Taliyah Lavianna Monselorette is a pampered teenage girl who exhibits behavioral problems from being overindulged by her parents. She was never satisfied with what she has and basically complains about everything. But as for her lovelife, she could say that everything is perfect. Talianna has a loving boyfriend that any woman would wish to have. She loves Davien more than anything. Despite of Davien's shortcomings, Talianna accepts everything about him just so he would never leave her. But she never thought that everything would change when she stepped on the white sands of Belleza Eterna. She never liked the province. But because of her father's command, she was left with no choice but to obey him and that is to continue her study in Belleza Eterna as a form of punishment. Talianna never thought that there's more to discover in the province. She realized that when she met the fisherman with a strange green eyes named Nabrel Trenuver. But Talianna finds him rude and rough because of his intimidating aura. Aside from that, she hates poverty-stricken people. She would never want to be connected with anyone who's not in her level, and Nabrel is definitely not an exemption.
View More“Hey, babe,” bungad ko. Muli akong sumandal sa couch at pumikit.
“Hey, what’s up? Nakauwi ka na ba? Hindi ka sumasagot kanina,” his voice was deep and cold as usual.
“Hmm. I just got home. I’m sorry. Pagod lang. Where are you?”
“Papunta ako sainyo. I bought you tteokbokki and gimbap. Syempre hindi ko pwedeng kalimutan ang persian pavlova.” Ramdam ko ang ngiti niya sakaniyang tono.
I can’t help but smile. God, he’s really the best.
“Really?” Malambing kong sinabi.
“Of course. Wait for me, babe. Malapit na ako. I think ten minutes?”
“Okay.”
“Alright. I love you,” marahan niyang sinabi.
“I love you too.”
Pagkatapos ng tawag ay nanatili lamang ako sa couch hanggang sa dumating siya. Wearing a black polo shirt and dark denim jeans, he looked really handsome.
His hair is the colour of sun-bleached wood. Davien De Loughrey is the man of my dreams. Sa loob ng isang taon naming relasyon, wala siyang pinaramdam sa akin kundi pagmamahal. I’m sure that he’s the one that I’m gonna marry someday.
Our families is in the same industry of business. Real estate company. They own the De Luxrey. While we own the La Domus. Our core businesses are in strategic landbank management, residential development, shopping centers, corporate businesses, and hotels & resorts. It also focusing on high-rise and mid-rise residential condominium and mixed-use developments.
“I can talk to Tito Lavino if you want. I’ll try to convince him. Baka mapakiusapan ko. Hell! I won’t let you stay in that place. Paano na tayo niyon, Talianna? We won’t see each other that much. Hindi ako papayag sa ganoon!” Dinig ko ang frustration sakaniyang tono.
Kinagat ko ang labi ko at binaba ang chopstick.
“Davien.”
Tumayo siya at agresibong hinaplos ang kaniyang buhok.
“Talianna, please. Huwag kang papayag sa gusto ng daddy mo. Promise me.” Muli siyang umupo at hinawakan ang kamay ko. Kitang-kita ko ang pagkislap ng kaniyang mga mata.
“Ayaw ko ng ganoon. Ang layo ng Belleza Eterna sa Manila!”
Pinisil ko ang kaniyang kamay at sinubukang ngumiti. Kinukurot ang puso kong makita siyang ganito.
“Don’t worry. I’ll talk to him. Ako nang bahala. Ayoko rin naman tumira roon. I hate that place, Davien. Alam mo iyon.” I sighed. “Hindi naman ako matitiis ni Dad. Sigurado ako na lalambot din iyon sa akin.”
Ngumiti ako nang matanaw ko si Daddy sa kabisera ng dining area. I kissed his cheek and greeted him.
“Good morning, Dad,” I said cheerfully bago maupo.
“Good morning, princess,” he greeted back and smiled at me.
Tinantsa ko muna kung maganda ba ang kaniyang gising. He sipped from his coffee while reading some documents. Ngumuso ako. Pasimple ko siyang pinapanood habang naglalagay ng cream cheese sa bagel. Graduation na namin sa susunod na linggo. I wonder if he already bought the gift for me? Noon ko pa hinihiling sakaniya iyon.
“Graduation ko na po next week, Dad. You’re coming, right?” Masigla kong sinabi bago kumagat sa bagel.
Binaba niya ang binabasang dokumento at kunot-noo akong tinignan. He fixed his eyeglasses before nodding his head.
“Yeah. Of course. Eat your breakfast now. I’m reading some important documents. There’s something wrong that I cannot identify,” aniya habang pinapasadahan ng tingin ang mga papel. Ngumiti lamang ako dahil hindi ko naman naiintindihan ang mga bagay tungkol sa kompanya.
“Okay.” Nagkibit-balikat ako at nagpatuloy na lamang sa pagkain.
Naging tahimik na ang mahabang mesa. Kunot ang noo ng aking ama habang tutok sa mga binabasa. Kinagat ko ang labi ko upang pigilan ang sariling magtanong sa kung ano ang nangyayari sa kompanya. I’m just a kid. Siguradong hindi ko naman iyon maiintindihan.
“Dad.” Subok ko pagkalipas ng ilang minutong katahimikan.
“Hmmm?” Tugon niya nang hindi ako nililingon.
“What’s your gift for me?” Wika ko habang malapad na nakangiti.
“Gift?” Aniya at mukhang lutang pa rin ang utak sa dokumento.
“Yes. Gift. Ano, Dad? Do I have to learn how to drive na ba?” I giggled.
Isang beses niya akong sinulyapan. “I’m not gonna buy that Acura, Talianna. Hindi mo naman iyon magagamit sa Belleza Eterna. Ano? Imamaneho mo sa karagatan? And you’re not 18 yet.” Mariin at malamig niyang sinabi.
“Dad!” Nalaglag ang panga ko. Umasa ako! How could he be this so cruel! Siya mismo ang nagsabi na kapag nag-graduate na ako ng senior high, he will buy anything that I want! Hindi importante kung nasa honor o wala! At talagang dinidiin niya sa akin na titira nga ako sa islang iyon!
“Talianna, can you stop it? Huwag ka munang sumabay. Stop being so childish.”
“But, Dad! You just broke my heart! Umasa akong bibilhin mo iyon for me! Don’t you love me anymore?”
Pumikit siya nang mariin at hinilot ang kaniyang sentido. Uminit ang sulok ng mga mata ko. I really hate it when he does that! Na para bang isa lang akong malaking problema para sakaniya. Na para bang hirap na hirap siya sa akin.
“My goodness, Talianna! Diyan ka lang ba talaga magaling? Sa paglulustay ng pera? Do you think palalagpasin ko ang ginawa mo kahapon? Nagsunog ka ng isang daang libo para sa mga damit at sapatos! Hindi ba’t noong nakaraang araw lang ay nag-shopping ka na naman?! Ano bang gusto mong gawin sa buhay, anak?” Dinig ko ang pagtitimpi niya sakaniyang tono.
I swallowed hard. Humapdi ang lalamunan ko. Kitang-kita ko ang pagkakatigil ng ilang mga kasambahay na nasa dining area dahil sa nangyayari.
“Hindi ka talaga kailanman matututo. Pagkatapos ng graduation mo, tutulak ka na patungong Belleza Eterna.” His voice was filled with finality. I remained silent when he stood up, leaving me in the dining area.
Dinurog ko ang bagel gamit ang tinidor at bread knife. Doon ko binuhos ang lahat ng sama ng loob ko.
“Talianna, kumain ka na riyan. Hayaan mo muna ang daddy mo. Ikaw naman kasi.” Madramang sinabi ni Manang Fely sa gilid.
“What?” I said lazily.
“Gastadora ka masyado kay bata bata mo. Hindi mo pa alam ang halaga ng pera ngayon dahil hindi ka pa nagtra-trabaho. Sa oras na ikaw na ang namamahala sa kompanya niyo, maiintindihan mo si Sir Lavino kung bakit madalas ka niyang pagsabihan pagdating sa pag-gasta. Pinaghihirapan ng ama mo ang pera, Talianna.”
Binatawan ko ang kubyertos at nagbuga ng hangin.
“Of course, I know that! But I’m his only daughter, Manang Fely! Sino pa ba ang dapat makinabang sa pera kung hindi ako lang din naman? Hindi ko naman ginagastos ang pera sa pagdro-droga. O sa kung anumang bisyo. Shopping lang iyon! You can even consider it as an investment kaya.” I rolled my eyes.
“Sus! Iyang mga mata mo, Talianna. Hugutin ko iyang mga iyan,” she threatened but I just rolled my eyes again at her.
I can’t believe my dad was serious when he said that after my graduation, we’re going straight to Belleza Eterna. Sakay ang aming chopper, dalawang oras ang lipad namin at tiyak na aabutin ng walong oras kung by land ang naging biyahe.
And here I am now! Tinatanaw ang loob ng mansyon namin sa Belleza Eterna. It’s been two years already since the last time I went here. Our mansion is located on top of a hill. Dito lumaki si Daddy at pinagpapasalamat ko na hindi ako lumaki rito. I can’t just imagine what kind of childhood I could have possibly made in here. Surely, napaka boring at walang kwenta ang childhood ko kung nagkataon.
Hinayaan kong i-akyat ng mga kasambahay ang dalawang maleta ko. Hindi ko naman pwedeng dalhin ang buong walk-in closet ko dahil aabutin kami ng ilang araw bago ko maimpake ang lahat. Pero kung dito nga ako titira, na talaga namang kumpirmado na ng aking ama, tingin ko ay kailangan kong ilipat lahat ang gamit ko rito.
Alas singko ng hapon kami nakarating. Papalubog na ang araw at malamig ang haplos ng hangin sa aking balat. Inaatake ang ilong ko ng amoy ng tubig-alat. Naglakad-lakad ako sa dalampasigan habang pinapanood ang ilang mga batang naghahabulan. May ilang mga mangingisda ang abala sakani-kanilang mga batsa at timba.
I wonder how they fish? Mukhang mahirap iyon.
Tinatangay ng mabining hangin ang suot kong asul na maxi dress maging ang aking mahabang buhok. Inipon ko sa kabilang balikat ang buhok ko upang mapigilan ito sa pagsabog. Pinanood ko ang aking mga paa na lumubog sa mapinong buhangin. It felt so soft against my feet. I felt the seaside sand scratching under my feet and the water touching me tenderly. Binitbit ko na lang ang aking sapatos dahil hindi ako naging kumportable sa paglalakad habang suot ang mga iyon kanina.
Nahagip ng tingin ko ang isang lalaking nag-aayos ng kaniyang bangka sa hindi kalayuan. Hindi ko alam kung anong ginagawa niya pero nakikita kong may batsa siyang nilalapag sa buhangin. Binilisan ko ang mga hakbang ko patungo sakaniya.
Habang palapit ako, mas lalo kong nakikita kung gaano siya katangkad. He was well-built but not like a bodybuilder’s body. His skin was tanned, probably because of fishing. O ganito talaga ang kaniyang kulay. He was wearing a white shirt and black jersey shorts. Bawat hibla ng kaniyang buhok ay sinasayaw ng hangin. Abala pa rin siya sa ginagawa at mukhang hindi napapansin ang tangka kong paglapit.
Isang beses siyang lumingon sa akin nang ilang dipa na lamang ang layo ko sakaniya. Mabilis lang ang naging pagsulyap niya bago muling bumalik sa ginagawa.
“Hi! Do you mind if I look at your fish?” I smiled at him kahit hindi niya pa ako tinitignan.
“Sige lang,” his voice was cold.
I bit my lower lip.
“Araw-araw ba kayo nangingisda? I would love to try it. Pwede ba akong sumama kahit isang beses lang?” Wika ko kaya napabaling siya sa akin.
Nagsalubong ang kaniyang kilay. His tight jaw was an angular shape. I was taken aback for a moment when I saw his eyes. They were… green.
“Maaga kaming pumapalaot, miss. At hindi ka pwedeng basta sumama na lang sa amin,” he replied as if I was crazy to say that.
“I will pay you naman. Isang beses lang. I’m just curious kung paano niyo ginagawa.” I shrugged. Tinanaw ko ang mga isda sa batsa at timba bago muli siyang binalingan. Kitang-kita ko ang pagbaba ng kaniyang tingin sa hawak ko.
“Hindi pwede, miss. Pasensiya na. Siguradong hindi ka matutuwa sa pangingisda. Tsaka pwedeng pakisuot ang sapatos mo,” mariin at malamig ang kaniyang boses.
Nag-angat ako ng tingin sakaniya. Nagpatuloy siya sa pagbaba ng mga batsa.
“Nahihirapan akong maglakad kapag suot ko ito.”
Hindi niya ako pinansin kaya nagkibit-balikat na lamang ako.
“Okay. Kung ayaw mo, sa iba nalang ako sasama na mangisda.” I rolled my eyes before I turned my back on him.
I looked at him again over my shoulder. Nahuli kong nakakunot ang noo niya habang pinapanood akong papalayo. I rolled my eyes again.
Hindi ko na siya magawang hawakan at tuluyang lumuhod sa aking harapan. "Patawarin mo ako, Nabrel. Anak... patawad. Sobrang natakot ako para sa amin ng pamilya ko. Alam ng lahat na kilala ang pamilya ng mga De Loughrey bilang makapangyarihan. Gusto ko lang protektahan sina Sandro. Pero walang araw na hindi ako ginugulo ng konsensya ko, Nabrel. Sobrang hirap... hindi ko na kayang manahimik." Nang mga oras na iyon, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman. May halong galit, pangamba, lungkot at iba pang mga bagay na hindi ko mapangalanan. Nabanggit ng matanda ang video na kaniyang nakunan. Buong gabi kong pinanood ang dalawampu't walong segundong video. Paulit-ulit hanggang sa hindi ko na mabilang. Sampung taon na ang video ngunit klaro pa rin ang laman nun. "Iningatan ko 'yan. 'Yan ang bukod tanging iningatan ko sa buong buhay ko, Nabrel. Dahil alam ko na
"Naku, toy. Mahirap iyong ganiyan. Kahit sabihin mo pang mahal ka ng babaeng 'yan, maghahanap at maghahanap 'yan ng iba sa labas. Dahil tayong mga narito sa loob, kinakalimutan.""Tama! 'Yong asawa ko, ayun! Buntis na sa ibang lalaki. At alam mo kung anong mas masaklap, toy? Kumpare ko ang nakabuntis. Putangina niyo Corazon at Manoy! Putangina niyong lahat!"Hindi madali ang buhay sa loob. Hindi ko lubos maisip na mararanasan ko ang ganitong klase ng hirap. Inalis ako sa seldang 'yon matapos ang ilang buwan. Noong una ay hindi ko alam kung bakit kailangan ang ganoon. Ngunit unti-unti ko ring nakuha ang dahilan.Malalaking tao ang kasama ko sa nilipatan na selda, punung-puno ng tattoo ang mga katawan. Pagdating ko roon, mainit kaagad ang ulo nila sa akin.Tangina. Alam ko na ang ganito.Hindi ako nagkamali. Halos araw-araw kong tiniis ang hagupit ng kanilang mga kamao. Umabo
"Sabihin mo... hindi talaga kayo naghiwalay, 'di ba? Kayo pa rin hanggang ngayon. At kung anuman ang mayroon sa atin... laro lang para sa'yo. Nainip ka at ginusto mong maghanap ng mapaglilibangan habang malayo ka sakaniya.""Ang sama mo! How dare you think of me that way?! How dare you, huh?! Ganiyan ka mag-isip dahil ginagawa mo rin! Ang kapal ng mukha mong sabihin iyan pero ikaw itong lantarang may iba! Two weeks! Two fucking weeks, Nabrel... paano mo ako natiis nang ganoon katagal?""Hindi mo alam ang sinasabi mong tiniis kita..." nanginig ang boses ko."Bakit ka ba nakipag-usap sa akin kung ganito lang din naman? Sana ay hindi ka na nagreply! Sana tuluyan ka nalang hindi nagpakita! I hate you, Nabrel! I hate for accusing me! I hate you for being with Lily! I hate you for hurting me!""I hate you too..." bulong ko ngunit ang tanging gusto ko nalang gawin ay ang hilahin siya at halikan.
Ramdam ko ang kaniyang panginginig. Nang masilayan ko ang mga mata niya, doon ako tuluyang nawala.In that moment, I felt that our souls were connected with each other. Her name was already marked on my soul. My whole life was full of shortcomings as I've been chastised by the cruelty of the world but when she came, my soul suddenly boasted a plenitude of tranquility.Buong akala ko ay sa kalmadong karagatan ko lamang makukuha ang ganitong klaseng kapayapaan. Ngunit mayroon palang mas higit pa roon..."Sana madali lang 'to, Talianna. Sana maintindihan mo..."Umiling siya at hinang-hina nang itulak ako."Because you love someone else. Masama ba ako, Nabrel? Naiinggit ako kay Blair. Inggit na inggit ako sakaniya."Pumikit ako ng mariin at tumingala.Bakit hindi niya magawang maintindihan? Akala ba niya ay madali para
Hindi ko alam ang dapat kong maramdaman matapos marinig mula sakaniya ang mga salitang 'yon.Hindi, Nabrel. Masyadong mababaw ang nararamdaman niya sa'yo. Like nga lang, 'di ba? Masyadong pambata kaya bakit ka nagkakaganyan na para bang pagmamahal ang inamin niya?"Talianna, hindi pwede. May... may girlfriend ako."Dahil sa gulo ng isip ko, dahil sa mga bagay na gumugulo sa akin tungkol sa aming dalawa, iyon lang ang tanging naging sagot ko.Inakala ko na iyon ang mas mainam sa aming dalawa. Ano bang mangyayari kung sakaling malaman niya ang nararamdaman ko? Ayaw ko nang malaman. Ayaw ko nang saktan ang sarili ko.Hindi kami pwede at ayaw ko nang kalabanin ang tadhana.Ngumiti siya ngunit alam kong hindi iyon ang ngiti na gusto niyang ipakita sa akin.Hinampas ang puso ko nang makitang namuo ang kaniyang mga luha.
"Blair, marami akong responsibilidad sa buhay. Marami akong gustong gawin. At ang pakikipag-relasyon ay hindi kasama roon. Pasensya na pero..." umiling lamang ako. Humiwalay ako sakaniyang pagkakahawak."Hindi! Alam kong hindi 'yan ang dahilan mo, Nabrel. May iba kang nagugustuhan! Alam ko! Nakikita ko! Kitang-kita ko!" sigaw niya na ikinagulat ko. Ngunit hindi ko magawang pabulaanan ang kaniyang sinabi dahil alam ko na bistado na ako.Hindi na dapat ako nagpunta pa rito sa mansyon ng mga Monselorette. Hindi ko inakala na ito pala ang gusto niyang pag-usapan.Tumitingin ako sa paligid dahil baka bigla siyang sumulpot at makita kaming dalawa rito sa hardin. Ayaw kong may iba siyang iniisip sa aming dalawa ni Blair.Tamang hinala pa naman ang isang iyon.Pero ako... malakas lang ang tama pagdating sakaniya."Blair, tsaka na tayo mag-usap kapag kumal
Comments