Share

Chapter 1

Paggising ko pa lang ay nilista ko na sa utak ko ang mga pwede kong gawin ngayong araw dito sa Belleza Eterna. Dalawang linggo na akong nandito pero wala pa rin akong makabuluhan na pinagkaka-abalahan. Kung hindi man matulog, kumain, kausapin ang boyfriend ko through video call, mag-work out, wala na akong iba pang pwedeng gawin. Ni maglakad sa tabing-dagat ay hindi ko gustong gawin. Dito lang ako palagi sa mansion.

Lumangoy sa dagat? Maglayag papuntang kabilang isla? Naisip ko na baka pwede ko naman bisitahin ang isla na nabili ni Dad. But how will I get there? May mga bangkero naman siguro na pwede akong ihatid doon? Hindi muna siguro sa ngayon.

Mabuti na lang at maganda ang disenyo ng mansiyon. Kahit papaano ay nakakakita pa rin ako ng magandang tanawin. Our mansion was substantial and modern stylish. The windows were high ground-floor and well lighted. The roof was rectangular flat. There was also a huge and open-air swimming pool. Around the pool was a grassy area dotted with pine trees. All over the mansion, there were polished concrete paths, a paved outdoor area and flowerpots. But I think it needs a bit renovation. I should talk to Dad about it.

Tinanaw ko ang dagat mula rito sa balkonahe ng aking kwarto. Punung-puno ng misteryo. Ang lawak ng dagat. Tila walang katapusan. Paano ba nabubuhay ang mga tao rito? Hindi ba sila nagsasawang makita ang pagsikat ng araw at ang paglubog nito? At ang amoy ng karagatan? Hindi ba sila nagsasawa sa ganoon?

Or maybe they always feel a little bit smug. After all, they get to live somewhere that people yearn to visit every year. But I'm not one of those people. Ang mga taong mahilig sa dagat lang ang tinutukoy ko. They have seen Belleza Eterna at its calmest best and at its roughest worst. At naiintindihan nila ang kahalagahan ng pagbibigay proteksiyon dito. How I wish I could love this place as much as they do.

Bakit hindi ko magawang matuwa sa lugar na ito? Kung hindi ka naman talaga mahilig sa dagat, wala talagang dating sa 'yo ang Belleza Eterna. At ganoon ako. Nakakamangha man ang maputi at pinung-pino nitong buhangin, ang makintab at asul na tubig, ang mga rock formations, ang mga maliliit na isla sa hindi kalayuan, wala pa rin dating sa akin. Maybe I should learn how to swim so that I could enjoy my stay here? Pagkatapos ano? Buong dalawang buwan akong lalangoy habang walang pasok?

Bumaba ako para mag-almusal. Binati ko ang mga kasambahay na naroon. Sina Manang Fely at ang dalawang kasambahay na taga-rito sa Belleza Eterna. Sila rin ang nag-asikaso sa amin noong nagbakasyon kami rito. Iyong isang kasambahay na umalis ay may kapalit at ngayon daw darating.

"Good morning, Ma'am Talianna. Sana ganiyan din ako kaganda tuwing umaga."

Ngumiti ako kay Manang Lusing at binati rin siya pabalik bago maupo. Naghanda sila ng bacon, french toast, sausage at garlic rice. Nilapag ni Manang Fely ang green tea sa aking harapan. Nagpasalamat ako bago sumimsim sa tasa.

"Ang daddy mo, Talianna?" Untag niya habang naglalagay ng garlic rice sa aking pinggan.

"Tulog pa po yata." I shrugged while slicing the french toast.

"Ah, ganoon ba? Anong gagawin mo sa araw na ito? Alam kong maiinip ka na naman. Maganda siguro kung mag-aral ka kung paano lumangoy," aniya na tila ba malaking problema iyon. Tama naman. Malaking problema nga iyon. I really need to learn how to swim. I'll be staying here for God knows how long. If I'm being surrounded by sea, the first thing that I must know is to learn the basic techniques in swimming so that I can save myself. Wala naman akong friends dito na pwedeng sumagip sa akin. But I'll think about that.

I decided to go for a walk after eating breakfast. Suot ko ang isang puting summer dress. Sa ganitong puro dagat ang nakikita, tingin ko ay itong mga bestida ko lang ang nababagay para sa lugar na ito.

Nahagip ng tingin ko ang isang bulto na abala sa pag-gupit ng mga halaman sa aming hardin. Pinagkibit-balikat ko iyon at nagpatuloy sa paglalakad.

"Magandang umaga, senyorita!" Dinig kong bati ng isang malamig na boses.

Natigilan ako at napalingon sa banda niya. He was smirking at me at may hawak na grass cutter. He was wearing a white t-shirt and gray shorts. Kumunot ang noo ko. He was quite familiar. Saan ko nga ba ito nakita?

"Morning, “ bati ko bago siya tinalikuran. Nakakailang hakbang pa lang ako nang matigilan ulit. Nagpasya akong balikan ang lalaking iyon. Pamilyar siya at hindi ako matatahimik hangga't hindi ko nalalaman kung saan ko ba nakita ang mukhang iyon.

Isang sulyap ang binigay niya sa akin nang makita akong bumalik. Tuluyan siyang tumigil sa ginagawa nang mapansin sigurong sakaniya ako patungo.

"Saan nga ba tayo nagkita?" Bungad ko.

Nagtaas siya ng kilay at ngumuso.

Those green eyes. How the hell did he get those? Hindi ito patas! I've always wanted to have green eyes! Or maybe he was just wearing a contacts?

Siya nga. Iyong mangingisda noong nakaraang linggo.

"Hindi ko alam. Nagkita na ba tayo noon?" Tumaas ang kaniyang kilay.

Umirap ako. "Nevermind."

Humalukipkip ako at tinanaw ang hawak niyang grass cutter.

"Bakit ka naggu-gupit diyan? Alam ba ni Dad na nandito ka?"

Bahagyang namilog ang mga mata niya. Lumawak ang kaniyang ngiti. His green eyes twinkled in amusement as if he knew something I didn't.

"Oo naman, 'no. Hindi ako papasok dito nang walang pahintulot ng may-ari." Nahimigan ko ang kung ano sa tono niya. He sounded amused with a hint of sarcasm.

Ngumuso ako habang nakatitig sakaniya. I can't help it. His eyes. They were so beautiful to stare at. I wish I had those. Hindi ko mapigilang makaramdam ng iritasyon sakaniya. Naiirita ako dahil ganoon na ang mga mata niya habang ako ay habang buhay na mangangarap na magkaroon ng ganoon.

His smirk faded when he probably noticed that I was staring at him for too long. Nagtaas ako ng kilay sakaniya.

"Totoo ba iyang mga mata mo?" Maarte kong sinabi. Muli niyang hinarap ang mga halaman at nagsimulang maggupit bago ako sinagot.

"Tunay iyan." Hindi ko alam kung nagyayabang ba ang tono niya o sadyang malamig lang talaga ang boses.

"I don't believe you. You're just wearing contacts, aren't you? Imposibleng ang isang mangingisda ay may berdeng mga mata."

Natigilan siya at nakangisi nang sumulyap sa akin.

"Anong imposible roon? Naiinggit ka ba sa mga mata ko? Pasensiya na. Hindi ko naman ito hiniling. Pinagkaloob lang," he shrugged.

Umirap ako. "I'm not. Ang kapal mo naman para sabihing naiinggit ako," saad ko kahit na totoong naiinggit talaga ako!

He bit his lower lip, suppressing his smirk. Ilang sandali siyang tumitig sa akin.

"Huwag mong masyadong pinapaikot ang mga mata mo. Baka malaglag nalang bigla," aniya bago binalik ang atensiyon sa ginagawa.

Inirapan ko muli siya at ang mga halaman.

"Ayusin mo iyan. Kundi isusumbong kita kay Dad."

"Opo, senyorita. Makakaasa kayo," balewala niyang sinabi.

"I'm serious," mariin kong sinabi, unti-unting napipikon.

Sumulyap siya sa akin.

"Inaayos ko naman. Hindi ba ito maayos para sa'yo?" Inosente pa niyang sambit. Nakakairita itong hardinerong mangingisda na ito! Saan ba nila ito napulot? Does he think he's cute? He's not!

Hindi talaga! Maganda lang ang mga mata ng mangingisdang iyan!

"By the looks of it?" Sinimangutan ko siya. "Yes! Hindi pantay ang pagkakagupit mo. Ayusin mo nga!"

Kumunot ang noo niya. "Hindi maayos? Alam mo ba kung paano ito? Sige nga, senyorita. Sampolan mo nga," aniya sa tonong nanghahamon.

"Why would I? Trabaho mo iyan. Bakit mo ipapagawa sa akin?" Tumaas na ang boses ko.

The nerve of this fisherman!

"Hindi ko pinapagawa. Tss." Nilingon niyang muli ang mga halaman. "Ang dali mong mairita," bulong niya sa huling sinabi.

"What?" Singhal ko.

"Ang sabi ko, kumalma ka. Pikon ka masyado," marahan niyang sinabi nang hindi ako tinitignan, abala lang sa ginagawa.

"Simply because nakakairita ka. Hindi ba mangingisda ka? Bakit hardinero ka ngayon?"

Tinignan niya ako na tila ba may mali sa aking sinabi. Mas lalo akong sumimangot sakaniya.

"Hindi ba pwede iyon? Madali lang naman ang maggupit. Hindi ka ba marunong nito, senyorita?" Seryoso ang kaniyang tono.

"Whatever. Ayusin mo iyan! Ipapakain ko sa 'yo ang mga halaman kapag nakita kong palpak ang trabaho mo." Umirap ako at tinalikuran na siya. Isang beses ko siyang nilingon at huling-huli ko ang pagma-make face niya sa akin. Nanlaki ang mga mata niya at mabilis na umiwas ng tingin, natatawa pa!

I gritted my teeth. Padabog ang bawat hakbang ko palayo. Nakakairita siya! Porket berde ang mga mata niya?! Akala ba niya namamangha ako?!

Pumasok na lang muli ako sa mansiyon. Naudlot na ang kagustuhan kong maglakad sa dalampasigan. Tatawagan ko na lang si Davien! Kung sana ay marunong akong mag-surfing. Maybe I could add that to my to-do list here in Belleza Eterna. How to surf.

Pagpasok ko ay nakasalubong ko si Manang Fely na may bitbit na tray. Orange juice at sandwich.

"Saan mo po dadalhin iyan, Manang? May bisita po kayo?" Untag ko.

"Ah, kay Nabrel. Sandali lang. Ihahatid ko lang sakaniya. Hinahanap ka ng daddy mo, Talianna. Nasa dining."

Kumunot ang noo ko. I tilted my head. "Nabrel?"

"Iyong hardinerong nasa labas. Nagkakilala na ba kayo?"

Ngumuso ako at ilang sandaling tumitig kay Manang. "Nope. Sige po. Ihatid niyo na sakaniya iyan," tugon ko bago nagpatuloy sa paglalakad.

Pinuntahan ko si Dad sa dining area. Abala na naman siya sa mga dokumento. I wonder kung magiging ganito rin ako sa panahong ako na ang may hawak ng La Domus?

"How's your morning, princess? Do you have any plans for today?"

"I don't know, Dad," walang gana kong tugon habang kinukuha ang mga sangkap sa fridge. I'm gonna make a super fruit smoothie. Kahapon ay nagpabili na ako ng mga sangkap para rito dahil ito lang din naman ang hilig kong inumin. Cherries, kiwi, almond milk at chia seeds lang ang mga kailangan.

"Lumabas ka. Marami kang ka-edad na mga residente riyan. It's a bit far from here. Kaibiganin mo sila. Then you can invite them to sleepover here nang hindi ka naman mainip. Pansin ko na palagi ka lang narito sa mansyon."

Umirap ako. He wouldn't see that dahil nakatalikod naman ako sakaniya.

Paano ako makikipag-kaibigan sa mga tao rito kung ni hindi nila ako matignan man lang? Parang mga takot pa! Noong isang araw, lumabas ako para kahit papaano naman ay makalanghap ng sariwang hangin. I tried to approach this particular girl same my age but she didn't even bother to open her mouth. Tumango lang siya sa tanong kong "taga-rito ka?" and then she left! Sinigurado ko naman na mukha akong approachable noong kinausap ko siya. She didn't appreciate that!

"I'm fine here po, Dad. Mas gusto ko po rito sa mansyon. Tsaka na po ako makikipag-socialize kapag pasukan na. Sa mga kaklase ko nalang," I said weakly. Ni hindi ako makaramdam ng pagkasabik sa pasukan.

"Okay. Just tell me if you need anything," my dad said.

I didn't answer him. Natulala na lamang ako sa blender habang pinapanood ang pagsasama ng mga sangkap doon. Three servings ang nagawa ko. Ang isa ay akma ko nang ilalapag sa harapan ni Dad nang pigilan niya ako.

"Sa iba nalang. I'm fine, princess. I'm sure Manang Fely will love that. Natikman ko na iyan noon, hindi ba?" He smiled gently.

I sighed and nodded. "Fine." Kinuha ko muli ang baso at tinabi muna iyon. Noong pinatikim ko ang smoothie kay Manang noon, hindi niya rin nagustuhan.

Hinintay ko ang pagpasok ni Manang Fely sa dining area at inalok sakaniya ang ginawa kong smoothie.

"Sa 'yo po iyan, Manang. Naparami po kasi 'yong nailagay kong sangkap." Ngumiti ako.

Kumunot ang noo niya habang sinusuri ang smoothie. "Ayoko niyan. Hindi ko gusto ang lasa, Talianna." Umiling siya at halos itulak palayo ang baso.

I knew it.

"Okay. Itapon niyo na lang po iyan, Manang. Hindi ko rin naman iyan mauubos." Humina ang boses ko.

"Ay!" Kinuha niya muli ang baso. "Kay Nabrel na lang. Baka magustuhan niya ito. Sige. Sandali lang, ah? Ihahatid ko lang sakaniya," aniya bago tumulak palabas ng dining area.

I just shrugged. Dinala ko ang smoothie sa living room. Binuksan ko ang TV at pumili ng pelikula. Nang may matipuhan, inabala ko na lang ang sarili sa panonood.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status