Share

Chapter 01: Zeilyn Monarch

Zeilyn.

ISANG malakas na tawanan ang bumalot sa buong hallway. Pinahid ko ang mga luhang kanina pa tumulo sa pisngi ko at lumuhod para kunin ang mga nahulog kong libro. Hindi ko pa man nahawakan 'yung libro ay isang malamig na tubig na ang dumampi sa buong katawan ko. I want to run away and escape this mess that happened to me, but I cant. Nanginginig ang mga tuhod at kamay ko, hindi ko masyadong mahawakan ng mabuti ang mga libro.

Hindi nagtagal, may nagbuhos na naman sa akin ng malamig na tubig. I want to go in a hot place to replace the coldness, but I can't even move myself properly. Another laugh comes from the crowd when someone pulls my hair that made me stumble for a bit. I tried my best to prevent my tears from falling. I'm in a deep pain. Physically and Emotionally. I don't know how can I ease it to make myself feel better, even just for a short time.

"Know your place, bitch!" Sigaw niya at sinampal ako ng malakas na ikinadahilan ng pagtilapon ng suot kong salamin. Nakita ko pa ang pagtapak ng mga estudyante do'n.

M-my glasses.

"Crying over such a low thing? Gan'yan ka na ba talaga kababa at pati 'yung bukbukin mong salamin ay iiyakan mo?" Sabi niya at mahigpit na hinila ang buhok ko. I silently cried because of pain. Parang matatanggal ang buhok ko dahil sa lakas ng paghila niya.

"Nasabi mo 'yan dahil hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng pagpapahalaga." Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng lakas ng loob para pagsalitaan siya ng ganoon. Sa loob ng apat na taon kong pananatili dito sa school, I never have the guts to talk back on her. Sa katunayan, hindi dapat ako iiyak ngayon. Apat na taon na niya akong binubully kaya dapat sanay na ako sa ugali niya at ng mga estudyante dito. But everytime they bully me, my senses and confident disappear like a bubble.

"All of you, obey me. Teach this girl a lesson," Sabi ni Emerald sa mga estudyante. I felt a sudden mental breakdown the moment I saw their devilish smirk.

"Should we make her feel what hell really taste like?" Mapang-asar na saad ng kaibigan ni Emerald na sinabayan naman niya. Hindi ko lubos maisip na hahantong sa ganito ang lahat. Hindi ko lubos maisip na aabot sa ganito ang pambubully nila sa akin.

Bakit? Ano ba ang nagawa ko para maranasan ko ang bagay na 'to? All I want to have is a simple and peaceful life. I grow up in orphanage. I grow up with no family nor relatives. Lumaki ako ng hindi man lang nakararanas ng pagmamahal mula sa ibang tao. Just.. what did I do? What did I do to be treated like this? What did I do to suffer like this? How can life so cruel to me? Don't I deserved to be happy? Just for once?

Napitlag ako nang may sumipa sa aking sikmura. Sunod-sunod ang pang-aabuso na ginawa nila sa akin. Sobrang sakit na ng katawan ko. I think I will collapse anytime soon if this continued.

"P-please... stop.." Nanghihinang saad ko. Pero tila wala man lang silang narinig at patuloy parin sa kanilang ginagawa. A hard punch landed on my cheeks.

Patuloy lamang sa pag-agos ang mga luha ko. My body hurts a lot now. I badly want to rest from everything. Nanghihina na rin ang katawan ko. I can feel my body gets numb at every punch and kicks they gave me.

I was about to close my eyes when I spotted someone. Our distance is quite far. Nagtaka ako nang bigla nalang tumahimik ang buong paligid. Nawala ang mga tawanan at sigawan galing sa mga estudyante, and I found out that they we're frozed. Some of them was about to kick me but it didn't happen. Everything stopped mid-air.

My hands and knees are trembling non-stop and even this short hairs of mine stand at the back of my neck and in my arms. I was extremely nervous and clueless at the same time.

Napatingin ulit ako sa lugar kung saan naka-pwesto 'yong lalaki. Mas lalo pa akong kinabahan nang mapagtantong nakatingin rin pala ito sa'kin.

He was standing with his hands on his pocket. He has the raven black hair na natatakpan ng kaunti ang eyelids niya. He was wearing a black hoodie and a faded jeans. He's kinda mysterious. I wonder who is he?

Kahit sobrang sakit na ng katawan ko ay pinilit ko parin ang sarili kong tumayo para sana lapitan siya. My body hurts but I still manage to stand.

"Zeilyn," I heard him murmured. Nagtaka ako. How can I heard his whisper even if we're meters away?

Weird.

I think, I need to see a doctor. Naapektuhan ba ang ulo ko dahil sa pambubugbog nila sa akin? Ito na ba ang senyales na nawawala na ako sa katinuan? At bakit niya alam at tinatawag ang pangalan ko?

"Zeilyn," he whispered again. I can feel my heart accelerated. May something sa kan'ya na hindi ko matukoy. It's odd.

Maglalakad na sana ako papalapit sa kanya nang bigla nalang sumakit ang ulo ko. I cried out in pain. Napaluhod ako sa sobrang sakit. Parang mabibiyak ang ulo ko. Nagdidilim na rin ang paningin ko. Hindi ko masyadong maaninag ang paligid.

Then I felt a strong grip on my wrist that made me lost my consciousness.

NAGISING ako na puro puti ang aking nakikita. Napabuntong hininga nalang ako nang malaman kung nasaan ako. I smell ethanol kaya malamang, nasa clinic ako.

Unti-unti akong bumangon at umupo sa patient's bed. Ramdam ko parin ang pamamanhid ng buong katawan ko. Dala siguro ito ng pambubugbog sa akin ng mga estudyante kanina. Napahawak ako sa ulo ko at napakunot noo nang mapansin na may nakalagay na benda rito.

Did I hit my head somewhere?

Bigla kong naalala 'yung nangyari kanina. Namamalikmata lang siguro ako nang makita ko ang pagtigil ng lahat. At 'yung lalaki, imahinasyon ko lang siguro 'yon. Maybe, I was just over-thinking.

Natigil ako sa pag-iisip nang marinig ko ang pagbukas ng pinto.

"Gising ka na pala. Kamusta na ang pakiramdam mo?" Bungad niya sa akin nang makapasok siya. Umupo siya sa harapan ko at tiningnan ako mula ulo hanggang paa.

"My body feels numb." Mahinang saad ko. Tiningnan niya ako bumuntong hininga. Napangiti nalang tuloy ako. Somehow, I considered her as my friend. Siya lang kasi ang nakaka-usap ko ng matagalan dahil madalas ako dito sa clinic.

"Kung hindi ka lang sana dinala kaagad dito. Malamang, napuruhan ka na. Thanks to him!" She said. Her tone was full of relief.

Him? So, she mean... lalaki ang nagdala sa akin rito? Who?

"Sino?" Tanong ko sa kanya. Napatingin naman siya sa akin at napa-ismid.

"Tss. H'wag mo ng alalahanin 'yon. Ang importante ay nagamot na 'yang mga sugat mo." Sabi niya. Mas lalo tuloy akong na-curious. 'Yung lalaki kaya na tumawag sa pangalan ko ang nagdala sa'kin dito sa clinic? Or.. 'yung humawak sa braso ko—aiysh! Bakit hindi nalang niya sabihin sa akin? Mas maraming namamatay dahil sa curiosity. Mas malala 'yon kumpara sa pambubugbog!

"By the way, where's your glasses?" Nakakunot-noong tanong niya. "Did those bullies smashed it?" She continued, with an angry tone. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at tiningnan ako sa mata. "Ngayon ko lang napansin na brown pala ang kulay ng mga mata mo. You look more prettier without glasses!" Namamanghang saad niya.

Err?

"Don't lie to me, Nurse Kim. I don't have the beauty ever since my mom gave birth to me." Natatawang saad ko. Pero sa kaloob-looban ko ay labis akong nalulungkot. Hearing and mentioning the word 'Mom' makes me feel upset and started to wonder. Simula no'ng magkaisip ako, Hindi ko mapigilang isipin kung sino ang mga magulang ko. Ano kaya ang itsura nila? May pinagmanahan ba ako? I really hope that I could meet them someday. Even just for once.

Nabaling naman ang tingin ko kay Nurse Kim ng marinig ko siyang bumuntong hininga.

"H'wag ka na munang pumasok sa afternoon class mo. Sinabi ko na sa teachers mo na excuse ka, kaya no need to worry. Magpagaling ka nalang dito." Sabi niya at tinapik ang kanang balikat ko bago lumabas ng kwarto.

And now I'm alone. I don't want to stay here. Hindi ako pwedeng umabsent or kahit mag-excuse. Bawas puntos 'yon para sa attendance ko. I'm a scholar and for me, attendance is also a must.

Tinanggal ko ang dextrose na nakakabit sa akin at tumayo. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Maingat rin ang bawat hakbang ko dahil baka mahuli ako ni Nurse Kim. Paniguradong hindi siya papayag na umalis ako dito sa clinic at baka makakatanggap pa ako ng sermon.

Nakahinga ako ng maluwag nang nakalabas ako ng matiwasay sa clinic ng hindi man lang nahuli. I started to wander around. Wala akong makitang estudyante habang naglalakad ako sa lobby. Class hours na pala kaya paniguradong nasa kanya-kanyang classroom na ang lahat.

I sigh then continue walking. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon, nagpadala lang ako sa gusto ng aking paa.

"Miss Monarch?"

"Sir Niel!" Bati ko sa kanya. "S-sorry po kung hindi ako pumasok sa klase—" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang magsalita siya.

"It's okay," sabi niya with matching ngiti. I was stunned and amaze at the same time. Kahit sinong babae dito sa school, kahit teachers ay hindi mapigilang mahumaling kay Sir lalo na kapag ngumiti ito. I can't question them from admiring him though. Cute naman talaga si Sir Niel kahit sino pa man ang tanungin niyo. He was once a heartthrob in this school. Kaya niyang makipagsabayan sa mga estudyante dito. Hindi naman 'yon awkward or weird dahil bata pa naman si Sir.

I immediately stopped admiring him when I heard a chuckle. Tsaka ko lang napansin na kay Sir pala galing ang mahinang tawa na 'yon. Kung hindi ako marunong magpigil ng sarili malamang, pati ako natamaan na kay Sir. His features is every girl's dream that's worth drooling over. Masyado siyang cute para maging teacher.

"I want to have a conversation with you. Do you mind?" Umiling lang ako bilang tugon as he lead our way to cafeteria. Wala pang masyadong tao dito sa cafeteria maliban sa amin ni Sir at sa mga nagtatrabaho.

"Drinks?" Alok ni Sir sa akin. Tumango lamang ako kaya nagsimula na siyang maglakad patungong counter. Self-service kasi dito sa cafeteria kaya hassle talaga pag lunch time na. Sa dami ng estudyante dito sa school, maaaring hindi ka makakain sa sobrang taas ng pila.

Nabaling ang tingin ko kay Sir Niel na umo-order sa counter. Napangiti nalang tuloy ako at naaaliw na tiningnan 'yung babaeng cashier kung pano siya magpacute kay Sir. Para siyang natatae na ewan. Tapos sobrang pula pa ng mukha niya tila aakalain mong sasabog anytime. Mabuti nalang talaga at wala akong gusto kay Sir. Dahil kung hindi pati ako ay para naring natatae sa tuwing kakausapin niya ako.

"Here," nakangiting nilapag ni Sir sa harapan ko ang isang pineapple juice. "Well, the reason why I want to talk to you is... I want to give you an A on your grade," tapos umupo siya. Opposite side. Nagtatakang napatingin ako sa kanya. 'Di nga? Seryoso?

"Jino-joke time niyo lang ho ba ako, Sir?" Paninigurado ko. Mahirap umasa sa panahon ngayon. Baka lang kasi nagbibiro lang siya. Sanay na naman akong makakuha ng A sa lahat ng subjects ko. Pero, nakuha ko 'yon kapalit ng sikap ko sa pag-aaral. But in this situation, I can say that Sir Niel is just joking. He may cute but he's strict when it comes to our grades.

"I'm not kidding around, Miss Monarch. The reason why I decided to gave you A is because of your behavior and performance here in school. You're always the first one to pass the projects and your participation in any activities is the evidence." Paliwanag ni Sir. Nakumbinsi niya naman ako sa pahayag niya at tumango nalang.

"Salamat po, Sir." Nakangiting saad ko.

"By the way, you look more prettier without glasses," nawala bigla 'yung ngiti ko matapos niyang sabihin 'yon. Parehong pareho sila ng sinabi ni Nurse Kim.

Is it really better if I don't wear glasses? I don't think so. I wear glasses for almost 5 years kaya naninibago ako. Hindi naman malabo ang mga mata ko pero ewan ko ba. Nasanay lang siguro akong may suot na salamin. Bibili nalang siguro ako bago ako pumunta sa coffee shop. Nagpapart-time kasi ako sa isang coffee shop malapit sa apartment na tinitirhan ko. Mabuti narin 'yon para may extra akong pera maliban sa allowance na binibigay ng mga nag-sponsored sa akin kasama ng scholarship.

Naramdaman ko ang pagtitig sa akin ni Sir. Nakaramdam ako ng ilang. Why did he act like that so sudden? Naiilang akong gumawa ng kahit anong galaw dahil sa titig niya and I felt a weird feeling when I was about to touch the drink that he ordered for me. Iba ang pakiramdam. It was like my body is going to burn from inside. Pakiramdam ko, unti-unting nasusunog ang lamang loob ko.

It was extremely painful. Ramdam ko rin ang pagtagaktak ng pawis sa buong katawan ko. I can also feel the shortness of my breath. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa sakit. Kahit na nasasaktan ay nagawa ko paring tingnan si Sir.

Hindi ko alam kung namamalikmata lang ba ako nang makita kong biglang nag-switch into ocean blue ang mga mata niya. And in just a snap, bumalik na ulit sa dati ang lahat. Bumalik na ulit sa dati ang pakiramdam ko. Nawala nalang bigla 'yung heating sensation.

"Are you okay?" Tapos nagmamadali siyang lumapit sa akin. Ramdam ko rin ang matinding pag-aalala sa boses niya. Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko at hinarap sa kanya. Nakita kong nilabas niya ang panyo mula sa kanyang bulsa at maingat na pinunasan ang pawis ko sa noo. "Tell me, may masakit ba sayo?" Umiling ako bilang tugon.

"I'm okay, Sir." Malumanay na saad ko. Tumayo ako at agad na nagtaka. Everything is fine. Hindi ko na masyadong ramdam 'yung sakit na dulot ng pambubugbog sa akin ng mga estudyante kanina.

"Sigurado ka bang okay ka lang talaga?"

"Okay na talaga ako, Sir." Sabi ko.

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya. "Alis na po ako, Sir." Sabi ko at naglakad papalayo sa kanya.

For the first time, nawalan ako ng ganang pumasok. Patuloy lamang ako sa paglalakad hanggang makarating ako sa gate ng school. Mabuti nalang at mabait si manong guard kaya agad akong nakalabas ng campus.

While on my way to my destination, I was doubting if I should buy glasses or not. Hays. Heto na naman ang ugali kong 'to. Kapag kasi may gusto akong gawin o bilhin at hindi ko kaagad nagawa, ay hindi ko talaga magagawa. Kailangan ko na sigurong baguhin ang ugali kong 'to.

"Oh, Zeilyn? Maaga ka yata ngayon?" Bungad sa akin no'ng manager ng coffee shop na pinagtatrabahuhan ko. Nginitian ko lang siya at nagtungo sa locker para isuot ang aking uniform.

"Hindi po ba kayo masaya na maaga ako?" May halong birong saad ko. Narinig ko naman ang mahina niyang pagtawa bago magsalita.

"Hindi naman sa ganoon. Nakakapagtaka lang kasi class hours pa ngayon——nagcutting classes ka?!" Gulat na sigaw niya.

"Hindi po!" Depensa ko. Narinig ko naman ang malalim niyang buntong hininga. Napangiti nalang tuloy ako at sinuot ang apron bago lumabas ng locker room at dumeretso sa pwesto ko— ang counter. May mga katrabaho naman akong lalaki na bagay maging waiter kaya dito nalang ako sa counter. Despite to that, ako lang kasi ang nag-iisang babae na nagpapart-time dito. Most of my co-workers kasi ay lalaki. Wala naman akong problema do'n dahil lahat sila mababait sa akin.

While cleaning the coffee maker section. I spotted someone sitting beside the glass window and looking outside emotionlessly with his legs crossed. Nagtaka ako nang walang kahit anong nakalagay sa mesa niya. Napatingin ako kay Kuya Rhey at Kuya Luke na busy sa paglilinis ng mesa at sahig. Rush hour kasi kaya walang masyadong costumer. Hindi ba nila napapansin na may isang costumer ang hindi nakuhanan ng order?

Unti-unti akong lumapit do'n sa lalaki. Mukhang hindi niya yata napansin ang paglapit ko kasi patuloy parin siyang nakatingin sa labas. Ano kayang meron sa labas?

Nang dahil sa curiosity ay napatingin rin ako sa tinitingnan niya. Wala namang kakaiba maliban sa mga sasakyan na dumadaan sa kanto. Trip niya bang pagmasdan 'yon hanggang sa maburyo siya? Parang wala siyang pakialam sa kanyang paligid.

"May kailangan ka ba, Miss?" Napatalon ako ng kaunti dahil sa gulat nang biglang nagsalita 'yung lalaking costumer kaya agad akong napayuko at naiilang na napakamot sa batok ko.

"Ahm.. kukunin ko lang ho sana ang order niyo." Mahinang saad ko.

"One cup of cappuccino, please."

"Right away, Sir." Sabi ko at agad na nagtungo sa coffee maker section. I don't know why but I felt something weird about our guy costumer. His voice seems so very familiar to me. Parang narinig ko na 'yon somewhere? Ewan.

Pagkatapos kong gawin 'yung order no'ng lalaki ay agad akong lumapit sa kanya habang hawak ko ang isang tray na pinaglalagyan ko ng kape. Nilapag ko 'yon sa mesa niya at nginitian siya. Ngunit, biglang naglaho ang ngiting 'yon nang makita ko ang buong mukha niya.

My heart sank at the time I met his red eyes.

Red-freaking eyes!

He was really something that I can't recall. It was like.. he's one of the important person of my life that I forgot. Hindi ako sigurado. I didn't hear anything about my past when I was still in orphanage.

Ang sabi nila ay natagpuan nila akong walang malay sa gitna ng gubat at puno ng pasa ang aking katawan. I was just fourteen years old that time. Nagising nalang ako sa isang hospital na walang maalala na kahit ano sa buhay ko. And I didn't know that red eyes existed!

"Are you okay, Miss?" Napabalik ako sa reyalidad nang magsalita 'yung lalaki. Umiling lang ako at kinalma ang aking sarili bago naglakad papalayo sa kanya at dumeretso sa banyo. Ano bang nangyayari sa akin?

I put my hands on each side of the sink and look myself in the mirror. Suddenly, I wonder what my childhood days looks like. At kung saan ako nanggaling. Nakakapagtaka lang kasi, eh. Paano ako napadpad sa gitna ng gubat at puno ng pasa? How did I end up there? Damn! Too many questions circling in my head and I badly need an answer!

Huminga nalang ako ng malalim at hinugasan ang mga kamay ko bago lumabas ng banyo. I clear out my mind at nagfocus nalang sa pagtatrabaho.

Mabilis na lumipas ang oras. Unti-unting umaalis ang mga costumer at malalim na rin ang gabi sa labas. Kami nalang nila Kuya Rhey at Kuya Luke ang naiwan dito para iligpit ang dapat iligpit. Palagi kasing maaga umaalis si manager.

"Sibat na kami, Zeilyn." Sabi ni Kuya Luke at kinuha ang bag niya.

"Gusto mo bang sumabay nalang sa amin? 10 o'clock na kaya delikado na ang umuwing mag-isa, lalo na't babae ka pa." Napangiti nalang ako dahil sa sinabi ni Kuya Rhey.

"Okay lang po ako. Mauna nalang kayo." Nakangiting saad ko. Nagkatinginan muna sila at bumuntong hininga.

"Okay, basta kung may naramdaman kang kakaiba o 'di kaya'y feeling mo may sumusunod sa 'yo, h'wag kang magdalawang isip na tawagan kami." Paalala ni Kuya Rhey at naglakad palabas.

"Zeilyn?"

"Ano po 'yon, Kuya Luke?"

"H'wag kang susunod sa liwanag, okay?" Sabi niya at tuluyang lumabas. Napatawa nalang tuloy ako ng mahina at nagpatuloy sa pagma-map ng sahig.

Lumipas ang ilang minuto at chineck ko muna kung may nakalimutan pa ba ako bago pumasok sa locker room para magpalit ng damit.

Pagkatapos kong magbihis ay ni-lock ko na ang main door ng coffee shop at nagsimulang maglakad sa isang tahimik na daan. Everything went smoothly as I walked peacefully. Ngunit nakaramdam ako ng kaba nang makitang magpatay-sindi ang ilaw sa lamppost.

Geez, scary.

Nagpatuloy lang ako sa paglalakad habang yakap ang aking sarili. Naramdaman ko rin ang pagtayo ng balahibo ko sa batok at braso. Grr~ sa pagka-alala ko, hindi naman ganito ang mafi-feel ko sa tuwing dadaan ako rito. Pero bakit naging iba yata ngayon?

My foot comes into a stop when my eyes landed on the darkest part of the street. I feel an intimidating and irresistible aura in that area that made me feel uncomfortable.

It feels like.. someone is watching me? Ewan? Napapraning lang siguro ako.

"So, ikaw pala 'yon?"

"Hik!" Napatalon ako sa gulat nang may marinig akong isang malamig na boses. Nagpalinga-linga ako sa paligid hanggang napadpad ito sa isang babae na nakasandal sa poste habang naka crossed arms. Hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko ngayon. Kaba na may halong takot at panghihinayang. Dapat pala sumama nalang ako kina Kuya Rhey at Kuya Luke.

"Seeing you living without knowing anything makes me want to stab you non-stop."

A-ano raw? Pinagsasabi ng babaeng 'to? Bakit niya naman ako sasaksakin? Ano bang ginawa ko sa kanya?

"Seeing you here, don't you think I wouldn't know?" Biglang sulpot ng isang lalaki. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita ang itsura niya. He was in front of me while his right hand holding my right arm. As if he's protecting me from that girl who's glaring at me so badly.

"W-what are you doing here?" Gulat na tanong no'ng babae. "He dotes that girl so much. H'wag mong sabihing pati ikaw?" Frustrated na dagdag niya. I can feel anger and jealousy on her voice.

Ano bang pinag-uusapan nila? At ano naman ang kinalaman no'n sa'kin? He dotes me? Who?

"You've done enough." Said guy with a dangerous tone. Nakita ko kung paano mamutla ang mukha no'ng babae.

Binitawan no'ng lalaki ang kamay na nakahawak sa braso ko. In one swift move, I saw a blazing red fire ball in his left hand and pointed it on the girl who was left shock. D-damn! What is happening?!

Hindi ako makapaniwala sa mga nakita ko. Mabilis na lumapit sa babae 'yung bolang apoy. And in just a snap, she turn into ashes and vanished like a sand in the air. 

What the hell?

"Are you okay?" Humarap sa akin 'yung lalaki. And to my surprise, siya 'yung lalaking costumer sa coffee shop na buong oras nakatingin sa labas ng glass window. I can't believe it. Everything feels surreal.

Ano bang nangyayari? Totoo ba 'yung nakita ko? Why do I keep seeing weird things today? I think I'm going nuts.

***

itsmaidemblack

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status