Share

Kabanata 36

"Well, puwede ba muna naming malaman kung gaano na katagal sina contestant number one?" biglang turo ni Ethan sa unang magkapareha, kaya lumapit ang anunsyador at inabot ang maykropono na hawak niya.

"Okay, tinatanong ng huling contestant natin kung gaano na raw ba kayo katagal nagsasama bilang magkasintahan?" tanong niya. Tila napakunot noo naman si Mara sa sinabi ni Ethan at may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha.

"Medyo matagal na rin po, mga itong taon." Tugon ng lalaki sa kaniya.

"Wow!" halos napanganga na lang sila at namangha sa matibay na pagsasamahan ng dalawa.

"By the way, sa mahigit pitong taon na iyon ay wala pa rin ba kayong balak na magpakasal?" tanong niya ulit. Nagkatinginan muna silang dalawa at nagsimula na mangilid ang mga luha sa mata ng magkasintahan.

"O bakit parang naging emosyonal yata kayong dalawa? may mali ba akong nasabi sa inyo?" usi
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status