INICIAR SESIÓNNapakagat sa labi ang bata habang pinagmamasdan ang lalaki.
"Ang gwapo naman ng lalaki na 'yon. Ang astig pa ng dating niya."
Huminto siya sandali bago marahang ngumiti.
"Pero... mas gwapo pa rin ako nang kaunti."
Mabilis maglakad ang lalaki at may isang magandang dalagang halos takbong sumusunod sa kanya.
Napansin ni Jeff na bahagyang nakakunot ang noo ng lalaki. Hindi man lang ito lumingon o naghintay sa babaeng pilit humahabol.
Mukhang nakakaawa naman ang babae.
"Xavier, alam kong mali ang ginawa ko. Nagpanggap akong si Kuya para mapa-book ang restaurant at mapapunta ka rito. Pero malapit na akong umalis papuntang ibang bansa para mag-aral. Hindi mo ba ako pwedeng samahan kahit isang hapunan lang?"
Nakanguso ang babae habang nangingilid ang luha sa kanyang mga mata.Ngunit nanatiling malamig ang lalaki.
“Wala sa ugali ko ang makipag-dinner sa mga babae.”
Diretso pa rin ang kanyang paglalakad, ni hindi man lang lumingon. Biglang sumigaw ang babae.
"Mahal kita!"
Maraming tao sa harap ng restaurant ang napahinto at napatingin sa kanila.Katatapos lamang ni Althea sa kanyang tawag kaya napalingon din siya.Ang nakita lamang niya ay ang umiiyak na babae at ang matangkad na lalaking nakasuot ng itim na coat.Papasok na sana siya sa sasakyan nang marinig niya ang malamig at mayabang na boses ng lalaki.
"Wala akong interes sa'yo." Isang diretso at walang pag-aalinlangang pagtanggi.
Hindi napigilan ni Althea na muling tingnan ang likuran ng lalaki.
Tinatayang halos anim na talampakan ang taas nito. Perpektong bumagay sa matipuno nitong katawan ang mamahaling itim na coat. Napakalakas ng kanyang presensya kaya maging ang mga dalagang balak sana siyang kunan ng litrato ay natakot lumapit.
"Thea, ano'ng tinitingnan mo?" bungad ni Sofia nang makarating ito sakay ng kotse. Muli siyang lumingon, ngunit wala na ang lalaki.
Napakurap ang babae bago marahang ngumiti.
"Wala naman, tara na?."
Pero nagulat siya sa sarili.Hindi niya akalaing matitigilan siya sa simpleng pagtingin sa likuran ng isang estranghero.Bago tuluyang sumakay ng sasakyan, biglang lumingon ang bata sa kanyang ina.
"Mommy..." Malambing ang boses nito.
“Hindi ba nakita mo rin kanina yung astig na lalaki na mas gwapo kaysa sa’kin.”
Napailing siya.
"Tandaan mo ha, bukod kay Baby Jeff, bawal kang magkagusto sa ibang lalaki."
Halos mabilaukan ang babae sa sinabi ng anak.Apat na taon na ang nakalipas, nang malaman niyang buntis siya, una niyang naisip na ipalaglag ang sanggol.
Ngunit sinabi ng doktor na bihira ang uri ng kanyang dugo. Kapag nagpalaglag siya, maaaring mahirapan na siyang magbuntis muli o kaya'y paulit-ulit siyang makunan sa hinaharap.
Matagal siyang nag-isip. Sa huli, pinili niyang buhayin ang bata.Hindi naging madali ang maging isang single mother.
Habang nasa ibang bansa, sabay niyang inalagaan si Jeff, ang kanyang may sakit na ina, at tinapos ang kanyang pag-aaral.
Akala niya ay unti-unti nang bumubuti ang kanilang buhay.Ngunit isang buwan na ang nakalipas, parang muli siyang gumuho.
Na-diagnose si Jeff na may leukemia. Ang kuya ni Sofia ang isa sa pinakamahusay na doctor sa sakit na iyon. Kaya naman nag desisyon si Althea na umuwi ng Pilipinas kasama ang kanyang anak, upang dito ito ipagamot.
...
St. Lukes Medical Center
Tinawag ni Dr. Christian si Althea sa kanyang opisina.
"Sa ngayon, stable pa naman ang kondisyon ni Jeff. Nagpapahanap na ako ng compatible bone marrow sa bone marrow registry at cord blood stem cell bank."
Sandali siyang tumigil bago nagpatuloy.
"Pero habang naghihintay tayo, mas mabuti kung makapunta rito ang ama ng bata para makapag pa-bone marrow matching din. Kung sakaling siya ang pinakamagandang donor."
Biglang bumilis ang tibok ng puso ng babae.
“Wala na ho bang ibang paraan?”
“Kung patuloy tayo na maghihintay sa isang compatible donor niya, para lang tayong nag hihintay sa isang butas na inflatable pool na mapuno ito. Hindi sa sinasabi ko na wala ng pagasa pero mas malaki kasi ang chance na ang ama niya ang maaaring match sa kanya.”
“Ganun po ba, sige po maraming salamat po.” agad siyang lumabas ng opisina ng doctor at dahan-dahang naupo sa mga bench sa labas ng clinic.
Ilang minuto niyang pinrocess sa utak niya ang mga sinabi ng doctor.
Ama ni Jeff? Gustuhin man niyang humingi ng tulong dito para sa anak nila, pero paano? Eh hindi nga niya alam kung sino ito. Paano niya hahanapin ang lalaking minsan lang niyang nakasama sa apat na taon na ang nakalipas?
Para mas mabantayan ang kalagayan ng bata, sinuggest ng doctor na manatili muna ito sa ospital kung saan may mga professional nurse na mag-aalaga rito.
Hindi biro ang gagastusin sa gamutan at sa magiging operasyon. May naipon naman na si Althea sa loob ng apat na taon, pero ngayong nakabalik na siya sa bansang ito. Panahon na para bawiin ang lahat ng nararapat sa kanya at sa kanyang ina.
Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it
Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal
Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan
Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala
Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground
Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw







