Share

Chapter 6

Author: Sienna Fox
last update publish date: 2026-07-16 21:25:58

Sa loob ng isang sikat na mall sa Pasay City, marami ang napapalingon sa isang babaeng ipinanganak para maging sentro ng atensyon. 

Dahil sa puti ng kanyang balat at ganda ng mahaba niyang buhok, aakalain mo na isa siyang isang manika. Nakapatong sa ulo niya ang isang sunglasses na lalo pang nagbigay-diin sa kanyang magandang mukha. 

Matangos ang kanyang ilong at mapula naman ang kanyang labi na may natural na alindog. Suot niya ang isang simpleng above the knee na dress na hapit sa kanyang katawan. Mahahalata mo rito ang ganda ng kanyang pangangatawan, sa bawat hakbang niya nagmumukha siyang professional model.

May tinutulak siyang shopping cart. Nakaupo roon ang isang munting batang lalaki na may suot na baseball cap, denim overalls, at checkered na polo. Bagama’t natatakpan ng sumbrero ang halos kalahati ng mukha nito, sapat na ang mapupulang labi at maayos nitong panga para malaman ng kahit na sino na napaka gwapo ng bata. 

“Mommy, nakagawa na po si BabyJeff ng listahan ng lahat ng mga kailangan natin bilhin.” masayang sabi ng bata habang tumitingala sa magandang babae. 

Nang iangat ng bata ang ulo niya, mas lalong napalingon ang mga tao sa kanilang paligid. Para siyang isang prinsipe mula sa pelikula. Napakanatural ng kanyang mukha, malalaki ang maitim na mata, matangos ang ilong at mapupula rin ang labi.

Tanging ang maputla niyang balat ang bahagyang naiiba, ngunit lalo lamang iyong nagdagdag sa kanyang kakaibang kagandahan.

Hindi tuloy malaman ng mga tao kung mag-ina ba sila o magkapatid. Pareho kasing napakaganda ng lahi nila. Napangiti si Althea habang tinitingnan ang kanyang anak. 

"Ang galing talaga ng Baby Jeff ko." puri niya sa kanyang anak.

"Theaaaa! Babyyyy Jeff!"

Narinig nila ang isang masiglang boses.

Lumingon si Althea at nakita ang matalik niyang kaibigan na si Sofia, masayang kumakaway sa kanila.

"Mommy, si Ninang!" tuwang-tuwang sabi ni Jeff, kasabay ng isang napakatamis na ngiti.

Agad na tumakbo ang babae papalapit sa kanila at mahigpit na niyakap si Althea.

Tatlong taon silang naging magkatabi sa klase noong high school kaya napakalalim na ng kanilang pagkakaibigan. Kahit apat na taon silang hindi nagkita nang personal dahil nag-abroad si Althea, halos kada dalawang linggo naman silang nagvi-video call.

Kaya alam na ni Sofia ang tungkol kay Jeff. Pagkabitiw niya sa babae, agad niyang niyakap ang bata. 

"Ninang... hindi na ako makahinga," nakangiting reklamo ni Jeff.

Napahalakhak ang babae at agad siyang bumitiw. Pero hindi pa rin niya maalis ang tingin sa bata.

"Grabe, Thea! Ang ganda talaga ng genes ninyo! Pwede bang ipa-reserve ko na itong inaanak ko para sa magiging anak kong babae?"

Kumindat ang bata bago tumingin sa kanyang ina.

"Ninang, siguradong mas gwapo pa sa akin ang magiging boyfriend mo paglaki. At saka... si Mommy lang ang pinakamamahal ko."

Napahawak si Sofia sa dibdib. Para siyang tinamaan ng sampung libong critical hit. 

"Hay naku! Hindi lang gwapo ang anak mo, sobrang sweet at loyal pa! Naiinggit na talaga ako!"

Napatawa si Althea.

"Kung gusto mo, pwede mo naman siyang hiramin. Basta papayag si Baby Jeff."

Nagkunwaring nagtampo si Sofia.

"Hmph! Kayo na lang talaga ang mag-ina. Grabe kayong magpakilig."

Matapos mamili sa supermarket, iginiit ni Sofia na ilibre niya sina Althea at Jeff sa isang restaurant.

"Wala akong pakialam! Umuwi ka ng bansa nang hindi mo man lang ako sinabihan para sana nasundo kita sa airport. Nagagalit talaga ako, kaya ako ang manlilibre ngayon. Kapag hindi ka pumayag, hindi na kita kakausapin!"

Makalipas ang kalahating oras, nakarating na sila sa isang fine dining restaurant. Ngunit pagdating nila sa entrance, hinarang sila ng isang waiter.

"Sorry po pero nakabook ang buong restaurant ngayong gabi."

Natulala si Sofia.

“Grabe naman, sino naman kaya ang nag pareserve ng isang buong restaurant? Grabe naman ang yaman nun.”

Napansin ni Althea ang pagkadismaya ng kaibigan niya kaya ngumiti siya para mapagaan ang loob nito. 

“Ano ka ba, okay lang ‘yan. Marami pa namang ibang masasarap na restaurant na pwede natin puntahan.”

Napabuntong-hininga na lang ang babae, dahil matagal na niyang gusto kumain sa restaurant na iyon.

“Hays sige na nga, pero gusto ko talaga makita kung sino ang mayamang taong iyon.”

Wala silang nagawa kundi ang lumabas ng restaurant. Pagdating nila sa harap ng nasabing kainan, nagpaalam si Sofia. 

“Thea, hintayin n’yo muna ako rito ni Baby Jeff  kukunin ko lang ang sasakyan.

"Sige, hintayin ka na lang namin dito."

Tumayo ang mag-ina sa gilid ng entrance ng restaurant, tahimik silang naghihintay nang biglang tumunog ang cellphone ng babae. Lumayo siya ng kaunti upang sagutin ang tawag. Samantala, naupo naman sa sahig si Jeff. sa ilalim ng kanyang sumbrero, paikot-ikot ang kanyang mga malalaking mata na tila may kung anong iniisip. 

Maya-maya, may isang lalaki ang lumabas mula sa restaurant.

Agad siyang napansin ng bata.

Matangkad ito at nakasuot ng mahabang itim na coat. Napakaplantsado ng kanyang pantalon na bumagay sa mahahaba niyang binti. Maikli at maayos ang kanyang buhok, habang ang kanyang gwapong mukha ay tila inukit ng isang mahusay na iskultor.

Matalas ang kanyang mga mata at seryoso ang ekspresyon. Sa bawat hakbang niya ay lumalabas ang isang makapangyarihan at dominante niyang presensya.

Isa siyang lalaking imposibleng hindi mapansin... at imposibleng hindi katakutan. Natulala ang bata habang pinagmamasdan ang lalaki na lumabas mula sa nasabing restaurant.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 163

    Napatingin si Althea kay Xavier. Nagtama ang malinaw niyang mga mata at ang malalim na itim na mga mata nito na tila walang hanggan.Ilang segundo silang binalot ng katahimikan.Hanggang sa marinig ang mahinang pagtawa ni Xavier, na siyang pumutol sa tensiyon sa pagitan nila. Kaswal niyang pinaglaruan ang dart sa pagitan ng mahahaba niyang daliri bago tumingin kay Althea. Bakas sa mga mata niya ang kawalang-pakialam.“Ano naman ang dapat ikatakot ko? Babae lang naman siya. Wala namang dahilan para panghinayangan siya.”Mariing pinagdikit ni Althea ang mapupula niyang labi. Kahit pilit niyang pinananatili ang kalmado niyang anyo, hindi niya napigilang maging hindi pantay ang paghinga.Ayaw maniwala ng puso niyang talagang isasapalaran ni Xavier ang buhay niya, pero nang marinig niya ang mga salitang iyon mula mismo sa bibig nito, para pa rin siyang sinaksak nang malalim.Alam na alam niya kung gaano ka-possessive si Xavier sa kanya.Akala niya, kahit paano, may tunay na nararamdaman it

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 162

    Hindi mabasa ni Althea kung ano ba ang iniisip ni Xavier, pero may kutob siyang may sarili iyong plano kaya siya nito pinasa kay Harry. Hindi lang niya alam kung ano ba ang balak nito. Kahit labis siyang nadismaya at nasaktan sa naging desisyon ng lalaki, pinili pa rin niyang sumunod at magtiwala rito. Kung sa huli ay talagang pipiliin nitong iwan siya, ituturing na lang niya iyon bilang pagkakataong makita ang tunay niyang pagkatao!Matapos yakapin ni Harry si Althea, palihim nitong sinulyapan ang ekspresyon ni Xavier.Nakaukit sa labi ni Xavier ang isang nakakarelaks na ngiti, na para bang wala siyang pakialam sa nangyayari.Kasama si Althea, umupo si Harry sa harap ng hapag-kainan. Pagkatapos, kinumpasan niya si Xavier bilang senyas na umupo rin ito.“Mr. Xavier, hindi na tayo magpaligoy-ligoy. Hindi sapat na ibigay mo sa akin ang magandang babaeng ito para makuha mo ang antidote. Paano kung mag pustahan tayo? Kapag nanalo ka, sa iyo na ang babae at ang antidote. Pero kapag natal

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 161

    Nanlaki ang mga mata ni Althea sa gulat. Hindi siya makapaniwala sa gustong gawin sa kanya ni Xavier. Ito ba ang dahilang kung bakit simpleng makeup at pinaayos upang mag mukhang inosente, para magustuhan siya ni Harry?Huminga nang malalim si Althea at pinigilan ang kakaibang bigat na unti-unting bumabalot sa kanyang dibdib. Namumula ang kanyang mga mata nang matalim siyang tumingin kay Xavier.“Hindi ba sinabi mong ako ang babae mo? Bakit mo ako ibubugaw sa ibang lalaki? Kaya mo bang ibahagi ang sarili mong babae sa ibang lalaki?”Bahagyang itinaas ni Xavier ang mahahaba at matatalim niyang kilay. Marahang hinaplos ng magaspang niyang daliri ang pisngi ni Althea.“Kung ayaw mo ng iligtas ang Kuya Xavy mo, pwede kitang iuwi ngayon mismo. Pagkatapos nito, magiging akin ka na lang.”Mariing ikinuyom ni Althea ang mga kamay sa kanyang tagiliran.“Xavier, sinabi mong kapag kusang-loob kitang hinahalikan at niyakap araw-araw, dadalhin mo ako para hanapin ang gamot.”Ngumiti si Xavier nan

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 160

    Bahagyang hinawakan ng babae ang laylayan ng kanyang damit habang naglalakad palabas ng private room. Habang si Xavier naman ay abala sa pagbabasa ng magazine sa kanyang kamay, bahagya siyang nakayuko kaya mas lalong litaw ang pino at matitikas niyang mga katangian. Para siyang isang likhang-sining na maingat na ginawa ng isang pintor. Bahagyang nakatikom ang kanyang mga labi, na nagbibigay sa kanya ng mapang-akit na dating.Marahil ay narinig niya ang tunog ng matataas na takong sa sahig, kaya dahan-dahan niyang iniangat ang ulo. Dumiretso ang malalim at maiitim niyang mga mata kay Althea.Nakatayo ang babae sa di-kalayuan. Nang magtama ang kanilang mga tingin, biglang kumabog nang malakas ang kanyang dibdib.Hindi niya alam kung bakit, pero ngayong nag-ayos siya ng sarili, nakaramdam siya ng kakaibang kaba sa tuwing kaharap niya si Xavier. Perpektong ipinakita ng puting mahabang damit ang balingkinitan at magandang hubog ng katawan ni Althea. Maputi at makinis ang bahaging nakala

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 159

    Sandaling natigilan sa paghinga si Xavier, lalong dumilim ang tingin ng kanyang mga mata habang nakatitig sa babae. “Pwede na ba tayong pumunta para hanapin ang gamot?”Mariing pinagdikit ng lalaki ang manipis niyang mga labi, ngunit hindi siya sumagot. Nakapako lamang ang kanyang mga mata sa babaeng napakalapit sa kanya. Walang anumang makeup si Althea, maputi at makinis ang kanyang balat. Isama mo pa ang magandang kurba ng kanyang kilay at ang buhay na buhay na kanyang mga mata. Maging ang ilong nito ay maganda ang pagkaka-tangos, habang ang kanyang mga mapupulang labi ay tila hindi na nangangailangan ng kahit anong pampaganda. Taglay niya ang isang dalisay at maningning na kagandahan. Nang mapansin ni Althea na hindi pa rin nag sasalita si Xavier, bahagya niyang inangat ang kanyang tingin. Nang magtama ang kanilang mga mata, nasilayan niya ang nag-aalab na tingin ng lalaki. Biglang pumalya ang tibok ng kanyang puso.***Bukod sa pagpapagawa ni Xavier ng isang indoor playground

  • Pregnant by the Billionaire Stranger: He Spoils Our Adorable   Chapter 158

    Talaga bang hahayaan niyang mamatay si Xavien nang wala man lang maayos na libingan? Ibig sabihin, pananakot lamang lahat ng masasakit na salitang binitawan niya kanina?Bahagyang lumingon ang babae at tumingin sa lalaking napakalapit as kanya. Agad din niyang iniwas ang mukha, ngunit sa sumunod na sandali mariing hinawakan ni Xavier ang kanyang babae. Wala siyang nagawa kundi salubungin ang malalim na mga mata nito na tila isang balon sa lalim. “Alam mo madali naman akong kausap eh, kaya ko siyang tulungan na mabuhay. Pero may kondisyon ka na dapat gawin.”Sandaling tumigil ang lalaki bago patuloy na nagsalita, “Mula ngayon, wala ka nang anuman na ugnayan sa kanya habambuhay!”Nangingibabaw ang gigil sa tono ng utos ng lalaki, bahagyang napigil ang paghinga ni Althea. Hindi siya makapaniwala sa kanyang narinig. “Sir Xavier, imposibleng pumayag ako sa gusto mo,” mahinahon at makatuwiran niyang sagot. Tinitigan siya ng lalaki, hanggang sa bigla nitong sinuntok ang pinto sa ibabaw

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status