Share

Chapter 130

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-10-10 19:29:17

“Kuya naman, minsan na nga lang akong umuwi dito. Huwag mo naman ako tratuhin nang ganito!”

Napakatamis ng mukha dalaga at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klase ng paglalambing. Kahit si Althea, na isa ring babae ay hindi napigilan na kilabutan sa sobrang lambing nito.

Gusto sanang sumingit ni Andrea sa pagitan ng dalawa para muling mayakap ang braso ni Xavier, pero hindi siya binigyan ng lalaki ng kahit konting pagkakataon. Hinila lang nito si Althea at naglakad papasok sa lobby.

Napans
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 130

    “Kuya naman, minsan na nga lang akong umuwi dito. Huwag mo naman ako tratuhin nang ganito!”Napakatamis ng mukha dalaga at bagay na bagay sa kanya ang ganitong klase ng paglalambing. Kahit si Althea, na isa ring babae ay hindi napigilan na kilabutan sa sobrang lambing nito. Gusto sanang sumingit ni Andrea sa pagitan ng dalawa para muling mayakap ang braso ni Xavier, pero hindi siya binigyan ng lalaki ng kahit konting pagkakataon. Hinila lang nito si Althea at naglakad papasok sa lobby. Napansin ni Althea na kapag babae na hindi gusto ni Xavier, hindi talaga ito nagpapakita ng kahit katiting na magandang pakikitungo sa mga ito o miski kahit anong motibo. Ganoon din kay Irish at Andrea, tinitigan ng babae ang malamig na mukha nito na tila yelo at bahagyang kumunot ang kanyang noo. Sa akin, parang iba siya.Kung pag-uusapan ang itsura, hindi naman mas mababa sa kanya ang dalawang babaeng nag tangka kay Xavier. Pero hindi naman niya gusto ang mga ito, samantalang kay Althea lang siya

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 129

    Nang makita ni Althea na nasa kamay na ng lalaki ang kanyang cellphone, biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Na para bang gusto nitong kumawala mula sa dibdib niya. Malamig na pawis ang namuo sa kanyang noo. Hindi niya alam kung ano ba talaga ang kinatatakutan niya, sa tuwing nasa harap siya ng lalaki lagi niya kailangan maging maingat at tensionado. Takot na baka magalit o sumabog ang temper nito sa harap niya. Hindi naman ugali ng lalaki ang mangialam o maghalungkat ng cellphone ng ibang tao. Pagkuha niya ng cellphone ng babae, hindi man lang niya ito tiningnan. Nang mapansin niyang nakayuko lamang ang babae at hindi ito inaagaw pabalik ang cellphone, bahagyang lumambot ang matigas niyang mukha. Iniabot niya ulit ang cellphone sa kanya.“Alam kong hindi mo naman ako pagtataksilan at palihim na makikipagkita sa ibang lalaki!”Sobrang kumpiyansa. Sobrang taas ng tingin sa sarili!Bumuka ang bibig ni Althea, pero hindi niya alam kung ano ang sasabihin. Sa totoo lang, wala naman s

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 128

    Malaking halaga ang inilabas ni Xavier para kay Althea, kaya naman kailangan niyang pasalamatan ito ng maayos. Tinitigan niya ang alak na binuhos ni Gerald sa baso, tig-isang baso sila ni Xavier, at wala naman itong ginawa gaya ng palihim na paglalagay ng kung anong gamot sa inumin. Malakas naman ang tolerance niya sa alak, isang baso lang ay sigurado siyang makakaya niya. Ngumiti siya at itinaas ang baso kay Xavier. “Sir Xavier, maraming salamat sa malaking tulong mo ngayon. Aaminin ko, kahit minsan nakakainis ka parang hindi naman talaga masama ang ugali mo. akin na itong baso, ako na iinom nito, ikaw bahala ka kung iinumin mo o hindi…”Biglang dumilim na naman ang mukha ng lalaki. Iniisip niya kung ano ang ibig sabihin ng babae tungkol sa pagiging nakakainis siya, ang babaeng ito lang talaga ang may lakas ng loob na pagsalitaan siya ng ganun. Bahagyang tinaas ng lalaki ang kanyang kilay, hindi niya pinigilan ang babae sa pag-inom. Nang maubos ng babae ang laman ng kanyang baso,

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 127

    Mariing nakatitig ang malalim na itim na mga mata ni Xavier kay Althea, ayaw niyang palampasin kahit ang pinakamaliit na pagbabago sa ekspresyon ng mukha nito. Hindi matiyak ng babae kung ano ba talaga ang relasyon niya kay Yannis, sa sitwasyon ngayon masasabi niyang hindi naman talaga sila magkakilala nito.Umiling siya at tapat na sumagot, “Walang namamagitan sa aming dalawa, ni hindi ko nga siya kilala. Sinabi ng station director na isa siyang mystery masked singer na si Yannis. Buong mundo yata ang gustong makakita ng mukha niya. Sa tingin mo ba ganoon ako kagaling para masabi mong nakita ko na ang tunay niyang mukha?”Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya, sa tuwing kaharap niya ang isang taong mabilis magalit na tulad ni Xavier lagi na lang siyang nag-aalala na baka sumabog ito sa galit. Siguro dahil nasanay na siyang siya ang inuutosan at pinapahirapan nito. Wala namang nakitang kakaiba si Xavier sa mukha ng babae. Bahagyang lumuwag ang malamig niyang ekspresyon. “Eh

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 126

    Nakita ni Althea ang station director na nakangiti hanggang sa halos hindi na ito makakita sa sobrang paniningkit ng mata. Nang maisip niya si Yannis, hindi niya napigilang magtanong sa sarili. Si Yannis ba talaga talaga si Kuya Xavy? Siya rin ba ang misteryosong “Y” na taon-taon siyang pinapadalhan ng mga alahas?“Director, nasa private room pa po ba si Yannis?”“Wala na, halos kakaalis lang niya.”Biglang tumayo si Althea mula sa kanyang inuupuan at nagmamadaling tumakbo palabas ng event hall. Nang makita ni Celina na umalis si Althea, bahagyang kumunot ang kanyang noo. Nang mapadaan sa harap niya ang station director agad siyang nagtanong. “Direk, saan po pupunta si Althea?”Pinaliwanag ng director kay Celina na si Yannis ang magiging first guest sa unang episode ng Food Wins the World.Mariing bumaon ang mga daliri niya sa kanyang palad, na para bang gusto niyang punitin ang sariling balat sa sobrang galit. Bakit kahit nakakuha na si Althea ng tatlong daang milyong na exclusive

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 125

    Marahas na nangininig ang mahahabang pilikmata ni Althea, para bang nag-short circuit ang utak niya at wala na siyang ibang magawa kundi manataling blangko. Malalim at napakaitim ng mga mata ni Xavier, isang uri ng kadiliman na tila kayang lamunin ang lahat ng bagay sa mundo. Ilang segundo ang lumipas bago na-realize ni Althea kung ano ang ginawa nito. Agad niyang inilapat ang maliit niyang kamay sa balikat ng lalaki at mariing itinulak ito palayo. Namula ang kanyang mukha dahil kanina pa niya pinipigilan ang paghinga. Marahas na nanginginig ang mahahabang pilikmata ni Nan Zhi. Para bang nag-short circuit ang utak niya at wala na siyang ibang magawa kundi manatiling blangko.“Bakit ka naman ganoon? Ang daming nakatingin! Nakakakahiya. ”Nanatiling napakalapit ng matipunong mukha ng lalaki sa kanya, bahagyang itinaas nito ang matalas niyang kilay. “Hayaan mo nga silang tumingin at mainggit, ano naman ba ang kinatatakutan mo?”Hindi kasing kapal ng mukha niya ang babae, kumunot ang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status