LOGINPitong taon na ang nakalilipas, hindi sinasadyang nakaniíg ni Yvangeline "Yvee" Alejado ang isang arogante, dominante at malakas na CEO na si Gideon Isaac Revamonte. Nagkamali siya ng silid na napasukan at inakalang si Gideon ang lalaking binayaran niya para sa isang mainit na gabi. Tulad ng plano at inaasahang mangyari ni Yvee, nagbunga ang isang mapusok na gabing iyon dahilan para makalaya siya sa masamang plano ng kaniyang sariling ama. Nanganak siya ng kambal na lalaki. Nawala ang isa at naiwan si Atticus sa kaniya. Sa pagbabalik ni Yvee para hanapin ang kaniyang nawawalang anak, muli niyang nakatagpo si Gideon. At sa hindi inaasahang pagtatagpo ng kambal, gagawa sila ng paraan para buuin ang kanilang nasirang pamilya ngunit paano nila pahuhupain ang galit ng isang Gideon Isaac Revamonte sa babaeng inaakala niyang inabandona ang kanilang anak at iniwan siyang mag-isa sa ere? May pag-asa pa kayang mabuo ang kanilang pamilya? Paano kung malaman niyang may kaugnayan pala si Gideon sa kaniyang yumaong ex-fiancé?
View More“Mommy, bilisan mo po!” masayang sigaw ni Blake habang tumatakbo siya sa aisle ng private jet. “Blake, no running,” natatawang saway ni Iya habang hinahabol niya ng tingin ang kaniyang anak. “Pero excited na po kami ni Kuya! Makikita na po namin sina Kuya Atticus at Kuya Atlas!” reklamo naman ni Drake. Napailing na lamang si Drew habang pinagmamasdan niya ang dalawang anak nila. Pareho silang mana sa ina nila — makulit, madaldal, at puno ng buhay. “Come here.” Hinila ni Drew si Iya sa bewang dahilan para mapaupo ito sa tabi niya. “Drew...” namumulang bulong ni Iya. “Ano?” kunwari’y inosenteng tanong ni Drew. “Nandito ang mga anak natin.” “So?.” Napailing si Iya bago marahang sinuntok ang dibdib ng asawa niya. “Ikaw talaga.” Ngumiti si Drew saka hinalikan ang noo ni Iya. “Ilang taon na tayong kasal pero nahihiya ka pa rin.” “Dahil ikaw ang dahilan.” “Bakit?” natatawang tanong ni Drew. “Lagi mo akong inaasar.” Napatawa si Drew bago niya niyakap nang
Makalipas ang sampung buwan, sa loob ng delivery room unang beses na naramdaman ni Drew ang isang takot na hindi kayang tapatan ng kahit anong problema sa negosyo. Hindi siya natatakot sa pagkatalo. Hindi siya natatakot sa panganib. Ngunit nang makita niyang nahihirapan si Iya habang iniluluwal nito ang kanilang anak, doon niya napagtanto na may isang bagay pala sa mundo na mas mahalaga kaysa sa lahat—ang kaligtasan ng kanyang pamilya. “Iya...” Mahigpit na hawak ni Drew ang kamay ng kaniyang asawa. “Kasama mo ako.”Pilit na ngumiti si Iya kahit pagod na pagod na siya. “Drew...” “Huwag ka nang magsalita,” nangingilid ang luha sa mga mata ni Drew. Kitang-kita niya kung gaano kahirap mag labor at kung paano parang nasa kalahating hukay na ang paa ng kaniyang asawa. Sa loob ng sampung buwan, alam ni Drew na hindi naging madali ang paglilihi ni Iya dahil kasa-kasama siya nito madalas. Dahil doon, mas lalong lumaki ang respeto niya rito at mas lalo pa niya itong pinahalagahan at minah
Hindi halos makatulog si Iya ngayong gabi. Nakatayo siya sa harap ng salamin habang hawak ang maliit na bagay na ilang beses na niyang tinitigan. Isang bagay na kayang magbago sa buhay nila ni Drew.Hindi alam ni Iya kung matatawa ba siya. Iiyak. O matatakot. Dahil kahit ilang beses niyang pinangarap ang sandaling ito... iba pa rin pala kapag nandiyan na mismo sa harapan niya.Dahan-dahang hinaplos ni Iya ang kaniyang tiyan. “Hindi pa rin ako makapaniwala...” mahina niyang bulong.Matagal na hinintay ni Iya ang pagkakataong ito pero bakit ngayong ibinigay na iyon sa kaniya ay parang nilukob siya ng matinding kaba na hindi niya maintindihan kung saan nagmumula?Sa kabilang bahagi ng mansyon, hindi alam ni Drew ang nangyayari. Abala siya sa isang video conference nang gabing iyon. Isa iyong emergency meeting. Kahit nasa harap niya ang mga executives ng kumpanya, hindi niya maiwasang mapansin ang isang bagay. Hindi pa lumalabas si Iya para bigyan siya ng goodnight kiss at hindi iyon no
Pagbalik nina Drew at Iya mula sa kanilang honeymoon sa Europe, tila ibang bersyon na sila ng kanilang mga sarili. Saglit lang silang nakausap ni Ahma kagabi dahil pagod na pagod sila at pagbaba nila mula sa kanilang silid ay muli silang sinalubong ng matriyarka.“Sa wakas, nagising na rin kayo.”Napangiti si Iya. “Namiss po ba ninyo kami, Ahma?” “Hindi,” agad na sagot ng matanda.Nagulat si Iya at bago pa siyamakapagsalita, ngumiti si Ahma sa kaniya.“Namiss ko kayo nang sobra.”Napatawa ang lahat. Maging si Drew ay hindi napigilang ngumiti. Matagal na niyang hindi nakikita ang lola niya ng ganoon kasaya.“Drew.” Lumapit si Ahma at inayos ang kuwelyo ng kaniyang apo. “Ngayon kita mas nakikilala.”Napakunot ang noo ni Drew. “Ano pong ibig sabihin?” “Dati, akala ko magiging tulad ka ng mga nauna sa atin. Isang lalaking puro responsibilidad at nakakalimutan ng mabuhay.”Natahimik si Drew. “Pero nagkamali ako.”Tumingin si Ahma kay Iya. “Dahil dumating ang taong nagpaalala sa’yo n












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews