Share

Chapter 33

Pagkabungad na pagkabungad nila sa ama ni Yvo ay parang hindi na nakagalaw pa sa kinatatayuan si Karadine. Sa pagtuntong niya pa lang sa bahay na iyon ay nakita niya na ang tunay na sitwasyon ng mag-ama at kung bakit nagawang pasukin ni Yvo ang ilegal na trabaho. Nakita niya na hirap nang makalakad ang ama ni Yvo dahil sa pagkakasakit nito. Nakita niya rin ang nagkalat na mga bagay sa bahay na hindi na napag-uukulan ng panahon ni Yvo dahil sa trabaho. Pakiramdam niya'y mabigat ang pasanin na dinadala ni Yvo mula sa pagtataguyod sa ama nitong nalumpo na nang dahil sa sakit.

"Pa, si Karadine po, nobya ko." Nagulat siya sa pagpapakilala sa kaniya ni Yvo. Hindi niya maintindihan kung bakit nagsinungaling ito sa sariling ama gayong hindi naman talaga siya ang nobya nito kundi ang kapatid niyang si Tamara?

Dahil dito ay mas lalong nanginig ang katawan niya. Nang magsalita ito ay doon lamang niya naramdamab na welcome na welcome pala siya sa bahay na iyon.

"Siya pala ang babaeng sinasabi mon
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status