Home / Romance / Pretty You / Chapter 57

Share

Chapter 57

Author: Iya Perez
last update Last Updated: 2022-04-06 23:37:23

Maraming nagtangka na interview-hin ako pero ako na mismo ang tumanggi. Malinaw kong paliwanag sa kanila na wala akong intensiyon na makilala pa ng mga tao at sa simpleng pagkilala nila sa akin ay masaya na ako. Pero may isang pangyayari na siyang mismong nagpabago sa aking isip nang minsang may isang babaeng lumuhod sa harapan ko at nakiusap na pumayag akong maging model ng brand ng isang damit. Nagmakaawa ito na tanggapin ko ang kaniyang alok dahil kung hindi ay patatalsikin siya sa trabaho ng kaniyang boss. Hindi naman ako ganoon kasamang tao para tanggihan ito lalo na at lumuhod pa ito sa harapan ko.

“Sa tingin mo, tama ang ginawa kong pagpayag?” tanong ko kay Felize habang kumakain kami ng chips dito sa court. Dahil wala na akong trabaho sa gabi, nakakasabay ko na sa pag-uwi si Felize. At marami na kaming oras para magkuwentuhan.

“Pakiramdam ko naman, tama lang iyon. Kasi kung tinanggihan mo siya sa harap ng mga press, paniguradong

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Pretty You   Chapter 79

    Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia

  • Pretty You   Chapter 78

    “Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld

  • Pretty You   Chapter 77

    “How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga

  • Pretty You   Chapter 76

    “Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s

  • Pretty You   Chapter 75

    Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya

  • Pretty You   Chapter 74

    “Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status