Share

Lover 20

Nangilabot ako sa gawi ng pagtawag sakin ni Cai. Nang balingan ko ito ay nanigas na rin yata ako sa kinatatayuan ko pagkakita ko sa madilim nitong anyo. Mukhang nangangahulugan na naman ito ng panibagong giyera sa pagitan namin. Nagwawala naman ang dibdib ko na animo ay may nauna na roong pagrarambulan. Tanda ko noon na ganitong-ganito ang reaksyon nya noong nagpumilit akong pumunta sa game nila Caden.

Wala sa loob na napatitig ako sa mga mata ni Cai. Pakiramdam ko ay biglang tumahimik ang paligid at wala akong ibang naririnig kundi ang ingay na ginagawa ng dibdib ko. Gusto kong bawiin ang tingin dito pero hindi ko magawa. Para kasing may kung ano sa mga mata nito na hindi ko maiwasang hindi titigan. Isa pa ay ang gawi ng tingin ni Cai na para bang may gusto itong iparating.

“Ino, are you alright?” Nag-aalalang boses ni Apollo ang siyang nagpabaling sakin dito mula sa pagkakatitig kay Cai.

“A-ah, o-okay lang ako, Apollo,” hindi magkandatutong sagot ko dito ng mapagtanto ang nangyari
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status