แชร์

Chapter 6

ผู้เขียน: Diane Ruiz
last update วันที่เผยแพร่: 2026-03-02 10:45:33

GRAPES

Pinagmasdan ko yung coat ng lalaking iyon habang nasa dressing room ako. Umaga na at tapos na ang duty namin sa Bar. 

Hays, paano ko ba ibabalik ito? Kakainis naman! Inaantok na ako dahil magdamag akong nagsayaw kagabi at pagkatapos ay kailangan ko pang ibalik ito. 

Kinuha ko ulit ang wallet at nakakita ako ng calling card niya, sa calling card na iyon ay may nakalagay na address kung saan ang kumpanya nito. 

“Alcantara Enterprise…” bulong ko sa sarili ko. 

Nagbihis ako. Mini dress lang na hindi naman malaswa. Floral na color lavender na tinernuhan ko ng beige na wedge sandals. Naglagay lang ako ng mild make up at inilugay ang mahabang natural na kulot kong buhok at dali-daling pumunta doon. Pagpasok ko ay napakalaking kumpanya pala iyon. Napakalawak ng lobby. Nakita ko ang front desk kung kaya’t lumapit ako doon at nagtanong. 

“Uhm, Miss, pwede kay Mr. Neil Alcantara?”

“Good morning po Ma’am, may appointment po ba kayo?” tanong ng staff niya. 

“Ah–eh Naku, wala po eh…”

“Sorry Ma’am pero hindi po kayo pwedeng pumasok at makausap siya kung wala po kayong appointment. Busy po kasi si Mr. Alcantara.” paliwanag ng staff. 

“E pero… isosoli ko lang kasi ‘tong gamit niya… heto oh! Yung coat niya!” saad ko na ipinakita iyon. 

“Naku, pasensya na ho kayo, Ma’am, kailangan po kasi talaga ng appointment eh…” saad ng staff. 

Nanlulumo naman ako habang nakatayo doon nang makita ko si Neil. May mga kasama siyang grupo ng mga naka-business suit na mga kalalakihan na kagaya ng sa kanya. 

Tumakbo ako papalapit at sumigaw sa harap niya. “Neil!” 

Nagulat naman siya ng makita niya ako ngunit kaagad din namang ngumiti. 

“Sweetheart, it was nice to see you here, you’re so beautiful today.” saad niya, nagulat ako ng bigla niya akong hawakan sa bewang at humalik pa sa pisngi ko. 

“Play along… mga investors ko ‘yang kasama ko.” bulong niya sa akin na parang sinasabi niya na ayaw niyang mapahiya sa harap nila. 

“Everyone, I like you all to meet my girlfriend…” proud at mayabang na saad niya. 

Napatingin ako sa kanya at ngumiti lang siya sa akin. 

“Nice to meet you po, ako po si Grapes Paloma.”

“Paloma? Are you related to… Mr. Conrad Paloma?” nagulat ako sa tinanong ng isa sa mga investors ni Neil at napakunot ako ng noo at umiling bilang tugon. 

“Oh, nagkamali lang siguro ako, sorry…” saad nito at humingi ng paumanhin. 

“Wala po iyon, okay lang, uhm Hon, inihatid ko lang talaga itong coat mo, heto oh, aalis na rin ako kaagad kasi may aasikasuhin pa ako.” saad ko na ngumiti ng matamis kay Neil. 

“Naku, sayang naman… gusto ka pa naman naming makilala pero mukhang busy ka.” saad ng mga investors niya. 

“Pasensya na po talaga, maybe some other time na lang po.” saad ko sa kanila. 

“Alright… ihahatid ko lang siya… mauna na kayo sa board room.” saad naman ni Neil sa kanila at iginiya na ako palabas ng building. 

Paglabas namin ay tinanggal ko agad yung kamay niyang nakahawak sa bewang ko dahil naiilang na ako. 

“Wrong timing ka naman Babe, may meeting pa ako.”

“Ano naman? Ibinalik ko lang talaga ‘yang coat mo, baka mamaya e sisihin mo pa ako kapag nawala yan. Lalo na’t nandyan ang wallet mo at mga ID’s.” saad ko sa kanya. 

Tinignan niya namang mabuti ang coat niya, pati ang wallet niya ngunit parang nagtataka siya. 

“Hindi mo man lang binawasan ang pera ko dito?”

“Bakit ko naman gagawin iyon?! Anong tingin mo sa akin? Magnanakaw?! Hoy Mr. Alcantara, para sabihin ko sayo, kahit isa akong puta, hindi ako magnanakaw!” saad ko na tumalim ang tingin sa kanya. 

Ngumisi naman siya na para bang natutuwa pa siya sa panghahamak sa akin. “Alright, sorry na… anong gusto mong kapalit?”

“Wala. Uuwi na ako. Kailangan kong matulog dahil papasok pa ako mamaya sa Bar. Inaantok na ako.” saad ko na humikab dahil totoong antok na ako. 

“Fine, I’ll see you later then at magpapasalamat ako ng maayos sayo.”

“Kahit wag na, hindi kita kailangan. Lubayan mo na lang ako, ayos na sa akin.”

“Hinilingin mo na lahat, wag lang yan, Grapes…”

“Edi bahala ka.” saad ko at naglakad na palayo. 

Bahala nga siya talaga dyan. Pakialam ko sa kanya? Ayoko ng tumanggap ng pera niya. Masama pa rin ang loob ko sa nangyari last time dahil sa kanya ay bumagal ang pagpapagaling ni nanay. Mabilis lang sana akong makakapag schedule ng operation niya kung nakuha ko yung twenty million pero hindi… isang milyon lang ang nakuha ko. Tss.. mga manggagantso. May kalalagyan din sila sa impyerno. 

Dinalaw ko si nanay sa ospital at nang makita ko siya ay sumilay ang maganda niyang ngiti sa akin. Bagama’t pinahihirapan ng sakit ay ipinapakita niya pa rin ang pagiging malakas niya kaya hangang hanga ako sa nanay ko. 

“Grapes, Anak… kaawaan ka ng Diyos, kamusta ka? Kumakain ka ba ng maaayos?” 

“Opo Nay, kayo po ba? Kamusta ang pakiramdam ninyo?”

“Okay lang pero sana… wag ka ng mag-abala pa na ipagamot ako, Anak, sayang lang ang pera mo eh, hindi naman na ako gagaling. Tanggap ko na ang kapalaran ko.”

“Nay, wag mo naman pong sabihin yan… ikaw na lang ang meron ako at kapag nawala ka. Ako na lang mag-isa. Ayokong mag-isa, Nay…”

“Kamusta ba ang trabaho mo sa Bar?” hindi ko sinabi kay nanay na nagresign na ako bilang waitress. 

Ang alam niya ay doon pa rin ako nagtatrabaho. 

“Maayos naman ho, Nay… wag ho kayong mag-alala sa akin, gagawin ko po ang lahat para gumaling kayo.” 

“Basta Anak, kahit anong mangyari wag kang kakapit sa patalim para lang magkapera. Gusto ko marangal ang trabaho mo.. kahit mahirap lang tayo, ingatan mo ang dignidad mo. walang maidudulot na mabuti ang perang galing sa masama. Tandaan mo yan, Grapes.”

“O-opo, Nay..” iyon na lang ang nasabi ko pero… wala na. 

Wala na akong dignidad. Naibigay ko na rin ang pinaka-iingatan kong puri. Ubos na ubos na ako. 

Kung pwede lang talaga akong magsumbong kay nanay ay ginawa ko na pero ayoko siyang mag-alala sa akin kaya inililihim ko ang lahat ng ito. 

KINAGABIHAN ay trabaho na naman. Inagahan ko ang pasok ko at nag-ayos sa dressing room ngunit may kumatok. 

“Bukas yan…”

Iniluwa ng pinto si Orange na may hawak na boquet ng magagandang bulaklak. 

“Bitch, para sayo daw to!” saad sa akin ni Orange na kinikilig-kilig pa habang binibigay sa akin yung boquet ng mga bulaklak. 

“Talaga Bitch? Kanino daw galing?”

“Hindi ko alam, tignan mo na lang sa card! Dali! Makikisilip ako, Bitch!” saad niya na tuwang-tuwa. 

Noong bagong salta ako dito ay nakasanayan na namin ang tawagang ‘bitch’ kaya iyon na ang secret code naming magkaibigan. 

Tinignan naming dalawa ang card at ang nakasulat ay: I hope you can give me a chance… from N.A.

“N.A ? none of the above?!” tanong ni Orange. 

Natawa ako dahil kahit kailan ay mahina talaga pumick-up si Orange. 

“Gaga! Initials yan! Hindi yan none of the above!’ 

“E sino kasi yang manliligaw mo na none of the above?! Sabihin mo na, bitch! Parang hindi magkaibigan o!” 

Napabuntong hininga na lang ako sa sinabi niya. Paano ko naman ipapakilala si Neil sa kanya? E hindi ko nga type iyon at ayokong tumanggap ng pera niya. Galit nga ako sa lalaking iyon! 

Diane Ruiz

Daily Update naman ako Dito, don't worry.Please, follow and comment highly recommend. pa rate na rin po Ng star! salamat po!

| 16
อ่านหนังสือเล่มนี้ต่อได้ฟรี
สแกนรหัสเพื่อดาวน์โหลดแอป
ความคิดเห็น (3)
goodnovel comment avatar
mercy villafuerte
Grapes,wala nman kasalanan si Neil,yung swapang ang may sala
goodnovel comment avatar
Yette Marcos
Thank u miss A...️🩷...🩵
goodnovel comment avatar
Teresa Degoro
thanks po ms.D
ดูความคิดเห็นทั้งหมด

บทล่าสุด

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 53

    NEIL“Kaya ako pumunta dito kasi… gusto kitang makita, gusto kitang makasama.” walang ka-gatol-gatol na sabi ko. Nagulat man siya pero totoo ang nilalaman ng puso ko. Sobrang na-miss ko si Grapes at hindi ko na hahayaang mawala pa siya ulit sa akin. “Hmm… wow ah, gusto agad? masyado ka namang straightforward, baka naman sinasabi mo lang yan kasi gusto mo akong mai-kama ulit…” “Hindi yun ganon Grapes, ibahin mo ako sa lahat ng lalaking nakilala mo.” “Ows, talaga?”“Mahal kita. Be mine, Grapes.” seryosong sabi ko sabay tingin ng malamlam sa kanya. “Wait lang ah, nambibigla ka… nagugulat talaga ako sayo…” saad niya na ginawang pamaypay ang kamay niya, marahil ay nate-tense siya o di kaya naman ay kinakabahan. “Hindi mo naman kailangang sumagot ngayon… hayaang mo lang ako.” “Ganon?... uhm sige, uhmm… siguro dapat kilalanin muna natin ang isa’t-isa? alam mo na, getting to know…” “Sige, payag ako dyan.” “Alam mo kasi… wala pa akong nagiging boyfriend eh kaya… hindi ko alam pakiram

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 52

    NEILPagkatapos ng trabaho ay nagbihis na ako. Nagpalit ako ng navy blue V-neck t-shirt, baseball hat at jeans. The casual look. Tumingin ako sa salamin, tila nawala na ang awra ko na CEO at ngayon ay isang ordinaryong tao na lang. Napagtanto ko na masaya pala itong gawin pero may lungkot din dahil nagpapanggap ako sa harap ng babaeng pinakamamahal ko. Mabilis akong nagmameho papunta sa Mariposa Strip Club dala ang bulaklak at chocolates na ipinahanda ko kay William. Sinabihan ko siyang simplehan lang yung bouquet ngunit binonggahan naman. Napabuntong hininga na lang ako, kinuha iyon at lumabas ng kotse. Hindi niya pwedeng malaman na may kotse ako kaya pina-pick up ko iyon kay William at nag tricycle ako papunta sa Night Club. Saktong nakita ako ni Grapes sa may salamin na pinto ng Club. Napakaliwanag ng ngiti niya ng gabing iyon nang makita niya ako. Pagka-bayad ko sa tricycle ay bumaba na ako at naglakad papasok. “Flowers for you…” saad ko na ibinigay kaagad iyon sa kanya dahi

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 51

    NEILKINABUKASAN ay nagbihis ako ng business suit dahil may meeting ako ng 10:00 a.m. Inayos ko na rin ang mga gamit ko at ready nang pumasok sa opisina. Noong nasa Europe pa ako. Nagpa-utos ako sa tao ko na maglagay ng mga CCTV sa bahay ni Grapes para kahit malayo ako ay may nagbabantay sa kanya. Napapanood ko siya kung anong ginagawa niya at ngayon ay mahimbing pa siyang natutulog. Kakauwi niya lang kaninang 4:00 a.m. Hindi ko alam kung obsess na ba ako o ano pero ginagawa ko lang ‘to dahil hindi na ulit pwedeng mangyari ang nangyari sa kanya isang taon na ang nakalipas. At ang walang hiya niyang tatay na si Conrad Paloma ay nakakatulog ng mahimbing habang hindi nito alam na pinatay niya ang sarili niyang anak. Simula nang malaman ko na si Conrad ang may gawa non ay pinabantayan ko na rin siya. Hindi ako pwedeng makapante. Baka kapag nalaman nilang buhay pa si Grapes ay mas lalong manganib ang buhay niya sa kamay ng sarili niyang tatay. I will surely get my revenge. Ipaghihiga

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 50

    NEIL Tinawagan ko si Orange para magkita kami. Sa Mall na lang para hindi naman gaanong pansinin. Nagsuot lang ako ng casual na black v-neck t-shirt at nag slacks. Balat na sapatos. Maya-maya lang ay dumating na siya sa coffee shop na pagmamay-ari ko. “Ano yung nangyari kagabi?” tanong niya. “Ano kasi eh, pumunta ako ng Nightclub ang kaso… nilapitan niya ako at nauwi kami sa sex.” “Ah,” “Ano bang nangyayari kay Grapes? nawala lang ako ng isang taon bakit ganon ang ugali niya? mas lumala pa nung una.” Napabuntong-hininga si Orange. “Neil, hindi iyon maiiwasan… sa linya ng trabaho namin, importante iyon. Kung tutunganga lang kami buong gabi at hindi mang-aakit ng mga lalaking mayayaman sa Club, magugutom kami.” “Naiintindihan ko pero… sumobra pagka-wild niya kagabi.” “Bakit? hindi mo ba nagustuhan?” “Gusto… pero naiiisip ko pa lang na ginagawa niya iyon sa ibang lalaki parang hindi maganda.” “Eh, ganon talaga, trabaho namin iyon eh…” “Oo nga at trabaho niyo pero mali eh, p

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 49

    NEILKINAUMAGAHAN ay nagising ako sa VIP room ng Bar na masakit na masakit ang ulo. Inayos ko ang polong suot pati na rin ang aking slacks. Mag isa lang ako doon at hindi ko maalala ang mga nangyari noong nagdaang gabi. Isa lang ang natatandaan ko… si Grapes. Ang katawan niya, ang pamilyar na init at ang puso kong biglang nagliyab ulit nang makita ko siya. Isang nagliliyab na pagnanasa, pagnanais na makasama siya at mahalin siya ng wagas. “Hoy! bayad mo?!” singhal ni Grapes sa akin na inilahad pa ang mga palad niya. Sinimangutan ko siya dahil hindi ko alam kung bakit niya ako sinisingil. Gustuhin ko mang magbayad…. hindi pwede. Noon, pera ang issue naming dalawa… hindi ko na hahayaang maging pera ulit ang maging dahilan ng lahat. Mukhang hindi pa nga talaga bumabalik ang ala-ala niya at hindi niya pa ako matandaan. Planado ko ang lahat at sa tulong ni Orange ay nakaraos ang isang taon kahit papaano ng walang nagiging aberya. Nakiusap din ako kay Madam Leah na tanggapin na lang

  • Price of Pleasure (Hooker Series 12)   Chapter 48

    GRAPESONE YEAR LATER… Habang tumatagal mas lalo kong naiintindihan ang propesyong pinasok ko. Hindi madali pero nandito ang sentro ng pera kaya tuluyan akong kumapit sa patalim. Naging sobrang dilim at masalimuot ng trabaho ko. Nalawayan ng iba’t-ibang lalaki ngunit hindi ko pa rin maalala kung sino ang lalaking naka-una sa akin at kung paano ako napunta sa ganitong klaseng trabaho. “Ughh… ahhh… yes! fuck! You're so good baby!” usal ni Adriano habang nagtatalik kami. Siya ang pamangkin ng may-ari ng Mariposa Strip Club. Isa siya sa mga parokyano dito at regular customer ko pero hindi ko maintindihan…. ang alam ko ay may asawa or ka-live in partner siya at dito niya rin nakilala ang babaeng iyon. Ang sabi nila ay Peach Alvarez daw ang pangalan. Bakit ba puro prutas ang pangalan ng mga bayarang babae sa Night club na ‘to? hindi ko rin alam ang sagot basta ang alam ko lang ay matatamis at masasarap ang bawat katas namin at talagang nakakahalina sa mga parokyano. “Like that?...” tan

บทอื่นๆ
สำรวจและอ่านนวนิยายดีๆ ได้ฟรี
เข้าถึงนวนิยายดีๆ จำนวนมากได้ฟรีบนแอป GoodNovel ดาวน์โหลดหนังสือที่คุณชอบและอ่านได้ทุกที่ทุกเวลา
อ่านหนังสือฟรีบนแอป
สแกนรหัสเพื่ออ่านบนแอป
DMCA.com Protection Status