Share

Chapter 6

"Sigurado kang di ka sasabay?" Paulit na tanong ni Jim bago kami maghiwalay. Sa pangatlong pagkakataon ay tumanggi ako. Inalok niya ako ng libreng pamasahe pero desidido akong maglakad. Siguro ay nag-aalala si Jim dahil malalim na ang gabi para maglakad pauwi. Sa tagal ko na dito sa bayan ni minsan ay di pa ako napahamak sa paglalakad sa gabi. May mas mataas pang posibilidad na makasalubong ang mga hayop mula sa nakapalibot na bundok kaysa makasalubong ng magnanakaw o kung ano man masasamang loob.

Sa mga ganitong oras ay nasa patulog na estado na ang Sta. Isabel. Nagsisimula nang magsara ang mga establisyimento at pauwi narin ang mga estudyante galing university. Tanging ang mga tahol ng aso sa ibang kabahayan at ang walang humpay na tunog ng mga insekto ang bumubuhay sa gabi. 

Ang matingkad na kulay kahel na mga ilaw ng poste ang nagpapaliwanag sa daan.

Hindi ganito ang kulay ng mga bombilya nung huling gabing naglakad ako pauwi. Sabagay, mukhang mainit nga naman ang ganitong kulay na bumabagay sa malamig na gabi.

Di ko namalayan ang oras at ang tagal ng paglalakad. Nakarating ako sa El Viño nang hindi manlang hinihingal. Tahimik narin ang buong paligid ng El Viño. Ang katahimikan ng lugar ang dahilan kaya dinatnan ako ng antok habang papaakyat ang elevator sa fifth floor. 

Lumabas ako sa elevator at napansing wala ng tao sa hallway. Sa mga ganitong oras ay patulog na ang lahat. Ngayon ko palang naramdaman ang pagod habang naglalakad patungong apartment. Ramdam kong bumibigat na rin ang talukap ng mga mata ko.

Akmang papasok na ako ng apartment nang napalingon ako sa tunog ng elevator. 

My hand froze on the door knob.

Lumabas sa elevator si Ben at ang kasamang babae. Hindi ako makapaniwala sa kung sino ang kasama ni Ben. Sa tindig at boses ng babae ay sigurado akong kilala ko ito.

Miss Mina?

Hindi ako puwedeng magkamali. Kilala ko ang postura at tindig ni Miss Mina. Naging propesor ko siya noong first year.

Napatigil ako at minasdan ang dalawa.

Mahigpit ang hawak ni Miss Mina sa baywang ni Ben habang humahalinghing. Malaki ang mga ngiti ni Ben na naka-akbay naman sa propesor. Hindi nila napansin ang presensya ko kaya imbes na pumasok sa apartment ay pinanood ko muna ang dalawa.

Kaya pala maaga kang umalis sa coffee shop.

Madalas, si Ben ang isa sa pinaka-huling customer na lumalabas sa shop. Isa siya sa mga customer na sinasagad ang oras sa pananatili sa shop hanggang sa magsara. Kaya nakapagtatakang halos kalahating oras lang ang nilagi niya sa shop ngayong gabi.

New business?

No. Mukhang hindi ganoong tao si Ben. At isa pa, hindi rin naman ganoon kayaman ang matandang dalagang si Miss Mina. Siguro ay di lang matiis ni Benjamin ang tawag ng kaniyang laman at kahit ang pain ni Miss Mina ay kinagat niya.

Hindi ko marinig ng klaro amg usapan ng dalawa pero mukhang nahuli ni Ben ang kiliti ng matandang dalaga na simula paglabas ng elevator ay di matigil sa paghalinghing. Isang taon nalang ay magka-kuwarenta na si Miss Mina kaya ang patagong bansag sa kaniya ng mga naging estudyante niya ay matandang dalaga. Sigurado akong ganoong bansag din ang patagong tawag sa kaniya ng kaniyang colleages sa unibersidad.

Biglang nawala ang antok sa mga mata ko.

Ganyan ba ang mga tipo mo Ben?

Matandang dalaga?!

I felt a sudden urge of following the two. My body didn't wait for my mind to think twice. I followed them in them hallway.

Mukhang tuwang tuwa ang matandang dalaga sa pagdating ni Ben sa Sta. Isabel. Habang tumatagal ay naiirita ang mga tenga ko sa mga halinhing niya. Siguro ay yun ang dahilan ng biglaang pag lipad ng antok ko. Kung may mga bibig lang ang braso ng matandang dalaga, siguro ay kanina pa sila naghihiyawan sa kagalakan habang nakapulupot sa baywang ni Ben na tila ba ahas. Siguro ay matagal nang inaantay ng matandang dalaga ang ganitong pagkakataon, ang makatagpo ng lalaking katulad ni Benjamin. Ang lalaking kaniyang pinaka-aantay na maghukay ng matagal ng natuyuang bukal. Hindi ako sigurado kung nakainom ang dalawa pero sa tingin ko'y oo.

Abat may pahampas hampas pa siya sa dibdib ni Ben.

Sa talang buhay ko ay ni minsan di pa ako nalasing. Ni hindi ako nakatikim ng alak. Pero kung nababago lang din ng alak ang damdamin, kagustuhan at pananaw ng isang tao sa mga bagay-bagay abay di ko na babalaking tumikim.

My mind suddenly generates plans of disturbing them. My mind is thinking of screaming because of an imaginary sprains.

No that's over the top!

Aside, I can't act such heavy drama.

Or should I call Miss Mina?

'Ma'am, may I interupt your flirty moments for a sec?'

'Why darling?'

'I just need some clarifications hmm... about... about our lessons two year ago! My mind is really bothering me!'

No Jethro! Think of something current and something unsuspiscious.

'Hmmm... Can I join the fun?'

'Of course darling! You're one of the brightest student I had. I saw your potential as an architect and in many other silly stuff.'

"Silly thoughts." I mumbled to my self

Nothing translates into actual words. Seeing them together, closely, nearing Ben's room felt like a time bomb.

And now it's too late for any plans to be executed. All the drowsiness left in my body flew away by the gushing sound of the slamming door. Now both of them is in Ben's room. 

Both of them!

Kung mayroon mang papalahin ngayong gabi, yun ay walang iba kundi ang bukal. Ang tuyong bukal. Aagos nang muli ang tubig. Ang palakol ni Ben ang bibiyak sa tigang na puno na ipangagatong sa maliit na baga upang sumiklab ang apoy na muling magpapa init sa madilim at malamig na gabi ni Miss Mina. Nagtagumpay ang matandang dalaga.

I came back in my apartment. 

I fell in my bed.

I can't fight all the thoughts that's bothering me. That Ben and Ms. Mina is in one room. 

Dirty Mina!

The only way to evade my anxious mind is to sleep.

My body wide spread all over the bed. I became conscious of my every breath, and finally I felt drowsy again. I felt my body sinking in my bed. Im sleepy again.

(Yung mga naka italic na words ay mga unspoken cloud of thoughts ng main character)

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status