Certified raketera, palaban at walang inuurungan. Siya si Leah Rivera o mas kilala sa tawag na Iya ng mga taong malapit sa kaniya. Magmula pagkabata ay natuto na siyang maging isang raketera dahil maaga rin siyang tinuruan ng kaniyang ina na nagtitinda sa palengke ng kung anu-anong trabaho na sa kalaunan ay nakasanayan na niyang gawin. Ang kailangan niya ay pera. Pera na makakatulong sa kanila para mairaos ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan at para na rin makatulong siya sa pagpapaaral sa kaniyang kambal na kapatid na ngayon ay nasa kolehiyo na. Likas kay Leah ang pagiging masayahin at pagkakaroon ng positibong pananaw sa buhay. Pero hindi sa lahat ng oras. Tulad na lamang nang isang gabi, habang nagse-serve siya ng alak sa mga mayayamang costumer ng bar na pinapasukan niya ay may nagtangkang mambastos sa kaniya. Dahil likas sa kaniya ang pagiging palaban, gumanti siya sa lalaki. Ang kaso, ang suntok na dapat na para rito ay dumapo sa isang kasama nito na wala namang ginawang masama sa kaniya. Paano kung ang lalaking hindi niya sinasadyang masuntok ay ang anak ng kaniyang boss? At anong gagawin niya kung sakaling magkagusto ito sa kaniya at yayain siya nitong magpakasal? Makakaya ba niyang tanggapin ang alok nito sa kaniya kapalit ng halaga na makapag-aahon sa kanila sa kahirapan? Will she ever fall in love with the man who is only good at pestering her with his stupid antics?
View More“Anak pakigising mo na nga yung kambal at tanghali na. Male-late na ang mga iyon sa eskuwelahan.” bungad sa akin ni Mama na kalalabas lang ng kanilang kuwarto. Nakasunod sa kaniyang likuran si Papa na napipikit-pikit pa at panay ang hikab.
Umangat ang sulok ng labi ko sabay turo sa ginagawa ko. Nagluluto kasi ako ng itlog at tocino para agahan namin. Ako ang nagluluto tuwing umaga dahil ako naman ang pinakamaagang nagigising sa pamilyang ito.
“Ikaw nalang ‘Ma, kita mo namang nagluluto ako eh.” reklamo ko sa kaniya. Pero imbes na pakinggan ang sinasabi ko ay agad niyang kinuha sa kamay ko ang siyansi at tinulak ako papalabas ng kusina.
“Kita mo namang ikaw lang ang pinakikinggan ng kambal na iyon. Sige na, gisingin mo na. Paniguradong babangon ang mga iyon kapag ikaw ang gumising sa kanila.”
Napabuntong-hininga ako saka bumaling kay Papa para humingi ng tulong. Pero isang marahang tango lang ang ibinigay niya sa akin bago ito naglakad malapit kay Mama para magtimpla ng kaniyang kape.
Inis na nagmartsa ako palabas ng kusina at padabog na binuksan ang pinto ng kuwarto ng kambal.
“Mga senorito, bangon na ho. Mag-aalas siete na ng umaga.” saad ko habang parehong naka-ekis ang aking magkabilang braso sa harapan ng aking dibdib.
Double deck ang kama na hinihigaan ng mga kapatid ko. Nasa itaas si Kier, na naunang lumabas sa sinapupunan ng aming ina, samantalang sa ibabang bahagi naman ng double deck nakahiga ang kambal nitong si Kyle. Sabay na nag-inat ang dalawa at halos sabay din ang mga ito na nagtalukbong ng kumot.
“Ang aga pa, Ate.” reklamo ni Kier.
Inalis ko sa pagkaka-ekis ang aking braso.
“Okay, wala kayong matatanggap na baon sa akin ngayong araw ha.” sabi ko saka naglakad palabas ng kanilang kuwarto.
At gaya ng nakasanayan, dinig ko ang kanilang pagkukumahog para lang makababa sa kama. Muntik pa akong ma-outbalance nang dumaan sila sa harapan ko para mag-unahan sa banyo.
“Kapag ako talaga natumba rito!” sigaw ko sa kanila.
Huminto naman sila at humarap sa akin.
“Sorry ate.” alanganin nilang sambit.
“Ikaw kasi eh!”
“Ikaw kaya!”
Mataman lang akong nakatingin sa kanila habang pinagmamasdan ang kanilang pag-aaway. Humugot ako ng malalim na hininga para kontrolin ang aking emosyon.
Kalma ka lang, Leah. Hindi nakakabuti ang pagiging badtrip sa umaga. Baka layuan ka ng suwerte. Kailangan mo pa namang kumita ng malaki ngayong buwan dahil napakaraming bayarin na naghihintay sa’yo. Kalma lang.
“Bilisan niyong maligo.” sabi ko nalang saka naglakad patungo sa aking kuwarto.
Pagpasok ko roon ay agad kong kinuha ang backpack ko na ginagamit sa trabaho. Dalawa ang trabaho ko sa umaga. Part time janitress sa isang kumapanya mula alas otso hanggang alas alas onse. Barista naman sa isang sikat na coffee shop pagpatak ng ala una hanggang alas siete ng gabi. Hindi lang iyon. Pag sumapit naman ang gabi ay umeextra rin ako bilang isang bar waitress sa isang high end bar para sa mga mayayaman.
Inayos ko ang pagkakasalansan ng aking mga gamit sa bag para masigurong hindi magugusot ang mga uniporme ko na inilagay roon. Lumabas akong muli sa aking kuwarto para bumalik sa kusina. Dahil nakaayos na ang lamesa, umupo na ako roon at nagsimulang sumandok ng makakain.
Napahinto naman ako sa aking ginagawa nang makita ang aking mga magulang na nakatitig sa akin.
“Bakit po?” tanong ko dahil sa kursiyusidad.
Humugot ng malalim na hininga si Mama bago ito nagsalita.
“Anak, bakit kaya hindi ka nalang bumalik sa trabaho mo sa kumapanya?”
Nabitawan ko ang aking hawak na kutsara at tumingin sa kanilang dalawa.
“Gustuhin ko man, pero alam nating hindi puwede. Ang dami nating ginagastusan buwan-buwan, ‘Ma. Hindi naman sasapat yung sahod ko sa pagpasok sa opisina para doon. Sa tuition palang ng kambal, ubos na ang sahod ko eh. Tapos ang mga gastusin pa rito sa bahay.”
Napatingin ako kay Papa nang hawakan niya ang kamay ko.
“Kaya nga ‘di ba, ilang ulit na namin sinasabi ng Mama mo na tutulong kami sa gastos. Pero lagi ka namang tumatanggi sa amin.”
Tumingin ako kay Papa at tipid na ngumiti.
“Hindi naman na ho kailangan. Yung kinikita niyo sa pagtitinda ng isda sa palengke, ipambili niyo nalang ho ng gamot niyo, Pa. Mas kailangan niyo iyon. Kaya ko pa naman po ang trabaho ko. Malakas kaya ako. Manang-mana sa inyong dalawa.” saad ko saka ngumisi.
Sabay silang bumuntong-hininga. Nagkunwari na lamang akong hindi iyon narinig. Ipinagpatuloy ko na ang aking pagkain. Kailangan ko ring magmadali, dahil pagkatapos ng kambal, ako naman ang susunod na maliligo.
Ikalawang linggo ko palang sa pagtatrabaho sa kumpanya bilang janitress kaya hindi ako puwedeng ma-late. Mahirap na baka matanggal pa ako roon. Ang laki pa naman ng pasahod doon.
Pagkapasok ng kambal sa kusina ay agad akong lumabas para magtungo na sa banyo. I took a quick bath at saka nagmadali na rin sa pagbibihis. Simpleng t-shirt, pantalon, rubber shoes at sumbrerong kulay itim lang ang usual outfit ko. Para sa akin kasi, mas madali akong makakakilos kapag kumportable ako sa suot ko.
“Baon niyo.” saad ko sa kambal sabay lapag ng pera sa lamesa.
“Ate ah, pumunta ka sa school mamayang 3 pm.”
Tumango na lamang ako sa mga kapatid ko kahit ang totoo ay hindi ko pa iyon sigurado. Kailangan ko pa kasing magpaalam sa Chief namin sa coffee shop. Nakadepende pa rin dito kung makakapunta ako o hindi. Inayos ko pa ang pagkakatali ng sintas ng sapatos ko bago muling bumaling sa mga magulang ko.
“Alis na ako ‘Ma, ‘Pa.”
Hindi ko na hinintay pa ang kanilang sasabihin dahil tumutunog na ang cellphone ko. Habang tumatakbo ako palabas ng bahay ay sinagot ko na ito.
“Felize!” bungad ko sa kausap.
“Ano na ‘te? Kanina pa ako nabubulok kahihintay sa’yo rito sa kanto. Bilisan mo naman, baka mahuli tayo niyan.” reklamo nito sa kabilang linya.
“Sorry na, ito na nga oh, tumatakbo na ako. Wait mo ako ha.”
Pinatay ko agad ang tawag at mabilis na inilagay sa bulsa ng aking pantalon ang phone ko. Hinigpitan ko rin ang strap ng suot kong backpack bago tumakbo nang mabilis. Pagdating ko sa kanto ay nakasimangot na ang kaibigan ko na kasa-kasama ko sa mga raket ko. Kasama nito ang kapatid nitong nagtatrabaho rin sa kumpanyang pinasapukan namin bilang isang professional employee.
“Felize, William, good morning.” bati ko sa kanila.
Napakapit pa ako sa aking tuhod dahil sa labis na pagkahingal.
“Ikaw ha, kapag tayo na-late sa trabaho natin, sasamain ka sa akin.”
Napanguso naman ako sa kaniya.
“Minsan lang eh.”
Pinagtaasan niya ako ng kilay saka nauna nang naglakad. Sumabay naman sa akin ang kaniyang nakatatandang kapatid na si William. Naging kaklase ko iyon sa isa sa mga subjects noong college pa kami sa UP. Akala ko ay kaedad ko lang ito, pero mas matanda pala siya sa amin ng isang taon. Kung si Felize ay labis ang pagiging masungit, ito namang kapatid niya ay ubod ng bait. Pati yata mga aso sa mga kalye ay binibigyan nito ng pagkain sa sobrang bait nito.
“Pagpasensiyahan mo na iyang kapatid ko ha. May dalaw yata kaya mainit ang ulo.”
Tumawa ako sa sinabi ni William.
“Araw-araw namang mainit ang ulo ng babaeng iyan. Sa ilang taon naming pagkakaibigan, kilalang-kilala ko na ‘yan.” saad ko saka tinapik siya sa balikat.
Mabilis akong naglakad para habulin si Felize. Ilang beses ko pa itong kinulit sa biyahe para lang pansinin ako nito. Pagbaba namin sa jeep ay muli ko siyang hinabol. Nang maalalang may chocolate bar ako sa bag ay agad ko itong kinuha. Kinalabit ko naman siya dahilan para huminto siya sa paglalakad at kunot-noong bumaling sa kaniya.
“Psst, ganda. Bati na tayo please.” pagkasabi ko noon ay agad kong inilahad sa kaniya nag chocolate bar at matamis na ngumiti.
Humugot siya ng malalim na hininga at saka kinuha ang chocolate sa kamay ko.
“Huwag mo nang uulitin. Naku sinasabi ko sa’yo, kapag tayo napatalsik sa trabahong ito, matitiris kita.”
“Yes, Ma’am.” sabi ko sa umayos nang tayo at sumaludo pa sa kaniya.
Naiiling na muli siyang humarap sa daan. Nakita ko si William sa isang tabi na nakangiti. Nagkibit-balikat ako sa kaniya kaya mas lalo siyang natawa. Patakbo akong sumunod kay Felize para mahabol ito.
Pagkarating namin sa quarter ng mga janitress ay agad kaming nagpalit ng uniporme. Habang nag-aayos kami ng aming mga sarili ay biglang pumasok ang dalawang janitress na naka-assign sa fourth at fifth floor.
“Grabe, totoo pala yung sabi-sabi na ang guwapo ng anak ng may-ari nitong kumpanyang pinapasukan natin.”
Tahimik kong inayos ang pagkakasuot ng ID ko para mapakinggan ang mga pinag-uusapan ng mga ito. Kinalabit ko pa si Felize at sinenyasang tumahimik ito. Nang lumapit sa amin ang dalawang janitress ay agad nitong tinapik ang balikat ko.
“Leah, ikaw diba ang naka-assign sa sixth floor? Ikaw rin ang naglilinis ng opisina ni Boss diba?”
Ngumiti ako sa mga ito at marahang tumango.
“Bakit, Ate Jill?” tanong ko sa babaeng kumakausap sa akin.
“Naku ang suwerte mo. Bali-balita pa noong nakaraang linggo ang pagdating ng kaniyang anak na lalaki. Iyong panganay ni Boss na nag-aral ng master’s degree nito sa London. Naku, nakita ko kanina kaso side view lang. Pero grabe, side profile palang, ang guwapo na, paano pa kaya kung kabuuang mukha na.”
Napangiwi ako nang makita ang ekspresyon nito na para bang labis na kinikilig.
“Oh ate, tubig oh. Mukhang uhaw lang ‘yang nararamdaman mo.” saad ni Felize.
Mahina akong natawa.
“Huwag kayong nagkukuwento kay Leah ng ganiyan, alam niyo namang kahit gaano pa kaguwapo ang isang lalaki, hindi bumibigay itong best friend ko. Manhid na ‘to.”
Inis na pinalo ko si Felize sa braso dahil sa sinabi niya.
“Malay mo diba, si Sir Leander na iyong makakapagpabago sa kaniya.”
Mas lalo akong napangiwi sa sinabi ni Ate Jill. Naiiling na lang na lumabas ako ng quarter habang bitbit ang mop at timba na lalagyan ng tubig.
“Bakit ba naman kasi ang hilig ng mga tao sa pogi?” walang ganang tanong ko sa aking sarili habang naglalakad patungo sa elevator.
“Ewan ko ba, bakit nga kaya?”
Awtomatikong kumunot ang noo ko nang makita ang isang lalaki na tumapat sa tabi ko. Nakasuot ito ng sunglasses na kulay itim at may bitbit na kape sa kaliwang kamay nito. Base sa hitsura ng suot nito ay mayaman ito.
Nang alisin nito ang salamin na suot nito ay pakiramdam ko huminto sandali ang pagtibok ng puso ko.
“Hi, I’m Levi. Levi Estrada.”
Magkasabay kaming naglakad ni Liam patungo sa kusina. Tahimik lang siya habang naglalakad. Pagkapasok namin sa loob, agad na tumayo si Felize. “Kuya, gusto mo bang kumain?” alanganing tanong ni Felize sa kaniya. Kay Leander unang dumapo ang tingin ni Liam. He gave him a light nod before looking at my parents. Lumapit siya sa mga ito at nagmano sa mga magulang ko. Dumaan din siya sa likuran ng mga kapatid ko para tapikin ang mga balikat ng mga ito. “Kuya, kumain ka na ba? Sumabay ka na sa amin. May isa pang bakanteng upuan oh. Mukhang nakatadhana talaga para sa’yo.” Tipid na ngumiti si Liam sa mga kapatid ko at tumango. Marahan siyang naglakad patungo sa bakanteng upuan saka umupo rito. Nakasunod lang ang tingin ko sa kaniya, pinagmamasdan ang reaksiyon at galaw niya. Baka kasi napipilitan lang siya. “Mabuti naman at naisipan mo nang dumalaw rito, William,” sambit ni Mama sa kaniya. Simpleng ngiti lang ang isinagot ni Lia
“Kumusta ka?”Ngumiti ako sa unang tanong niya sa akin. Pagkatapos naming mamili, nagtungo kaming dalawa ni Felize sa isang malapit na fast food chain. I felt the awkwardness the moment we sat on the chair. Nang magkatinginan kami kanina ay sabay pa kaming umiwas nang tingin sa isa’t-isa. I thought she won’t speak at all. But here she is, asking me if how am I.“Sa tingin ko, okay naman ako.”Napansin ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa sinabi ko. I knew she would react that way.“Leah, I…” she trailed off.Yumuko siya. Nararamdaman kong nag-aalangan pa siyang magsalita kaya hinintay ko siya. That’s what I’m good at. Waiting.“Leah, I want to say sorry for the things I’ve done to you in the past months. For not listening to you. For shoving you off. For not showing up whenever you’re at our house.”I keep on listening.&ld
“How are you feeling?” tanong ni Leander pagkatapos niya akong abutan ng isang basong tubig.Halos sabay lang kami nakauwi ng kaniyang condo. And as expected, maraming nakaabang na press sa labas ng building. Hindi ko alam kung anong gagawin ko kanina. Sa totoo lang, takot ang nanaig sa akin. Wala akong ibang problema. Kung masira man ako sa tao, ayos lang iyon. Huwag lang sana madamay ang pamilya ko at ibang tao na malalapit sa akin.The moment the news come out, mabilis akong nagtungo sa bahay namin. Walang pasok ang mga kapatid ko noong araw na iyon, hindi rin pumunta ang mga magulang ko sa palengke para magtinda. Pagpasok ko sa loob ng bahay, mabilis akong sinalubong ng mga kapatid ko at yumakap sa akin. They know that the circulating wrong information on the internet could give me a huge backlash. Honestly, it doesn’t matter to me anymore. What I want to know if they’re mad at me. Natatakot ako na baka magalit sa akin ang mga
“Pinayagan ka niyang tawagin siyang Papa?” hindi makapaniwalang tanong ko kay Leander pagpasok namin sa kaniyang condo. Nilingon niya ako, tipid siyang ngumiti bago tumango nang marahan.“Paano mo iyon ginawa?”Nagkibit-balikat naman siya.“He asked me few questions. I answered him with all honesty. That’s it.”Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I don’t believe him. Kilala ko si Papa. Hindi iyon ganoon. Bata pa lang ako, ang sabi niya sa akin, lahat ng lalaking manliligaw sa akin ay dadaan sa mahigpit niyang pagbubusi. Kaya nga si Liam lang ang nakapasa sa standards niya. Dahil si Liam ay matagal niya nang kilala.“Kidding aside. Tinanong niya kung may plano ba akong pakasalan ka at sinabi kong oo.”My eyes widened in his revelation. Lumapit ako sa kaniya at inis na hinampas siya sa balikat. Napa-aray naman siya. Mabilis siyang umatras palayo sa akin pero sinundan ko s
Matagal akong natulala sa sinabi ni Felize. Kung hindi pa lumapit sa akin si Mama para hawakan ang braso ko at tanungin kung ayos lang ba ako, ay hindi ako matatauhan.“Anak, totoo ba ‘yong narinig namin? Totoo bang hindi ka na tutuloy sa America?”Nang bumaling ako sa pintuan ng aking kuwarto ay nakita kong naroon si Papa at ang dalawa kong kapatid na nakatanaw sa akin mula sa labas.“Ma, puwede po bang mamaya ko na kayo kausapin? Uunahin ko lang po muna si Felize. Kung ayos lang po iyon sa inyo?” pakiusap ko sa kaniya.Nang makita kong tumango si Mama, mabilis akong naglakad palabas ng bahay. Hahabulin ko si Felize. Kakausapin ko siya at ipaiintindi ko sa kaniya ang lahat.Paglabas ko sa gate ng aming bakuran, tumakbo na ako patungo sa kaniya. Mabilis ang kaniyang mga hakbang.“Felize!” pagtawag ko sa kaniyang pangalan. Huminto siya sandali at bumaling sa akin.Nang makita niya
“Leah, hindi naman sa nangingialam ako sa mga desisyon mo, pero sigurado ka na ba sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo? Nakausap mo na ba si Liam? Hindi ba parang masyado namang mabilis ang ginawa mong pag-ca-cancel sa plano niyo na magtrabaho sa America? Have you considered Kuya Liam’s reaction before you ended up with this decision?”Humugot ako ng malalim na hininga bago humarap kay Felize. Kasalukuyan akong nasa aking kuwarto, nag-aayos ng mga gamit ko. Kauuwi lang namin ni Leander galing sa El Nido. Mas napaaga kumpara sa plano naming mag-iisang linggo kami roon. Parang kahapon lang ay nakaharap namin ang kaniyang ama. Tapos ngayon, narito na ulit kami sa Metro Manila. Our decision going back to the city in no time happened last night. Halos hindi rin kaming nakatulog dalawa ni Leander dahil sa dami naming pinag-usapan. Tungkol sa pagiging CEO niya ng kumpanya na pag-aari ng kaniyang ama. At tungkol sa pag-alis ko papuntang America.
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments