Share

Kabanata 4

"Bitawan mo sabi siya. Hindi mo ba ako naririnig?" Mariin na saad ni Andrew kay Robin habang parehas silang nakahawak sa magkabilaang braso ng dalaga.

Palipat-lipat naman ang tingin ni Mara sa dalawang binata at naguguluhan siya sa kaniyang gagawin.

Mabilis din kumalat sa buong sections nila ang kaguluhang nangyayari sa classroom nito. Kaya naman yung iba sa kanila ay kumaripas ng takbo at tinungo ang last section upang makisyoso sa alitan ng dalawa.

Nakarating din sa upper sections ang tungkol sa usap-usapang kumakalat tungkol sa tatlo. Maging si Mina ay hindi makapaniwala sa kaniyang nalaman at kaagad din siyang nagtungo sa classroom nito.

 

Pagkarating niya roon ay nadatnan na lamang niyang nagkukumpulan na ang mga studyante sa labas habang kinukuhanan sila ng picture at video. Naglakad pa palapit si Mina sa classroom at sandali siyang nahinto nang matanaw niya at makumpirmang si Matt nga ang lalaking nasa loob.

 

"Tumigil na nga kayong dalawa! pwede ba, bitawan n'yo na ako!" inis na sabi naman ni Mara sa dalawang binata, ngunit hindi siya pinapakinggan nito at nakatingin lang sa isa't-isa.

Sandali namang pumasok sa loob si Liza at natigilan na lamang siya nang makita si Mina na hawak ng dalawang lalaki.

"Mara, ano ang nangyayari rito?" usisa niya sa kaibigan na ikinalingon naman ng tatlo.

 

"Bitawan mo na siya." Ang sabi ni Robin sa malalim na tinig. Hindi naman umimik si Andrew, bagkus ay napalingon na lang siya sa kaniyang paligid at napansin nga niyang pinagkakaguluhan na sila ng mga studyanteng nasa labas habang kinukuhanan sila ng litrato. Sa mga sandaling iyon ay nahagip rin ng kaniyang paningin si Mina, na nakatayo malapit sa may bintana habang tahimik na nakatingin sa kaniya.

Tila napansin naman iyon kaagad ni Mara, kung kaya't sinundan niya ito nang tingin hanggang sa mapagtanto na lamang niyang si Mina pala ang babaeng nakaagaw ng atensyon nito. Muli niyang binalingan ng tingin si Andrew at dahan-dahan siya nitong binitawan sa kamay.

Sa mga sandaling iyon ay tila bigla siyang nakaramdam ng kirot at lungkot sa kaniyang puso. Gustuhin man niyang hawakan muli ang kamay nito pero natulala na lang siya at walang nagawa.

Muli siyang hinigit ni Robin sa kaniyang wrist at lumabas na sila ng classroom ng magkasama. Nakasunod lang ng tingin si Andrew sa dalawa at napayuko ng ulo. Ilang saglit lang ay lumabas na rin siya ng classroom at nagtungo pabalik sa kanilang klase.

 

Pagkatapos non ay nagsibalikan na rin ang mga studyanteng nakikisyoso sa labas at mas lalo pang umingay ang chismis na kumakalat tungkol sa relasyon nina Robin at Mara. Ngunit mas kumalat at mas naging maingay pa ito magmula nung gumitna si Andrew sa isyu ng dalawa.

"Totoo ba yung mga nakita ko kanina?"

"Wait a minute! so, ibig sabihin totoo nga ang kumakalat na chisimis tungkol kina Robin at Mara?"

"Ano bang gayuma ang pinainom ni Mara sa dalawang 'yon?"

"Kung ako kay Mara si Robin na lang ang pipiliin ko."

"What the hell? panaginip ko lang ba ito o guni-guni ko lang? ang dalawang hot crush ng campus ay pinag-aagawan ang boyish type na 'yon!?"

Halos napuno ng pagtataka at gulat ang buong klase ng last section, pagkatapos umalis ng tatlo. Lahat sila ay naglalabasan ng kani-kaniyang mga opinyon tungkol sa nangyaring gulo kanina. Habang natulala naman si Liza at nagtungo na lang sa kaniyang pwesto. Sandali siyang napatingin sa upuan ni Mara at napabuga ng malalim na paghinga.

"By the way, Aliza! hindi ba't bestfriend kayong dalawa ni Mara?"

 

"Oo nga! tutal close na close naman kayo sa isa't-isa, siguro expect mo na rin na mangyayari ito sa kanila hindi ba?"

 

Biglang sabi ni Megan at Ann sa kaniya. Ang m*****a at inggitera sa klase nila.

"Sandali, sinabi din ba niya sa'yo kung sino ang mas bet niya sa dalawa?" tanong ni Megan sa kaniya.

"Kung ako kay Mara, pagsasabayin ko na lang silang dalawa!" dagdag pa nitong sabi pero napayuko lang ng ulo si Liza at hindi nagsasalita.

"Liza, baka gusto mo naman i-share sa amin yung tungkol sa sikreto ni Mara. Kung papaano niya inakit yung dalawang taga-upper class. Siguro, may nangyari na sa kanila no? kaya ba, pinag-aagawan siya ng dalawa?" mahinang saad ni Ann sa kaniya, kung kaya't napatingala na lang si Liza at nakatingin lang sa kaniya.

"Hoy, Liza. Bakit hindi ka sumasagot diyan? don't tell me na nililihim din sa'yo ni Mara ang tungkol do'n?" pagkasabi ni Megan ay muli lang napayuko ng ulo si Liza at napakagat sa ibabang labi niya.

"Hindi nga? hindi niya talaga sinabi sa'yo na nililigawan siya ng dalawa?"

"Poor girl. Ang akala ko ba bestfriend forever kayong dalawa? e mukhang ginagamit ka lang pala niya!" ang sabi pa ni Megan sabay nagtinginan silang dalawa ni Ann at nagsitawanan. Ilang saglit lang ay bigla naman pumasok sa loob ng classroom nila ang kanilang guro sa Math subject. Kung kaya't kaagad din silang nagsibalikan sa kani-kanilang mga pwesto at ganoon na rin sina Megan at Ann.

Sandali namang napalingon si Liza sa pwesto ni Mara at madiin niyang hinahawakan ang ballpen na hawak nito sa kamay.

***

"Ano ba, bitawan mo na nga ako!" ang sabi ni Mara kay Robin at saka lang siya nito binitawan nang makalayo-layo na silang dalawa.

 

"Okay ka lang?" tanong niya na ikinangisi naman ng dalaga.

"Okay lang? sa tingin mo ba, pagkatapos mo akong kaladkarin papunta rito ay magiging okay pa rin ako?" aniya habang itinataas at pinapakita niya sa binata ang wrist nitong namumula dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa kaniya kanina.

"I'm sorry." Ang nasambit lang nito sa labi at saka na siya naglakad palayo sa dalaga.

"Sandali! saan ka pupunta? ano 'to? pagkatapos mo akong kaladkarin papunta dito tapos iiwanan mo rin pala akong mag-isa. Lakas din pala ng amats mo sa ulo no?" pagkasabi niya ay sandali namang natigilan sa paglalakad si Robin at napalingon sa kaniya. Muli siyang lumapit kay Mara pero nagulat naman ito at napaatras na lang.

"Ba... bakit? a-anong gagawin mo?" mautal-utal niyang sabi. Nang bigla siyang higitin ng binata sa kamay at saka nito tinatakpan ng panyo ang wrist niyang namumula nang dahil sa kaniya.

 

Nabigla at natulala na lamang si Mara sa kaniya. Tila muling bumilis ang pintig ng kaniyang puso at napalunok siya ng malalim.

"What do you want me to do? baka mas lalo ka lang mapahamak at madamay sa gulo kapag sumama ka pa sa akin." Tugon nito sa malalim na boses at seryoso ang mukha. Pagkatapos non ay muli siyang tinalikuran nito at naglakad palayo sa kaniya. Subalit kaagad din siyang nahinto nang pigilan siya ni Mara at hinawakan sa kaniyang braso.

"Sandali lang." Aniya sabay napalingon siya sa dalaga.

"Magaling ka bang tumalon?" nakangiting saad pa nito sa kaniya. Tila naguluhan naman ang binata sa kaniyang narinig at napailing na lang sa kaniyang ulo.

"Tumalon?" usisa niya na may bakas na pagtataka sa kaniyang mukha. Hindi naman siya sinagot ng dalaga, bagkus ay hinawakan pa siya nito sa kamay at saka sila tumakbo.

Bagama't nagtataka at naguguluhan pa rin si Robin sa gustong mangyari nito ay tahimik na lang siyang sumunod sa likod ng dalaga, habang nakatingin sa kamay nitong nakahawak sa kaniya.

 

Bahagya naman umusli ang matamis na ngiti sa kaniyang labi at muli siyang napatingin sa mukha ni Mara. Sa mga sandaling iyon ay parang mas gumaan pa ang kaniyang pakiramdam at mas napalapit pa ang kalooban niya sa dalaga.

Maya-maya lamang ay napatigil na sila sa pagtakbo at hingal na hingal. Napangiti lang ulit si Robin nang makita niyang pawisan na silang pareho at hinahabol ang kanilang hininga.

"Ito na ba yung sinasabi mo? ano naman ang gagawin natin dito?" usisa niya sabay napalingon si Mara sa kaniya.

"Ano pa nga ba, e 'di mag-cucutting classes tayo." Tugon niya na ikinagulat naman nito.

"Huh? cutting classes?" aniya sabay napalingon siya sa pader na nasa gilid lang nilang dalawa.

"So, yung sinasabi mo kanina na tatalon-" hindi niya naituloy ang sinasabi niya nang bigla siyang lapitan ng dalaga at tinakpan ang kaniyang bibig.

"Sssh! may paparating." Mahinang saad nito sa kaniya. Nabigla naman si Robin nang mapagtanto niyang sobrang lapit na pala nila sa isa't-isa. Na halos pati ang mabigat nitong paghinga ay nararamdaman na niya, pati na rin ang hinaharap nitong nakadikit sa bandang dibdib niya. Kaya nakatitig lang siya sa mukha nito at parang bato na bigla nanigas sa kinatatayuan niya.

Ilang sandali lang ay binitawan na siya ni Mara at humakbang palayo sa kaniya. Doon lamang siya napabuga ng malalim na paghinga at napahawak sa pader. Tila nagtaka naman ang dalaga sa kaniya pero hindi rin siya gaanong pinagtuonan ng pansin nito.

"Ano na? game na!" saad niya na ikinalingon ni Robin sa kaniya.

"Huh? anong game?" usisa niya habang iniiwasan nito ng tingin si Mara.

"Upo ka na. Aakyat ako." Utos nito na ikinagulat naman niya.

"What?" aniya sabay napatakip siya ng bibig nang mapagtantong napalakas ang kaniyang pagkakasabi.

"Dalian mo na, bago pa may makakita sa atin!" muling utos nito sa binata.

***

Pagkapasok ni Andrew sa loob ng classroom nila ay nagkatinginan naman silang dalawa ni Mina, habang nakaupo ito sa kaniyang upuan.

Ilang saglit lang ay bigla itong tumayo at nilapitan siya.

"Let's talk." Ang sabi ng dalaga sa kaniya at saka ito lumabas ng classroom nila. Sumunod naman kaagad sa kaniya si Andrew at nagtungo silang dalawa sa lugar kung saan walang makakakita at makakarinig sa kanilang dalawa.

"Ano yung nakita ko kanina?" tanong ni Mina sabay lumingon siya kay Andrew.

 

"What are you talking about?" ani ng binata sa kaniya.

"Yung tungkol sa inyo ni Robin at nung taga last section. Sabihin mo nga, iyon ba ang tinutukoy mo sa akin na pupuntahan mo?" usisa nito, pero hindi siya sinagot kaagad ng binata at napatingin lang ito sa paligid nila.

"Ano ba ang gustong marinig mula sa akin? hindi ba't matagal nang tapos ang lahat sa ating dalawa?" aniya na nakapamulsa ang dalawang kamay niya sa bulsa.

"Matagal? halos wala pang tatlong buwan magmula no'ng maghiwalay tayong dalawa, hindi ba?"

"So, ano ang gusto mong palabasin sa akin ngayon? na hindi ako pwedeng magkagusto sa iba kahit gustuhin ko?"

 

"Hindi sa ganoon, Andrew! konting respeto naman para sa pinagsamahan nating dalawa."

"Respeto? hindi ba't pinagbigyan naman kita sa kagustuhan mong makipaghiwalay sa akin? ako ba, nirespeto mo man lang ba ang mararamdaman ko ng mga sandaling iniwanan mo ako sa ere ng mag-isa?" aniya at napayuko na lang ng ulo si Mina sa kaniyang narinig.

"Malaya ka na, hindi ba? pinagbigyan kita sa gusto mong mangyari. Kaya huwag na natin ibalik pa kung ano ang mga nakalipas na." Ang sabi pa niya sabay tumalikod na siya.

 

"Pero ang sabi mo noon sa akin ay maghihintay ka! hihintayin mo ako hanggang sa maging handa na ako." Sandaling natigilan sa paglalakad si Andrew pero hindi na lang niya ito pinakinggan pa at syaka na lang nagpatuloy sa paglalakad.

Kinusot naman ng dalaga ang luha sa kaniyang mga mata at nilagpasan na lamang niya si Andrew, sabay binangga sa balikat nito. Nahinto na lang sa paglalakad ang binata at nakasunod ng tingin sa kaniya.

Napabuntong-hininga na lang siya at sandaling napalingon sa ibang banda. Hanggang sa mahagip ng tingin niya ang dalawang estudyanteng umaakyat sa bakuran.

Lumapit pa siya ng kaunti upang pagmasdan ang studyanteng iyon at laking gulat na lamang niya nang mapagtantong si Mara pala ang babaeng nakapasan sa balikat ni Robin, habang tinutulungan niya itong makaakyat sa pader.

"Anong ginagawa nilang dalawa?" aniya at tipong lalapitan na sana niya ito pero kaagad naman nakatalon palabas ng school ang dalawa.

"Teka! saan nilang balak magpunta?" gustuhin man niyang makaakyat rin sa bakuran pero hindi naman niya abot. Kung kaya't nagtungo na lamang siya sa entrance ng school at pinaalam sa security guard na may dalawang estudyanteng nagbabalak na mag-cutting classes.

Aligagang lumabas ng school gate sina Andrew at ang manong guard habang paulit-ulit niyang pinipito ang dalawa. Napatayo naman kaagad sina Mara at Robin nang marinig nila ang malakas na pagpito sa kanila ng guard, kung kaya't napatakbo sila kaagad at magkahawak-kamay na tumakas.

Mabilis naman silang hinabol ni Andrew habang naiwan naman yung guard at sumuko na sa kakahabol sa kanila.

"Tch! napaka-pakilamero talaga!" ani ni Robin habang palingon-lingon siya kay Andrew na desidido talagang maabutan silang dalawa.

"Hinahabol pa rin ba tayo ng guard?" tanong ni Mara at halatang hinihingal na rin siya sa kakatakbo.

"Huh?" ang nasabi lang niya at tipong lilingon sana siya kay Andrew pero mabilis siyang pinigilan ni Robin at hinigit papasok sa loob ng bus.

"Sakay! bilis!" sabay itinulak niya ang dalaga papasok sa loob nito.

 

"Robin!" malakas na sigaw sa kaniya ng binata pero binelatan lang niya ito at tinawanan.

"Humanda ka talaga sa akin kapag naabutan kita." Ang sabi pa niya at mas binilisan pa niya ang paghabol sa dalawa, pero umandar din naman kaagad ang bus na sinasakyan ng mga ito kung kaya't hindi din niya naabutan pa.

Halos napahalakhak na lang sa tuwa si Robin nang makita niya si Andrew na nakasunod pa rin ng tingin sa kanila. Tila nausisa naman si Mara sa tinitignan nito at tinatawanan kaya sandali siyang napasilip sa tabing bintana. Laking gulat na lamang niya nang mapagtantong si Andrew pala yung kanina pang humahabol sa kanila.

Kaya bigla siyang napatayo pero pinigilan din siya kaagad ni Robin.

"Saan ka pupunta?" tanong niya sa dalaga.

"Si Andrew yung humahabol sa atin kanina." Gulat niyang sabi sabay binitawan na siya ni Robin.

"Oo nga."

"Ano? alam mong siya yung humahabol sa atin pero naisipan mo pa rin na iwanan siya?"

 

"E anong gusto mo? ang magpahuli sa kaniya?  nakalimutan mo na ba, siya ang school president!" inis niyang sabi at saka na lang siya napatingin sa tabing bintana. Wala rin naman nagawa pa si Mara, kung kaya't napaupo na lang siya ulit sa tabi nito.

"So, saan pala tayo pupunta?" biglang lingon ng binata sa kaniya.

"Huh? anong saan?"

"Sandali nga lang, baka nakakalimutan mo na ikaw ang nagyaya sa aking mag-cutting classes!" pagkasabi niya ay mabilis namang tinakpan ni Mara ang kaniyang bibig at pasimpleng lumingon sa kanilang paligid.

"Huwag kang maingay! baka may makarinig sa iyo!" mahinang saway niya sa binata at saka inalis ang kamay niyang nakahawak sa bibig nito.

Natulala na lang si Robin sa kaniya at natahimik. Tila bumilis at lumakas pa lalo ang tibok ng kaniyang puso sabay napalunok na lang siya ng malalim nang mapatingin siya sa mapulang labi ng dalaga.

"Hoy, pervert!" mahinang tawag sa kaniya ni Mara habang nakapikit ang kaniyang mga mata.

"P-pervert?" usisa niya.

"Oo, ikaw nga. Puwede bang tigilan mo na ang kakatitig sa akin ng gan'yan? tumatayo ang mga balahibo ko sa'yo." Mariin niyang sabi sabay napalingon siya sa binata. Muling nagtama ang mga tinginan nila sa isa't-isa at pinipigilan din ni Robin ang kaniyang paghinga nung inilapit nito ang mukha niya. Saglit lamang iyon at muli siyang sumandal sa kinauupuan niya. Halos nagmistulang batong nanigas roon ang binata at hindi makalingon sa dalagang katabi niya.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status