Nasa kalagitnaan ako ng mabigat na eksena nang may pumukaw ng atensiyon ko.
Manang Fely showed up with this unfamiliar girl beside her. The first thing I noticed about her was her tanned skin. I suddenly felt insecure again. I badly want a skin tone like hers. Iyong tulad rin ng kay Vicky! Iyong tulad ng mga nandito sa Belleza Eterna! I feel so out of place because of my white skin. Para akong naligaw lang! Well, totoo namang naligaw lang ako rito. Niligaw lang ako ng tatay ko.
"Talianna, may bago tayong kasambahay," anunsiyo ni Manang Fely. Umayos ako ng upo at ngumiti sa dalaga. She was wearing a simple white shirt tucked in her high-waisted jeans. She has a straight jet black hair. Her smile made her more beautiful. She was tall, taller than me.
I stood up and I smiled at her. She looked friendly.
"Magandang umaga po, Ma'am. Ako po si Blair. Taga-riyan lang din ako. May sakit po si Nanay kaya ako po ang papalit sakaniya," aniya habang nakangiti.
"Anak siya ni Edna, Talianna," si Manang Fely.
Tumango ako. "Ganoon po ba? Nasa dining area pa si Dad. Ipakilala niyo siya."
I went back to watching the movie. Habang nanonood ay nahagip ng paningin ko ang pagpasok ng mangingisda. What's his name again?
"Senyorita," seryoso niyang sinabi habang papalapit.
Why the hell is he calling me that? It sounds so weird! Tingin niya ba nasa 80's pa siya?
Nagtaas ako ng kilay habang sinusuyod siya ng tingin. Nanatili akong nakaupo. He was really tall. Nakakahiyang tumabi sakaniya. Kitang-kita kung gaano ako kaliit.
"What?"
Huminto siya at hinaplos ang kaniyang buhok. Nakatingin siya sa kung saan. Sinundan iyon ng mga mata ko. Nakita ko si Blair na papalapit habang nakangiti kay fisherman. Tumango siya rito bago muling tumingin sa akin.
"Magpapaalam lang sana ako sainyo. Tapos na ang trabaho ko. Si Sir Lavino?"
"Dining area," tugon ko at bumaling ulit sa pinapanood.
"Sige. Pupuntahan ko lang, Senyorita. Magpapalam ako." Dinig kong sinabi niya ngunit hindi ko na nilingon pa. Tumango na lamang ako hanggang sa makita ko sa gilid ng aking mga mata na naglakad na sila palayo.
"Pinuntahan kita sainyo pero maaga ka raw nagpunta rito sabi ni Senyel. Hindi ka man lang nag-text," boses ni Blair.
"Pasensya na, Blair. Nawala sa isip ko. Kamusta si Tita Edna? Bibisita ako mamaya," si fisherman.
Hindi na klaro sa pandinig ko ang sagot ni Blair dahil tuluyan na silang nakalayo.
Umangat ang kilay ko. Nilingon ko sila hanggang sa makapasok sila sa dining area. Sila ba? Hmmm. Obviously.
Isang kasambahay at mangingisda. What a perfect couple we have here, huh. Baka naman maglandian lang sila imbes na magtrabaho rito? Hindi naman yata madalas dito iyong mangingisda. Hardinero siya rito. Hindi naman pwedeng araw-araw siyang maggupit ng mga halaman. Makakalbo ang hardin namin!
Tutok ako sa pinapanood nang marinig ko ang boses ng mangingisdang iyon.
"Senyorita."
Ano bang pangalan niya? I'm sure it starts with letter N. Naruto?
I raised an eyebrow at him nang tumayo siya sa gilid ng sofang inuupuan ko.
"Masarap iyong smoothie. Salamat nga pala roon. Mukhang mahilig ka sa masustansiyang inumin." He smiled gently. Kitang-kita ko ang pagsayaw ng berde niyang mga mata. Naiirita talaga ako sa tuwing nakikita ko ang mga iyon. Parang pinapamukha sa akin na kahit kailan hindi ako magkakaroon ng ganoon.
This fisherman is indeed lucky to have those! I even searched about it and I found out that green eye color is the rarest color around the world and it is estimated that only around two percent of the world's population have green eyes! Can you believe it? Kabilang siya sa dalawang porsiyentong iyon!
Nagkibit-balikat ako at nilingon ulit ang TV. "Yeah. No problem," I said lazily without looking at him.
"Sa susunod, bawasan mo ng chia seeds. Para akong lumulunok ng buhangin."
Iritado ko siyang nilingon. Seryoso lamang ang kaniyang mukha at tila hindi naisip na nakaka-offend ang kaniyang sinabi.
"Bakit? Hindi ka ba sanay lumunok ng buhangin? Sa dami ng buhangin dito sa lugar niyo." Umikot ang mga mata ko sa sobrang pagkairita. I don't even know why I'm talking to this green eyed fisherman!
"Kahit gaano pa karami ang buhangin dito, hindi ko susubukang lunukin iyon. Kahit gaano pa iyon kapino," seryoso niyang sinabi ngunit kitang-kita ko ang amusement sakaniyang mga mata. He's making fun of me and it seems that he's enjoying it!
"You know what?ā Pumikit ako nang mariin. "Whatever! Just leave! You're so annoying," nanggigigil kong sambit.
Ngumuso siya at nag-angat ng kilay. "Pasensiya na. Sige. Una na ako." Bahagya siyang ngumiti bago tumalikod at tuluyan nang naglakad palabas.
Sa hapunan, I tried to cook adobo. Nakikita ko kasi kay Manang Fely na madali lang lutuin iyon. Kaya sinubukan ko para naman maging makabuluhan ang araw na ito. Nag-search ako ng recipe para mas maging sigurado ang bawat ginagawa ko.
"Sigurado ka ba, Talianna? Jusko. Ni hindi ka nga marunong mag-prito ng itlog," komento ni Manang Fely nang makitang determinado akong magluto. Pinahanda ko sakaniya ang mga sangkap.
"Manang, hindi po ako matututong magluto kung hindi ko sisimulang matutunan kung paano," makabuluhan kong sinabi.
Nagkamot siya at hindi na nagsalita pa. Napangiti ako.
"Marunong ka bang maghiwa niyan?" nag-aalala ang kaniyang boses nang makitang binabalatan ko ang sibuyas. I lazily rolled my eyes.
"Nanood na po ako ng tutorial nito, Manang. Kayang-kaya ko ito. Just watch me, okay? And please, refrain yourself from saying any offensive words. I'm not stupid, Manang."
Ngunit hindi pala talaga ganoon kadali. Sa paghihiwa pa lang ng sibuyas, tagaktak na ang pawis ko. Sumisinghot na ako at lumuluha na ang mga mata ko.
"Manang, it hurts. I can't do this." Binitawan ko ang kitchen knife at tuluyan nang nilubayan ang makasalanang sibuyas na iyon. I should have worn an eye protector glasses!
Inabot sa akin ni Blair ang kahon ng tissue. Dumukot ako mula roon at tinuyo ang mga mata. Ngunit parang mas lumalala lang ang hapdi bawat segundo. Hindi ko na talaga mapigilang tuluyang maiyak sa sobrang hapdi.
"Bakit ganoon? That's the worst vegetable! I swear! Never na ako maghihiwa niyan!" I cried out.
Umupo na lang ako at umiyak. Ngunit sila naman ay natatawa lang! I can't believe they find this funny!
"Pulang-pula ang ilong mo, Ma'am." Humagikgik si Manang Lusing.
"It's not funny, Manang. Ang hapdi kaya! Hindi ba kayo napapaiyak ng sibuyas?" I glared at her.
"Hindi! Kasi naman kinusot mo ang mata mo habang naghihiwa! Buang!"
Natatawa pa rin niyang sinabi.
Hinayaan ko si Manang Fely na ipagpatuloy ang paghihiwa sa mga sangkap. Hinintay kong kumalma ang mga mata ko at nang hindi na mahapdi, tumayo muli ako at pinagpatuloy ang pagluluto.
Pinapanood nila ang bawat kilos ko na para bang nag-aabang ng maling galaw. Humahaba pa ang leeg ni Manang Fely habang naghuhugas ng mga pinggan masilip lang ang ginagawa ko.
Nakangiti ako habang pinapanood si Manang Fely na tikman ang sabaw ng adobo ko. Nabura lang iyon nang makita ko kung paano siya ngumiwi.
"Napakaalat, Talianna," komento niya habang nakangiwi. Mabilis siyang kumuha ng tubig at nilagok iyon.
Bumagsak ang balikat ko habang nakatanaw sa kumukulong sabaw. Tinikman ko rin iyon at hindi nga talaga nagbibiro si Manang Fely. I don't think it's edible!
"Dagdagan mo ng tubig tapos hayaan mong kumulo at pagkatapos ay tikman mo ulit." Manang Fely suggested and I immediately did that.
Nang kumulo iyon ay tinawag ko si Blair na abalang nagpupunas ng mga pinggang kanilang hinugasan kanina. She was wearing the maid's uniform. Of course! Kasambahay siya rito at dapat lang na ganoon ang isuot niya. Ako lang ang may karapatang magsuot ng white maxi dress sa mansiyon.
"Blair, ikaw naman ang tumikim nito. Pasado na siguro ito ngayon." I smiled at her.
She licked her lips after tasting it. Kunot ang kaniyang noo at tila pinag-iisipan ang dapat sabihin.
"How's it?" I asked cheerfully.
"Ayos na, Ma'am Talianna. Lasang adobo na rin naman." She shrugged.
"Ano bang lasa kanina, Blair?" Natatawang singit ni Manang Fely. Pinanliitan ko siya ng mga mata.
Ngumiti lamang si Blair kay Manang Fely.
"Really? Ayos na? Ayos lang? But I want it to be perfect! Ano pa ba sa tingin mo ang kulang?"
"Ayos naman siya. Mape-perfect mo rin iyan. Practice lang nang practice, Ma'am. Kung gusto mo, tuturuan kitang magluto ng iba't ibang putahe." She smiled.
She knows how to cook then? Iba't ibang putahe pa talaga! Ni hindi ko nga makuha ang perpektong hulma ng fried egg. I don't know what's gotten into me at naglakas loob akong lutuin ang adobo. Probably boredom.
"What dishes do you cook then? I want to learn the kare-kare."
She nodded. Malapad ang kaniyang ngiti.
"Kayang-kaya. Madali lang lutuin ang kare-kare. Paborito iyon ni Nabrel kaya madalas ko siyang ipagluto ng ganoon."
Pinanood ko kung paano kuminang ang kaniyang mga mata. Para bang tuwang-tuwa siya sa sinabi.
"Really?" I said, not really interested. Tumalikod ako upang takpan ang adobo. Nilanghap ko ang amoy niyon bago tuluyang takpan.
"Opo. Kailan kita tuturuan, Ma'am?" She asked.
"I don't know yet. Kapag naisipan ko na." I shrugged.
"Pwedeng bukas din, Ma'am. Nandito si Nabrel bukas at pwedeng siya na rin ang manghuhusga sa luto mo tutal paborito niya iyon," aniya.
Kumunot ang noo ko. "Bakit? Maggugupit na naman siya ng mga halaman sa hardin?"
"Siya kasi ang kinausap ng daddy niyo para i-tour ka rito sa Belleza Eterna. Inip na inip ka raw po kasi."
Ngumuso ako. Tour? I think it's much better than to sleep all day. Hindi na rin masama.
"Nami-miss ko na ngang mag-beach. Buti ka pa nandiyan." Ngumuso si Vicky. We've been talking for almost two hours. Pagkatapos kong mag-almusal ay tinawagan ko siya. I envy her! She's in Alaska now! Doon siya nag-summer vacation with her family. I could see from the screen that she was wearing a pink coat and white scarf. Habang ako nandito, napapalibutan ng karagatan, suot ang isang silk night gown. Isang nakakainip na araw na naman. Mamayang alas singko ng hapon pa lang naman ang "tour" ko with that fisherman named Nabrel. I admit it. I'm quite excited. Nakapaglibot na ako rito sa Belleza Eterna noong bakasyon namin dito pero siyempre, matagal-tagal na rin iyon. "Kung pwede lang magpalit tayo. Ako riyan sa Alaska. Ikaw dito sa dagat na ito." Inirapan ko ang dagat na nagsisilbing tanawin mula rito sa aking balkonahe. "I would love that. Ayaw ko rin namang sumama rito. Kaso syempre si Dad." She sighed. She fixed her thick eyeglass
Nakahalukipkip ako sa gilid habang hinihintay ang pag-aayos ni Nabrel sa bangka na aming sasakyan patungo sa isla namin. Wearing a deep sky blue flowy maxi dress with my white large brim fedora and Toga Pulla white sandals, I looked like a tourist here in Belleza Eterna. Dala ko ang cellphone at camera ko. Magvi-video call kami ni Davien mamaya upang ipakita sakaniya ang mga magagandang lugar na pupuntahan namin. I'm sure he'll be happy to see it. May mga dumadaan na bumabati sakaniya at tinatanguan niya ang mga iyon. Ang ilan ay kinakausap niya at nakikipagtawanan pa. Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong napairap. Para siyang kumakandidato dahil sa rami ng mga nakakapansin at nakakakilala sakaniya. "Uy! Bebot! Mukhang amerikana, pare." Dinig kong boses sa gilid. "Tawagin mo. Laki ng sumbrero, ah. 'Di kaya liparin iyan?" "Turista siguro iyan. Baka inglisera!" "Nabrel! Kilala mo?" Nilingon ko ang dalawang madudungis na lalaki. I
Tanging ang tunog ng makina ng bangka ang maririnig. Si Nabrel ay nakaupo sa dulo ng bangka, nakatalikod sa akin. Ako naman ay abala sa pagkuha ng magagandang larawan gamit ang camera. Belleza Eterna is indeed a beautiful place. Its beauty is undeniable and eternal. It is easy for everyone to find peace and beauty on this place. The alluring beauty of it highlighted more by the seawater that encircling it which can fascinate connoisseurs with its very bright crystal clear water and well developed barrier reefs. I could see the slender and straight palm trees, forest overgrown hills. Rogue waves crashing against the rocks created its breathtaking beauty. The infinite ocean that seems to blend with the horizon is very engrossing. Nabrel is very lucky to live in this kind of beautiful place. He must be really proud of this. Pinindot ko ang camera habang nakatutok iyon sakaniyang direksiyon. The view was his back and the ocean. N
Hanggang sa makabalik kami sa dalampasigan ay iritado pa rin ako. Lumubog na ang araw ngunit may liwanag pa rin. Nauna siyang bumaba sa bangka at ako naman ay nanatiling nakaupo, nakahalukipkip at matalim ang tingin sakaniya. He offered his hand but I refused it. "Don't touch me!" Agresibo akong umiwas. Nagbuga siya ng hangin at binaba ang kaniyang kamay. Hinaplos niya ang buhok niya, tila nafru-frustrate na sa nangyayari. "Talianna, bumaba ka na," mariin niyang sinabi. Patuloy akong nagmatigas. Gusto kong mapikon siya sa akin. Gusto kong makita kung paano mapikon ang isang Nabrel Trenuver. Hindi pwedeng palaging ako na lang ang talo rito! "Hindi ako bababa rito hangga't hindi ko nakikita ang sunglasses ko! You have to find it. Kapag hindi mo nahanap, you will have to pay for it!" Nalaglag ang kaniyang panga. "Ano? Binato mo sa gitna ng karagatan, Talianna. Umaasa ka pang makikita mo iyon?" Aniya s
My dad will be gone for two weeks. Nagising ako kanina dahil sa tawag niya. Wala naman pagbabago kung narito man siya o wala. Palaging trabaho lang ang kaniyang kaharap. Mga papeles at ang kaniyang laptop. Last time, I asked him to swim with me sa pool para naman kahit papaano ay makapagpahinga mula sa trabaho ngunit tumanggi lang siya. Mas gugustuhin niya pang mangisda! It was Wednesday morning. Napagdesisyunan kong magbabad sa pool. Magbabad lang, hindi lumangoy. Kanina ay naisip kong sa dagat na lang maligo ngunit nagbago ang isip ko. Dito na lang sa pool tutal ay magbababad lang naman. "Manang, please prepare me a fresh apple juice? Sa pool lang po ako," bilin ko kay Manang Lusing na naabutan kong palakad-lakad sa living room. "Iyon lang ba, Ma'am?" Aniya na tinanguan ko. I was wearing an olive green two piece swimsuit. Pinatungan ko ito ng black lace cover up. Sa dining area ako dumaan dahil mas malapit doon ang pool area. Pagbukas mo ng sl
Umalis din si Nabrel nang matapos ang kaniyang trabaho sa hardin. Pinaabot ko kay Manang Fely ang damit at shorts sakaniya. Bumaba ako upang puntahan sana si Nabrel ngunit nakaalis na raw. "O-Okay. Iyong uhm, bayad. Hindi niya kinuha," wika ko sa maliit na boses. "Ahh. Wala naman siyang nabanggit na may kukunin siyang bayad sa 'yo. Tsaka nagmamadali. May trabaho pa kasi siya," si Manang Lusing. Kinagat ko ang labi ko at tipid na tumango. Nang mag-lunch time, nasa balkonahe lang ako at kausap si Davien. "Ilang araw ka mags-stay dito? HmmMga one month?" Ngumuso ako. He laughed. "Silly. I can't stay for that long, babe. Nakiusap lang ako kay Dad. I'm gonna stay there for three days. How's that sound?" "Three days lang? Babe! Sobrang bilis niyon! Hindi mo man lang pinaabot ng isang linggo." Dismayado ang boses ko. "Don't worry. May susunod pa naman." Kumunot ang noo ko nang may mari
"Are you out of your mind, Taliyah Lavianna?!" Gulantang na sigaw ni Vicky nang isa-isahin ko sakaniya ang nangyari. Nag-usap kami ni Davien. And... I gave him another chance. I love him. I think that's enough reason for me to forgive him. Being in a relationship with him for a year now is quite long. He flew all the way from Manila upang kausapin lang ako. Napaaga ang dating niya rito dahil sa nangyari. Nasa guestroom ngayon si Davien at marahil ay tulog pa. It's still 5 am. Pagkatapos ng pag-uusap namin kanina, hindi ko na magawang matulog ulit. "Vicky, why can't you just be happy for me? You know how much I love him. Everyone deserves a second chance." I sighed and brushed my hair with my fingers. Maging ako man ay napangiwi sa huling sinabi. "Gasgas na ang linyang iyan, Talianna. Tanga ka lang talaga!" Nanlaki ang mga mata ko sakaniyang paratang. She doesn't usually talk like this not unless sagad na ang kaniyang pasensiy
Halos mapatalon ako sa gulat nang makita sa tabi ko si Davien. Seryoso lamang siyang nakatingin sa aming harapan, kay Nabrel. "What are you doing here, babe? Who's this guy you're talking to?" Malamig ang kaniyang boses. He kissed my hair. Humigpit ang kaniyang braso sa akin. Nilingon ko si Nabrel. Umigting ang kaniyang panga habang nakatitig sa akin. Bumuka ang aking bibig ngunit nag-iwas na siya ng tingin. Sumikip ang aking dibdib. There was something in my heart. Something strange and heavy. I felt like it was being squeezed. I swallowed the lump in my throat. Pinanood ko siyang tahimik na inaangat ang mga balde, hindi na lumingon pa sa akin. Pumikit ako nang mariin at inalis ang braso ni Davien sa aking baywang. I tried to smile at him. Nakakunot lamang ang kaniyang noo. I noticed that he was wearing a white button down shirt and khaki shorts. Baklas ang tatlong butones niyon. Nasa ulo niya ang kaniyang aviators.&nb