Share

Kabanata 1663

”Karma?”

Umismid si Catherine. “Kung may babalikan ang karma, dapat ay magpunta muna ito sa inyo. Pinatay mo ang sarili mong nanay. Pagkatapos ay dinoktor mo ang isyu na para bang hindi niyo kinilala ang sarili niyong anak para sa kayamanan. Mukhang hindi kayo natuto sa mga pagkakamali niyo habang nasa kulungan kayo. Sa halip, mas tumapang kayo.”

Namula si Jeffery. Kahit na nakakahiya ang mga sinabi ni Catherine… hindi na siya maaaring umatras ngayon.

“Tama na. Itigil mo ang kalokohan. Anong ibig mong sabihin na hindi ko kinikilala ang sarili kong anak? Ikaw ang anak ko. At saka, hindi ko pinatay ang sarili kong nanay. Tignan mo, pinakawalan kami ng pulis.”

Nilipat ni Catherine ang titig niya kay Jeffery. “Noong binista ko kayo sa bilangguan bago ito, akala ko ay nagsisisi ka sa ginawa mo. Hindi ko inaasahan na-”

“Nagsasabi kami ng totoo,” Hindi siya pinatapos ni Sally at umiyak. “Wala kang puso! Kami ang tunay mong magulang, ngunit hindi mo kami kinikilala. Oo, hindi kami kasing
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status