Share

Kabanata 10

Natigilan si Sabrina sa paglalakad.

Narinig niya ang insulto ni Selene. Gusto niya sana kalmutin at sirain ang mukha ni Selene.

Pero, hindi niya kayang gawin 'yun basta basta.

Kung gagawa man siya ng kung ano, hindi siya makakapagpigil na maging matindi ang away. Natatakot siya na baka masaktan ang bata sa sinapupunan niya.

Tumawa siya at nagtanong, "Interesado ka ba sa ganitong negosyo?"

"Tsk!" naasar na ngumiti si Selene. "Nag-alala lang ako sa kalusugan mo, wag ka sanang mahawaan ng kung anong maruming sakit! Dudumihan mo pa ang bahay ko at babaho ang amoy dito."

"So bakit mo ko inimbitahan dito sa bahay mo, at pinilit mo pang dito ako maghapunan? Akala ko tuloy interado ka sa ganung klase ng negosyo," kalmadong nagsalita si Sabrina, pero sapat na yun para masakal ang buong Lynn family hanggang mamatay sila.

Walang nakapansin nung oras na yun na nakatitig lang si Sebastian kay Sabrina at nanlilisik ang mga mata nito sa kanya.

Pagkatapos ng ilang saglit, kinuha ni Sebastian ang susi niya, tumayo ito, at umalis na rin.

"Darling Sebastian, nagalit ka ba..." hinabol siya ni Selene.

"Kapag lumapit ka ulit sa ganitong klaseng babae, ibibigay ko na lang sayo ang parte ng pera, at hindi ko na itutuloy ang engagement!" nagalit si Sebastian, at hindi man lang ito lumingon pa.

"Naintindihan ko, Darling Sebastian, pero wag ka na sanang magalit dahil lang sa babaeng to. Ihahatid na kita sa labas, Darling Sebastian..." Nanginig si Selene habang hinahabol niya ito.

"Napakamalas mo talagang bata ka! Sinadya mo talagang mapaalis ang fiance ni Selene, 'no? Labas na! Lumabas ka na dito!". Gustong gusto ng sampalin ni Jade si Sabrina.

Tumalikod si Sabrina at naglakad palabas.

"Saglit!" sumigaw ulit si Jade.

Lumingon si Sabrina at tumingin kay Jade, pero hindi ito nagsalita.

"Magpadala ka sakin ng 50,000 USD bukas."

"Kapalit ng ano?" nagulat si Sabrina at nagtanong.

"Kapalit yun ng pagpapalaki sayo ng Lynn family sa loob ng walong taon. 50,000 USD para sa walong taon, hindi ka namin pinabayaan," Alam ni Jade na hindi makapag labas si Sabrina kahit na 1,000 USD paano pa kaya ang 50,000 USD.

Gusto lang ni Jade na ipitin si Sabrina at wala na itong magawa.

Nagulat din si Lincoln sa kinilos ni Jade.

Sa sobrang galit ni Sabrina, tumawa siya. "Nung nakaraang dalawang taon, pinalitan ko ang pwesto ng anak mo para ako ang humarap sa sintensya niya, hindi ba yun para mabayaran ko ang utang ko? Nung nakaraang isang buwan at kalahati, pinadala niyo ko para sumama ng isang gabi sa patay na lalaki, hindi rin ba yun para mabayaran ang utang ko? Matagal na kong walang utang na kahit ano sa inyo!".

Nainis si Jade dito, "Sige, hanggat hindi ka natatakot na mahukay ang puntod ng nanay mo o maitapon sa kung saang lugar ang bangkay ng nanay mo, pwede kang hindi magbayad."

"Ikaw..." sumama ang tingin ni Sabrina kay Jade habang gigil na gigil siya.

Ilang segundo lang, pinilit na pahupain ni Sabrina ang galit niya at sinabi, "Bukas! Padadalhan kita ng 50,000 USD!"

Nung natapos siya sa pagsasalita, tumalikod na siya at umalis.

Pagkalabas niya sa main entrance ng bahay ng Lynn family, nagluha ang mga mata niya, pero pinilit niyang itaas pa rin ang noo niya, at hindi niya hinayaang maiyak siya.

Walang kwenta ang pag-iyak niya.

Kailangan niya agad makakuha ng 50,000 USD.

Hindi naman talaga maliit na halaga ang 50,000 USD, at para sa kanya, ang pagkuha nito ay kasing hirap ng pag-abot sa alapaap.

Sa labas ng Lynn Residence, hinila ni Selene ang braso ni Sebastian habang inuugoy ito, at parang nagpapa-cute. Nagkunwari na lang si Sabrina na hindi niya nakita ang dalawa nang lagpasan niya sila at tumuloy sa paglakad.

Hindi niya inaasahan na isasabay siya ni Sebastian kahit na pareho lang naman ang dadaanan nila at nakatira sila sa isang bahay.

Hindi rin nakita ni Selene si Sabrina dahil abala siya sa pagkukunwari na malungkot siya at sinamahan niya pa ng pag-iyak. "Darling Sebastian, alam kong hindi kita deserve. Ginalit kita, di ba? Hindi ko naisip na magpakasal sayo, gusto ko lang iligtas ang buhay mo nung araw na yun. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo sakin. Siguro ang gagawin ko na lang, maghahanap ako sa susunod ng matanda at pangit na lalaki, yung kayang tanggapin ang marumi kong pagkatao. Gusto ko lang naman na sumaya ka..."

Alam ng lalaki na paulit ulit na tactics lang ang mga sinabi ni Selene.

Pero, nung naalala niya na natiis nito lahat kahit nanghihina na siya, sinabi niya, "Wag ka nang mag-isip ng kung ano. Pagkatapos ng dalawang buwan, matutuloy ang kasal natin gaya ng nasa plano."

Tumigil si Selene sa pag-iyak at ngumiti.

Nagsalita ulit ang lalaki, "Gusto ko na maging simple lang ang lahat. Kailangan mong masanay sa ganito kung gusto mo akong makasama. Naintindihan mo?"

"Naintindihan ko, Darling Sebastian. Tatandaan ko na maging simple lang sa lahat ng bagay!" paulit ulit na tumango si Selene.

Umalis na ang kotse ni Sebastian.

Pagkatapos na makaalis ang kotse, ngumiti si Selene na parang may binabalak at sinabi, "Sabrina, gusto mo bang sirain ang kaligayahan ko? Hindi pwede! Isang araw, malalaman mo na lang na nakuha ko na ang kaligayahan ko dahil nabenta ko na ang katawan at dignidad mo!"

Sa hindi kalayuan, naglalakad pa rin si Sabrina papunta sa bus stop. May kotseng dumaan sa gilid niya pero hindi bumagal ang takbo nito.

Mga ten o’clock na ng gabi nakarating si Sabrina sa dating tirahan ni Sebastian. Akala niya hindi niya na makikita si Sebastian dahil nagpapahinga na ito, pero hindi niya inaasahan na makikita niya si Sebastian na mag-isang nakaupo sa sala. May hawak siyang sigarilyo sa kamay niya, at amoy na amoy ang usok sa buong sala.

Pero yung hangin doon ay parang may kakaibang lamig.

Ang ilaw na hindi maliwanag ay kumukurap kurap sa gwapo at supladong mukha ni Sebastian.

Nakatingin siya habang pumapasok si Sabrina, tapos nagtanong ang lalaki, "Gaano mo na ba katagal pinagmamatyagan ang Lynn family?"

"Anong sinasabi mo?" tumingin na parang nalilito si Sabrina kay Sebastian.

"Pumunta ako sa bahay ng Lynn family sa unang pagkakataon para pag-usapan ang kasal namin ni Selene, at nandun ka sa bahay niya. Sinasabi mo ba sakin na nagkataon lang yun?" agresibo ang tingin ni Sebastian kay Sabrina.

Masyado niya talagang minaliit ang babaeng to. Kapag tiningnan kung paano siya naging komportable sa mga Lynn, talagang na-perfect niya na ang pagiging makapal ang mukha at walang hiya.

"So ano ngayon ang gusto mong sabihin sakin?" walang paligoy-ligoy na tanong ni Sabrina.

"Ibang-iba si Selene kaysa sayo. Simple lang siya, mabait, at talagang hindi mo katulad. Kung ano mang intensyon meron ka, pwede mong sabihin sakin, wag mong guguluhin si Selene at ang pamilya niya, kung hindi, ipaparamdam ko sayo na mas gugustuhin mo pang mamatay kaysa mabuhay..."

"So, pumapayag kang bayaran ako ng 50,000 USD para hindi ko guluhin si Selene at ang pamilya niya, tama ba?" tanong ni Sabrina.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status