Share

Kabanata 7

Author: eveinousss
last update Last Updated: 2025-02-01 19:46:27

Sapo ko ang aking dibdib habang humaharurot papalayo ang sasakyan ni Harem. Napatango na lamang ako sa kawalan nang maalalang wala pang pagkakataon na naging gentleman siya saakin. Puro pwersa at galit na ekspresyon ang lagi niyang ibinabato. Ngunit ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang katulad niya?

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya naman naagaw non ang aking atensyon. Tumatawag si Tom at sigurado akong kanina niya pa ako hinahanap.

"Tom." Sagot ko sa tawag at binagtas ang south wing sa parking lot. Doon kasi siya nakapark ngunit dahil hinila ako ni Harem dito sa north wing, ay napalayo ako.

"Ysabel, where are you? The twins are already waiting at the cafe. Tinatawagan ka raw ni Samhira pero hindi mo sinasagot." Sunod-sunod niyang hayag.

Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto kong mag-rason ngunit mas matatagalan lamang ang usapan namin kapag ginawa ko iyon. Wala ring alam si Tom tungkol sa nakaraan ko bilang bedwarmer ni Harem. Si Samhira lang ang pinagkakatiwalaan ko sa bagay na iyon.

"May binalikan lang ako sa office." Tipid kong sagot at nakita ko siyang kumaway na makita niya ako.

Napapagkamalang anak ni Tom ang kambal dahil sa kulay asul din nitong mata. Ngunit hanggang doon lamang iyon dahil naman ng dalawa ang features ni Harem sa mukha. Kaya natatakot akong ilabas sila dahil baka sila ang puntiryahin ng mga may galit saakin.

"Ang tagal mo " Nakangiting bungad saakin ni Tom. Nakita ko ang white coat niya sa loob ng sasakyan. Kauuwi niya lang siguro galing duty.

"I told you may binalikan ako. Let's go. Naghihintay na ang mga bata at si Samhira."

Tumango naman siya at agad na binuksan ang pinto ng passenger seat para papasukin ako. Nakakunot noo ko siyang tinignan. "Tom..." May pagbabanta sa boses ko.

"I know, Ysabel. But at least let me do some service that are for friends." Pagrarason niya. Napailing na lang ako. Kaya pinagkakamalan kaming mag boyfriend girlfriend dahil sa pinaggagawa niya. Noon pa man ay nilinaw ko na sa kanya kung ano ang opinyon ko sa buhay pag-ibig ngunit sinabi niya naman na huwag ko raw bigyan ng malisya ang mga ginagawa niya.

Wala rin akong balak na makipag-relasyon pa. Sapat na saakin na mayroon akong Hale at Hans. Pakiramdam ko ay malas ako sa buhay pag-ibig kaya hindi ko na sasayangin ang oras ko sa ganong bagay.

Nang makarating kami sa cafe ay kitang kita ko kung gaano nakabusangot ang dalawang bata. Napangiti ako, manang mana talaga sa ama na mainipin. Nang makita ni Hans si Tom ay agad itong tumakbo papalapit saamin at sinalubong ng yakap ang kasama ko.

Nakita ko ang pagsalubong ng mata ni Hale nang makitang nagyakapan si Hans at Tom, hindi kasi siya malapit dito at sinasabi niya na aantayin niya ang kanyang papa para doon siya magpapayakap. Well, we've got a loyal kid here.

"Mama, let's eat na po please? I'm starving na po kanina pa." Maktol ni Hale kaya naman ay dali dali na kaming nag-order para kumain.

Nakita ko na parang matang pusa ang pagtitig saakin ni Samhira kaya kinunutan ko siya ng noo. Sumenyas lang ito saakin na mamaya na lang daw at kumain nalang muna kami.

Nang maihatid na kami ni Tom sa bahay ay inasikaso ko muna ang kambal bago tuluyang pinuntahan si Samhira sa kanyang quarters.

Nakita kong nakatulala siya mula sa malayo at parang may malalim itong iniisip. Minsan ay napakamisteryoso rin ng isang 'to. I know she's been into lot of difficult things.

"Samhira, you want to say something?" Tanong ko nang makapasok sa kanyang kwarto.

Tuliro siyang napatingin saakin at parang namumutla pa nang mas lalo. Para siyang snow white dahil sa sobrang puti niya kaya sinong mag-aakala na isa siyang trained agent at kayang kaya na magpatumba ng mga lalaki.

"I'm just wondering ate Ysabel. Hindi pa sabi mo noon, na kaya naipamana sa iyo ni Don Del Fierro ang kanyang mga ari-arian ay dahil wala nang kamag-anak ang matanda? Paano kung sa kalagitnaan ng tagumpay mo sa pamumuno ng mga nasimulan niya ay may lalabas na apo o malayong kamag-anak niya?" Nag-aalala niyang tanong na siya namang ikinagulat ko.

"Bakit mo naman biglaang naisip ang bagay na iyan? Kung may magpapakita man na kamag anak niya ay handa akong makipag-areglo. Hawak ng family lawyer ng mga Del Fierro ang last will testament ni Don Arturo. So don't think too much, Samhira. Just look for my twins." Nakangiti kong saad

Ngunit umiling lamang siya at napahilamos ng mukha gamit ang kanyang maputlang kamay. "I received an email ate. It says there na soon someone will show up as Del fierro's heiress. Ibibigay ko sa'yo ang mga detalye once na na-verify ko na ang email. For now, don't let your guard down." Seryoso niyang saad saakin. Nakita ko mula sa sinag ng buwan ang kulay hazel green niyang mga mata. Nagsusuot siya ng contract lense para hindi iyon makita ng kung sino.

Hindi ko na siya tinatanong tungkol sa bagay na iyon. Ang alam ko lang ay hindi totoong anak si Samhira parehas lang kaming napulot sa kawalan. Hinihintay ko ang araw na siya mismo ang mag-kukwento noon saakin.

"Huwag mong pagurin ang sarili mo, Samhira. I know that it is still your job as an agent but please know that hindi mo naman kailangan na dalhin ang lahat."

Pagkatapos ko siyang payuhan ay lumabas na ako ng kanyang quarters at aakyat na sana ngunit napadaan ang mga mata ko sa isang dyaryo. Agad ko iyong nilapitan dahil si Harem ang nilalaman non.

Nabasa ko sa headline na pumunta sila ng Palawan para sa isang marine life preserve project at nasa gilid niya si Cassandra na napakaganda ng ngiti. Ayon sa nabasa ko ay botong boto ang ina ni Harem kay Cassandra kung sila man ay magiging mag-asawa.

May sakit na dumaan sa aking puso at kumuha ako ng lighter. Dumiretso ako sa labas at sinunog ko ang dyaryo. Napahilot ako ng sentido. Cassandra, the devil woman you are! At patuloy pa rin ang pagdidiiin nila saakin noon. Ngunit wala silang matibay na ebidensya kaya hindi nila ako pwedeng ipakulong.

Gusto kong magsumbong at magsalita sa tunay na nangyari noon ngunit alam kong walang makikinig saakin. Lalo pa at anak ng General si Cassandra at ang ina niya ay isang Doctor din. They are big people with unscathed image to anyone.

......

Maaga akong pumasok sa opisina para tapusin ang lahat ng trabaho. Gusto ko, na ako muna ang mag-aasikaso sa kambal ng limang araw bago ako pumunta ng business trip. Hell, babalikan ko na lang ang pendings kung mayroon man na ihahabol na documents na kailangang pirmahan.

Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya naman ay agad agad ko itong sinagot.

"Ms. Cielo, you have a guest today. Engr. Lavigne is in the conference hall right now. He wants to talk to you about the sudden changes in the outline of the project." Pormal na update saakin ng secretary ko.

Napakuyom ako ng kamao, andami niya namang oras para dumaan pa rito. I don't know what are his intentions ngunit isa lang ang malinaw, pababagsakin niya raw ako. Ngunit siya naman ang ka-deal ng kompanya sa gagawing five star hotel. Kung gusto niya akong pabagsakin ay dapat tinanggihan niya ang offer.

"Alright, I'll be there in 5 minutes." Malamig kong saad at kinuha ang aking coat para ipang doble sa sleeves kong coordinate na tube at long legged slacks.

Nang makarating ako sa naglalakihang pinto ng conference hall ay huminga ako nang malalim at ilang beses na nag-ensayo sa mga sasabihin. I know that I am way far sa dating ako ngunit may mga bagay bagay talaga na hindi na mababago lumipas man ang panahon.

Nang makapasok ay nakita kong tahimik na nakamasid si Harem mula sa kabuuan ng syudad. Nakasalubong ang makakapal nitong kilay na para bang may malalim na iniisip.

"Mr. Lavigne." Pormal kong bati.

Nang mapatingin siya saakin ay mas lalo lamang kumunot ang kanyang noo. Para siyang nakakita ng multo.

Napataas naman ako ng kilay sa kanyang ekspresyon. This man is getting weirder everyday.

"Ganyan na ba ka-urgent ang sadya mo at personal mo akong pinuntahan sa kompanya ko?" Sarkastiko kong saad.

Nakita kong nag-igting panga siya at mabilis na lumapit saakin. Diretso itong tumitig saaking mga mata na para bang may sinisigurado siyang makita roon. Kaya naman ay agad kong iniwas ang tingin ngunit agad niyang nahuli ang pisngi ko at pinigilan iyon.

"Still the same Ysabel Cielo I met five years ago." Nakangisi niyang saad. Sa gulat ay tinampal ko ang kanyang malaking kamay.

"You know nothing, Harem. So stop talking na parang kilala mo pa ako. " Malamig kong banta.

Bigla niyang hinawakan ang aking palapulsuhan at matalim akong tinignan. "What really happened five years ago? Did you killed them? Including manang Betty? And you are framing up Cassandra for the murder you did! You are ruining things again! Bakit ka pa bumalik?" Walang preno niyang angil saakin.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kababata 10

    "This is your friend's fault! Kung hindi sana siya lumapit kay ma'am Ysabel ay hindi ito mangyayari." Maring sambit si Samhira at parang may kinakausap ito. Unti-unti namang iminulat ni Ysabel ang kanyang mga mata. Bumungad sa kanya ang puting kisame at ang nakakasilaw na ilaw. Napatingin siya sa kanyang paligid at napagtantong nakahiga pala siya sa isang hospital bed. Kitang kita ni Ysabel kung paano madunhan ng kaibigan ang isang misteryosong lalaki na nakatayo sa loob din ng kwarto. "Hindi niya sinasadya." Madilim na sagot ng kausap ni Samhira. "Samhira." Mahinang pagtawag niya. Agad namang napatingin si Hira at nanlaki ang mga mata niyang lumapit kay Ysabel. "Ma'am Ysabel, gising na po kayo." Kalmado niyang puna. Tuwing may ibang tao ay pormal ang tungo ni kay Ysabel dahil na rin sa tagapagmana na ng Del Fierro ito. Nang maalalang nahimatay siya kanina sa sasakyan ni Harrem dahil sa puting van na huminto sa tapat ng school ng kambal ay tuliro itong napatingin kay Hira. "Asan

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kabanata 9

    Nagtipon tipon lahat ng mga tauhan at pati mga kasambahay namin sa sala. Si Samhira naman ay busy sa kanyang cellphone na para bang may kaaway ito. "I told you. We have a situation here! No. Hindi naman it's just a spam message from unknown number." Malamig niyang saad sa kausap at nag-aalalang nilapitan ako. Tuliro akong tumitig sa mga mata niya. "Ang kambal, ayos lang ba sila?" Nangangamba kong pagtanong at inilibot ang aking tingin sa paligid. Napahaplos ako sa aking katawan dahil manipis lang ang suot kong night gown. Tumango naman si Samhira ay hinaplos ang aking balikat. "Nagpanic ka lang ate Ysa. Hindi kana ba umiinom ng mga gamot mo?" Mula noong nangyari ang trahedya ay kinailangan kong ilagay noon sa rehab dahil halos mabaliw ako sa nangyari. Hanggang ngayon ay may mga iniinom akong gamot para lang hindi umatake ang anxiety ko at ang trauma ko. Iisa lang naman ang suspect ko, si Cassandra. Siya lang naman ang may kakayahang takutin ako ng ganto. Ang mga taong na-

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kabanata 8

    Buong lakas kong hinila ang aking kamay at itinulak siya nang malakas. Nakangisi ako ngunit ang totoo ay gusto ko nang umiyak sa inis at galit sa kanilang lahat. "Wala kang alam! Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa resthouse na iyon. It took me a year bago tuluyang makarecover. Pero syempre hindi ka maniniwala saakin dahil isa lamang akong dukha na kayang kaya niyong tapak-tapakan noon." Nakita ko kung paano naging tuliro ang kanyang mga mata bago diretso ulit na tumitig saakin. "Naghuhugas kamay ka ngayon. After the five star hotel agreement between my company and your company. I'll start the cold case of you. I'll re-open the investigation at bibigyan ko ng hustisya ang pagkawala nila manang Betty!" Napatawa ako nang walang saya. "You are putting the justice in waste kapag ako ang ituturo mong salarin. Go, drag me down at let's see kung hanggang saan tayo makarating sa mga pinagbibintang niyo saakin. You and your two-faced fiancee will be punished as well." Malamig kong banta

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kabanata 7

    Sapo ko ang aking dibdib habang humaharurot papalayo ang sasakyan ni Harem. Napatango na lamang ako sa kawalan nang maalalang wala pang pagkakataon na naging gentleman siya saakin. Puro pwersa at galit na ekspresyon ang lagi niyang ibinabato. Ngunit ano pa nga ba ang inaasahan ko sa isang katulad niya? Narinig kong nag-ring ang cellphone ko kaya naman naagaw non ang aking atensyon. Tumatawag si Tom at sigurado akong kanina niya pa ako hinahanap. "Tom." Sagot ko sa tawag at binagtas ang south wing sa parking lot. Doon kasi siya nakapark ngunit dahil hinila ako ni Harem dito sa north wing, ay napalayo ako. "Ysabel, where are you? The twins are already waiting at the cafe. Tinatawagan ka raw ni Samhira pero hindi mo sinasagot." Sunod-sunod niyang hayag. Napabuntong hininga na lamang ako. Gusto kong mag-rason ngunit mas matatagalan lamang ang usapan namin kapag ginawa ko iyon. Wala ring alam si Tom tungkol sa nakaraan ko bilang bedwarmer ni Harem. Si Samhira lang ang pinagkakati

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kabanata 6

    Ngumiti ako nang tipid kay Hale at hinaplos ang mukha nito. Kitang kita sa mga mata ng kambal ang namanang kulay ng mga ito sa kanilang ama na kulay asul. Kaya ilang taon man ang nagdaan ay kahit pilit kong kalimutan ang itsura ng kanilang ama ay lagi kong naaalala ito sa mukha ng aking mga anak."Hale." Tawag ko sa lalaking anak. "I'm sure that your dad will gonna love you as much as I do.Sa ngayon anak ay may mga inaasikaso pa si mama para makita niyo ang dad niyo." Mahinahon kong paliwanag sa kanila. I can say that, matalino ang magkambal. Kahit anim na taong gulang pa lamang ay nakakaintindi na ng mga bagay -bagay. Kaya naman ay hindi ako nahirapan na palakihin silang dalawa. Iyon nga lang habang nagdadagdagan ang kanilang edad ay dumarami na rin ang katanungan nila tungkol kay Harrem. "Mama, don't rush, okay? We will wait po kay papa." Malambing na sambit naman ni Hans. Nakita ko ang bayolenteng pag-iling ni Hale. Sa kanilang dalawa ay si Hale ang nagmana sa maikling pasensya

  • Paying My Father's Debt: Sold My Body To Harrem Lavigne    Kabanata 5

    Napayakap ako saaking hubad na mga braso habang tinitingala ang napakalawak na syudad. Mag-iisang oras na rin nang umalis si Harrem ngunit nanunuot pa rin ang kanyang pabango saaking katawan at damit. Lahat ng ipinakita kong tapang at pang-aakit kanina ay dulot ng masasakit na naranasan ko noong nasa kamay niya ako. I have waited years to finally reveal that I am alive. Dahil matapos ang insidente na nangyari noon sa resthouse ay pinipilit akong isinusuplong sa batas. Walang matibay na ebidensya ngunit patuloy pa ring inilalaban ni Harrem at ang magaling niyang fiancee na si Cassandra."Ms. Cielo, nakahanda na po ang sasakyan. Dadaan po ba tayo ng supermarket para bumili ng kailangan ni Hans at Hale?" Napatingin ako saaking assistant at napabuntong hininga na lamang. "Yes. And please pakipaalala saakin ang mga dapat bilhin. Let us go." Malamig kong saan at kinuha ang itim na trench coat upang ibalot saaking maiksing dress. Nang makarating sa supermarket ay agad kong hinanap ang pag

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status