Share

Lover 18

"Ano?!"

Kulang nalang ay takpan ko ang magkabilang tenga ko sa sobrang lakas ng pagkakasigaw nila Merlin at Jade. Mabuti nalang at nandito kami sa cafeteria ng school at wala sa library kung hindi ay baka napalayas na naman kami. Kung bakit kasi sabay pa ang dalawang ito kung mag-react at sumigaw. Mainam nalang din at wala si Clint kung hindi ay magkakatatlo pa sila.

"Nababaliw ka na ba, Ino?" Singhal ni Merlin sakin. "Hindi ka pa nga tapos sa isa, dinalawa mo pa ang tutulungan mo!"

"Huwag kang sumigaw, Merlin. Katabi mo lang ako. Isa pa pinagtitinginan na tuloy tayo," mahinang saway ko dito.

Hindi lang din naman kasi dahil sa pinagtitinginan kami kaya ko ito sinasaway kundi dahil naroon din si Cai sa likod ko. Ayaw nya kasing pumayag na maiwan nalang sa bahay kaya hanggang dito sa school ay kasama sya. Pati tuloy panenermon sakin ng tatlong ito ay naririnig nya. Kung di ko pa alam ay nagbubunyi na ito dahil hindi lang ako sa kanya nakatanggap ng sermon.

"Hindi ba komplikado yun, Ino
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status