Share

chapter 12

"Wala ka ba talagang ideya kung ano itong pinasok mo?" labas ang litid na tanong sa'kin ni Dianne.

Nang mapagbuksan niya ako kanina ng pinto at makita kung sino ang kasama ko ay bigla siyang namutla at napatulala. Kulang na lang at himatayin siya.

Hindi naman agad ako nag-alala o nagduda dahil minsan talaga ay umaandar ang pagiging luka-luka niya lalo n at bilog iyong buwan.

Hindi na nga lang ako nagkomento nang hindi siya nagsasalita hanggang sa umalis na si Michael at hindi ko na rin siya ipinakilala rito.

Ang gaga hindi man lang nagpakitang tao na imbitahan iyong kasama ko na pumasok at basta na lang siyang tumunganga sa mukha nito.

Matapos kong ikwento sa kanya ang nangyari sa party at kasunduan namin ni Michael ay tsaka pa lang siya hestirikal na nagtatanong sa'kin ng mga kung anu-ano.

Hindi ko naman siya masagot tungkol doon sa tanong niya kung papaano kami nagkakilala ni Michael at saan kami unang nagkita dahil wala pa akong lakas ng loob na ikwento iyong katangahan kong nagaw
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status