Share

Chapter 106

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-10-01 23:11:56

“Madam, kumain na po ba kayo ng almusal?” magiliw na tanong ni Althea.

“Oo, kumain na ako kanina.” simpleng sagot ng matanda.

Kinuha ng matanda ang tsaa na inihanda ni Althea at marahang ininom ito.

“Althea, hindi ko naman inakala na dadalhin ka pala ni Xavier dito. Kagabi ko lang nalaman na nandito ja.” sandaling tumigil ang matanda bago maingat na nagtanong,

“May anak ka na ba?”

Hindi umiwas ng tingin ang babae at direktang sumagot.

“Opo, may anak na po akong lalaki.”

“So isa ka palang s
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 114

    Bahagyang napataas ng kilay si Althea, naisip niyang posible talagang si Xavier nga ang backer ni Bernadette. Tutal, alam ng babae ang personal na number ng lalaki. At noong gabing iyon, tinawagan pa niya ito para hilinging maging exclusive sponsor ng programa niya. “Grabe! Hindi ko akalain na ganito pala kalakas ang charm ni Ms. Bernadette. Ang nakuha niyang sponsor, sobrang gwapo at bata pa! Pati katawan niya…iyon siguro ang tinatawag na ‘male waist,’ ‘di ba?”Natatawa na lang si Althea sa mga sinasabi ng dalaga. “Alam mo grabe ka rin, ang lawak naman talaga ng imagination mo.”“Ate, bakit namumula ang mukha mo? Hala! Hindi kaya ini-imagine mo ba ung lalaki na—”Sa gilid ng mga mata ni Althea, napansin niyang nakarating na sa likuran nila ang grupo. Agad iyang tinakpan ang bibig ng dalaga at paulit-ulit na sinenyasan ito gamit ang kanyang mata. Tumango naman ang dalaga, nang alisin ng babae ang kamay niya sa bibig nito. Hindi pa rin nito napigilang magsabi ng isa pang salita. “A

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 113

    Dahil hindi binaba ng taxi sila Althea sa mismong tapat ng venue ng sponsorship even nila, wala sila nagawa kundi ang maglakad. Tutal malapit na naman ang venue kung saan sila binaba ng mismong taxi. Habang naglalakad, walang tigil si Trisha sa pagmumura kay Scarlet. Nang makita ni Althea na buong-buo ang suporta ng dalaga sa kanya at wala itong konting pag-iisip na may nagawa siyang mali, hindi na siya nakatiis na magtanong, “Trisha, sa tingin mo ba masyado akong malupit?”Mabilis na umiling ang dalaga. “Hindi noh, deserve naman niya iyon. Saka konti lang naman ang inilagay mo sa tubig niya, malaking awa na nga yun eh. Paano na lang kung hindi mo napansin na may mali sa baso mo at nainom mo lahat iyon? Lalamunan mo ang tuluyan nang masisira.”Kapag nasira ang boses niya, hindi lang ang pagiging host niya ang magiging problema. Pati ang normal na pamumuhay niya ay maaapektuhan. Kahit na umunlad na ang lipunan ngayon, ang isang taong hindi makapagsalita ay maaari pa ring makaranas n

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 112

    Nang malapit nang dumikit ang mga labi ni Althea sa baso, napansin ng mga mata niya ang computer mouse niya sa mesa. Bigla siyang nakaramdam ng parang may mali, nakaugalian kasi niya na ayusin ang mouse pagkatapos niyang gamitin ito pero ngayon ay nakatagilid ito. Muli niyang sinulyapan ang tubig sa baso, wala naman siyang napansing kakaiba. Pero may kung anong hindi magandang kutob siyang nararamdaman, lalo na nang bigla niyang mapansin si Scarlett na nakatayo sa isang sulok habang nakatingin sa kanya. Kaya naman nagkunwari siyang uminom ng kaunti, saka mahinahong ibinaba ang baso. Mula sa kinatatayuan ni Scarlett, inakala nitong nakainom na ng tubig si Althea. Sakto naman na may tumawag sa cellphone niya, agad naman siyang lumabas ng opisina para sagutin ito.Bahagyang sumingit ang malinaw na mga mata ni Althea, habang wala si Scarlett kinuha niya ang baso at pumasok sa opisina nito. Kadalasan mas pinipili ni Althea na maging mabuting tao, hangga’t hindi nila nilalampasan ang kany

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 11

    Tahimik na tinititigan ni Celina si Sebastian na kasalukuyang nakahiga sa hospital bed, namamaga at puno pa rin ng pasa ang mukha nito. Halos kumukulo sa dibdib niya ang matinding galit. Hindi niya kailanman inakala na si Althea lang pala ang nag celebrate sa main VIP room ng hotel. Mas lalong hindi niya inakalang nakahanap si Althea ng lalaking mas pogi at mas mayaman pa kay Sebastian. Sinubukan ni Celina na ipa-investigate sa mga tao niya ang lalaking iyon, pero wala silang mahanap.Napakamisteryoso nito, gwapo ang lalaki at maganda rin ang pangangatawan nito. Baka naman may sugar mommy na bumubuhay dito. Kung tama ang pagkakaalala niya, babae yata ang may-ari ng hotel. Sa pag-iisip na iyon, bahagyang gumaan ang pakiramdam ni Celina. Naiisip niyang imposibleng mas maging maganda ang buhay ni Althea kaysa sa kanya. Ayon sa sinabi ng kanyang ina, nagkaron pa raw ito ng anak sa labas. Talagang wala itong kahihiyan at sinisira ang reputasyon ng kanilang pamilya. “Celina?”Tinitigan n

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 110

    Nakatayo si Althea sa harap ng pinto ng study room, huminga muna siya nang malalim bago itinaas ang kamay at kumatok. Walang sumagot, kumakatok siyang muli. Pero nanatili pa ring tahimik sa loob, bahagyang bumilis ang tibok ng puso niya. Hindi niya alam kung dahil ba kinakabahan siyang harapin si Xavier o dahil sa ibang dahilan. Inilagay niya ang kamay sa doorknob at marahang pinihit iyon, bukas pa ang mga ilaw sa loob ng study room. Kumalat sa hangin ang matapang na amoy ng sigarilyo, inilapag ni Althea ang tray ng pagkain sa ibabaw ng desk. Nang mapansin niya ang ashtray na punong-puno ng upos ng sigarilyo, bahagyang kumunot ang noo niya. Inalis niya ang mga upos at itinapon ito sa basurahan bago ibinalik ang ahstray sa mesa. Biglang nag-vibrate ang cellphone na nakapatong sa desk, hindi sinasadyang nadaplisan ng daliri ng babae ang screen at automatic na nasagot ang tawag. Agad sana niya itong ibababa nang bigla niyang marinig ang isang pamilyar na boses ng babae mula sa kabil

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 109

    Dalawang araw na ang lumipas ngunit hindi pa rin nakikita ni Althea si Xavier. Tuwing nasa bahay siya palagi na lang siya kinakabahan, lalo na tuwing gabi halos hindi siya makatulog ng maayos. Baka kasi kapag tuluyan siyang nakatulog at biglang sumama ang timpla ng lalaking iyon, baka tuluyan na siyang sakalin nito. Mukhang gusto naman ni Jeff ang lalaki, ilang araw na itong hindi nakikita ng bata kaya naman ilang beses na rin itong nagtanong sa kanyang ina. Nang gabing iyon, matapos ihanda ni Althea ang hapunan at matapos ang check-up ni Jeff magkatabi silang nakaupo sa hapag-kainan. Kahapon ay sinabi sa kanya ng doctor ni Jeff na nakauwi na ng bansa ang taong compatible sa bone marrow para sa anak niya. Noong una gusto sana ng babae na makilala ang taong iyon, ngunit ayon sa doctor kakauwi lamang nito at marami pa itong inaasikaso kaya wala pa itong oras para makipag kita sa kanya. Anuman ang mangyari, malaking bagay na nakahanap sila sila na bone marrow na ka-match ng anak niya

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status