Share

Chapter 3 ( EXCEPTION )

" Terrence Tan, that's the son of the businessman I'm talking about. All you need to do is to impress him, Rohesia."

"Mi, I thought the last time will be the last? You told me you wouldn't let me meet someone?"

"This is for business purposes only Rohesia. Huwag ka ng magreklamo pa." napatango na lamang ako at sinunod ang sinabi ni mamma. I was dressed fancy sexy clothes while the one who will do my make up suddenly came in. Ito rin yung babaeng nag-ayos sa akin noong nakaraan.

"Light make-up suits you well, Rohesia. You look like a Goddess."

"Thank you miss Lhianne."

Noong matapos kami sa pag-aayos ay may isang sasakyan na sumundo sa akin sa bahay namin. It was the driver who picked me up the last time Terrence and I met. Kahit pa hindi sinasabi sa akin ni mamma ang tunay na dahilan kung bakit nya kami pinagmi-meet ay alam ko na kaagad ang dahilan. She's planning to arranged a marriage for me. 

Terrence Tan is from one of the richest business tycoon in Asia. Kilalang-kilala ang pamilya nila bilang isa sa pinakamayamang angkan sa Asya. 

"You look gorgeous, as always, Rohesia."

"Thanks." tipid kong sagot dito.

"Uhmm, I know you're not comfortable with this kind of set up and you don't also want to be arranged with me. Don't worry, I didn't plan on marrying you too."

"Really?"

"Yes, you are beautiful and my type but I won't force someone for this kind of bullshit thing just because of so called business." para akong nabunutan ng tinik sa dibdib at agad nakahinga ng maluwag. 

"But, I want to be friends with you. I know you are kind, but you're too timid."

"Don't you find me weird?" I asked him. "No, why would you ask that?"

"They say I am weird that's why no one wants to be friend with me." 

"You are not. I actually find you amusing. How can you stay up all day without talking to someone? I mean, I can't just sit alone in one particular area having no one by my side."

" I am alone, yes, and I won't deny that I am lonely too. I am sick of everything, I just want to escape from everything. If I can just sleep all day."

"Well you have me now, I won't take advantage of you but we became friends. I can be your listener, and I can be your brother." I smiled at him and thanked him. The long night was over. We finished talking at 10:00 PM and that's when we decided to go home. Umuwi akong may ngiti sa mga labi ko sa unang pagkakataon. This time, it wasn't just a dream. Someone really wants to be friends with me.

"One cookies and cream po." I took my money from my pocket before giving it to the cashier. Pumunta ako sa madalas kong inuupuan at doon kumain ng ice cream. Mainit ang panahon jaya sakto and ice cream sa panlasa.

"Rohesia? Rohesia right?"

"Yaela? Yuna?" gulat na tanong ko. Ngunit agad ding kumunot ang noo ko noong makita sila. I am not dreaming anymore. Kinurot ko ang braso ko upang kumpirmahin ngunit totoo nga! Pero papaano? I met them in my dreams and not in reality. Paanong kilala nila ako?

"Huy, parang nakakakita ka naman ng multo. Sa ganda naming ito?"

"Kilala nyo ba ako?" tanong ko.

"Aba jusko malamang. Nagkita na tayo dito nung nakaraan. Dito mismo sa table na ito ng sweet corner." It wasn't a dream? Pero that day nagising ako sa kwarto ko. Aware akong panaginip lang iyon. Aware akong nanaginip ako at hindi sila totoo.

Paanong nangyaring kilala nila ako?

"Huy, lutang ka yata ngayon girl?" 

What if, they met me in their dreams too? I mean, baka sa panaginip kami ng isa't-isa nagkita-kita? Pero imposible! Ano iyon?

"Sa panaginip nyo ba ako nakilala?"

"Hala, sabog ka ba? Anong panaginip ka dyan. Hoy ngayon talaga masasabihan kang weird. Hindi 'no!"

"Rohesia ikaw ba'y nahihibang na? Iyan ba ang epekto ng init ng panahon sa kagaya mong mala porselana ang kinis ng balat?"

"Huh?" 

"Hay nako, malala ka na teh!" napaisip ako at pilit na kinukumbinsi ang sarili. Alam kong panaginip iyon eh, but how did they knew me? How come we knew each other?! 

"Free ka today?" tumango ako.

"Yup."

"Ayon, g ka ba? Pasama kaming mall, bibili akong art materials."

" Ako naman sa watson hehe."

"Sige lang, wala naman akong masyadong gagawin." sagot ko dito. After we ate the sweets we ordered ay dumiretso na kami sa labas at nag-abang ng taxi. Agad kaming pumasok ng mall at dumiretso sa kanya-kanyang pupuntahan. Napabili na din ako ng ilang libro noong dumaan kami ng National Book Store and just like what Yuna told us. We went to watson and she bought tons of skin care product. Makinis na nga ang mukha pero todo parin sa pagbili ng skincare. 

I actually don't experience applying any skin care product except from the soap my mom used to buy. My mom told me na nasa genes na talaga ang hindi matigyawatin sa amin. Even when we lived here hindi ako tinigyawat kahit isa. I wonder why?

"You are literally a bookworm Rohesia. Akala ko ba kaunti lang, kaunti ba ang limang makakapal na libro sa iyo?"

"Sort of?" nanlaki ang mga mata nito at agad na lumapit sa akin. "So marami ka pang mga libro sa bahay nyo ano?" tumango ako at ngumiti sa kanila.

"Gusto nyo makita?" alanganing tanong ko pa. I never brought anyone in our house back then. Wala din naman kasi talaga akong naging kaibigan ni isa. Our huge house na tanging kami ni mamma at mga maids and guards ang nakakapunta.

"Daebak! Bahay ba ito? Or mall? "

"Tanga, isa itong five star hotel! HAHAHAHAHA." 

"Kuya."

"Ma'am Rohesia, magandang hapon po."

"Si mommy?" tanong ko dito.

"Kanina pa nga po kayo hinahanap ma'am." agad akong nagtungo sa loob at inaya ang dalawa papasok. Muntik pa akong matalisod sa gulat nang magsalita ng malakas si mommy. Hindi iyon pasigaw ngunit malakas iyon lalo na galing pa sya sa taas.

"Oh Dio Rohesia sei finalmente a casa." (Oh God Rohesia you're finally at home)

"Mamma sono venuti i miei amici." (Mommy, my friends came) agad na natigil sa paglalakad si mommy. 

"OMG Rohesia, mukhang nangangagat yung mama mo."

"Ano raw? Hindi ko maintindihan. Mamma lang naintindihan ko." dinig kong bulungan ng dalawa. 

"Che impressione, hai finalmente portato qui i tuoi amici." (Impressive, you finally brought your friends here.) 

Bumaba ito ng hagdan at ngumiti sa mga kasama ko. 

"It's a pleasure to meet you two. Have they eaten, Rohesia?" umiling ako at dumiretso sa kusina. Inutusan ko si manang na magluto ng makakain para sa amin kaya't naghintay muna kami sa salas bagp napagdesisyunang umakyat sa kwarto ko.

"Aspetta un minuto, Rohesia, Terrence vuole incontrarti di nuovo sabato prossimo."

(Uhm wait a minute, Rohesia, Terrence wants to meet you again next saturday)

"Sì mamma." sagot ko dito at pumasok na ng kuwarto ko. I showed them the place where I always read. My library in short, it is full of books. Romance books, educational and some mystery books I bought since I was a child. Lahat ng libro ko noon ay naitabi ko pa magmula pa noon. 

"Ang hilig mo nga sa libro ano." 

"Oh My God, library nga ng school hindi ko na makayanan, tapos may library kadin dito sa bahay nyo."

"Uhmm, let's watch a movie. Gusto nyo?" 

"Good idea, ayoko pang umuwi!" napangiti ako at agad na sinet ang television na nasa kwarto ko. Inayos ko din ang mga snack na pwede naming kainin habang nanonood. The whole night was one of the happiest night I spent on my entire years of existence with my friends. Hindi ko alam na ganito pala yung mararamdaman ko the moment I have someone I can call as my friend.

Matapos no'n ay napagdesisyunan na din nilang umuwi na dahil naggagabi na din naman. It was 10:30 in the evening and I was already preparing to sleep. I wonder what will be my dream tonight. Who will be the faces who's going to appear at my dream. Kung anong senaryo at kaganapan na naman ba na animo'y makatotohanan ang magaganap sa panaginip ko. Since that day, I always dreamed of some realistic scenario and one of it is when I met Yaela and Yuna. It was still not clear on me. How come they know me when I just met them in my dreams. 

Weird. 

"OMG wear this Rohesia. Ang pretty mo kaya dito." 

"Ayoko nyan, hindi ako sanay sa ganyang damit Yuna." 

"Dali na, pipicturan ka lang namin dali." 

"Okay, fine just this one ah?" then she nodded. Sinunod ko ang gusto niya at isinuot ang dress na pinapasuot nya. Pumwesto ako kung saan nya ako pinapwesto at sinunod ang mga pose na sinasabi nya. Napangiti ako habang nage-enjoy na pinagmamasdan ang dalawa na masayang kumukuha sa akin ng litrato. 

"Hey, can I see it?" 

"Nahh, mamaya na para aesthetic tignan. Pero syempre before that, picture muna tayong tatlo. Matchie kaya mga outfit natin."

"Let's go, set the timer." 

"Okay–aw!" 

"Sorry miss." 

"Hoy kuya tumingin ka kasi sa dinadaanan mo." 

"It's fine Yaela." pigil ko dito. "Yaela wala namang timer ito eh. Paano tayo makakapagpicture nyan." 

"Uhmm, would you mind if I take the pictures? Let's just say it's my apology for bumping to you." 

"Uhmm, sure." hinila ko na si Yaela upang pumwesto sa gilid ko at mapicturan na kami. The guy who bumped to me started taking pictures on us. Ako na nga ang nahiya dahil sinulit naman ng dalawa. Nakailang minuto din nya kaming pinicturan. Buti na nga lang at hindi ito nagreklamo. 

"Pasensya na kuya, nag-enjoy naman masyado yung dalawa." paghingi ko pa ng despensa. "That's fine, nakakatuwa nga kayong tignan eh. By the way, my name is Asnee, and you are?" 

"Rohesia." I took his hand and smiled at him. "It's nice meeting you Miss Rohesia." 

"Hoyy, ano iyon? Nagpapicture lang tayo naging kachika-han mo na kaagad? Aba aba luma-lovelife ang Rohesia namin." 

"Yuna, nag-usap lang lovelife kaagad? Silly girl." 

"Ay sus, magjowa ka na din kasi." inilingan ko na lamang sya at nauna ng naglakad palayo sa kanila. 

"Oyy, nga pala si ate Kelly ang susundo sa atin mamaya." 

"Sino iyon?" tanong ko dito. "Si ate Kelly ang aking buang na pinsan.." 

"Nagsalita ang hindi buang Yaela Mikasa." 

"Tara na hoy!"

* * *

"Thanks sa paghatid ate Kells!" 

"You are always welcome, Barbie girl." 

"Barbie girl amputcha. Pasok ka na nga sa five star hotel nyo Rohesia. Mananakaw ka pa dito sa labas. Babye mwuapps!" napailing na lang ako at tatawa-tawang pumasok ng bahay namin. 

" OH GOD ROHESIA YOU ARE FREAKING ASLEEP FOR 8 HOURS STRAIGHT, HINDI MO BA ALAM NA GABI ANG PAGTULOG AT HINDI UMAGA?! "

" Mi dispiace mamma. " kinusot ko ang mga mata ko at dahan-dahang tumayo. Kaya pala ang daming naganap sa panaginip ko, I am asleep for 8 hours and for all those hours I spent, I am having a good day in my dreams. I even meet new people and faces. I met Yaela's elder cousin which is ate Kells. And, that guy who took a picture of us.

Asnee

"Your friends are waiting for you outside, oh dio Rohesia! Sei così pigro!!"

"I'm sorry mamma, wait a minute." I quickly took a bath and fixed myself. Matapos no'n ay agad na akong bumaba ngunit sa gulat ko ay muntik na akong madapa. Ate Kelly is here? 

"Hi barbie girl." 

"Ate Kells?" gulat na tanong ko. "Luh, ito na naman sya. Nakakakita ka na naman ba ng multo?" ani ni Yuna. 

"N-No…" 

"Hey, ang pretty ng bagong gising na ito. You guys have gala daw?" 

"Yes po." 

"That's good, sasama ako dahil wala naman akong gagawin sa bahay." 

"Let's go guys.'' It feels like dejavu for me. Hindi ko maiwasang hindi mamangha. I met people in my dreams that turned out to be someone who really knew me in reality. How come? I am meeting new people in my dreams and they did know me talaga. I mean, it was all a freaking dream! 

" Isn't he the guy we met? The one who took a picture of us?" 

"Asnee?" gulat na tugon ko at tinitigan ang lalaking naglalakad patungo sa direksyon namin. Nakakunot ang mga noo at akala mo ay pinagsakluban ng langit at lupa. 

"Uhmm, you are the guy who took a picture of us right?" tanong ni Yuna. 

"Huh? What are you talking about? I don't know who you are." 

"Asnee, your name is Asnee right?" sambit ko. " How did you know my name Miss?" agad akong napatigil at napaisip. Hindi nya ba ako naalala? 

But all the people who appeared on my dreams seems to know me well. Yaela and Yuna and Ate Kells knew me kahit pa kapwa ko sila nakilala lang dahil sa panaginip ko. 

But this guy... 

" You told me your name the last we met. Uhm, hindi mo ba ako naaalala? Rohesia..."

"I'm sorry but I don't know you, can you please let me leave because I'm quite busy." sambit nito at agad na umalis. 

"Ang sungit, akala mo kung sino. Parang noong kailan lang eh yung ngiti abot ng tenga nya." 

"Baka hindi sya iyon?" 

"No, Asnee's his name. He told me that, when you caught me talking to him that day." 

"Ano, hindi nya tayo naalala? Eh sya pa nga nag the moves sa iyo." 

"I don't know..." agad akong napaisip at nagtaka. Hindi ko maintindihan ang nangyayari. There is always a conflict with my dream and this one seems so different. 

Hindi nya ako kilala dito at iyon lang ang malinaw sa akin ngayon.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status