Share

Lover 5

Author: missyue
last update Last Updated: 2022-04-29 17:41:28

"Ino! Ino Salve!"

"Ay, kamote!" Napahawak pa ako sa dibdib sa sobrang gulat ng marinig ko ang pangalan ko. Agad naman akong napatingin kay Merlin na mukhang kanina pa naiinis dahil sa kunot na kunot nitong noo. Si Merlin ang isa sa mga bestfriend kong hindi ko malaman kung paano ko naging bestfriend. May pagkataklesa kasi siyang taglay, prangka, to the point na nakakasakit na siya, na parang balewala naman sa kanya, wala rin kasing preno ang bunganga niya. Basta gusto nyang sabihin ay sasabihin niya. Mga bagay na ayoko sa isang tao. Kaya nga hindi ko malaman kung paano ko siya naging kaibigan, basta ang alam ko lang isang araw magkasama na kami. And the rest is history, ika nga.

"Kanina pa ako salita ng salita dito, hindi ka naman pala nakikinig. Naiwan ba utak mo sa classroom?" Naiinis na sermon sa akin nito. Hindi ko naman kasi namalayang nagsasalita pala siya. Isa pa ay hindi ko kasi maiwasang hindi isipin ang gwapong multo na iyon. Hindi rin ako mapakali kakaisip na baka nasa tabi-tabi lang siya at maya-maya ay susulpot nalang bigla. 

"Sorry na. Wag ka ng sumigaw, ang sama na ng tingin sa atin nung librarian, oh," ani ko sabay sulyap at hingi ng paumanhin sa matandang dalagang librarian ng school na lagi nalang masama ang tingin sa amin kapag naririto kami. Umirap pa sa hangin si Merlin na para bang baliwala lang ang sinabi ko. Nagkaayaan kasi kaming magkakaibigan na gumawa ng research dito para sa thesis na gagawin namin kaysa magpunta sa kung saan-saan. Isa pa ay tapos na rin ang klase namin kaya dito nalang kami tumambay. Atleast, aircon.

"Ano ba naman ang iniisip mo?" Kuryosong tanong ni Jade. "Yung tita mong lagi nalang nakasimangot sa amin everytime na makikita kaming kasama mo?"

Nakanguso pa si Jade pagkasabi noon. Totoo naman kasing lagi nalang nakasimangot si tita pag nakikita sila. Ewan ko ba duon kung bakit. Mababait naman sila lalo na itong si Jade. Si Clint naman ay kahit na may pagkatoyoin ay mabait din naman. Isa pa ay pala-aral naman sila kaya hindi rin masasabing bad influence sa akin. Marahil ay dahil sa estado ng mga ito. Mga anak mayaman kasi ang mga ito.

"Hindi," pakli ko. Maya-maya pa ay hindi ko na napigilan ang sarili ko na magtanong. Magbabaka sakali lang naman ako. "May kakilala ba kayong espiritista?"

"Ay, bakit?" Tila na-e-excite namang tanong ni Clint na biglang inihinto ang pagbabasa. "Nakakita ka ba ng multo? Saan? O baka may gusto kang makita?" Bahagya pa siyang dumukwang dahil nga sa bawal ang ingay dito sa loob. Napalunok naman ako nang makita ang excitement sa mga mata nito. Kung sana ay ganyan din ako ka-excite, hindi sana ako nangangamba sa pagbabalik nong nilalang na iyon.

"What?! That's creepy, Clint!" Bulalas ni Jade saka nanlalaki ang mga matang bumaling sa akin na tila naghihintay ng sagot. 

Isinara naman ni Merlin ang binabasang libro at hinarap ako. "That will be much interesting kung sinundan ka."

Ako naman ang natigilan sa sinabi ni Merlin. Nag-aalangan kasi ako kung sasabihin ko ba sa kanila o hindi. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kaibigan ko, ayoko lang din na mag-alala pa sila sakin. Sigurado kasing uuriratin ako ng mga ito pag nalaman nila ang nangyari sa akin. Kaya lang ay kailangan kong makahanap agad ng espiritistang magtataboy sa multo na iyon bago pa man din iyon makabalik at baka may kakilala sila.

Humugot pa ako ng malalim na hininga bago magsalita. Lumingap muna ako sa paligid para malaman kung hindi kami nakakakuha ng atensyon dahil mga pawang nakadukwang na sa mesa ang tatlo. Para tuloy kaming nag-chi-chismisan nito. Well, literally nag-chi-chismisan nga talaga kami, yun nga lang ay sarili ko ang topic. 

Noon ko lang napansing wala na palang ganong tao kaya pala kami nalang ang pinag-iinitan nong librarian. Nang makasiguro akong walang nakakapansin sa amin at abala sa ibang bagay iyong matanda ay dumukwang na rin ako sa kanila saka nagsalita nang pabulong.

"Well, ano kasi--, ahm, n-narinig nyo yung chismis about dun sa Balite street?" Bungad ko. Tumango naman ang tatlo. "Nakita ko kasi yun nung nakaraang gabi tapos-- tapos sinundan ako."

Sabay-sabay namang napa-urong ang tatlo at napatuwid ng upo habang nasa mukha ang samu't saring reaksyon. Si Jade ay napahawak pa sa bibig at puno ng takot ang mga mata, si Clint ay nanlalaki ang mga mata pero kita roon ang curiosity at interes habang si Merlin naman ay nasa itsura ang hindi makapaniwala at tulad ni Clint ay makikitaan din ng excitement. Sabagay, kung tutuusin ay mukha nga namang hindi kapani-paniwala ang sinabi ko lalo na at mga hindi naniniwala sa multo at kababalaghan.

"Okay ka lang ba, Ino?" Unang nakahuma si Jade. "Hindi ka ba nun sinaktan?"

Tumango naman ako. "Okay pa naman. As long as hindi na sya ulit magpakita."

"Anong itsura?" Usisa ni Clint na para bang lalong nagsidhi ang excitement. "Puro dugo ba? Warak ang mukha? May gilit sa leeg?"

"Clint!? Ang morbid mo!" Agap na sita ni Jade dito na tinitigan pa ng matalim. 

Umayos naman ng upo si Clint na para bang sinasabi kay Jade na magbi-behave na siya. Parang gusto ko tuloy matawa nang mabaling doon ang atensyon ko. Nabawasan naman ang tensyon dahil doon.

Nakakatuwa lang sa dalawang ito, kahit na magkakaibigan kaming apat, ay hindi inalintana iyon ng dalawa para i-level up ang relationship nila. At ngayon nga ay magdadalawang taon na sila. Well, hindi naman nakaapekto iyon sa pagkakaibigan namin, di tulad ng sinasabi ng iba. Siguro ay hindi lang talaga nila hinahayaan na may maapektuhan ang alin man sa kanila o sa amin. 

"Nagkaroon na ba kayo ng contact nong multo? I mean, tinry ka ba niyang hawakan?" Nabaling ako kay Merlin na seryoso ang mukha.

"Hindi pa naman. Hindi rin naman nakakatakot yung itsura nya," sagot ko. Parang bigla akong kinilabutan sa tanong ni Merlin.

"Ano itsura nya? Babae ba o lalake?" Si Jade naman ngayon ang na-curious. 

Napaisip naman ako kung sasabihin ko ba ang itsura nya. Baka kasi nasa paligid lang yun at nakikinig sa amin, marinig pa ang sasabihin ko. Lumingap muna ako sa paligid para i-check kung may signs ba na nasa paligid iyon. Nakahinga naman ako nang maluwag nang wala akong maramdaman. Ayoko kasing marinig noon na sasabihin kong gwapo siya dahil siguradong pagtatawanan ako noon. Hindi ko naman talaga napansin yung itsura nya noong una dahil sa sobrang takot kaya di rin niya ako masisisi. Sino ba namang di matatakot pag sinundan ng multo?

"Nasa paligid ba sya?" Naalarmang tanong sa akin ni Merlin nang marahil ay mapansin niya akong nagpapalingap-lingap.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Phantom Lover   Lover 20

    Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden. Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating. “Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari

  • Phantom Lover   Lover 19

    "Seriously, Ino? Skipping classes because of that?" Naiiritang bungad ni Merlin sakin pagkaupo sa tabi ko kasabay din noong ang pagbagsak nito ng ilang papeles sa kandungan ko. Sa totoo lang ay nagulat ako sa biglang pagsasalita nya. Masyado kasi akong okupado ng pagsusuyod sa mga librong hiniram ko sa library kanina. Hindi naman talaga sa nag-skip ako ng klase, nagkataon lang talaga na na-late ako ng pasok kanina dahil natanghali ako ng gising. Kaya imbes na pumasok ng late at mapagalitan ay naisipan ko nalang na manghiram ng libro sa library at dito magbasa sa leisure park ng school na malapit sa soccer field. Tahimik kasi dito kanina. Umingay lang ng magsidating ang mga soccer players at mga fans nila. Natamad naman akong lumipat ng ibang lugar kaya minabuti ko nalang na dumito. Medyo mapuno kasi itong lugar at naka-bermuda grass pa kaya masarap magpalipas ng oras at sumalampak sa damuhan. Isa pa ay pagkakataon ko na rin ito para mapahinga dahil wala akong kabuntot na bantay. Nag

  • Phantom Lover   Lover 18

    "Ano?!"Kulang nalang ay takpan ko ang magkabilang tenga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila Merlin at Jade. Mabuti nalang at nandito kami sa cafeteria ng school at wala sa library kung hindi ay baka napalayas na naman kami. Kung bakit kasi sabay pa ang dalawang ito kung mag-react at sumigaw. Mainam nalang din at wala si Clint kung hindi ay magkakatatlo pa sila."Nababaliw ka na ba, Ino?" Singhal ni Merlin sakin. "Hindi ka pa nga tapos sa isa, dinalawa mo pa ang tutulungan mo!""Huwag kang sumigaw, Merlin. Katabi mo lang ako. Isa pa pinagtitinginan na tuloy tayo," mahinang saway ko dito. Hindi lang din naman kasi dahil sa pinagtitinginan kami kaya ko ito sinasaway kundi dahil naroon din si Cai sa likod ko. Ayaw nya kasing pumayag na maiwan nalang sa bahay kaya hanggang dito sa school ay kasama sya. Pati tuloy panenermon sakin ng tatlong ito ay naririnig nya. Kung di ko pa alam ay nagbubunyi na ito dahil hindi lang ako sa kanya nakatanggap ng sermon."Hindi ba komplikado yun, Ino

  • Phantom Lover   Lover 17

    Isang irap ang iginawad ko kay Cai ng makalabas ako ng banyo. Nadatnan ko itong prenteng nakaupo sa kama at nakasandal sa headboard habang may makahulugang ngisi sa labi. Ayoko pa nga sanang lumabas dahil naiilang ako sa mga ikinikilos nito pero wala na akong magawa. Alangan naman kasing hindi na ako lumabas ng banyo o kaya naman ay paalisin ko ito, baka lalo lang syang makahalata sa nararamdaman ko.Matapos irapan si Cai ay pinilit kong huwag na itong pansinin. Hindi lang dahil sa naiinis ako dito, kundi dahil palakas ng palakas ang kabog ng dibdib ko sa mga titig nya. At lalo pang nagwawala iyon kapag lumalapit sya. Naalala ko tuloy nang tawagin ako nitong babe kanina. Mabilis pa sa alas-kwatro na nag-react ang puso ko sa isiping iyon. Humugot ako ng malalim na hininga saka binalingan ang bata.Nakita ko ito na nakatayo, di kalayuan sa may kama at nakatingin kay Cai. Muntik ko pa nga itong hindi makilala dahil maayos na ang itsura nito. Presentable na ang suot nitong damit at hindi

  • Phantom Lover   Lover 16

    Kampante akong nagbababad sa bathtub at pilit kinakalma ang utak para hindi mag-isip ng kung ano-ano nang makaramdam ako ng kakaibang lamig na gumagapang mula sa kamay patungo sa braso kong nakadantay sa gilid ng bathtub. Nanuloy iyon sa batok ko na siyang magpatindig sa balahibo ko roon at maging sa buhok ko. Noon ako biglang napamulat at napaayos ng upo. Nabuhay ang takot sa dibdib ko dahil sa naramdaman kong iyon. Alam kong hindi si Cai iyon dahil hindi ako kinikilabutan at natatakot ng ganito kung siya iyon. Alerto kong inilibot ang mata habang kumakabog ng malakas ang dibdib. Ganito iyong naramdaman ko kanina ng masalubong ko ang mga galang multo na iyon. Hindi kaya nasundan na naman ako? Huwag naman sana.Halos lumuwa ang mata ko sa nerbyos ng biglang magpatay-sindi ang ilaw sa banyo. Iba na ang pakiramdam ko sa paligid at hindi nalang din mga balahibo ko sa braso ang nagsisitayuan, kundi maging sa buong katawan na."C-Cai, nandyan ka ba?" Pilit kong pinakakalma ang sarili sa k

  • Phantom Lover   Lover 15

    Unti-unti kong naramdaman ang pagkawala ng nakakakilabot na lamig sa paligid na para bang senyales na umalis na ang mga ito. Gusto ko sanang alamin at tignan kung ganoon nga ang nangyayari pero ayokong idilat ang mga mata ko. Baka kasi katulad ito noong nasa horror film na kunwari nawala na ang mga multo tapos kapag binuksan ng bida ang mga mata nya ay biglang lalabas ang mga ito sa mismong harapan nito.Lalo akong nanginig sa isiping iyon, isama pa ang mga itsura ng mga multong iyon. Bigla ay parang gusto kong maiyak muli. Kung sana ay nandito si Cai para tulungan ako. O kung tutulungan kaya ako nito kung kasama ko siya? Sa kabila ng hindi namin pagkakaintindihan nagawa ko pa talaga siyang tawagin.Nasa ganoon akong kaisipan nang muling gumapang ang lamig sa balat ko. Hindi iyong lamig na katulad ng kanina, kundi iyong lamig na kilala na ng sistema ko. Unang nag-react ang puso ko bago ko pa nagawang imulat ang mga mata ko. Naroon sa harap ko at nakatayo ang lalaking kanina lang ay p

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status