Share

Chapter 5

Author: Lanie
last update Last Updated: 2024-09-07 01:42:14

Kinabukasan, maaga akong nagising para maghanda para sa gala. Pakiramdam ko, may kaunting kaba sa dibdib ko, kaya't sinubukan kong huwag isipin ang mga mangyayari. Sa halip, tinutukan ko ang proseso ng paghahanda ng sarili ko, na tila isang ritwal para makabuo ng kumpiyansa.

Una, naligo ako ng matagal. Hinayaan ko ang maligamgam na tubig na dumaloy sa aking balat, pilit na nilulunod ang aking mga pag-aalala. Sinabon ko ang bawat sulok ng katawan ko nang maingat, hanggang sa pakiramdam ko’y kuminis na ito. Sinalon ko ang buhok ko, pinalambot ito sa tulong ng conditioner, at dahan-dahang banlawan, alam kong kakailanganin ko itong maging perpekto para sa gabing iyon.

Pagkatapos ng shower, pinatuyo ko ang buhok ko gamit ang isang malambot na tuwalya, bago gumamit ng hairdryer. Habang hinihipan ito, pinapanood ko ang bawat hibla na nagiging mas tuwid at mas kumikislap sa ilaw. Hindi ako karaniwang nag-eeffort sa buhok ko—sanay ako sa simpleng bun o ponytail—pero alam kong kailangan itong maging espesyal ngayon.

Matapos ayusin ang buhok, humarap ako sa salamin at tinignan ang mukha ko. “Okay, Evelyn,” bulong ko sa sarili ko. “You’ve got this.”

Nagsimula akong maglagay ng moisturizer sa aking balat—isang manipis na layer na nagbibigay ng natural na kinis. Sumunod ang foundation, pinili ko ang shade na pinakaangkop sa balat ko, hindi masyadong makapal, sapat lamang para pantayin ang tono ng aking kutis. Ang concealer ay inilagay ko sa ilalim ng aking mga mata, upang maitago ang mga eyebags na dulot ng mga gabing puyat.

Tumingin akong mabuti sa sarili ko, at sinimulan ko nang ayusin ang kilay ko. Ginamit ko ang eyebrow pencil, unti-unting dinrowingan ang mga gaps at in-outline ang kilay hanggang magmukha itong mas defined pero natural pa rin. Nag-blush ako sa magkabilang pisngi—isang peachy tone na nagbibigay ng sariwang itsura.

Sa mata, naglagay ako ng light brown eyeshadow para bigyang-diin ang aking mga mata pero hindi masyadong bold. Tapos, tinapos ko ito ng isang manipis na eyeliner, na nagbigay ng subtle wing sa dulo. Inilagay ko rin ang mascara sa pilikmata ko para mas magmukhang buhay at malalim ang mga mata ko.

Sa mga labi ko, pinili ko ang nude lipstick na may kaunting gloss, sapat para magbigay ng buhay pero hindi masyadong kapansin-pansin. Ayoko ng masyadong matapang na kulay dahil gusto ko ng mas natural na itsura—simple pero elegante.

Nang matapos ako sa pagme-makeup, binuksan ko ang kahon na ipinadala ni Mr. Martinez kahapon. Nasa loob nito ang gown na napili niya para sa akin. Isang simple pero napakaganda at eleganteng black gown, may sweetheart neckline, at fitted hanggang baywang bago bumagsak ang palda nito sa sahig. Ito'y klasikong gown, pero hindi nakakabastos, bagay na bagay sa personalidad ko. May kaunting detalye sa balikat, at may manipis na slit sa gilid na nagbibigay ng understated sophistication.

Nagbuntong-hininga ako habang hinuhubad ko ang robe at isinuot ang gown. Nang maisuot ko na ito, hinayaan kong mahulog ang buhok ko sa balikat—maluwag, pero kontrolado ang bawat alon. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin at napangiti ng bahagya. *Hindi masama*, bulong ko sa sarili ko.

Pagkatapos, isinuot ko ang silver na high heels na ipinadala rin ni Mr. Martinez. Simple pero elegante rin ito, kumpleto sa buong itsura ko.

Bago umalis, kinuha ko ang maliit na clutch bag na bagay sa suot ko at inilagay ang ilang essentials—lipstick, powder, at ang cellphone ko. Tumayo ako sa harap ng salamin, pinagmamasdan ang kabuuan ko.

*Ito na yun,* naisip ko habang pinapanood ang sarili ko sa salamin. Hindi ko na makikilala ang Evelyn na laging simple at halos hindi napapansin. Ngayon, mukhang handa na akong tumapat sa sinumang kasama sa gala.

Hininga. Lumabas ako ng kwarto at bumaba patungo sa lobby kung saan ako susunduin ni Mr. Martinez.

Habang naglalakad ako pababa ng hagdan, naririnig ko ang tunog ng aking mga takong na tumatama sa marmol na sahig. Parang mas lumalakas ang tunog sa bawat hakbang, kasabay ng kabog ng puso ko. Tahimik ang paligid, pero pakiramdam ko, bawat galaw ko ay sinusukat ng bawat sulok ng bahay na tila inaantabayanan ang magiging kaganapan ng gabing ito.

Pagdating ko sa lobby, naroon ang malaking chandelier na palaging nagbibigay ng liwanag sa lugar. Ang mga ilaw nito'y tila kumikislap, parang salamin ng aking sariling mga mata na puno ng kaba at pag-aalinlangan. Nag-antay ako saglit sa gilid, pilit na pinapanatag ang sarili. Hawak-hawak ko ang clutch bag na parang ito na ang huling bagay na nagpapanatili ng kumpiyansa ko.

Habang iniisip ko kung paano makikipagharap kay Mr. Martinez ngayong gabi, biglang bumukas ang glass door sa malayo. Isang malamig na hangin ang dumaan sa paligid, at sa harap ng mga ilaw ng sasakyan, nakita ko si Mr. Martinez na pababa mula sa kanyang itim na limousine.

Pagkapasok niya, agad akong nagtagpo ng mata namin. Napatigil siya sandali, waring nagulat sa itsura ko. Hindi ko mapigilang ngumiti ng bahagya—isang tipid na ngiti, na hindi ko alam kung paano niya tatanggapin. Sa loob ng dalawang taon naming magkasama, ngayon ko lang siya nakita ng ganito. Masungit siya palagi, laging naka-pormal, pero ngayong gabi, parang may kakaibang init sa kanyang mga mata.

Lumalapit siya sa akin nang dahan-dahan. Nakasuot siya ng pormal na itim na tuxedo, perpektong bumabagay sa kanyang matikas na tindig. Halatang alaga ang bawat detalye—mula sa pagkaplantsa ng suit hanggang sa pagkaayos ng kanyang buhok. Tila nakadagdag iyon sa kanyang presensya, at di ko maikakailang napakagwapo niya ngayong gabi.

"Evelyn," basag niya sa katahimikan, malalim ang boses. Halos hindi ko naririnig ang tunog ng ibang tao sa paligid dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Tumigil siya sa harap ko, halos hindi ko alam kung paano haharapin ang tingin niya.

"Mr. Martinez," sagot ko, pilit na inaayos ang boses ko. Nagtagpo ulit ang mga mata namin, at sa isang iglap, parang may hindi maipaliwanag na koneksyon. Napatitig siya ng mas matagal, parang tinitimbang ang mga nararamdaman.

"You look... stunning," halos bulong na niya. Hindi ako nakapagsalita agad, hindi ko inaasahang maririnig iyon mula sa kanya. Parang nagkaroon ng bigat ang mga salitang iyon, parang may higit pa siyang gustong iparating, pero pinili niyang huwag sabihin.

Nagpakawala ako ng isang maliit na ngiti, pilit na tinatago ang pagkalito sa nararamdaman. “Thank you, sir,” mahinahon kong sagot, pilit na pinipigilan ang namumuong init sa mukha ko.

Hindi siya sumagot agad, pero halatang sinusuri pa rin niya ako mula ulo hanggang paa. Para bang nagtataka siya kung sino ang babaeng kaharap niya ngayon, dahil tila hindi na ako ang dating Evelyn na kilala niya—ang laging naka-konserbatibong damit, na tahimik at sumusunod lang sa lahat ng utos niya. Ngayon, iba na ako.

"Ready?" tanong niya, inilahad ang braso niya na parang isang gentleman. 

Nag-aalangan ako ng saglit pero kinuha ko rin ang braso niya. Nang magtagpo ang mga balat namin, may kakaibang kuryente akong naramdaman—hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o dahil may nararamdaman na akong hindi ko pa gustong harapin.

"Let’s go," sabi ko, pilit na pinapanatag ang sarili habang sabay kaming naglalakad palabas ng lobby.

Nang makalabas kami, naramdaman ko ang malamig na simoy ng hangin. Nasa harap na namin ang itim na limousine, at binuksan ni Mr. Martinez ang pintuan para sa akin. Saglit akong napatitig sa kanya. Malayo sa inaasahan kong malamig na ugali niya, ang bawat galaw niya ngayong gabi ay puno ng pag-aalaga.

Sumakay ako sa loob ng sasakyan, at ilang sandali lang, sinundan niya ako. Nang magsara ang pinto, napuno ng katahimikan ang paligid. Malambot ang mga upuan, at ang ilaw sa loob ng limo ay dim, nagbibigay ng mas intimate na pakiramdam. Ramdam ko ang presensya niya sa tabi ko, at alam kong nararamdaman niya rin ang tensyon sa pagitan namin.

"Are you nervous?" biglang tanong niya, habang nakatingin siya sa harap pero halatang hinihintay ang sagot ko.

"Maybe a little," tanggap ko, habang pilit kong tinutulak pababa ang kaba sa dibdib ko. "I don’t usually go to events like this."

Napangiti siya nang bahagya, isang ngiting bihira ko makita mula sa kanya. "You’ll be fine. Just stay close to me."

May kakaibang aliw sa mga salitang iyon, parang binibigyan niya ako ng proteksyon ngayong gabi. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 70

    Sa pagpasok ng bagong taon, si Noah ay patuloy na nagtatakda ng mga bagong layunin para sa kanyang kumpanya. Sa kanyang patuloy na pagsisikap, ang kumpanya ay unti-unting lumago at nakahanap ng bagong mga pagkakataon sa merkado. Ang kanyang dedikasyon sa sustainable technology at innovation ay nagsimulang magbunga, at ang mga bagong proyekto ay nagbigay ng mga positibong resulta.Isang araw, habang nagkakaroon ng meeting ang buong team, ipinaliwanag ni Noah ang mga susunod na hakbang para sa kumpanya.“Noah, ano ang mga plano natin para sa expansion na ito?” tanong ng isa sa kanyang mga team members.“Gusto nating palawakin ang ating market reach at maglunsad ng bagong produkto na magbibigay solusyon sa current challenges ng sustainable technology,” sagot ni Noah. “Ito ang magiging susunod na hakbang natin.”Ang team ay nagbigay ng kanilang suporta sa plano, at ang lahat ay nagtrabaho ng masigasig upang matupad ang mga layunin.Sa kabila ng kanyang abalang iskedyul, hindi nakakalimot s

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 69

    "Ang galing mo talaga, Noah!" sabi ni Evelyn habang niyayakap ang kanyang anak. "Nakakatuwa ang iyong mga achievements.""Salamat, Mom. Salamat din kay Dad sa walang sawang suporta ninyo," sagot ni Noah habang kinikilig sa kanyang tagumpay."Isa kang inspirasyon sa amin. Ito ang simula pa lamang ng iyong matagumpay na karera," sabi ni Sebastian, na may kasamang ngiti at pangungusap ng pagmamataas.Sa kabila ng tagumpay ng kanyang graduation, hindi nagtagal si Noah sa paghahanap ng trabaho na tumutugma sa kanyang mga pangarap. Naglaan siya ng oras upang mag-apply sa iba't ibang kumpanya at mag-network sa industriya. Sa tulong ng kanyang pamilya, nakahanap siya ng oportunidad na magtrabaho sa isang promising startup company na nakatuon sa technology and innovation."Nagkaroon ako ng interview sa isang kumpanya. Maganda ang feedback, pero kailangan ko pang maghintay ng official offer," sabi ni Noah sa kanyang mga magulang."Maghintay tayo at sana ay magbunga ang iyong pagsisikap," sagot

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 68

    Pagkaraan ng mga buwan, si Noah ay tila na-acclimate na sa kanyang buhay kolehiyo. Ang pag-aaral sa Ateneo de Manila University ay naging isang bagong pakikipagsapalaran, at sa bawat araw, natututo siyang mag-manage ng kanyang oras at responsibilidad. Ang kanyang mga magulang, sina Evelyn at Sebastian, ay patuloy na nagbibigay ng suporta at pagmamalaki sa bawat tagumpay ng kanilang anak.Isang araw ng Sabado, si Evelyn at Sebastian ay nagplano ng isang family outing upang magdaos ng maliit na pagtitipon kasama si Noah. Ang kanilang anak ay umuwi mula sa campus para sa isang weekend break, at nais nilang ipagdiwang ang kanyang mga nagawa sa mga nakaraang buwan.Sa kanilang paboritong restawran sa tabi ng dagat, ang pamilya ay nagtipon upang magdaos ng isang masaya at di malilimutang pagkain. Ang lugar ay may magandang tanawin ng dagat, at ang hangin ay puno ng amoy ng sea breeze at fresh seafood."Masarap ang pakiramdam na makasama kayong muli," sabi ni Evelyn habang tinitingnan ang ka

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 67

    Ang mga araw ay lumipas, at ang mga simpleng sandali ng pamilya ni Evelyn at Sebastian ay patuloy na lumalago. Ang kanilang mga bata, si Noah at ang kanilang bagong anak, ay lumalaki sa isang kapaligiran na puno ng pagmamahal at pagkakaintindihan.Sa isang Biyernes ng hapon, nagpasya silang magplano ng isang special outing para sa pamilya. Si Evelyn at Sebastian ay nagkaroon ng ideya na pumunta sa isang amusement park na ilang oras ang layo mula sa kanilang bahay. Ang ideya ay nagbigay ng excitement kay Noah at kay Evelyn, habang si Sebastian ay nag-aalala kung ang kanyang schedule ay hindi makakabasag sa plano."Pumayag ako sa lahat ng meetings para sa araw na ito," sabi ni Sebastian habang sinisigurado ang kanilang mga plano sa isang quick call. "I’m looking forward to spending time with all of you.""Salamat, Seb. Masaya ako na makakapag-spend tayo ng quality time together," tugon ni Evelyn habang inaayos ang mga gamit ng mga bata.---Pagdating nila sa amusement park, nag-uumapaw

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 66

    Umaga ng Linggo, nagising si Evelyn sa tunog ng tawa ng anak. Tumingin siya sa paligid ng kwarto, makikita ang pag-aalaga ni Sebastian sa kanilang maliit na pamilya. Naramdaman niyang magaan ang pakiramdam, na parang nagising siya sa bagong simula.Lumabas siya ng kwarto at dumiretso sa kusina, kung saan natagpuan niya si Sebastian at Noah na abala sa pag-aalaga sa almusal. Ang maliit na kitchen counter ay puno ng mga paboritong pagkain ni Noah—pancakes, prutas, at gatas."Good morning, sleepyhead," bati ni Sebastian, habang binabaliktad ang pancake sa pan. "Kumain ka na. Naganda ako ng breakfast para sa’yo."Nakangiti si Evelyn habang lumapit sa counter. "Bakit hindi mo pinili ang weekend para magpahinga, ha? Parang araw-araw na lang yata tayong nasa kusina."Sebastian laughed softly. "Hindi ko yata kayang hindi magluto para sa’yo at kay Noah. Gustong-gusto ko ang ganitong bonding moment natin."Si Noah, na nasa tabi ni Sebastian, ay abala sa paglalagay ng syrup sa kanyang pancake. “

  • Pretending To Be a Couple   Chapter 65

    Kinabukasan, nagising si Evelyn sa sikat ng araw na pumapasok sa kanilang kwarto. Mahinahon siyang bumangon at tiningnan si Sebastian, na natutulog pa sa tabi niya. Hinalikan niya ito sa noo bago bumaba para tingnan si Noah. Nang buksan niya ang pintuan ng kwarto ng anak, narinig niyang masayang tumatawa si Noah habang naglalaro sa kama."Good morning, Mommy!" sigaw ni Noah, tumalon mula sa kama at niyakap si Evelyn."Good morning, baby. Ang saya-saya mo, ha?" Evelyn said, smiling as she picked up Noah. "Anong plano mo today?""Gusto ko pong maglaro ulit kay Daddy ng mga robot!" sagot ni Noah, ang kanyang mga mata ay puno ng saya at excitement."Of course," sabi ni Evelyn, habang inakay si Noah palabas ng kwarto. "Pero bago 'yan, mag-breakfast muna tayo. Alam kong magugutom ka niyan mamaya."Nagtungo sila sa kusina kung saan naghahanda na si Sebastian ng agahan. Nakangiti ito habang nakita si Noah na masiglang humihila ng upuan sa mesa."Looks like someone’s ready for another adventur

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status