Se connecterPhyton's pov Hindi ko maalala kong pang-ilang baso na ang nasa harap ko. Magkakaharap kaming lima sa isang sulok ng bar-maingay ayng paligid,may tawanan ,may musika-pero hiwalay ako sa mundong iyon.Para akong may sariling mundo,ngunit nakikita ko sila at naririnig.Pero wala akong maramdaman kundi isang napakalalim na kawalan. Ang tanging malinaw lamang sa akin ay wala na sa buhay ko si ariana,kinuha na ng tunay na nagmamay-ari sa kanya...ang totoong pamilya. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang itsura niya noong sinara ko ang pinto ng sasakyan.Ang mga mata niyang puno ng luha.Ang boses niyang nanginginig,pero pilit niyang inaayos. Humigop ako ng alak-agad kong nalasahan ang pait ,mainit at masakit sa lalamunan.Ngnit hindi pa rin sapat. "dude,dahan-dahan lang ang pag-inom."sabi ng isang kaibigan ko at bahagya pa niyang hinila ang bote ng alak palayo sa kamay ko. "hindi ka naman ganyan dati-kahit nang kayo pa ni monica." Ngumiti ako ng isang pilit. "dati 'yon noong
Ariana's pov Pagbaba ko ng hagdan;tahimik ang buong sala ng mga Alvarez.Nakaupo si mommy Cony sa dulo ng sofa habang si Noah at tito Steban ay may ngiti sa kanilang labi habang nakatingin sa'kin.At walang bakas ni Phyton na nandito siya.Alam kong masakit para sa kanya -ganun din ako.Hindi ko matanggap ang tadhana naming dalawa- napakasakit at napakabigat.Bitbit ang dala kong bag,nilapitan ko si mommy Cony -umupo sa tabi niya.Hinawakan ko ang mga kamay niya — malamig ngunit puno ng init ng pagmamahal.Tumingin siya sa akin nang matagal, mata niya na puno ng alalahanin at luha.“Anak.” mahinang sabi niya, “alam kong mahirap ito para sa inyong dalawa ni phyton… para sa amin.Ngunit ito ang tama....Pinikit ko aking mga mata habang sinimulan ko ang aking salita at pinipilit kong pigilan ang umiyak.“Mommy Cony,” mahina kong bulong, “maraming salamat po sa lahat ng pag-aaruga niyo sa akin. Hindi ko po makakalimutan kung paano niyo ako tinanggap, kahit na ako ay isang estranghero sa pami
Ariana's pov Ito na ang araw na pinakahihintay naming lahat....ang resulta.Magkatabi kami ni Phyton sa loob ng waiting room ng laboratoryo. Hindi kami nag-uusap. Hindi rin kami magkahawak ng kamay—pero ramdam ko ang presensya niya sa bawat paghinga ko.Naroon sina Noah, Tito Steban, at Daddy Marlon. Si Mommy Cony ay tahimik na umiiyak, hawak ang rosaryo. Para bang lahat kami ay naghihintay ng hatol, hindi resulta.Lumabas ang doktor, hawak ang isang puting envelope.Tumayo kaming lahat.“Good morning,” mahinahon niyang bati. “Nakuha na po ang resulta ng DNA test.”Humigpit ang kapit ko sa palda ko. Ramdam kong gumalaw si Phyton sa tabi ko, bahagyang humakbang palapit sa’kin—parang proteksyon.“Base sa pagsusuri,” patuloy ng doktor, “ang DNA ni Miss Ariana o Arabelle ay…”Huminto siya.At sa paghinto niyang iyon, parang tumigil din ang mundo.“…ay match sa DNA nina Mr. Noah Jonsson at Mr.Steban Jonsson.Parang may pumutok sa loob ng ulo ko.Hindi ko narinig ang sumunod na mga paliwana
Phyton's povTulog si Ariana ng iniwan ko sa silid namin- na dapat ay nasa boutique kami ngayon upang magpasukat ng gown na susuotin niya sa kasal namin.Ngunit nandito ako sa bar- umiinom habang hinihintay kong dumating ang mga kaibigan ko.Kaya ko sila tinawagan dahil kailangan ko ng opinyon nila- kahit alam kong pagtatawanan nila ako.Hindi ako sanay uminom para tumakas. Pero ngayong araw ay pakiramdam ko, wala na akong ibang kakapitan.Nakatitig lang ako sa baso ng alak sa harap ko, habang isa-isang dumarating ang mga kaibigan ko. Tahimik ang lugar—walang tugtuging malakas, walang tawanan. Para bang alam ng lahat na hindi ito simpleng inuman.“Bro,” unang nagsalita si Tristan, “mukha kang taong galing sa digmaan.”Napangiti ako ng pilit. “Mas masahol pa at mas mabigat.”sagot ko.Uminom ako ng diretso. Ramdam ko ang hapdi sa lalamunan, pero mas masakit ang bigat sa dibdib ko.“May lumabas na rebelasyon,” panimula ko. “At kung totoo… pinsan ko raw si Ariana.”pabatid ko."what the fuck
Phyton's pov "paano namin paniwalaan ang basurang kwento nang taong nanakit sa kanya noon.At alam ko rin na may alam ka sa nangyari sa lolo ni Ariana."muling nagsalita si Phyton - na talagang galit na siya. Mas lalo akong umiyak sa dibdib ni Phyton dahil sa tuwing nadadawit ang pangalan ni lolo Damian ay sobrang sakit sa dibdib ko.Parang pabalik-balik sa isipan ko ang kaawa-awa niyang sinapit mula sa kamay ng taong pumatay sa kanya at hindi man lang nailibing ng maayos.Basta na lang nila binalot ng kumot at tinabunan ng lupa. "Mr.Alvarez,hindi kita pipilitin kong ayaw mong maniwala.Ngunit ito ang totoo,hindi namin tunay na kamag-anak si Ariana,kundi kayo ang tunay na magkadugo.At ang sinasabe mong dahil sa pansariling intensyon ko,kong bakit sinasabe ko ang lahat ng ito- oo,tama ka.Matagal na panahon kong pinagnasahan si Ariana.Gusto ko siyang gawing asawa,ngunit ayaw niya sa'kin dahil ang akala niya ay totoong magkamag-anak kami."narinig kong pahayag niya sa amin. "ikaw lalak
Ariana's pov Ngayon ang araw nang paghahanda namin para pumunta ng boutique upang magpasukat ng wedding gown na gagamitin ko sa kasal namin ni Phyton sa susunod na lingo. Napakasaya ko, sobrang saya.Hindi ko maipapaliwanag aking nararamdaman.Ngunit mas masaya pa sana ako kong buhay pa si lolo Damian at siya ang maghahatid sa'kin kay phyton.Pero wala na siya. Kasalukuyan akong nasa living room dahil hinihintay ko si Phyton dahil may binalikan siya sa silid namin.Ngunit,may mga yabag akong naririnig at mga boses habang tinatawag nila ang pangalan ni mommy Cony.Tumayo ako at napalingon kong saan ang pinanggagalingan ng mga boses na iyon at nakita kong si tito Steban pala kasama ang pinsan ni Phyton na- si Noah. "Arabelle!"sambit ni tito Steban sa isang pangalan habang nakatitig sa'kin at maging si noah.Ngunit nakikita ko sa kanilang mga mata ang kagalakan at lungkot. "Arabelle,anak ko."muling sambit ni tito Steban sa isang pangalan.Ngunit bakit parang ako ang tinatawag nilang Arabe







