Share

Special Chapter 10

Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. 

"Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik."

Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. 

Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang.

Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. 

"Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status