GRAPESMalakas ang ulan ng gabing iyon at tila nagbabadya ang isang bagyo kasabay ng aking nararamdamang bigat sa loob dahil ngayong gabi ay isinugod ko sa ospital ang pinakamamahal kong ina. Ang nanay ko na siyang nag-alaga sa akin mula pagkabata. Ang kaisa-isang taong nagpahalaga sa akin, nagmahal at nagturo sa akin ng lahat ng aking nalalaman. Ipinaramdam niya sa akin na buo ako, na hindi namin kailangan ng kahit sino para mabuhay. Kahit pa ang tatay ko na hindi ko man lang nakilala simula ng ilabas ako ng nanay ko sa mundo. Ang tagpong iyon ay naging isang bagyo rin sa buhay ko, ang pagguho ng masaya at simpleng buhay na meron ako. “Doc, ano hong lagay ng nanay ko?!” nag-aalalang tanong ko sa doktor na hindi halos mapakali. May pasok pa ako ngayon sa trabaho ko sa Bar bilang waitress ngunit hindi na ako nakapasok dahil kinailangan kong dalhin ang nanay ko sa ospital matapos siyang magsuka ng dugo at himatayin sa harap ko. “She’s stable for now, pero Hija, tatapatin na kita, me
Last Updated : 2026-02-13 Read more