Nagmamadaling pumunta ng palikuran si Diana nang halos hindi na siya makahinga dahil sa kinikimkim na galit sa kaniyang puso. Hindi niya matanggap na si Stella ang kaniyang pinsan. Pagkapasok sa banyo ay hinahapo siyang humarap sa salamin. Nanlilisik ang mga matang nakipagtitigan sa sariling reflection sa salamin."Sa dami ng tao, bakit ikaw pa?" Dumaklot ang mga daliri niyang nakahawak sa sink. "Bitch, hindi lang ang trono sa kompanya ang inaagaw mo sa akin ngayon. Hindi ako makapapayag na pati ang lalaking gusto ko ay makuha mo rin!"Napangisi si Elizabeth habang nakasandal sa likod ng pintuan. Hinayaan niya lang na sarilinin muna ni Diana ang galit nito kay Stella. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa kaalamang may katuwang siya upang sirain ang pagkatao ni Stella. Tanging kay Mauro lang si Stella ngumiti nang makipagkamay na sa kaniya ang dalawang lalaki. Ramdam niya ang mainit na tingin sa kaniya ni Charles pero hindi siya nag-abalang lingunin ito."Lolo, thank you fo
Nakangiting lumapit si Diana kay Stella at nakipag beso-beso dito. "Hindi ko akalaing ikaw lang pala ang pinsan kong matagal ko nang gustong makadaupang palad."Nakangiting gumanti siya ng halik sa babae. Marami ang nakatingin na sa kanila ngayon at bawat galaw niya ay binabantayan. "Alam kong nag-enjoy ka ng husto at pinagtatawanan ako sa pang-aalipusta ko sa iyong pagkatao. Wala ka naman sigurong balak gumanti? Besides, hindi ko kasalanan kung natawag kitang slapsoil?" sarkastikong bulong muli ni Diana kay Stella.Si Stella na ang yumakap sa babae at gumanti sa pagbulong. "Hindi ako galit, dear, hindi rin ako apikto sa panlalait mo noon dahil alam mo ang dahilan. Ngayon, hindi ka naman siguro nagagalit sa akin kung si Mauro ang isa sa napili ni Lolo na maging asawa ko?" nang-aasar niyang tanong kay Diana."Bitch!" she hissed, kung pwede niya lang sakalin ito habang kayakap. "Show me what you got!""Sure!" Marahan niyang tinapik-tapik sa likod si Diana bago kumawala sa pagkayakap.
"Gumawa ka ng paraan na kay Mauro maikasal ang pinsan mo," kausap ni Vincent kay Vanz.Hindi makapaniwalang napatitig si Diana sa abuelo. Naroon sila sa library nito ngayon upang pag-usapan ang tungkol kay Stella. "Lolo? Bakit po si Mauro? Hindi po ako makakapayag at akin lang siya!"Galit na sinampal ni Vincent ang apo na babae dahil sa galit. "Estupida! Kabaliwan ang sinasabi mong pagmamahal na iyan! Hindi importante ang pagmamahal na iyan para lang masira ang pundasyon ng pamilya natin! Importante ngayon ay ang mahawakan sa leeg ang lalaking mapangasawa ng pinsan mo upang maagaw ang kompanya!"Mabilis na nilapitan ni Vanz ang kapatid at niyakap ito. Naawa siya sa kapatid pero kailangang sundin ang abuelo. "Magpaubaya ka muna ngayon. Kapag nawala sa landas natin ang babaing iyon ay mabawi mo rin ang lalaking gusto mong mapangasawa."Umiiyak na itinago ni Diana ang mukha sa dibdib ng kapatid. Hindi lang naman ito ang unang beses na nasaktan siya ng abuelo. Pero sobra siyang nasasakta
Tumawa siya ng mapakla at isinuksok ang cellphone sa bulsa ng suot na short. Wala siyang balak na magkaroon dito ng kontak."Never mind, sa lolo mo na lang ako hihingi ng number mo."Mabilis siyang humarang sa daraanan ni Charles nang humakbang ito. "Fine!" Napilitan siyang iabot dito ang cellphone.Bahagyang umangat ang isang sulok ng labi ni Charles at agad na kinuha ang cellphone ng dalaga. Pagkatipa ng sariling numero ay save niya agad bago nag dial.Napahalukipkip si Stella at talagang sigurista ang lalaki. Tinawagan pa ang sarili nitong numero upang masiguro na makuha ang kaniyang kontak.Pagkabalik ng cellphone ng dalaga ay ipinamulsa niya ang isang kamay. "Magpaalam ka na sa lolo mo at aalis na tayo."Mabilis siyang umurong at lumayo sa binata. "Hindi ako sasama sa iyo kaya umalis ka na. Kahit hindi mo ako sundiin ay kusa kong dadalawin si Lolo.""Nangako ako kay Lolo na kasama na kita pag-uwi." Matigas na turan ni Charles."You—""Hindi mo naman suguro gustohing malaman ng lo
Inis siyang sumakay sa sasakyan ni Charles. Ayaw din kasi nitong pumayag na sa ibang sasakyan siya sumakay. Pagkaupo sa upuan ay humalukipkip siya at hindi na kumilos.Nakangiting dumukwang si Charles sa dalaga. Pumiksi ito pero hindi magawang lumayo sa kaniya. Unting-unti niyang ihilapit ang mukha rito. Ramdam niya ang kaba ng dalaga na ikinatuwa niya. Halos pigil hininga na siya at hindi magawag ilayo ang sarili kay Charles. Ang akala niya ay hahalikan na siya nito."Done."Kasabay ng pagsalita ng binata ay ang pag click ng seat belt na ikinabit nito sa kaniya. Gusto niyang batukan ang sarili dahil nag expect ng iba. Mabilis siyang nag iwas ng tingin dito upang itago ang pagkapahiya sa sarili. Hindi niya nagawa ang paglayo sa dalaga. Mabilis niyang hinawakan ang chin ng dalaga at iniharap sa kaniya ang mukha nito."What are you do—" hindi na niya natapos ang pagsasalita at mabilis na selyuhan ng binata ng halik ang kaniyang labi. Automatic na napahawak ang kamay niya sa balikat ni
Napangiti ang nurse nang makita ang babaing pinagbuksan. Nakilala niya agad ito. Bukod sa nakita na niya ito noong unang dalaw nito, bukambibig pa ng alaga niya ang babae na dating asawa ng apo nito. "Salamat po at dinalaw niyong muli ang senyor."Ngumiti si Stella sa nurse bago lumipat ang tingin sa kama. Mukhang tulog ang matanda at may nakakabit pang oxygen sa ilong. "Kumusta po siya? Bakit naka oxygen? nag-aalalang niyang tanong."Galing po kanina dito ang babae niyang apo at isinama pa ang kaibigan niya." Paliwanag ng nurse. Napabuntonghinga si Stella. Tiyak na nagalit ang matanda kaya tumaas ang dugo nito."Pero ok na po siya. Kinabit ko lang ang oxygen niya upang guminhawa ang pakiramdam. Nasuri na rin siya ng kaniyang doctor.""Bakit hindi mo agad sinabi sa akin na nagkaroon ng problema dito?" galit na tanong ni Charles at narinig ang huling sinabi nito.Takot na napayuko ng ulo ang nurse nang makita ang apo ng matanda. "Sorry po, sir, ayaw pong ipaalam kanina ng kapatid ni
Mabilis na dinaluhan ni Sophie ang kaibigan at niyakap ito. Hindi niya alam kung paano ito aluin dahil nasaktan ng kapatid. Pero hindi niya rin nagustohan ang mga salitang lumabas sa bibig nito kanina kaya nagalit ng husto ang kapatid niya."Ngayon ko naunawaan kung bakit ayaw sa iyo ni Lolo." Bakas sa mukha ni Charles ang disappointment."Honey, I'm sorry! Galit lang ako at nagseselos kaya nasabi ko ang lahat ng iyon. Mahal na mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa pagmamahalan natin!" Napahagulhol na siya ng iyak at nagmakaawa sa binata. Natatakot siyang hindi na siya nito mahalin ngayon."It's over, Elizabeth!" malamig niyang tugon sa dalaga.Parehong natigilan sina Sophie at Elizabeth. Si Elizabeth ay parang nabingi sa narinig at natuod na sa kinatayuan."I'm sorry pero ngayon ko lang na realise na matagal nang nawala ang pagmamahal ko sa iyo."Mabilis na kumawala si Elizabeth mula sa pagkayakap sa kaniya ni Sophie at tinakbo ang pagitan nila ni Charles. Yumakap siya ng mahigp
"Stella, hija, ikaw ba talaga iyan?" nanghihinang tawag ni Don Ramon sa dalaga nang mamataan itong nakaupo sa tabi ng kama, pagkamulat ng mga mata.Mabilis na tumayo si Stella at lumapit pa ng husto sa matanda. "Lolo, kumusta po ang pakiramdam mo?"Naiiyak na inangat ni Ramon ang nanginginig na palad at hinawakan ang kamay ng dalaga. "Hija, hindi ko alam kung hanggang kailan na lang ako."Nakagat ni Stella ang loob ng bibig at pinigilang mapahikbi. Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya bago bumulong sa matanda. "Lolo, I'm sorry kung itinago ko ito sa mahabang taon. I'm sorry kung naisip ko noon na hindi siya ipakilala sa pamilya mo. Ayaw ko lang po ma exposed ang anak ko lalo na at nabuo siya sa maling paraan."Nagsasayaw sa kagalakan ang mga mata ni Ramon at hindi makapaniwala sa narinig mula sa dalaga. Kahit hindi pa buo ang mga sinabi nito ay nahulaan na niya. "Naintindihan kita, hija! Maraming salamat at binuhay mo ang una kong apo sa tuhod! Hindi ko mapapatawad si