller "Para saan?" "Syempre sa pagpapatuloy mo sa amin ni Lester" ani ng kaibigan at nginitian siya nito "Ano ka ba? Wala yun tsaka aalis na rin naman ako doon" pahayag ni Ayra "Ha? Bakit ka aalis
•"Oh, siya, Ayra anak, mag iingat ka doon ha? Kumain ka sa tamang oras at siguraduhin mo na may sapat 'kang tulog" ani ni Agnes sa anak na si Ayra "Opo, Ma. 'Wag po kayong mag alala sa akin. Papagbutihin ko rin po ang pag-aaral ko doon. Tatawag nalang po ako kapag may oras kaming umuwi dito" sagot naman ni Ayra sa ginang at niyakap ito ng mahigpit "We will go ahead now, Tita Agnes. I promise to take good care of Ayra there so you will not have anything to worry about" ani naman ni Vinxer at nagmano ito kay Agnes"Oh, siya, hijo. Salamat ha? Mag iingat kayo sa biyahe" ani ni Agnes at kinawayan na ang dalawa Isinakay ni Vinxer ang kanilang mga maleta ni Ayra sa kotse. Ang sasakyan ni Danner na Ranger ang gamit nila ngayon dahil napag desisyonan nilang isang sasakyan na lamang ang gamitin sa biyahe. Magpapalitan na lamang sila ni Danner sa pagda-drive hanggang sa makarating na sila sa siyudad "Wow. Gagaling niyo naman. Wala talagang tumulong sa'kin magbuhat nitong mga pagkain ha" an
Healing by James Reid • Nakapikit ang mga mata ni Ayra habang sinasalubong ang maligamgam na tubig mula sa showerhead sa ibabaw. Nararamdaman niya ang bawat patak nitong tumatama sa kanyang balat pababa sa kanyang katawan. Hinayaan niya lamang ang sariling lasapin ang pakiramdam niyon Much needed rest... Ngayon na natapos na ang kaarawan ni Vinxer ay tsaka lamang naramdaman ni Ayra ang pagod sa kanyang katawan. Simula kasi noong isang araw ay abala siya sa pagbili ng regalo tapos dumiretso sila papunta sa Tagaytay. Noong matapos naman iyon ay dumiretso sila pauwi ng Sta. Fe Parang ang daming nangyari sa loob lamang ng tatlong araw. Ang dati niyang madilim at tila on default na buhay ay biglang nagkaroon ng saysay Noon, kapag nagigising siya sa araw-araw, alam niya na agad kung ano ang gagawin niya. Kakain, maglilinis, papasok sa eskwela, uuwi. Minsan naman ay sumasama siya sa kanyang ibang mga kaibigan sa mga bar para lamang libangin ang kanyang sarili Para makalimot... "As
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments