Share

Kabanata 8

Penulis: Shallow South
”Kailangang enjoyin ang high-quality na butter sa mainit na pancake. Saka sisimsim ng mainit na tsokolate bilang panulak.”

Tinuloy ni Catherine ang eating show.

Ninanamnam niya ang kada kagat ng pagkain. Nadadala rin ng maganda niyang mukha, ang kanyang pagganap ay mas nakakatuwa at nakaka enganyo pa kaysa sa ibang mga eating broadcast show na mayroon.

Hindi na kayang tiisin ni Shaun.

“Meow.” Sumabay sa pagtalon si Fudge sa dinning table habang winawagwag ang buntot.

Iniisip na baka gutom ang puso, naglakad siya sa cupboard. Bumalik siya nang may hawak na plato ng cat food at nilagay sa harap ni Fudge.

Inamoy sandali ni Fudge saka nilingon palayo ang ulo niya. Tinignan nito si Catherine ng may matakaw na mata.

Isang hindi komportableng ekspresyon ang makikita sa mukha ng lalaki.

Natiis niya ang kagustuhang tumawa bago subuan ang puso ng maliit na piraso ng cinnamon roll. Nilamon ito ng pusa ng ilang segundo.

“Magaling.”

Malambing niyang tinapik ang ulo ng pusa. ‘Mas matino pa ang panlasa mo kaysa sa amo mo,’ sabi niya sa utak niya.

Nahiya si Shaun. Pagkatapos kumain ng dalawa pang kagat ng cinnamon roll ang pusa, inenjoy naman nitong kainin ang churros. Naglagay ito ng simangot sa noo ng lalaki.

“Ikaw…”

Nakakuha ng oportunidad si Catherine na isubo ito sa bibig niya.

May bahid ng galit na makikita sa kanyang mata. Nang iluluwa sana niya ito, ang malutong na labas ng churros na may coating na cinnamon sugar ay natunaw sa kanyang dila.

Likas na nginuya niya ang makapal na dough. Malutong ang labas nito pero malambot ang loob. Masarap ‘to.

Sigurado siyang nakakain na siya ng churros noon. Ang mga taga luto sa bahay ng mga hill ay nakakagawa ng napakaraming klase ng pagkain pero walang kasing sarap nito.

Sa ilang kadahilanan, ang churros na ginawa niya ay may creamy na lasa ng gatas na hindi ito ginawang malagkit.

“Masarap ba?” Tanong ni Catherine, nakasalumbaba ang kanyang kamay. May kumpiyansa siya sa kanyang pagluluto.

Nawala ang ningning sa kanyang mata nang makita niya ang mayabang na ngiti sa kanyang mata.

“Sakto lang.”

Saka siya kumuha ng isa pang piraso ng churros at tinuloy ang pagkain. Ang maliit na kagat kanina ay hindi sapat para matikman niya ng buo.

Malaro siyang kumindat. “Akala ko ba sakto lang?”

“Sigurado akong hindi mo kayang ubusin ‘to. Ayoko nang nagsasayang ng pagkain,” kalmadong sagot ng lalaki.

Binuka niya ang bibig para gumanti pero pinigilan siya nito nang kumunot ang ulo nito, “Manahimik tuwing kumakain.”

“...”

Napasinghap si Catherine sa gulat dahil wala pa siyang nakikitang kasing walang hiya nito.

Maangas niyang sinabi na hindi siya mahilig sa matamis na pagkain tuwing agahan pero ninanamnam niya ang mga churros, pancake at cinnamon roll—ang mainit na tsokolate rin.

Makapal ang mukha niya!

Nung una, gusto lang matikman ni Shaun ang mga pagkain pero lahat ng niluto niya ay napakasarap. Wala nang mas sasarap kahit sa mga natikman niya sa restaurants.

Hindi niya inaasahan na ang babaeng ito ay kayang gumawa ng masarap na agahan.

Nag iba ang tingin nito sa kanya ng kaunti. Nagkataon na nilingon niya ang mukha niya kay Shaun at nagtama ang tingin nila. “Shaunny, anong gusto mong kainin para sa hapunan? Ipagluluto kita,” marahan niyang sabi.

“May dinner appointment ako mamayang gabi.”

Pagtapos, umalis na siya para magpalit ng damit sa kwarto nang ‘di nagsasalita.

Hindi siya nainis dito. Madalas namang maging lulong sa trabaho ang boss ng multinational business.

Ngunit importante pa rin na panatilihing maganda ang relasyon nilang dalawa.

Nilinis niya ang lamesa kaagad at nagmamadali ring magbihis ng pang trabahong damit.

Nang paalis na si Shaun, kaagad siyang lumabas sa kanyang kwarto dala ang kanyang purse.

“Shaunny, pwede mo ba akong ihatid? Papunta rin ako sa trabaho. Kung abala sa iyo kahit sa subway station na lang. Please.”

Tinikom niya ang bibig at nagiisip na tanggihan ito. Pero tumango na lang ito nang ikonsider niyang natuwa siya sa agahang ginawa nito ngayon.

Ang dalawa ay sumakay ng elevator papunta sa parking lot.

Akala ni Catherine na sasakay siya sa Bentley o sa Mayback pero nang huminto ang lalaki sa gilid ng puting Lexus...

“Um… Ito ang kotse mo?”

“Oo.”

Binuksan niya ang pintuan at umupo sa driver’s seat.

Naguguluha siyang sumunod at pumasok sa kotse. “Shaunny, bakit ito ang pinili mong sasakyan?”

Ang lalaking ito ay dapat na tagapagmana ng multinational business pero nagmamaneho siya ng kotseng mas mababa pa sa 300,000 dollars ang halaga?

“Mura at di maaksaya sa gas,” simpleng sagot niya habang binubuksan ang makina.

“Alam mo kung paano mabuhay ng ayos, asawa kong magaling.”

Liningon niya ang ulo niya para makita ang murang pakete ng tissue sa dashboard. Ang nakalagay sa packaging ay ‘#-#-# Gas Station—pinakamura at pinakamadali.”

“...”

Nalilito si Catherine.

Matipid na bang mamuhay ang mga matagumpay na mga boss ngayon?

Hindi kaya hindi siya tinatrato ng maayos ng mga Jones kaya napakagastadora niya imbes na nag iipon dapat siya tulad ng mga matagumpay na mga boss?

Malalim ang nasa isip niya habang napagtanto ito.

Pagkatapos ng sampung minuto, tumigil ang sasakyan sa subway station. Lumingon ito sa kanya. “Makakaalis ka na.”

“...”

Hindi siya makapagsalita.

Sinabi niya lang iyon dahil sa galang pero iyon nga talaga ang ginawa nito.

Well, well, well.

Habang pinapahupa ang galit na pausbong sa loob-loob niya, pinilit na lang niyang ngumiti ng nakakahiya. “Salamat, Shaunny.”

Sa oras na bumaba siya sa sasakyan, umalis kaagad ito bago pa siya makapagsalita.

Nakakainis at napakasamang lalaki!

Kararating niya lang sa kumpanya ng mga 9:00 p.m.

Simula nang bumalik siya galing sa pag-aaral sa ibang bansa, nagtatrabaho na siya sa Summit Building Design Group. Ito ang pinakamalaking corporation ng mga Jones.

Ngunit, nang umapak siya sa loob ng building, ang project manager na si James Lennon ay sinabihan siya sa kakaibang tono, “Hindi mo na kailangan pumasok simula bukas. Ang project na ito ay hindi na sa’yo.”

“Anong ibig mong sabihin?”

Nagningning ang mata ni James nang makita niya ang taong nasa likod nito. “Rebecca, nandito ka na pala.”

Inikot niy Catherine ang ulo niya at nakita niya si Rebecca na palapi sa direksyon nila at suot ang low-cut knitted na white top. Sa kanan niya ay si Ethan na nakasuot ng parehas na kulay ng damit. Ang kanilang braso ay magkadugtong.

Pumasok ang sinag ng araw sa loob ng silid dahil sa bintanang nakapalibot sa dalawa. Mukha silang masayang couple na may parehas na suot.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2346

    Ng ibaba ni Freya ang kanyang tingin, napagtanto niyang may nilagay na diamond necklace si Ryan sa kanyang leeg."Ikaw…""Ito ay isang regalo para sayo." Hinalikan siya ni Ryan sa noo. "Hindi pa kita nabibigyan ng regalo kahit na matagal na tayong nagde date.""Hindi iyan totoo. Lagi kang bumibili ng mga regalo ni Dani…”“Walang kwenta iyan. Ang pagbili ng mga regalo para sa aking anak na babae ay natural. Ang pagbili ng mga ito para sayo ay isang bagay din siyempre."Labis na naantig si Freya. Si Dani ay hindi anak ni Ryan, ngunit sinabi pa rin niya ang mga salitang iyon…Minahal niya talaga siya.Gayunpaman, siya ay napakahina at mahiyain."Kailan mo balak umalis? Ihahatid na kita sa bago mong tahanan," Sabi ni Ryan.“Balak ko lumipat bukas. Pupunta ang mga magulang ko sa Canberra kinabukasan. Magkakaroon tayo ng family dinner sa gabi."“Mm. Sasamantalahin ko ang pagkakataong manatili at kumain kapag pinapunta na kita, okay?" Hinawakan ni Ryan ang mukha niya at nagtanong.

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2345

    Ibinaba ni Freya ang mga bagay na hawak niya. Lumingon siya at umikot sa baywang ni Ryan gamit ang dalawang kamay. "Walang tutulong dito. Kung patuloy akong mananatili dito, at patuloy kang... ganito, matutuklasan din tayo sa madaling panahon.""Tulad ng ano?" Ang malungkot na boses ni Ryan ay umalingawngaw mula sa kanyang leeg.“Basta... ganito. Gaya ng ginagawa mo ngayon." Namula si Freya. "Palagi kang naghahanap ng mga dahilan upang mapunta ako sa iyong lugar sa umaga o pumunta sa aking lugar pagkatapos ng trabaho sa gabi. May makakahanap na kakaiba sa madaling panahon. Kung lilipat ako, walang mga taong tumitingin sa bawat galaw namin. Magiging mas maginhawang mag date din sa labas."Ilang oras ding tinitigan ni Ryan si Freya. Siya ay napabuntong hininga. “Pero kailangan kong magtrabaho ng dagdag na oras ng madalas. Malalaman ng tatay ko kung hindi ako babalik pagkatapos ng trabaho. Kung madalas akong lumabas, maghihinala sila."“Huh?”Napakurap si Freya. "Anong gagawin natin?

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2344

    ...Sa parking lot sa ibaba.Nag thumbs up si Freya kay Catherine dahil sa paghanga. "President Jones, ang iyong dominanteng aura ay nag uumapaw ngayon lang. Napakasatisfying panoorin.”“Naiinis din ako kay Rodney. Hindi pa rin siya malinaw sa kanyang sitwasyon hanggang ngayon. Siya ay kumikilos na parang salamat sa kanya na nakuha namin ang Osher Corporation." Binuksan ni Catherine ang pinto ng kotse at pumasok."Tama iyan. Gusto niyang magpakita tayo ng respeto sa kanya? Sino siya sa tingin niya?"Isang harrumph ang pinakawalan ni Freya. Pagkasuot pa lang niya ng seatbelt ay tinawag siya ni Forrest. “Nakatakda na ang petsa ng paglipat sa villa. Sa susunod na Lunes na. Ang pamilya Lynch ay magkakaroon ng piging sa isang hotel at mag iimbita ng ilang kamag anak at kaibigan sa Canberra."Malapit na yan..." Nagulat si Freya."Diba sabi mo gusto mong umalis sa lalong madaling panahon? Kaya naman pinatrabaho ko ang mga contractor ng overtime. Ang pagsasaayos ay natapos na sa loob ng

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2343

    Makalipas ang limang minuto, bumalik si Freya. Si Catherine at ang abogado ay tapos ng tingnan ang mga dokumento. "Walang problema. Pirmahan natin."Pagkatapos maglagay ng pirma nina Freya, Catherine, at Rodney, nagmamadaling sinabi ni Rodney, “Malaking araw ngayon. Payagan akong imbitahan kayong lahat na kumain sa malapit na restaurant. Kunin natin ito bilang isang pagdiriwang para sa tagumpay ng pagkuha ng Freycatheli—”“Sasamahan ka ni General Manager Hoffman mula sa aming kumpanya, President Snow. Si President Lynch at ako ay may ilang iba pang mahahalagang bagay na aasikasuhin mamaya." Magalang na tumanggi si Catherine ng hindi hinintay na matapos ni Rodney ang kanyang pangungusap."President Jones, ginagawa mo akong masama." Hindi masyadong maganda ang ekspresyon ni Rodney. "Dapat mong malaman na maraming mga lokal at overseas na kumpanya ang interesado sa pagkuha ng Osher Corporation. Gayunpaman, hindi ko sila pinansin. Unang pumasok sa isip ko si Freycatheli, at hindi ko sin

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2342

    “Magaling iyan.”Naghiyawan ang lahat ng nasa meeting room.Sinabi ng tagapamahala ng departamento ng marketing, "Naisip pa namin na ang pagkuha ay tatagal ng ilang buwan. Hindi ako makapaniwala na makukumpleto sa loob ng isang linggo. Masyadong nakakagulat.""Ang Osher Corporation ay isang ginugol na puwersa. Ang paghawak ay magiging isang pag aaksaya lamang ng pera." Ngumiti ng mahina si Catherine. "Sige. Kapag matagumpay nating nakuha ang Osher Corporation, magkakaroon ng malaking pagbabago sa loob ng mga panloob na empleyado ng kumpanya. Syempre, tataas din ang katayuan ng Freycatheli sa Australia, kaya dapat maghanda ang marketing department. Ipaalam sa mga tagalabas ang tungkol sa pagkuha na ito, at linawin sa kanila na ang magiging boss ng Osher Corporation ay hindi na si Rodney kundi ang Freycatheli.""Pagkatapos ng acquisition, dapat bang tanggalin ang shop-in-shop ng Osher Corporation sa mga mall?""Hindi, ngunit baguhin ang lahat ng mga signage sa Freycatheli."“...”

  • Pakawalan mo ako, Mr. Hill   Kabanata 2341

    Pagsakay ni Freya sa sasakyan ay nakonsensya pa rin siya.Ang pakiramdam ng pagiging malihim sa The Lodge ay tiyak na magpapahirap sa kanya sa kabaliwan maaga o huli.Hindi nagtagal, pinadalhan siya ni Ryan ng isang mensahe sa WhatsApp: [I miss you…]Halos itapon ni Freya ang phone niya sa message na iyon. Binabaliw siya nito.Pagkarating niya sa kumpanya, isang katulong ang nagdala ng bouquet sa kanya. "Manager Lynch, may nagpadala sayo ng bouquet."Ibinaba ni Freya ang test tube sa kanyang kamay, tinanggal ang kanyang gloves, at kinuha ang mga bulaklak na nakabalot sa pink na wrapping paper. Hindi lamang isang uri ng bulaklak ang naroroon. Sa katunayan, ang mga hydrangea, bellflower, tulips, at marami pang ibang uri ng magagandang bulaklak ay pinagsama sama. Ito ay napakarilag at mabango.May maliit na card sa bouquet. Binuksan ni Freya ang card, na nakasulat, "I miss you, my princess..."Wala siyang maisip na iba pang magsusulat ng ganoong katamis na salita maliban sa isang t

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status