Share

Chapter Two: Adopted

Prinsesa Atyrrah POV

"Magandang gabi Ginoo" bati ko sa isang lalaki na dumating dito sa lugar na hindi ko tiyak kung anong tawag. Ako'y namamangha pagdating ko rito. Napakaraming kakaibang bagay na narito tulad ng isang hindi ko alam na may apat na gulong. Kaiba sa aming mundo dahil karaniwan ay karwahe at kariton ang aming ginagamit. May usok na lumalabas sa tuwing gagamitin. 

"Good Evening Ma'am. Kayo ata yung tinutukoy ni Sir hehehe" nakangiting sabi ng lalaki. Mukha s'yang kaedad ng aking ama. Hindi ko inaasahang maglalabas ako ng pekeng ngiti sa lalaking kaharap. 

'Nawa'y makita ko rin ang gan'yang kagandang ngiti ng aking Ama'

"Ginoo, hindi ko mawari kung ako'y nasaan. Nais ko sanang matanong ka kung may alam kang lugar na maaari kong tuluyan" 

"Naku Miss. Sabi ni Sir, bawal daw kitang paalisin eh"

"Sino ang iyong tinutukoy? Bakit gan'yan ang kan'yang iniuutos sa akin?" Taka kong tanong. Wala akong kilala sa mundo ng mga tao kaya sino ang magbabawal sa'kin? Paniguradong hindi alam ng mga kawal na narito ako kaya hindi nila ako maaaring pagbawalan.

"Si Sir Yvo Ma'am. Yung may-ari nitong kumpanya"

"Paumanhin Ginoo, ngunit ang iyong tinutukoy ay hindi ko nakikilala. Wala akong kilala sa mundong ito kaya hindi ko alam kung sino ang sinasabi mo sapagkat ako'y hindi tagarito" 

"Lalim ng words n'yo Ma'am hahahaha. Mahirap ako pero may konti naman akong alam na ingles" napangiwi ako dahil sa kawirduhan ng lalaki. Ganito ba talaga sa mundong ito? Mainit, maingay at wirdo ang mga tao. 

Naalala ko bigla ang lalaking sumulpot noong sandali na sasama ako sa tatlong Ginoo na nagmagandang-loob na patuluyin ako sa kanilang tirahan ngunit nang dahil sa ginoo'ng dumating ay hindi natuloy. Bigla na lamang silang tumakbo at sumigaw sa hindi mawaring dahilan. 

Ang wirdo nila.

"Ganito nalang Miss, para hindi ako mapagalitan ni Boss eh, doon ka na muna sa guard hall magpahinga. Walang aircon do'n, electric fan lang so tiis-tiis nalang Miss" nanliit ang aking mata sa lalaking ito.

"Ako ba'y pinagsasalitaan mo ng masama Ginoo?" Tanong ko habang nakaangat ang isang kilay at nakataas ang aking baba. Napakamot sa batok ang ginoo.

"Hindi Miss. Ang ibig kong sabihin eh, sa guard hall nalang kita patutuluyin tapos hintayin mo na lang si Sr. Yvo tutal pinababantayan ka n'ya sa'kin" mahabang litanya ng ginoo.

"Bantay? Hindi ko kailangan ng kawal. Kaya kong lumaban Ginoo" 

"Hindi naman sa gano'n Miss. Ano ba 'yan? Akala ko ako na bobo sa mundo putsa meron palang hihigit sa'kin tsk" dinig kong turan n'ya. Ano ang bobo? Makakain pa 'yon?

"May sinasabi ka?"

"Ah hehehe wala naman Miss. Tara na nga" tumalikod ito sa'kin at humakbang kaya sinundan ko s'ya. Sa kasusunod ko sa lalaking ito ay nakarating kami sa isang lugar. Madilim na rito at maingay ang paligid. Ang kalsada ay walang puno o maski damo. Ang hangin ay nakakasulasok ang amoy. Parang bumabaliktad ang aking kalamnan dahil sa amoy. Mainit rin dito kaiba sa lugar namin. 

Hindi ko namalayang napahinto ako dala ng pagpapaikot-ikot ng aking ulo at mata sa lugar. Iniangat ko ang aking ulo at tiningnan ang madilim na kalangitan. Pinagmasdan ko ang bilog na buwan.

'Ama, pasens'ya na kung sumuway ako sa inyong utos ngunit hindi ko talaga kaya ang iniuutos n'yo sa'kin. Hinihiling kong, sana ay maunawaan n'yo'

Isang malakas na tunog ang umalingawngaw dahilan para ako'y mabahala at kunin ang aking pana't palaso na nakasukbit sa aking hita at nakatago sa pamamagitan ng aking trahe de boda. Itinutok ko ito sa isang malaking bagay na parihaba. May apat na gulong at nakasisilaw ang liwanag na nakakakabit. Gusto kong mamangha ngunit ang aking katawan ay alerto.

'Isang kalaban!'

Inipit ko ang palaso sa pagitan ng hintuturo at gitna kong daliri. Inilagay sa pisi at itinutok sa bagay na iyon. Kita kong may mga tao sa loob.

'Binihag n'ya ang mga tao!'

Hinila ko ang pisi at pakakawalan na sana ang palaso nang sumigaw ang lalaking nasa harap.

"Hoy Miss! Umalis ka nga d'yan! Istorbo ka!"

'Ililigtas ko sila! Humihingi sila ng tulong sa akin!'

"H'wag kayong mag-alala mga tao. Sasagipin ko kayo!" Sigaw ko.

"Hoy! Ano ba, male-late ako sa trabaho!"

Nang muling umalingawngaw ang tunog na iyon ay pinakawalan ko na ang palaso na s'yang tumama sa salamin! Kita ko ang pagbasag ng salamin na iyon kaya napangiti ako.

'Talo ko agad ang kalaban'

"Aba'y g*go ka ah! Tang*na ka, sinira mo pa ang salamin ko!" Base sa reaksyon ng lalaking nagsalita kanina na nasa loob ay galit ito. Bakit s'ya nagagalit eh iniligtas ko ang kan'yang buhay? Hindi ba't dapat lang n'ya kong pasalamatan?

'Ganito ba ang mundo ng mga tao? Ganito sila magpasalamat?'

Nanlaki ang aking mata at namilog ang aking bibig dahil pagtapos ng ingay na iyon ay mabilis na lumapit ang bagay na iyon sa akin. Gumalaw ito at mabilis na pumunta sa'kin dahilan para kumuha ulit ako ng palaso ngunit huli na ang lahat dahil hindi ko pa naiaayos ang palaso sa pisi ay nakarating na ang bagay sa akin. Napapikit ako nang mariin ngunit sa hindi inaasahan ay may naramdaman akong yumakap sa akin kasabay no'n ay ang paggulong ng aming katawan sa lupa. Masakit ang maliliit na batong tumatama sa aking balat ngunit protektado ang aking ulo dahil sa kamay na nakaalalay dito. Para itong proteksyon para hindi tumama ang aking ulo sa sementado at malubak na sahig.

Paniguradong pagagalitan ako ni Ate oras na magkaroon ng sugat ang aking katawan at magagalit si Ama kung bakit ako napunta dito. 

Huminto ang aming paggulong at nasa ibabaw ako ng taong nagligtas sa akin. Nakahiga ang aking ulo sa dibdib nito. Ang kan'yang kamay ay nasa likod ng aking ulo habang ang isa ay nakapalibot sa aking bewang. Ibinangon ko ang aking ulo kahit na may indang sakit sa ilang balat ko. Tiningnan ko ang may mabuting puso na nagligtas sa akin.

"I-Ikaw?" Gulat kong sabi. Tiningnan ako nito nang magkasalubong ang kilay ngunit ngumisi ito at saka inihiga ang ulo sa lupa. "G-Ginoo?" Natatakot kong tawag rito nang ipikit nito ang kan'yang mata. Bumangon ako't umupo sa tabi n'ya. Bahagya kong tinapik ang kan'yang pisngi upang magkamalay s'ya.

"P-Patay ka na ba?" Tanong ko rito. Sa hindi inaasahan ay dumilat ito at tiningnan ako nang matalim. 

"Moron!" Sigaw nito sa'kin at saka tumayo. Tumingala ako sa lalaking ito. S'ya yung lalaking nagpaalis sa mga tutulong dapat sa akin at s'ya ring umiwan sa lugar na kakaiba. Ano't narito s'ya sa harap ko at iniligtas n'ya pa ako?

Yvo Artemis POV

Hindi ko alam kung anong naisip ko't bumalik ako sa kumpanya. I just found out riding my car and driving it unto my company. The woman's image always passed at my mind without any reason. When I got at company, I saw her holding a bow and arrow and f*ckingly pointing it to a f*cking jeep. So moron! And with that, jeepney driver get mad at her and about to ambush her but I saved this idiot lady. Tuloy ang dami kong sugat at ang sakit ng katawan ko.

"Moron!" I shout at her and stand. I look at her who's heading up. I smirked and offer my hand. She accepted it.

"Salamat Ginoo" mahinhing nitong sabi. Umiling-iling ako saka tiningnan ang kan'yang mukha. Probinsyana kaya siguro tanga.

"May kilala ka ba dito?"

"Wala"

"Sa'n ka tutuloy?"

"May pumuntang Ginoo kanina sa lugar kung saan mo ko iniwan at sinabi n'ya sa... gards hol daw ako tutuloy"

"Guards hall 'yon. Tss" hinawakan ko ang kan'yang braso at hinila.

"Ginoo, saan mo ko dadalhin?"

"I'll adopt you" I simply said while still walking. I want to face the jeepney driver but he's gone. 

'Buti namukhaan kita. Yari ka sa'kin 'pag nakita kita dito' 

We walk towards my car ang open the door for her. I look at the girl who's curiousingly looking inside the car.

"What are you looking at?" I asked her

"Huwag mo kong pagsalitaan ng masama" sabi nito nang masama ang tingin. Napangisi ako.

"Hindi kita pinagsasalitaan ng masama. Gagawan lang kita ng masama"

"Ano ang iyong ibig sabihin? Gusto mo bang maramdaman ang talim ng aking palaso ginoo?" Napailing nalang ako. Napakawirdo ng taong ito.

"Tss. Pumasok ka nalang" I madly said. Ngumuso ito at tumingin muli sa loob ng sasakyan. Papasok na sana s'ya nang mauntog ang tanga.

"Aray ko! Ikaw na masamang nilalang! Wala kang karapatan para ako'y saktan!"

"Ano ka ba? Katangahan mo 'yan. H'wag mong sisihin 'yan dahil ikaw 'tong tanga na di nagdadahan-dahan" iritado kong sabi dahil pinapalo n'ya ang ibubong sasakyan ko matapos mauntog. Hinilot ko ang aking sentido dahil bigla itong sumakit.

'Ang tanga tanga tangaaa!'

Tumingin ito sa'kin nang inosente.

"Pasens'ya na Ginoo, talagang hindi ako sanay sa mundo ng mga tao" 

"Okay lang. Just go inside and behave"

"Ako'y humingi ng paumanhin ngunit pinagsasalitaan mo pa ko ng masama?"

"Ano ba?! Pumasok ka na sa loob. Masakit na katawan ko dahil sa'yo" huminga ito nang malalim saka yumuko at pumasok sa loob. Nang makita kong kumportable na s'ya sa pagkakaupo at lilinga-linga na sa kotse ay yumuko ako at iniharang ang aking braso kaya gulat itong napatingin sa'kin habang ako naman ay nakangisi. 

"A-Ano ang iyong ginagawa?"

"Wala pa. Atat ka naman ata?" nakangisi kong saad saka kinuha ang seatbelt at ikinabit sa katawan niya. Matapos no'n ay tiningnan ko s'ya na namumula na ang mukha. Ngumisi ako saka umayos ng tayo. Patakbo akong pumunta at umupo sa driver's seat. Tiningnan ko s'ya.

"Kay ganda at lamig dito hindi katulad kanina sa labas" nakangiti n'yang sabi.

"Wala ba nito sa inyo?" Tanong ko saka pinaandar ang kotse. 

"Karaniwan ay karwahe at kariton ang gamit sa aming mundo" tumingin ako sa kan'ya sa side mirror saka binalik ang atensyon sa pagmamaneho.

"Saan bang mundo ang tinutukoy mo? At anong klaseng nilalang ka ba? Para kang timang na kung ano-anong sinasabi" rinig ko ang malalim niyang paghinga. 

"May dahilan kung bakit ako narito sa mundo n'yo" tanging sabi n'ya. I looked at her using the side mirror. She is looking outside while caressing her necklace's pendant. I sighed.

'She's really insane'

I decided to shut my mouth until we reach my house. I went outside and open the door. Lumapit akong muli sa kan'ya ang I unlocked her seatbelt. She went outside too and rotate her head all over my place.

"Kay ganda! Sariwa ang hangin at maraming mga damo!" She happily said. I shook my head with a smirked in my face. 

"Let's go" I said and walk first. I opened the gate and let her come first. She's still visiting every detail of my house using her eyes that roaming my place. 

"Katulad ng mga maharlika sa amin ngunit mas moderno ang pagkakagawa nito. Magaling sa estruktura ang gumawa" I didn't talk until we went to the door. I opened it using my key and enter first. I open the lights and sit on the couch. I analyze the girl who's still unbelievably looking at my mansion.

'Pathetic'

"Teknolohiya. Kay ganda!" Patuloy n'yang papuri.

"You can do whatever you want moron" I said and rested my nape on the backrest of couch. I closed my eyes and I found myself travelling my mind to Hariette. Our bonding together. I sighed heavily because of that. 

'Kung kailan okay na 'ko, saka ka magpapakita? Ginugulo mo ang utak ko'

She is there when I need someone to talk to. She is there in my up's and down and she is there in my darkness. Tinulungan ko s'yang mapunta sa job na gusto n'ya. Ako ang dahilan kung bakit s'ya napunta ro'n and with that, she changed. I don't know what I am going to do the time when she left me and with this moment where she came back, I don't know what will I do basta ang alam ko, galit ako sa kan'ya. 

Idinilat ko ang aking mata dahil tahimik ang lugar.

'Nasaan na 'yon?'

I sighed heavily because of stupidity I did? Bakit ko sinabing aampunin ko ang baliw na 'yon? Sakit lang naman sa ulo. Hindi ko alam kung inosente ba s'ya o tanga? O baka baliw? Ang gulo n'ya sobra. Simpleng bagay, tuwang-tuwa. 

I decided to stand and find where she is now. 

"Moron!" I shouted all over the mansion but no one responded. "Moron, where are you?" I shouted again while walking towards the CR. I knocked but no one answered. Nangunot ang aking noo. Umalis ba s'ya? Ba't di man lang s'ya nagpaalam? 

I caress my tummy when it sounded. Nagugutom na 'ko tsk. Pumunta ako sa kusina pero napahinto ako dahil nakabukas ang ref. I open the switch. Nakabukas nga ang ref. Pumunta ako at isasara na dapat nang may sumigaw.

"Aray!" Napatingin ako sa taong kinuha ko. Nakaharap s'ya sa ref habang nakaupo at hawak ang chocolate ice cream ko. Ang hintuturo n'ya ay nasa bibig habang hawak n'ya ang isang cup ng ice cream ko. "Magandang gabi, Ginoo" nakangiting bati nito saka itinuon ang paningin sa hawak na ice cream. Muli s'yang kumain gamit ang hintuturo. "Kay sarap nitong pagkain at ang lamig sa harap ng teknolohiyang ito" nakangiting sabi nito. Tuwang-tuwa.

Napahinga nalang ako nang malalim at humawak sa sentido ko. She is a head ache. Tumalikod ako at naglakad palabas ng kusina. Dumiretso ako ng kwarto at naligo para man lang mawala ang sakit at init ng ulo ko.

Napangisi ako habang naliligo.

'Masyadong inosente. Tuwang-tuwa sa maliit na bagay'

Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
naku styrra napaka inosente mo sa lahat ng bagay
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status