Share

Chapter 34

"So, gano'n na lang ba 'yon, papa? Hindi man lang ba kayo magagalit sa kaniya?" bulalas ni Tamara nang magawa nitong komprontahin ang ama sa sariling silid nito.

"At nagpunta ka pa talaga rito para sabihin 'yan? Tamara, ama mo ako at hindi mo ako madidiktahan sa nararamdaman ko!" malakas na pagkaklaro ni Renato sa panganay na anak. Wala na siyang nagawa kundi ang mag-walk out na lang. Naisip niya na wala rin namang magandang patutunguhan kung makikipagdebate pa siya sa ama.

Dahil dito ay mas nanaig ang inggit ni Tamara para kay Karadine. Bagama't pekeng kabutihan lamang ang ipinapakita niya rito, ngayong araw ay mukhang hindi niya kakayaning makipagplastikan dito gayong nararamdaman niyang may itinatago sa kaniya ang nakababatang kapatid.

Nakalabas na siya ng silid ng ama nang makasalubong niya si Margaret. Katulad ng mga nakaraang linggo ay wala pa rin silang pansinan. Oo, hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob niya rito at kung p'wede lang ay hindi niya na muna ito makita-- ang
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status