Share

Kabanata 7

Author: Shallow South
Hindi alam ni Shaun kung ano ang isasagot. Minasahe niya ang pagitan ng kilay niya at tinanggap ang message request.

[Hubby, dito ka ba maghahapunan?] Nagsend ulit si Catherine ng text pagtapos ng ilang segundo.

Shaun: [Hindi. ‘Wag mo akong tawaging ganyan.]

Shaunerine: [Sige, Shaunny na lang ang itatawag ko. Cute na pangalan.]

Hindi na niya alam kung ano pang dapat sabihin.

Huli na ba para umatras sa marriage arrangement?

Kinagabihan.

Isang grupo ng tao ang nagpapakasaya sa kanilang hapunan sa nakakatuwang courtyard-style na disenyo ng restaurant.

Ilang mga lawyer ang nagpalitan ng opinyon tungkol sa mga bagong kaso na kinuha ng law firm.

Wala sa tamang pag-iisip na nakinig si Shuan nang marinig niya ang notification alert sa kanyang phone ulit.

Sinendan siya ni Catherine ng litrato. Sa ilalim ng madilaw na ilaw, ang matabang pusa ay nagpapakasaya sa maliit na treat na tuyong isda.

Shaunerine:[Shaunny, ‘wag kang mag-alala sa amin. Inaalagaan kong mabuti si Fudge.]

Galit na nagbuntong hininga si Shaun. Ang matakaw na puso ay walang effort na nasuhulan.

Ang oras ay 9:30 p.m.

Ang passcode na nilagay ang nagbukas sa pintuan. Halata ang gulat ni Shaun sa oras na pumasok siya sa bahay.

Makikitang ang bahay niya ay naisailalim sa complete makeover. Ang itim na couch ay nilagyang ng mga peacock blue cushion. Ang puting dining table ay tinatakpan ng green na tablecloth na may wave na pattern. Ang glass vase ay puno ng hydrangeas na naka ayos sa taas nito.

Ang buong bahay ay nilagyan ng berdeng halaman at sariwang bulaklak. Meron ding kaunting mga hanging basket na nasa labas ng balcony.

Ito pa rin ba ang bahay niya?

Tama ba siya ng pinasukang lugar?

“Shaunny, nakauwi ka na.”

Lumabas si Catherine sa guestroom habang suot ang long sleeve silk niyang sleeping gown. Ilang puting bunnies ang naka print sa wine red na tela ng gown.

Ang makapal at mahaba niyang brunette na buhok na kulay ng milk tea ay nakalaylay sa kanyang balikat. Sa ilalim ng dulo ng gown niya ay ang kanyang maputi at payat niyang binti.

Mukha siyang kaakit-akit na babae.

Nagdilim ang mata ni Shaun. “Sinong nagsabi sa’yong pwede kang magsuot ng ganiyang dito?” Kumibot ang kilay niya na nagsalubong nang mahigpit niya itong sinabi.

“Anong ganiyan?” Inosenteng sagot ng babae. “Natatakpan naman ang dede at pwet ko. Ang tuhod at calves ko lang ang nakikita. Ganito manamit ang mga dalaga sa kalsada. Ano namang mali dito?”

Hindi niya alam kung saan titingin. Tama naman, hindi siya nagsusuot ng malaswang damit pero hindi rin siya nakasuot ng kahit ano sa loob ng nightwear niya.

Iniwas ng lalaki ang tingin niya. “Pumayag akong tumira ka dito pero hindi ako pumayag na ganituhin mo ang bahay ko.”

“Hindi ba mas maganda? Walang buhay noon na halos hindi mo maramdamang bahay siya.” Pinakita ni Catherine ang palad niya. Nang may kaunting landi na maririnig sa kanyang tono. “Tignan mo, nagkaroon pa nga ako ng kaunting sugat sa kamay ko dahil sa pag lipat ng mga halaman.

Binaba niya ang tingin niya para makita. Totoo nga, may kaunting sugat siya sa kanyang malambot na balat dahil sa mga maselan na mga halaman.

“Buti nga sa’yo.”

Marahan niyang sinabi bago siya pumunta sa kwarto niya.

Naiinis, nag make face siya sa paalis na anino.

Hindi man lang nag-alala ang lalaki sa kanya. Hindi naman niya susubukang pasayahin yung malamig na lalaki kung di lang dahil sa plano niyang maging tiyahin ng ex niya.

7:oo a.m. sa susunod na araw.

Ang biological clock ni Shaun ang nanggigising sa kanya tuwing umaga ng parehas na oras. Nabangga siya sa babaeng nagsisipilyo sa bathroom.

“Magandang umaga, Shaunny. Tatakbo ka ngayon umaga?” Bumagsak ang tingin ni Catherine sa sportswear niya. Ang itim na damit ay parang classic style na suot ng taong nagmomodelo para sa brand na iyon.

Maiksi ang pasensya ng lalaki pero ang hindi marunong magkamali niyang itsura ay kitang-kita.

Isa pa, ang ugali nitong tumakbo tuwing umaga ay kita rin sa pagiging disiplinado ng lalaki.

“Oo.”

Medyo nagulat si Shaun.

Ang mga babaeng nasa edad niya ay kadalasang hindi maaga nagigising.

“Kung ganun, ‘wag kang magbreakfast bago umuwi. Magluluto ako para sa’yo.” sabi niya na parang tunay na housewife. “Mas malinis kaysa sa binili sa labas na pagkain.”

Sumimangot siya. “Hindi na kailangan. Kelan mo planong umalis?”

Natigilan ang maganda niyang mukha ng ilang segundo. “Kahit na kasal tayo, ayoko kong madawit sa’yo. Huwag mong akong pag-aksayahan ng oras dahil hindi ako interesado sa’yo,” sagot niya.

Pagkatapos n’un, umalis na siya ng bahay.

Sinabunutan niya ng kaunti ang buhok niya ng maipon ang luha sa mata niya.

Tinignan niya ang walang taong sala saglit. Agad-agad, inayos niya ang sarili niya at nag umpisa nang magluto ng agahan.

Bumalik na ang lalaki pagkatapos mag jogging sa park. Isang masarap na amoy ang umalingawngaw galing sa kusina, na dahilan ng biglaang pagkagutom niya.

“Gumawa ako ng agahan. Merong churros at cinnamon rolls…”

Sinilip niya ang ulo niya sa likod ng pintuan ng kusina habang suot ang light green na apron na dotted at may maliliit na mga daisy.

“Ayoko ng matamis na pagkain sa agahan.”

Malamig niyang tinanggihan. Ang prankang sinabi niya kaninang umaga ay nangangahulugan na umalis na siya sa bahay na ito. Hindi niya inaasahan na mananatili ito at gagawa pa ng agahan.

Nakakain ba ang pagkaing hinanda niya?

Sa unang tingin, mukha siyang magandang spoiled na bata pa na hindi pa nakakagawa ng kahit isang gawaing bahay sa kanyang buhay,

Sanay na siyang makakita ng babaeng tulad niya.

Kinuha ni Shaun ang karton ng fresh milk sa ref.

Ngumuso si Catherine.

Nakikitang hindi siya determinadong matikman ang pagkaing gawa niya.

Mapagpanggap na lalaki.

Kahit na ganun, wala siyang problemang tamasin ang pagkain sa sarili niya.

Bumalik siya sa kusina para ituloy ang paggawa ng churros.

Maya-maya dumating siya para painitin ang gatas. Sa dulo ng kanyang mata, napansin niya nag babaeng praktisadong hinhulma ang dough ng ilang bilang na mahabang stick bago niya ilagay ito sa mainit na mantika. Pagkatapos ng ilang segundo, ang gintong log ay lumitaw sa mantika. Gumagawa ito ng masarap na amoy na inaakit ang kanyang nostrils.

May bahid ng ilaw na lumitaw sa mata niya.

Ang kasanayan na ganun ay nakukuha lang sa taong pagprapraktis.

Binaba niya ang kanyang tingin. Ang magandang mga cinnamon roll na may mga chocolate swirl ay niluluto sa mainit na oven.

Namumula ang kanyang pisngi dahil sa init ng kusina. Ang kanyang balat ay walang duda na maganda. Wala siyang matalas na jawline na gusto ng karamihang mga social media influencers ngayon. Ang medyo mataba niyang pisngi ang nagpapabata sa kanya at nagpapa cute sa kanya.

Napansin ni Catherine na nakatitig ito kaya pinaglalaruan niyang kinuha ang churro at winagayway sa harap ng mata niya. “Shaunny, sigurado ka bang ayaw mong tikman?”

“Hindi ako interesado.”

Iniwas niya ang tingin niya at nilagay ang gatas sa loob ng microwave. Saka, dahil sa nakasanayan, nilagay niya ang isang piraso ng bacon sa loob ng dalawang slice ng toast saka nilagyan ng isang dakot ng lettuce. Nagumpisa siyang kumain ng sandwich sa dining table.

Ang sandwich sa kanyang bibig ay nawalan ng lasa nang maisip niya ang golden brown na churros.

Naiinis niyang pinuno ang isang gilid ng toast ng makapal na layer ng fruit jam.

Pagtapos n’un, bumalik ang babae galing sa kusina at nilagay ang maraming pagkain sa harapan niya. Churros, cinnamon rolls, pancake, at isang baso ng mainit na tsokolate...

Kumibot ang kilay ni Shaun at naging napakalungkot na simangot nang inosente siyang kumurap. “Shaunny, wala ka namang pakialam kung kumain ako rito, ‘di ba?”

Tahimik siyang nanood nang mag umpisa siyang magpanggap.

Ang kanyang pagpapanggap ay nahigitan ang kanyang akala. “Patawarin mo ako sa pagkakaroon sweet tooth. Hindi ko kayang tiisin ang magumpisa ng kasawa-sawang cereal o simpleng sandwich lang. Mabibigo ang tastebuds ko kung gagawin ko iyon.”

Pagkatapos, kinakatan niya ng malaki ang churros. Pinikit niya ang mata niya dahil sa kuntentuhan niya.

“Sumasabog ang lasa sa loob ng bibig. Mhmm, masarap.”

Nanatili siyang tahimi.

Sayang naman ang talento ng babaeng ito na hindi pinagpatuloy ang acting career. Paano niya ngayon kakainin ang simpleng sandwich niya?

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2346

    Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2345

    Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2344

    ...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2343

    Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2342

    “Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2341

    Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status