Share

Chapter 12: Guy Behind The Mask

Zeilyn.

Pagkatapos ng training namin kanina ni Blood ay agad akong lumabas ng training room at dumeretso sa classroom. We parted ways without saying anything. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ako ng pagtatampo sa kanya. Dahil sa sinabi niya. I mean, alam ko naman na kung ano ang pinanggagawa ko pero hindi naman niya kailangan pang sabihin 'yon. Para kasing pinamumukha niya sa akin na wala ng pag-asa pang magiging maayos at matahimik ang buhay ko.

Hindi ko alam kung anong nangyayari sa akin pero makalipas ng ilang minuto matapos naming mag-usap ay parang may malakas na enerhiyang dumaloy mula ulo hanggang sa paa ko. After that, a familiar white light exploded with so much force making me gasped. Hindi ko alam kung paano ko napalabas 'yon. But I think it's because of the emotion I feel in that moment. I wasn't in focus when that occured.

I think I know how now. How to release my power using my emotion.

It's because I feel sad and a pain in my heart. It wasn't a good idea, indeed. I almost made the whole training room destroyed.

Almost!

Bumuga ako ng hangin at umub-ob sa aking mesa. Ngayon palang alam ko nang mahihirapan ako sa pagkontrol sa aking kapangyarihan. Pero hinihiling ko na sana makayanan ko 'to.

Nag-angat ako ng ulo nang marinig kong bumukas ang pinto at doon ko nakita si Gino at Enzo na parang mga bagong gising. Nakakatuwa pa na sabay naghikab ang dalawa na parang bata.

"Hey, Zeilyn." Inaaantok na saad ni Gino at umupo sa kanyang upuan, habang si Enzo naman ay diretsong natulog nang makaupo.

"Bakit pala kayo nandito?" Tanong ko.

Naghikab ulit si Gino bago sumagot. "Pinapunta kami ni Ma'am Trecia dahil may sasabihin daw sila ni Sir Niel."

"Ah. Okay." Tanging saad ko at nakapanglumbaba. Nagugutom na ako. "Mamaya pa ba sila dadating?"

Lumingon sa gawin ko si Gino. "Bakit?"

"Punta muna ako ng cafeteria para bumili ng pagkain. Hindi pa kasi ako nakapag-snack."

He arched an eyebrow. "It's past lunch already and you haven't eaten?"

"I forgot about the time. Naging abala kasi ako sa pagte-training."

Napatango siya. "You must be hungry. Go now, wala pa naman 'yung iba, eh."

"Thanks." Ani ko at nagmamadaling lumabas ng classroom at nagtungo sa cafeteria.

Pagkarating ko ay agad akong pumunta sa counter para mag-order. "One-" bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay inilapag na ng babae sa aking harapan ang isang paper bag at ngumiti.

Nagtaka ako. "I didn't-" she cut me off.

"Mr. Hamilton ordered us to give this to you. Alam niyang pupunta ka rito ngayon kaya siya na ang nag-order para sa'yo."

Nakatitig lamang ako sa paper bag, hindi makapagsalita. Did Blood just really did this for me?

Parang wala sa sarili kong kinuha ang paper bag at walang imik na lumabas ng cafeteria. Kahit sa paglalakad ko sa hallway ay hindi mawala sa isip ko ang ginawa ni Blood. It was so generous of him.

Nang makarating ako sa classroom ay sina Gino at Enzo parin ang naroon kaya naupo na ako sa aking upuan at isa-isang nilabas ang mga pagkain sa paper bag.

Chicken sandwich, a large bowl of rice with chicken fillet, aglio e olio pasta, one slice of rainbow cake and one bottle of pineapple juice.

Napaawang ang labi ko. Too much for lunch.

Napailing nalang ako at inilabas ang disposable spoon and fork na kasama ng mga pagkain at nagsimulang kumain.

***

"Kamusta naman ang training?" Tanong ni Jhea. Pagkatapos kong kumain ay sakto namang dumating silang dalawa ni Xavier. Hanggang ngayon ay wala parin 'yung hinihintay namin kaya nakakapagtaka.

What Sir Niel and Ma'am Trecia took so long?

"Ang tagal naman nila. Kanina pa tayo rito, eh." Nakangusong saad ni Jhea. Napabuntong hininga nalang ako at sumandal sa kinauupuang leather chair.

Ilang minuto ang lumipas nang bumukas ang pinto at pumasok sina Sir Niel at Ma'am Trecia. Narinig ko ang mga nababagot na buntong hininga ng aking mga kaklase na ikinatawa lamang ng dalawa.

"We know that we're late, okay? So stop giving us glares." Sabi ni Sir Neil.

"Bakit ba naman kasi kayo late?" Nakakunot noong saad ni Enzo. "Don't you guys know that we're still sleeping peacefully?"

"We know. Kanina pa sana kami nandito pero nagpatawag ng emergency meeting ang Headmistress kaya natagalan kami." Sabi naman ni Ma'am Trecia.

"Are we going to talk about the mission?" Tanong ni Xavier na ikinanuot ng noo ko. What mission?

"Yes, McGarry." Said Sir and pointed a look at me and Jhea. "Zeilyn and Jhea will be coming to Miss Trecia, while you, Xavier, Enzo and Gino will come to me."

I questionably arched an eyebrow. Hindi kasama si Blood?

"Blood will be unavailable. There are some things that he need to take care off."

"Ah." Tanging sambit ko habang tumatango.

"For boys, you will be monitoring or more like spying one of the base of Monstrous which can be found at Greest. A small but deadly forest outside the town. While for us, girls, we will be guarding and protecting the whole Porsha City until the mission ends."

This is new to me. Protecting the whole city? That's a very big responsibility. People will be depending on you. But I'll try my best though.

You can't even protect yourself. How are you gonna protect other people? Saad ng isang bahagi ng utak ko. I sighed and scratch my head.

"We'll be doing it the first day next year. For now, focus on your training." Ani Sir at may inilabas na apat na box which is hindi ko alam na dala pala nila.

"This bracelet will serve as your protector. It will help us detect each other in terms of danger. Plus there is a small magical but deadly liquid inside the pendant. If someone try to take this away from you without my confirmation consent, he or she will be killed."

Si Ma'am Trecia naman ay inilapag ang tig-iisang box sa mesa ng mga kaklase ko, maliban sa akin.

"For you, Zeilyn, you should go to Blood and ask him for your own protector."

"W-what?" I stammer. "Why?" Hindi ba pwedeng ibigay din nila sa akin kagaya ng ginawa nila sa iba?

"This bracelet was made by the Headmistress, while yours we're made by Blood."

"Ganoon po ba?" Kukunin ko nalang sa kan'ya pag nagkita kami. Or I should just ask someone his location.

"Yes. So boys, follow me to my office, I'll discuss more about the mission."

Nang makalabas na ang mga lalaki ay tumayo si Jhea at kinuha ang upuan si Xavier at tumabi sa akin. Ganoon rin ang ginawa ni Ma'am Trecia na kinuha ang upuan ni Enzo at sa harap namin umupo.

"Ma'am, tungkol po pala do'n sa mission, paano po natin mapoprotektahan ang buong bayan ng tayong tatlo lang?" Tanong ni Jhea.

Oo nga, 'no? Pero..."Gaano po kalaki ang Porsha City?"

"Uhm...mas malaki pa sa Porsha Academy."

Shocks! "Ganoon kalaki?" Gulat na tanong ko. Medyo matagal-tagal na rin ako dito sa school pero kahit minsan hindi ko parin ito naiikot ng buo, pero alam ko ng napakalaki nito. Paano na kaya ang Porsha City?

"Yes, Ms. Monarch. But we can't obviously do that alone so there will be two representative from the Elite Section to help us with the mission. Also there is around 30 royal guards around the area."

"If my jinx is right, are you referring to Akiro and Shiro?" Tanong ni Jhea na ikinalingon ko sa kanya.

"Yes. The Headmistress is the one who offered them to us." Sagot ni Ma'am tsaka tumingin sa akin. "Kilala mo sila, 'di ba?"

Agad akong tumango. "Of course."

"Okay, so we're set already. Just meet me in the main gate of the campus at 7am. I gotta go." Ani Ma'am at umalis.

Nang kami nalang dalawa ni Jhea ay mas lumapit pa siya sa akin at ipinalibot ang braso niya sa braso ko.

"They seriously know how to annoy us." Bulong niya.

"How so?"

"I'm still cuddling with my bed when they woke me up! How could they? Pwede naman siguro nilang sabihin sa amin bukas."

Napangiti ako at hinawakan ang kamay niya. "Mabuti na rin at ngayon. You know, we will be busy with our training again and so they are."

Tumingin siya sa mga mata ko. "Don't outsmart me. I'm still older if you don't know." Nakangusong saad niya.

Ngayong nabanggit niya, nacurious tuloy ako kung ilang taon na siya. "Kailan ba birthday mo?"

"18th of February, in the year off 1999."

Mas matanda nga siya kesa sa'kin. "Mine is 18th of April 2000."

Umayos siya ng upo at humarap sa akin. "Xavier's birthday is 31st of December 1997, Enzo is on 9th of March 1998, si Gino ay September 1, 1998, while Blood is 14th of March 1997."

Lahat pala kami ay nasa early 20's na.

"Nga pala, Jhea, ano pala 'yung tinitukoy ni Ma'am Trecia na Monstrous?"

She look and me and sighed. "In our world, Zeilyn, rivalry never deceased, and our main counterpart is called Monstrous. They would do everything to take us down so they could rule the whole magic world. While we, we make the word 'peace" stay still by protecting the whole city and forbid the enemies enter our territory, especially without our permission. But what happened to Elite Students who brutally died in the hands of Monstrous opened the eyes of the council. They're at it again. Actually, we made a deal with them years ago. Never hurt any of your enemy's companion for it means war, but they didn't oblidge so it means...they want war."

"Y-you mean.."

"Unlike before, they became more desperate to defeat us so they could get what they want."

"And that is who, not what, right?"

Napatitig siya sa akin ng matagal. "How did you know?"

"Enzo mentioned. But one thing I didn't understand is that...why would they became desperate with this person? Ano ba talaga ang kailangan nila sa taong 'yon?"

Naging mailap ang mga mata niya. "It's not the right time for you to know it."

"What? Why?" Mas lalo tuloy ako nacurious kung sino ang taong 'yon. Why can't she tell me?

"Basta." Aniya't tumayo. "Tara?" Aya niya.

Ngumiti ako at tumayo rin. "May ideya ka ba kung nasaan si Blood?" Tanong ko nang makalabas kami. Ilang minuto siyang tahimik na siyang ikinalingon ko sa kan'ya. She had this teasing smile while looking at me. "What?" I asked.

Umiling siya at mahinang natawa. "Wala. I just didn't see that coming. Hindi ko akalain na hahanapin mo siya sa akin."

I chuckled. "Iba naman 'yang nasa isip mo, eh. It's not what you think, okay? May kailangan lang ako sa kanya." And I feel like seeing him, too. I don't know why.

"I'm not sure about this, though, but I think he's either in the garden or in the rooftop."

Rooftop? Akala ko bang ipinagbabawal ang pumunta roon? Then why is he possibly there?

"Saan ang daan papunta sa rooftop?" If he's not there then I'll go in the garden.

Nanunudyong sinusundot niya ang beywang ko. "So pupuntahan mo nga?"

"Sabihin mo na."

She laugh. "You see that door?" Sabi niya sabay turo sa pinto na nasa medyo tagong parte ng hallway. Wait. Hindi ko alam na may pinto pala diyan. Kasing kulay kasi ito ng pintura ng pader kaya siguro hindi ko napapansin. Mabuti nalang at may doorknob. "When you open that, you'll see stairs upstairs. That's the way to the rooftop."

"Thanks." Saad ko at tinungo ang daan na tinuro niya.

"Bye! Kita nalang tayo sa training!" Sigaw ni Jhea habang kumakaway na naglalakad papalayo.

Natawa nalang ako ng mahina at binuksan ang sinabing pinto. Madilim at mahigit nasa sampung baitang lang ang nakikita ko dahil sa liwanag.

Huminga muna ako ng malalim bago pumasok at sinara ang pinto. Kinabahan ako dahil sa sobrang dilim ng paligid. Wala akong makita na kahit ano pero kahit na ganoon ay nagpatuloy parin ako sa pag-akyat, pero dahan dahan lang.

Hindi ko alam kung ilang baitang na ba ang naakyat ko pero makalipas ng ilang minuto ay napahinto ako nang maramdamang nakatayo ako sa isang parisukat sa dulo ng hagdan.

Tinaas ko ang aking mga kamay at kinakapa ang pader na aking nahawakan hanggang sa maramdaman ko ang bagay na sa tingin ko ay doorknob. Mabilis ko itong pinihit at agad na bumungad sa akin ang maaliwalas at malawak na paligid.

I close the door and sighed. That stairs somehow scares me. Hindi ko inakalang 'yon ang daan patungong rooftop.

Nilagay ko sa likod ng tenga ang aking buhok na tumatakip sa aking mukha dahil sa hangin at nilibot ang aking paningin sa buong paligid upang hanapin si Blood.

Sa 'di kalayuang bahagi ng lugar ay may natanaw akong isang bulto ng tao na nakatalikod habang nakatayo.

Why does his back looks familiar? Parang nakita ko na ito dati.

Dahan dahan akong naglakad papalapit. My eyes we're only settled on him. This familiar feeling is starting to bother me. Naramdaman ko ang paglamig ng ihip ng hangin at ang pamamawis ng aking mga kamay.

The surrounding was silent until a voice of a young girl filled my ears.

"Braven!"

Lumingon ako sa aking gilid at doon ko nakita ang batang babae na palaging nagpapakita sa isip ko. Masaya ang mukha nitong tumatakbo papalapit sa taong tinawag niya. Nang bumalik ang tingin ko sa lalaking nakatalikod ay wala na siya doon at napalitan ng batang lalaki na nakatalikod.

My eyes widen when he turn back and smile. I froze at the sigh of him. All this time I thought that they both have brown eyes, but I'm wrong! Now that I'm seeing them up close, I can feel my heart beats faster than ever.

He had blue eyes! Blue!

"I was looking for you for the whole day! Xavier told me that you're in the castle but you weren't there! I visited all of the places you could possibly staying at until here."

The little boy smile at the girl's tantrum. Habang ako naman ay naka-awang ang labing pinagmamasdan sila.

Why am I always seeing them?

"Zeilyn."

Pumikit ako ng mariin at ipiniling ang aking ulo. Ano ba talaga ang meron sa mga batang 'yon? And why the hell didn't I realize sooner that the kid is like the younger version of Blood? And that girl... she's familiar as well but I can't recognize her.

It felt so real. Watching them is like I'm in the exact scene, too. And it's weird. My head didn't feel any pain. Just full of confusion.

Napabuga ako ng hangin at dumilat. Nang bumungad sa akin ang titig niya ay napaatras ako sa gulat.

"Blood." Bulong ko sa kan'yang pangalan. I was about to speak when I saw his eyes switched from Blue to Red and from Red then back to Blue.

What the?!

Ilang beses akong kumurap at humakbang papa-atras. Nang makuntento na ako sa limang metrong distansya naming dalawa ay nagsalita siya.

"Are you okay?" He asked.

I want to answer him. Pero hindi magawang bumukas ng bibig ko upang magsalita. I want to ask him something, but I lost all the guts.

"Why did you step back?"

Nakatitig lamang ako sa kan'ya. And I suddenly remember the man I saw here from outside the building wearing a mask. And that makes me couldn't think straight.

"That man is the very important person in our world."

"Important? What is he? Anak ba siya ng may-ari ng school?"

"Nah. Mas importante pa do'n."

Mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko nang maalala ang pinagusapan namin ni Enzo.

I don't want to interfere with his life because it's not my business anymore, but I'm starting to get curious about him.

Who really are you, Blood?

***

itsmaidemblack

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status