Kabanata 1
FABIO put down his daughter. Tila bomba na lumalagitik ang oras para sa kanya. Para siyang hinahabol kahit na wala naman sa kanyang humahabol. Naroon na nga na halos makabangga na siya ng sasakyan sa daan dahil sa pagmamadali. He was running away from those people he didn't know. Parang may multo na nakasunod sa kanilang mag-ama kahit na saan man sila pumunta. Syempre ay sa isip lang naman niya iyon. Alerto ang lahat ng kanyang bodyguards para protektahan ang kanyang prinsesa anumang oras. Agad na tumakbo ang bata sa yaya nito at yumakap, tuwang-tuwa na para bang hindi nagkita ng isang taon ang dalawa, habang siya ay balisa pa rin ang isip. Nakangiti si Shawy kay Sofia nang salubungin iyon at kargahin. "Ang alaga kong beauty queenay!" Nakatitig siya sa anak na walang muwang at nananatiling masaya sa kabila ng kinakaharap nilang problema, habang siya ay parang mamamatay na sa pag-aalala. Kadarating lang nila sa Daraga. They traveled via land. Takot kasi si Sofia na sumakay sa eroplano. And since he wasn't in the mood to fly their private plane, ayaw ni Sofia na iba ang magpi-piloto. Sumasakay lang ang anak niya kapag siya ang nagpapalipad ng eroplano. Si Shawy ay nauna na sa kanila dahil nag-asikaso ito ng bahay bakasyunan nila. Isa ang lugar na ito na hindi alam ng karamihan na may bahay siya. Tago ang property niyang ito. Mayroon din sila sa ibang probinsya pero dito talaga niya sinadya na pumunta na sa Albay dahil narito ang pinagkakakitiwalaan niyang pulis, na napakatagal na panahon na niyang hindi nakikita. Gayunpaman, ang tiwala niya ay hindi nabali dahil alam niyang matuwid na mga pulis ang lahi ng kakilala niya. Hindi lang niya basta kilala. Wala na siyang option. Kailangan niya ang tulong ng Major na kakilala niya rito. Alam niyang dito matatagpuan ang lalaki. This was that man's hometown. And he was also the reason why Fabio chose to buy a land and put up a vacation house here in Daraga. Walang mas safe na lugar para sa kanya, other than this place. "Shawy," tawag ni Fabio sa yaya ni Sofia para maagaw ang atensyon ng babae. "Po, Sir?" Agad nitong sagot saka tumingin sa kanya habang yakap si Sofia. Iilan lang ang taong pinagkakatiwalaan niya ngayon, at isa si Shawy doon. Kahit na ang pagdagdag ng bodyguard ay parang nagkakaroon na siya ng phobia at wala siyang mapagkatiwalaan kahit na manggaling sa agency man. For him, ang tao ay may katapat na pera, at baka isa sa mga bagong iha-hire niya ay ibenta silang mag-ama. And his best option for now is to keep his child away from the crowd until he finds someone who will eventually look after his only child, the last remaining memory from his first love, Celina. Dala pa rin ng binatang ama ang trauma sa puso niya, at hindi siya papayag na may mangyayaring masama sa anak niya, na mauulit pa ang kahapon, na isang masamang bangungot sa buhay niya. "May pupuntahan lang ako." Napaawang ang labi ni Shawy, "Agad po, Sir? Kadarating niyo pa lang po. Sure po kayo na hindi na muna kayo magpapahinga?" "Oo nga naman, Fabio," sang- ayon naman ng isa pa niyang kasambahay na si Lerma. Galing ang matanda sa may master's bedroom at lumapit sa kanila, "Huwag mong pabayaan na lamunin ka ng takot, anak. Ikaw ang may sabi na safe rito si Sofia. Magpahinga ka na muna dahil kapag ikaw ang nagkasakit, paano na itong bata?" "Ayokong magsayang ng oras, Yaya Lerma. Every second counts," he said. "Nakuha ko na sa directory ng telephone number ng ahensya na sinasabi mo. Pwede mong tawagan kaysa naman umalis ka pa e ang haba na ng ipinagmaneho mo. Matulog ka muna. Kitang-kita na ang puyat sa mga mata mo, iho." Lerma serves as his mother here. Dahil nasa America ang kanyang ina at may asawa ng iba, dahil balo na iyon, si Lerma na ang tumayo na parang ina niya rito sa Pilipinas. His mother already had her own family in the U.S. May mga apo na rin iyon doon at kung umuwi ay minsan lang sa dalawang taon. Napatingin siyang muli kay Sofia. She was looking at her favorite doll in her hands, na galing din sa kanya. Fabio is a good lawyer, at wala siyang kaso na hinawakan na nagpakaba sa kanya, pero ang sitwasyon ngayon sa seguridad ng kanyang kaisa-isang anak ay sumisira sa kanyang buong sistema. He needs to find a bodyguard as long as those cluprits remain unidentified. At sa sitwasyon nila ngayon, iisa lang talaga ang pumapasok sa isip niyang makapagbibigay sa kanya ng kapanatagan. Si Greyson Alcantara, ang matinik na Major na kanyang kilala. Sa huling balita niya, mayroon iyong agency dito sa Daraga, kung saan may mga hawak iyon na tao na pwedeng kunin na bodyguard pansamantala. Sana ay masolusyunan ang kanyang problema. "Sofie, baby, Daddy's tired. Pwede ba tayong matulog, anak?" Tanong niya sa anak matapos na bumuntong-hininga. Sofia smiled at him and nodded, "Of course, Daddy. I also puked so many times. Now, I think I love it better to travel using your plane," reklamo ng bata kaya kahit paano ay natawa siya. Tumakbo sa kanya si Sofia at saka nagpakarga pero naramdaman niya ang vibration ng kanyang smartphone na nasa loob ng kanyang bulsa. Si Inez. Nakalimutan na niyang i-update ang kanyang girlfriend. NATANAW ni Ziana ang mataas na gate papasok ng villa, sa itaas ay mayroong nakasulat na Villa Alcantara. Hindi kaya ni Ziana ang straight na pagmamaneho ng halos sampung oras kaya dumiretso siya sa isang hotel, bago tuluyan na umuwi sa Daraga. At hindi ganoon kaganda ang panahon pagpasok niya sa Bicol. It was raining. Sabi naman talaga sa forecast ay magiging maulan ang araw na ito dahil sa Shearline, kaya lang ay hindi naman siya pwedeng umatras. And now, she's finally home. What a feeling? Ziana couldn't explain what she felt the moment the entered Legazpi. May bigat sa kanyang dibdib ngayon na talagang narito na siya, at the same time ay may kasiyahan siyang nadarama, lalo na nang bumusina siya, at kaagad na may lumabas na tauhan para siya ay ipagbukas ng gate. Nariyan na rin kaagad ang kanyang Uncle Albert, na lumabas naman mula sa isang antigong main door, papunta sa veranda. Nakangisi ang matanda, hawak ang isang baston, and she was looking at the man who She smiled upon seeing the old man who stood like her very own father for so many years. Muli siyang bumusina, at lalong ngumisi ang lalaki nang walang kasing lapad. Pagkabukas ng tauhan ng gate ay ipinasok niya kaagad ang sasakyan, diretso sa kanilang garahe. Nothing beats the feeling of being home, dangan lang na may mga masasama siyang alaala sa lugar na ito, tulad nga ng sabi niya. Pagkababa niya ay alerto ang kasambahay na kinuha ang kanyang bagahe. Si Mameng na mula pa lamang sa kanyang pagkabata ay nariyan na sa kanila ay nakangiti siyang pinuntahan sa garahe. "Nanay Mameng," magiliw na bati ni Ziana sa matanda at saka iyon niyakap. "Ziana, napakagandang bata. Napakatagal na panahon na hindi ka umuwi rito, ineng," anito sa kanya, na kitang-kita ang kasiyahan sa mukha. "Marami pong trabaho, Nay. Nandito naman po ako ngayon at magtatagal ako kahit na paano," nakangiti naman niyang sagot, "'wag na po kayong malungkot. Hindi na masama ang isang buwan." Ngumiti si Mameng. Alam ni Ziana na talagang nasasabik sa kanya ang may edad na kasambahay. Mula nang magkaisip siya ay naroon na ito sa kanila. Bata pa ito nang mga panahon na iyon, at bente tres na taon na ang lumipas. Noong nakaraan ay nagdiwang ito ng ika-sixty na birthday, at nagpadala nga siya ng regalo kahit na hindi siya nakauwi. Si Mameng ay hindi lang basta simpleng kasambahay dahil pamilya na ang turing nila rito, at sa iba pa nilang mga kasambahay at trabahante sa villa. Magkasama silang pumasok sa kabahayan, mula sa garahe. Ziana really missed the old ancestral house. Yari iyon sa kahoy, at ang mga bagay na makikita roon ay mga de kalidad na antigo, magmula sa mga kandelabra na naka-display na lang sa mga aparador, mga lumang kaldero, piano at kung anu-ano pa. Natanaw niya ang bulto ng tiyuhin na nasa veranda pa rin nakatayo, parang hinihintay siya na doon dadaan sa main door. "Uncle!" Tawag ni Ziana sa matandang lalaki na kaagad naman na pumihit. "I am here!" Aniya na inilahad ang mga braso. Lalong naging maliwanag ang mga mata ni Albert nang siya ay makita. Naglakad din ito papasok sa salas kung saan siya naroon. Maluha-luha ito na yumakap sa kanya, na para bang miss na miss siya na sobra. "Ay sus," sabi niya nang tapikin ang likod ng kanyang tiyuhin, "Iiyak pa e nandito na nga ako," aniyang parang maluha-luha rin naman sa loob niya. Miss na miss din niya si Albert. Parati naman itong tumatawag sa kanya at nagvi-video call sila pero iba pa rin talaga ang personal na nagkikita silang dalawa. And just so bacause this old man never let her down, mahal na mahal niya ito kaya pinagbubuti niya at pinakaiingatan ang apelyido nila. "I just miss my baby," ani naman nito na bagaman at may himig ng pagbibiro, Albert really meant it. She was really his baby ever since she had lost her dear parents. "I miss you, too, Uncle Al. Don't worry. Marami tayong panahon ngayon at mamamasyal tayo parati." Tumikal na si Ziana sa Uncle niya at mataman itong tiningnan at ngintian. Tumango rin si Albert. Bakasyon din naman talaga ang kauuwian ng leave niya kaya susulitin na rin niya na kasama ito. "I am looking forward to that, darling," anito naman sa kanya pero pinutol ang pagmo-moment nila ng tumutunog nitong cellphone sa phone holder ng suot nitong belt. Talagang pulis na pulis pa rin ang datingan ng kanyang tiyuhin. His hair was neatly cut. Naka-tuck in pa rin ito kahit na nasa bahay lang, at may suot na medyas kahit na naka-tsinelas. "And the interruption is on the way!" Pabirong palatak ng dalaga kaya natawa si Albert, "Baka chicks 'yan, Uncle." "Oh, damn no, baby. Excuse Uncle for a while." Tumango siya at nakamasid habang kinukuha na ng lalaki ang cellphone nito. She smiled. Ang gamit pa rin nito ay ang lumang iPhone na bigay niya noong una niyang sahod sa labas ng training. "Hmn, secretary ko sa agency ang tumatawag." "You mean the Eagle Squad Agency?" She asked. ESA is the agency her father put up. Mga magkakapatid ang mga magkakakasosyo roon, pero ngayon ay tanging si Albert na lang ang namamahala, lalo pa at wala naman na ang ama niya. That agency holds numerous men ready to be hired as bodyguards of some politicians. mga part-time iyon at hindi full time. Pwedeng maging driver-bodyguard din dahil karamihan sa mga naroon ay mga umalis na lalaki sa pagkapulis at militar. "Yes. Perhaps there's a client. I'll take this, okay?" "Okay," kibit-balikat niya habang nakatingin dito nang ilapit nito ang aparato sa tainga. Saglit siyang tumalikod at inilibot na lang ang mga mata sa kabuuan ng sala. Wala naman halos nabago sa bahay. Nananatili pa rin iyon na maganda at antigo. And she smiled when some memories from her childhood came back.Kabanata 82 SA pinakamamahal kong bunso, na hindi ko man lang nagawang hawakan dahil sa dumi ng kamay ko at pagkatao. Patawarin mo si nanay kung ganito ang buhay na pinili ko. Sa araw na mabasa mo ang sulat na ito, wala na ako, matagal na. Nagmahal ako ng maling tao at ang tatay mo ang taong matuwid na hindi ko pinili. Ayaw kong makilala mo pa sila kahit kailan dahil gusto ko na masiguro na hindi mo ako magiging katulad. Walang pinag-aralan si nanay. Mahirap pa sa daga si nanay. Nangarap ako na makaahon at akala ko ay ang tatay ng ate mo ang sagot sa mga dasal ko, pero demonyo pala siya at ginawa niya rin akong demonyo. Nang makulong ako, walang ibang dumamay sa akin kung hindi ang tatay mo, pero kahit mabuti siya, ayaw kong makilala mo pa siya dahil sa mga taong nakapalibot sa kanya. Lalaki kang mabait at mabuting tao dahil mabubuting tao ang magpapalaki sa iyo. Ayaw ko na magkaroon ka pa ng kahit na anong kaugnayan sa sinuman sa mga tao sa pangit kong mundo. Nagpapalit si Nanay ng
Kabanata 81.1 NAKANGITI na humarap si Dr. Venida kay Ziana matapos na tingnan ang vitals ng kanyang ama. It's been three days since the operation.Ngayon pa lang tinanggal ang oxygen ni Silas. Sa tatlong araw ay hindi nawawala ang presensya ni Fabio sa tabi niya, umalis lang iyon kahapon dahil may hearing, pero bumalik din pagkatapos. Her Uncle Albert decided to come to Manila, pero wala pa ang matanda. Mamayang gabi pa raw iyon bibyahe sakay ng eroplano. "You can now talk to him, Ziana," ani ng doktor sa kanya. "Thanks, Doc." Nakangiti niyang sagot. Lumabas naman iyon kasama ang nag-a-assist na nurse. Tumingin siya sa ama niya na nakatingin sa kanya. Her smile was very faint, then she walked towards him. "Daddy," mahina niyang sabi rito. "I thought I'd never hear you say that again. Akala ko ay katapusan ko na." Umiling ang dalaga, "That bullet was supposed to be mine, pero dalawa kayo ni Fabio na sumalo." Kumurap siya para pigilin ang kanyang luha. Naupo siya sa may tabi n
Kabanata 81 ZIANA folded the paper and let her tears run down on her face. She found this letter after William opened her father's bag. Iniabot sa kanya ng kaibigan ang sulat na mukhang isinulat ng kanyang ama bago pa mangyari ang lahat ng ito. And now, reading it makes her so teary. She had good biological parents. Her father stood as a syndicate's boss to prevent any operations in the black market. Ang inakala ng lahat ay hinahasa nito si Inez para sa pagiging tagapagmana sa trono pero palabas lang iyon. Kaya lang, napaglinlangan din si Silas. Walang kaalam-alam ang kanyang ama na fully operational pa rin ang sindikato sa katauhan ng bedridden na kakambal nito. At si Inez ang gumagawa ng lahat ng kilos, ang pagkuha sa mga pasyente na mamamatayin pa lang at pagtanggal ng mga organs para ibenta sa mga mayayamang nangangailangan ng transplant... DALAWANG malalakas na putok ang umalingawngaw sa loob ng basement ng ng building. This was the same basement where Ziana saw a man who
Kabanata 80 “IANAH!” Malakas na sambit ni Fabio sa pangalan ni Ziana nang siya ay nanghihina na dumausdos pababa ng katawan ng binata. Napaiyak siya nang malakas at umiling habang hawak nang mahigpit ang kanyang smartphone. Hindi pala talaga siya matatag. Hindi pala talaga siya matapang, at hindi niya kaya na mag-isa sa lahat ng pagkakataon. Mayabang siya na isipin kaya niyang magsarili. Ngayon, totoo pala talaga ang kasabihan na, no man is an island. Time will come, mangangailangan siya ng karamay sa buhay kapag wala na siyang lakas na harapin ang lahat ng dagok sa buhay niya. “What is happening? Sumagot ka. Don’t just cry like this.” Ani Fabio sa kanya. “I can’t help it,” umiiyak na sagot niya habang halos maupo na siya sa sahig. Nag-iisip siya kung ano ang kanyang gagawin. Buhay ni Sofia at buhay ng tatay niya ang nakataya. Dapat lang ay mamili siya. Sabi, siya ay matuwid at mabuting tao. Bakit ngayon ay nasusubok ang kabutihan na iyon? Alin ang pipiliin niya? Paggawa ng mabu
Kabanata 79 BAGSAK ang mga balikat ni Ziana na humakbang papasok sa bakuran ng bahay ni Fabio. Ang mga mata niya ay hindi maalisan ng mga luha. Tumuloy siya sa may main door at kumatok doon. Hindi mawala sa isip niya ang ama. Ligtas na naman iyon pero hindi pa rin makausap kahit na nagmulat ng mga mata. Bago siya umalis, nakapagsalita naman si Silas kahit may tubo sa bibig. It was barely a whisper. He said, "Mabuti kang anak." That made her cry. It meant everything. Tapos ay wala na iyong sinabi. Siya ay nagmamadali na masagot ang mga tanong niya bago ang warrant. Hindi siya natatakot sa warrant. Kaya niyang linisin ang kanyang pangalan. Ang inaalala niya ay ang mga sinasabi ng tauhan ng ama niya, na may kakambal si Silas. Iyon ang nakita niya sa basement at hindi ang Daddy niya. Pero sinasabi ng mga tauhan na ang ama talaga ni Inez ay ang Daddy din niya. Nalilito siya. Sa ospital ni Colonel Prado niya ipinadala ang ama niya. Hindi iyon ganoon kasikat na ospital sa Maynila pe
Kabanata 78 HINDI mapanatag ang kalooban ni Ziana habang naghihintay siya ng tawag ng kanyang ama. Nasa condo siya at naghihintay. Ang sabi no'n ay tatawagan siya sa oras na makauwi iyon. Hindi pa ba iyon nakakauwi? Pumangalumbaba siya at sinalat ang labi. Naalala niya si Fabio kaya mabigat ang kalooban na bumuntong-hininga siya. Hindi na sila nakapag-usap. Lahat ay parang hindi na nila napag-usapan. And she received a confirmation text from her cousin that he really left. Totoo siguro na pinaalis iyon ni Fabio nang malaman na anak siya ni Francesca. Ang hindi niya alam ay kung alam ng binata na magkapatid sila ni Inez, pero magkaiba ang mga ama. She picked up her phone and called her Uncle Albert. This is the first time after she arrived in Manila. Talagang iniwasan niya na tawagan ang matanda dahil sa inaasikaso niya. At ayaw kasi niyang magtanong. But now that she has no one to talk to, she needs to call him. She badly needs to. Dalawang ring bago sumagot si Albert sa kanya.